webnovel

Dangerously In Love

Nagbalik si Derek sa Pilipinas dala ang isang malaking pasanin sa dibdib... GUILT. Six years ago malaking pagkakamali ang nagawa niya na naging dahilan ng pagkakaulila ng isang anak sa kanyang ama. He wanted to make amends by helping Patricia ang naulilang anak ni Agent Romero. But his task wasnt easy because TRIXIE is a certified pasaway. Isang rebeldeng galit sa mundo. Pero dati rin naman siyang pasaway and hes confident na mapapaamo niya ito. Or so he thought.

amore_05 · 都市
分數不夠
5 Chs

Derek's Plan

"Bakit ano ang kailangan mo?" Matabang na tanong ni Trixie sa lalaking naka black jacket.

Kanina pa mainit ang ulo niya at hindi niya gusto ang mga taong nang-iistorbo. She didnt try to hide her obvious annoyance dahil sa pagtawag nito sa kanya.

"Galing sayo to diba?" tanong nito.

Ipinakita nito ang lata na ubod ng lakas niyang sinipa just a minute ago. May tumutulo pang sauce sa lata ng sardinas.

"H-hindi yan galing sa akin nasa kalye na yan nung makita ko." pagdedeny niya agad.

Medyo kinabahan siya. Malaki kasi ang binabayarang multa kapag napagbibintangang naglittering. Pero hindi naman mukhang MMDA o tanod ang lalaki. Masyado itong guwapo at maporma para manghuli lang ng mga nagkakalat sa kalye.

Kahit parang kumain ng alikabok ang suot nitong jacket ay halatang mamahalin ang suot nito. Pero puwede din namang galing sa ukay yon.

Ang hindi ukay ay ang kaguwapuhan nito. Maputi at mamula-mula ang balat, medyo may kakapalan din ang kilay nito na magkasalubong na habang nakatingin sa kanya. Matangos din ang ilong nito. Mukhang hindi ito madalas nabababad sa ilalim ng araw kaya sigurado siyang hindi ito tanod o MMDA. Pero mukhang galit ito sa kanya dahil sa lata.

"Alam mo bang tumama sa helmet ko ang lata na ito kaya sumadsad ang motor ko at nagkadamage." medyo nakakunot ang noong inform nito sa kanya.

"H-ha W-wala akong kinalaman sa lata na yan." Pagsisinungaling pa rin niya dito. Pero alam niyang halatado na siya.

"The old lady over there pointed at you. Nakita ka niya so please stop lying."

"Sabi ko na ngang wala akong alam. Huwag ma akong istorbohin." Nagkunwari na siyang galit. Nagtangka na rin siyang magwalk-out. Pero pinigilan siya nito.

Hinawakan nito ang braso niya. "Hey not so fast lady. Hindi ka man lang ba magsosorry?" napapantastikuhang tanong nito.

"Hindi ako magsosorry dahil wala akong kasalanan. Bitawan mo nga ako." Pagmamatigas niya.

Parang gusto na siyang batukan nito sa inis. Hindi talaga siya aamin kahit makita pa ang footprint niya sa lata.

"Then pay up. Pagkatapos noon I'll call it quits." Sabi na lang nito.

"Mangarap ka mister. Now let go of me." Pagmamatigas niya.

"What if i dont want to?" hamon nito.

Tiningnan niya ito ng masama at pagkatapos ay biglang isang ideya ang naisip niya. Bigla siyang nagsisisigaw "Saklolo!! Saklolo!!" sinamahan pa niya oyon ng konting drama para magmukha talaga siyang biktima.

Nabigla ito sa ginawa niya kaya nabitiwan siya nito. Napansin naman niya ang pagkalito nito kaya pinalo niya ito ng bag at pagkatapos ay tumakbo siya ng pagkabilis-bilis hanggang sa mawala siya sa paningin nito.

"Hoy!!" Hahabulin sana uli ito ni Derek pero dahil masakit pa ang katawan niya at ulo hindi na niya ito naabutan. Napilitan na lang siyang bumalik sa motor niya. Kinakapa ang napalong ulo. Nagsisising hinubad pa niya ang helmet.

"Lagot sa akin yung babaeng iyon pag nakita ko uli siya. Ang malas ko talaga" Kinapa niya uli ang ulo na tinamaan ng bag. Nabukulan pa siya nito. "May laman yatang bato ang bag ng babaeng yon." Pero kahit may bukol na siya at masakit ang katawan he still decided na puntahan ang pinsan.

Importante ang dahilan ng pagdalaw niya hindi na siya puwedeng magsayang pa ng oras. Kahit break time nasa opisina pa rin ang pinsang si Jon at natatrabaho. Workaholic na talaga ito noon pa man pero kahit pasaway siya at seryoso ito magkasundo silang dalawa dahil siguro sabay silang lumaki.

"Anong nangyari sayo? Para kang sumugod sa sandstorm at bukol ba yang nakikita ko sa ulo mo? Tanong nito pagkapasok pa lang niya.

"Yeah, some crazy girl hit me with her bag. Pagkatapos niya akong muntikang patayin." kuwento niya rito.

