webnovel

Chapter Twenty Two: Visitors

Mga dalawang linggo na ang nakalipas magmula nang mag propose sa akin si Gabriel nang umagang umaga. Napapansin ko rin parang kami lang dalawa ang tao sa mansion. Habang kumakain kami sa kusina ay nakarinig akong mumunting ingay na nagmumula sa sala. Hanggang sa naging kalabog na ito. Kaya pareho kaming napalingon doon.

"What's that? "Hindi niya pinansin ang sinabi ko. Kaya isinawalang bahala ko na lang.

"Kumain ka pa ng marami ha? "Wika nito habang patuloy sa pag sandok ng kanin. Pinabayaan ko na lang siya sa trip niya nang makarinig na naman kami ng kalabog na nagmumula sa sala.

"Gabriel, okay, ka lang? Namumutla ka! "Malakas kong sigaw dahil ang putla putla niya. Nagulat na lang ako bigla siyang tumayo at tatakbong nagsusuka sa basin.

"Are you okay? "Marahan kong hagod sa likuran niya bago ko siya inabutan ng maligamgam na tubig.

He nodded at me before accepting the glass of warm water in my hand.

"Hmm... Just tell me kung masama ang pakiramdam mo, "he smiled.

"Kuya Gab! "

"Gabriel bro! "

"Brad! "

"Pareng Gabriel! "

Napalingon naman kaming dalawa nang may nagsalita sa papasok sa kusina. Mga nagguguwapuhang lalaki ang pumasok.

"Get out! "Nagulat ako sa biglang sigaw ni Gabriel sa tingin ko ay mga kaibigan nila ni Mike.

"What? Kararating lang namin. "Nakangising sabi nito bago napunta sa akin ang tingin.

"Oh, narito pala ang anghel mo, kaya napaka sungit mo! "Bago lumapit sa akin at kinuha ang isa kong kamay bago hinalikan ito.

Napansin kong may pagka-amerikano ang dugong nananalaytay dito. Dagdag pa ang asul na mata nito, kaya napatitig ako.

Nang makita niya na nakatitig ako sa kanya ay mas napangisi ito. "Mas gwapo ba? "Kaya napaiwas ako ng tingin.

Gwapo ka nga, pero mas gusto pa rin ang mata ni Gabriel. Ayaw ko nang asul. "Para kang karagatan. "komento ko.

Kaya napatigil siya sa pagtawa kahit ang iba. "Tahimik pero malalim kaya nakakatakot. "Namilog ang mata nito sabay pumapalakpak.

"Idol na kita! I'm Poseidon. "Nginitian ko lang siya. Naramdaman kong lumapit sa akin si Gabriel bago maingat na hinapit ang bewang ko.

"Kaya kung hindi ka aalis sa harapan namin ay ipapatapon kita sa kaharian! "Naalibadbaran na sabi ni Gabriel. Napailing lang ito bago tinawanan ang katabi ko.

"By the way, I'm Russie. "Tumango lang ako, kasi sobrang lamig ng boses nito.

"Gusto mo ng kape? "Nakita kong natigilan ito, parang inaalam kung anong sinabi ko.

"Russie doesn't understand Tagalog. "Bulong ng katabi ko, kaya napatango ako.

"Russie, are you Russian? "Dahil tulad ng malamig niyang boses ang authority.

"Have we met before? "He curiously asked me while looking at me intently.

I shook my head at him. "I think we didn't... except you were the one who punched the table. "Saglit napaatras ito.

"I'm not him. "Deny na sabi nito, kaya tumango lang ako sa kanya.

"Okay, I will ask Liniea—"He cut my word.

"Yes, I am. Damn! "Kaya pinaalis ni Gabriel sa harapan namin. "Russie is the type of man who chooses to deny everything. "

Pagkatapos ay may lumapit sa amin na isang lalaking napaka inosente ng mukha. Parang may lahi siyang intsik dahilk kapayatan ito.

"Hello, I'm Zhi. "Pagpapakilala nito na parang nahihiya pa.

"I'm Freya. "Ako na ang kusang naglahad ng kamay sa kaniya. Nahihiya pa nitong tinanggap ang kamay bago tumingin kay Gabriel. Pagkatapos ay may pag-iingat na binitawan niya ang kamay ko. Nang silipin ko ang katabi ay nakangiti ito.

"May favoritism talaga yan si anghel! "Parang nagseselos ang paraan na pagkakasabi ni Asul.

"Nagpapa-cute ka kasi sa anghel niya kaya mainit ang ulo sayo. "Natatawang komento ni Mike nakatanggap ng mahinang sapak kay Asul.

Habang si Russie ay parang naguguluhan sa mga nangyayari. Makikita mo na puno ng question mark ang mukha niya.

"Relax ka lang pareng Russie, mabenta pa rin ang mga motor mo. "Tawang tawang sabi nito kaya kahit ako ay napatawa na rin.

"Hoy, intsik maupo ka na at ako nangangalay sayo baka matumba ka na lang bigla! "Baling naman nito kay Zhi kaya mahinhin itong umupo sa tabi ni Russie na gulong gulo sa nangyayari.

