Alas singko ng umaga na ako ng magising ako. Nakahinga naman ako ng maluwag nang pamilyar na kisame ang nabungaran ko. Napatingin naman ako sa katabi ko. Hindi ko mapigilan na mapangiti.
Napakaamo ng mukha niya lalo na pag-natutulog. Maingat kong hinawakan ang buhok niya at sinuklay ng daliri ko. In born ba talaga ito. Parehong pareho sila ng anak niya. Bakit kaya sila nag hiwalay?
Nagulat ako nang makitang mulat na ang mga mata nitong nakatingin sa akin. Kaagad kong binitawan ang buhok niya at umiwas ng tingin.
"May problema ba, ma'am? "tanong nito.
"Nothing. "
"Are you sure? Para kasing may galit ka sa buhok ko? "I glared at him.
Naririnig ko ang halakhak niya na parang naaliw sa akin. Parang bumalik na yung Gabriel na nakasanayan ko. Napangiti naman ako.
"Let's go, ma'am. Mag gagatas tayo ngayon. "Suhestyon nito habang inaalayan ako sa pagtayo. Naguguluhan man ako ay hinayaan ko na lang siya.
Inayos muna nito ang pinag higaan namim bago nakaalalay sa akin pagbaba ng hagdaanan. Pagkatapos ay dumiretso kami sa kusina. Nagtimpla siya ng gatas sa dalawang baso. Kahit na weweirduhan na ako sa pinaggagawa nito ay hinayaan ko ito. Maybe he just wants to drink milk? I was never fond of the taste of milk. I'm a coffee person, especially in the morning. It awakens me, but I'll accompany him on his new taste.
"Wait! I haven't brushed my teeth. "komento ko.
"Okay, lang yan, ma'am. Tara na. "Hindi na ako nakatanggi ng hinila niya palabas. Uupo sana ako ng pigilan ako ni Gabriel. Pinagpagan muna nito ang uupuan bago ako pina upo.
Tahimik kaming sumisimsim ng tinimpla niyang gatas. Napansin ko na sisikat ng araw. Hindi na rin masama.
"Magtapat ka nga sa akin, Gabriel? May problema ba? "Nakatingin lang ito sa akin.
"By the way, I haven't seen Greene. Where is he? "dagdag ko.
"Tapos na ang break nila. Pasukan ka na kaya hinatid ko muna kay Mike. "So? I remained silent, kahit marami akong tanong sa kaniya.
"Ask me anything, ma'am. "Due to what he said, it caught my attention.
"Sasagutin ko, except about Greene's mother. "I just nodded.
Iyon talaga ang gusto kong itanong. "Why didn't you want me to know about the identity of Greene's mother? "Sino ba siya sa buhay mo?
"Do you love her? "Tahimik nitong kilakalog ang gatas sa tasa.
"I can't answer your question, but you're the only one I love every day... "Nakikinig lang ako sa kanya, habang pinagmamasdan siya.
Malamlam ang mga mata niya, pero pilit niyang itinatago sa pamamagitan ng mga biro at tawa niya.
"Ikaw ang kauna-unahang makakaalam kung sino siya, once I gave her justice. "He said this while directly looking at me.
I see how his eyes are burning with anger, despite the angelic looks he has. "Sure. "I answered him.
"Wala na ba akong trabaho dito? How about the agreement I signed? Void na ba Gabriel? "Paglilihis ko na tanong.
"Yes, after—but... I'm mean, na... sorry. "
"Saan bakit ka nag sosorry? "He shook his head.
"Hindi pa tayo nakakapag pakilala na maayos. "Nakangiti kong sabi.
"Oo nga, ma'am. "Tumikhim muna ito. Bago inilahad sa akin ang kanang kamay niya. Ewan ko ba habang tumatagal mas nagiging makulay ang bawat araw ko.
"I'm Gabriel Fruise. "I accept his hand. After that, we shake our hands. "I am Freya Zyrene Vargaz. You can call me Freya. "Pormal kong sabi bago ko siya binigyan ng matamis na ngiti.
"Do you know how beautiful it is to watch the sunrise? "Nakangiti nitong komento.
Pinapanood namim ngayon ang pagsikat ng araw. Maganda palang panoorin ang pagsikat nito. Nakakagaan ng pakiramdam. Para bang may ipinahihiwatig itong panibagong pag-asa.
Mas lalo akong napangiti at napapikit sandali, "Kung naririnig mo po ako, gustong gusto ko na pong maging malaya sa kahapon. " Hiling ko.