Natawa ito. "Ex girlfriend mo ba yon?" tanong pa nito.

"I don't even know her." Sagot niya dito sabay upo.

"Karma hitting you on the face? Baka representasyon yan ng mga babaeng pinaiyak mo noon." Seryosong biro nito.

"I committed tons of mistakes pero wala akong naagrabyadong babae. That girl is bad news. But let's just forget about her. Nakuha mo na ba yung info na hinihingi ko?"

"Yup I got the information you want. Patricia Romero 19 years old. 2nd year irregular college student. sabay bigay nito sa kanya ng printed records nito.

Medyo nagtaka siya doon. He's expecting na graduating student na si Patricia. "Anong nangyari? Huminto ba siya?"

"Well hindi but she changed course three times and she failed almost all her major subjects. Ngayon she's taking communication arts. Pero sa tinatakbo ng mga bagay-bagay I think she's doomed to fail again. Nangangalahati pa lang ang sem at may dalawang absent na siya sa Algebra na dalawang beses na rin niyang binagsak." Kuwento nito.

Inabot pa nito sa kanya ang ilan pang files ng nasabing estudyante. Tiningnan niya muna ang transcript nito. Umuulan nga yon ng pasang awa at bagsak. May incomplete pa itong subject and then he looked at her picture na medyo may kalabuan.

Mahaba ang buhok nito sa larawan, ilang taon na rin yata ang nakakaraan ng huling kinunan.

"Dapat talaga matagal na siyang wala sa scholarship program pero dahil nga sayo binigyan namin siya ng sobrang konsiderasyon." Pagpapatuloy nito.

"Salamat pinsan." Tiningnan niya uli ang picture nito. "Wait Meron ka bang mas recent na photo niya. Yung malinaw." Hinarap nito sa kanya ang monitor. At napasimangot siya sa nakita.

"Bakit? May problema ba?" tanong nito.

"Yan yung babaeng nagbigay sa akin ng bukol kanina lang." hindi niya makapaniwalng turan. Ang layo na ng itsura nito sa iniisip niya.

"Nice. Atleast nagkakilala na kayo sa wakas."

"And she's anything but nice. Tinakasan lang niya ako."

"Hindi lang ikaw ang tinakasan niya. She's supposed to be in class. But luckily for her, absent ang professor nila. And I need to find a substitute."

Matagal na ba siyang ganito? Tanong niya sa pinsan. "Her father told me na napakatalino niya at sobrang bait. Infact first honor siya dati sa klase niya." nakatingin pa rin siya sa larawan nito.

She looks innocent sa picture. Pero yung nakita niya kanina hindi nga niya naisip na estudyante ito. She's wearing skinny jeans, black boots at white sando na pinatungan lang nito ng knitted blouse na butas-butas. Maiksi rin ang buhok nito at puro butas ang tenga. She's also wearing tons of make-up. Pulang-pula nga ang labi nito kanina. Kung makakasalubong niya ito ng gabi mapagkakamalan niya itong nagbebenta ng aliw. Malayong-malayo sa picture nito na nakita niya dati.

"Well lahat ng bagay at tao nagbabago. She chose her own path. Wala ka ng magagawa pa doon. Hindi mo na siya obligasyon. She's old enough."

"But I promised her dad."

"So ano ang gusto mong gawin? I mean you're already shouldering her education. Nagbigay ka rin ng pera sa pamilya niya bago ka umalis papuntang Amerika. Wala ka nang obligasyon sa kanya."

"This isn't just about money Insan. Malaki ang kasalanan ko sa pamilya niya."

"Then what do you want to do?" seryosong tanong nito.

"I don't know pero sinabi mong absent yung professor nila di ba? And you need a substitute?"

"Yeah."

"Then hindi mo na kailangang maghanap. Ako na ang papalit." Seryosong sabi niya dito.

"Sigurado ka ba sa gusto mo?" gulat na tanong nito.

"Estudyante siya dito so mas mababantayan ko siya kung nandito rin ako."

"Don't you think that's going too far? Medyo nag-aalalang tanong nito.

"Have you seen her? She's on her rebellious stage she needs guidance." dahilan niya dito.

"That's not your job. Trabaho yon ng magulang niya."

"Exactly at ako ang dahilan ng pagkamatay ng ama niya kay responsibilidad ko na tulungan siya." pamimilit niya dito.

"Fine since you're so determined at kailangan ko talaga ng subtitute professor I guess you're hired. Padala mo na lang mga credentials mo. Pero please dont cause any trouble." Babala nito.

"Don't worry I'm a changed man." paninigurado niya dito.

"I know pero don't underestimate ang katigasan ng ulo ng mga kabataan ngayon." Babala nito. "And you will need to start tomorrow. Kakayanin mo ba?" nagtatanong na hamon nito.

"I'll be here tomorrow. Sige may pupuntahan pa ako. " paalam niya dito.

"Saan ka na naman pupunta? Hindi ba dapat dumaan ka sa ospital at ipatingin mo ang bukol mo?"

"You worry too much. I'm fine, and I'm going to visit an old friend." Pagkatapos ay tumayo na siya para umalis.