"Ang pangit mo talaga dagat! "Masungit na wika ng katabi ko bago iginiya ako sa pag-upo.

Nakita ko naman na nagsisandok na sila ng mga kani-kanilang pagkain. Habang ako naman ay bumalik na sa pagkain ko. Napansin kong hindi kumikibo si Gabriel habang nakatitig kay Asul na ganadong ganado sa pagkain.

Habang si Mike ay tahimik na napailing na may ngisi sa labi nito. Si Russie, naman ay tahimik na parang mahal na hari kung kumain. Nang tingnan ko si Zhi ay parang isang mahinhin na babae kung kumilos. Napakapino ng mga galaw nito.

Hanggang sa matapos na kaming kumain ay hindi ko nakitang sumubo kahit isang beses si Gabriel. Nang sundan ko ang tingin ang tinitingnan ay kay Asul ito nakatitig ng sobrang talim.

Nang mahuli siya nito ay mas lalo niyang inasar ang katabi ko. Nakarinig kami ng pagdighay, kaya napalipat naman ang tingin namin kay Russie na parang naestatwa sa kinauupuan niya.

"Are you full now, Russie? "Komento ni Asul habang sumasandok ng panibagong pagkain spaghetti sa pinggan niya.

"I'm not. "Deny ni Russie. Totoo talaga iyong sinabi ni Gabriel na lagi itong tumatanggi kahit bistado.

Tahimik akong umiinom ng gatas nang makita kong nakatingin ang katabi ko, kay Zhi habang malawak ang pagkaka ngiti. Pero nawala ito nang magsalita muli si Azul.

"Ang sarap talaga ng spaghetti dito sa pinas. "Habang tinataktak lahat ng spaghetti sa plato niya. Sa totoo lang ay halos siya na ang nakaubos ng laman nito.

"Ang baboy mo talagang kumain dagat! "Reklamo ni Mike bago binati ng tissue ang lalaki. Imbes na magalit ay tawang tawa ito.

"Kung sino man nagluto ng mga pagkain dito ay masarap! "Napangiti naman ako sa sinabi nito.

"Sino ba nagluto ng mga ito? "Sabay inisa isang tinuro ni Asul ang mga nakahain.

"Si Gabriel. "Kaya naibuga nito ang kinakain saktong magkatapat sila ni Gabriel.

"Bibilang ako ng tatlo. Pag hindi ka pa lumayas dito sa harapan ko ay mapapaaga ang pagbalik mo sa kaharian mo! "Banta ng katabi ko. Nakita ko naman parang natakot ito, kaya dali dali kumuha ng mga pagkain sa mesa bago tumalima palabas ng kusina dala ang plato niya. Kaya nagtawanan kami dahil kahit natatakot siya ay hindi niya binitawan ang plato.

Gabriel has crazy yet funny friends. Friends that I wish that Liniea and I also had.

"Gabriel, your friends are so funny. "Natatawa kong sabi habang nakatingin sa pinaglabasan ni Asul.

"Ate Freya, Kuya Posei loves food. "Mahinhin na sabi ni Zhi. That's why.

"Kaya nga, hindi natatapos ang isang araw na hindi niya inaasar si Kuya. "

"Bakit niyo ba sinama ang dagat na iyon dito? Mauubos na naman mga stocks namin dito, "hindi ko aakalaing may ganito pa lang side si Gabriel. Sanay kasi ako sa kaniya na palangiti at mabait. Hindi masungit.

"Okay, lang ba? "Tumango siya, pero dali daling pumunta sa basin para sumuka. Kaya tumayo ako at nilapitan ko siya.

"Oh, napano yan si Pareng Anghel! "Usisa ni Asul na kapapasok lang habang lumapit sa amin upang ilagay ang platong pinagkainan niya.

"Nasusuka ako sa pagmumukha! Kaya hugasan mo yang mga plato mamaya! "pagsusungit nito.

"Ako na lang, Kuya Gabriel. "Boluntaryong sabi ni Zhi na bago mahinhin hinihigop ang kape. Habang tahimik na nanonood sa kanila si Russia na walang ka ide-ideya kung anong pinag-uusapan ng mga ito.

"Hindi, si dagat ang maghuhugas. Tutal naman siya ang kumain lahat ng pagkain—"

"Teka lang pareng Anghel, bakit ang init na naman ang ulo mo sa akin? Wag mong sabihing pinag lilihian mo naman ako? Huwag mong sabihing... "Lumapit pa ito kay Gabriel.

"Ang baho mo! "Itinulak siya nito, pero dahil malakas mang-asar ito ay balewala lang ito.

"Naglilihi ka na naman! "Kaya napabaling ako kay Gabriel na may pagtataka. Na patingin din siya sa akin. Parang inaanalaysa kung anong reaksyon ko.

"Sabagay napaka-gwapo ko naman talaga! "Proud na proud na sabi nito habang malawak ang pagkakangisi.

Have some idea about my story? Comment it and let me know.

theashandfirecreators' thoughts