Ayaw ko nang magtanim ng sama ng loob dahil ninakaw nito ang mga araw na dapat ay masaya ako. Hindi ko na mababago pa nakaraan, pero may kakayahan pa akong mabago ang hinaharap. Ayaw ko nang sayangin ang bawat araw na dapat ay ginagawa kong makulay ito.
Huminga ako ng malalim bago dinama ang mahinang paghampas ng hangin na tumatama sa aking mukha. Hinayaan kong liparin ang buhok ko. Hindi ko na maiibabalik ang nawala sa akin, kaya dahan dahan kong bibitawan ang pagkakapit ko dito.
"Thank you, Gabriel. "Naiiyak kong sabi habang nakangiti sa kanya. Naradaman ko ang pagyakap niya sa akin sa likuran ko.
"Saan mo gustong itayo ang magiging tahanan mo? "Bulong niya sa akin habang naka-akap.
"Bakit papakasalan mo ba ako ha? "Kung makapag usisa ito.
"Paano kung sabihin kung hinihintay lang kita kung kailan ka magiging handa. Nandito lang naman ako. Hinihintay ka kung kailan mo ako balak lingunin. "Haharap sana ako sa kaniya, pero hindi niya ako hinayaan.
"Gabriel. "Mahinang tawag ko sa kaniya nang maradaman ko ang pagpatak ng luha niya sa balikat.
"Hintayin mo lang ako... Malapit na malapit na, ma'am. "Hindi ko maintindihan ang pinupunto.
"Sa ngayon, hayaan mo muna ako. Hinayaan ko na lang muna siya. Ramdam na ramdam naming pareho kung gaano kalakas ang kabog ng dibdib nito.
Naguguluhan man ako, pero alam kong darating din ako doon.
"Papakasalan kita kahit saang simbahan. "Na nagpapatak ng luhang kanina ko pang pinipigilan dahil bigla niya akong pinaharap sa kanya.
Muntikan na akong matumba sa pagkakatayo ng bigla siyang lumuhod sa harap at may kinuhang singsing sa pitaka niya.
"Freya Zyrene Vargaz. "Seryosong sambit sa buo kong pangalan.
"Englishero akong tao, pero kapag ikaw ang kaharap ko nagiging makata ako. "Reklamo nito kaya natawa ako. Tumikhim muna ito bago nagpatuloy.
"Hindi man ako ang naging unang pag-ibig mo ay maluwag kong tinatanggap kung ako naman ang magiging wakas mo."
"Gabriel... "Naluluha kong wika.
"Kahit ilang dekada o siglo ang lumipas. Handa akong maghintay. Minahal kita bago mo pa ako makilala. "
"Anong ibig mong sabihin? "Ngumiti lang siya.
"Ma'am... ako si Señorito Gabriel. Kahit ang kayamanan ko ay hindi nito mapapantayan kung gaano kita kamahal at pinahahalagahan."
"Hindi man ito kagarbo tulad ng naunang humingi ng matamis mong oo. Sa gitna ng malawak na kagubatan. "Sabay itinuro nito ang gubat na kinatatayuan ng mansyon nya.
"Saksi ang araw, mga ibon at punong nakatayo dito... "Habang iniisa nitong ituro ang mga ito.
"Kung gaano ako kasigurado na ikaw lang ang babaeng ihaharap ko sa altar. "Sinsero pagpapatuloy na wika na naging dahilan ng paghagulgol ko.
Isang bagay ang hindi tinupad ni Howard, ang manatiling nakatayo sa kabila ng unos na dumating sa relasyon namin.
"Kung papahihintulutan mo sana ako. Nais kong ibigay sayo ang alpeyido ko. At gawin kang may-ari sa itatayo kong paaralan? "
"Maari ba, ma'am? "tumango ako.
Marahan niyang sinuot ang singsing na mamahalin sa kaliwang daliri ng palasinsingan ko. Bago tumayo at hinagkan ang noo ko.
"Lagi kong dala ito, nagbabakasakaling maisusuot ko sa daliri mo. "Paos na sabi niya.
Hindi ko pa maamin kung mahal na kita, pero sayo ko lang naramdaman ang kapanatagan sa puso ko pag nasa paligid ka. Hindi mo ako binuhat at iniikot ikot tulad ng ginawa ni Howard. Hindi mo ako hinalikan sa mga labi.
"Ako lang ito, ma'am. Ang anghel mo. Iyong iyo lang ako. "
Iisa lang kung bakit ako umoo, kahit hindi pa gaanong malalim ang nararamdaman ko sayo. Kagaya ng sabi ng karamihan, maraming pwedeng magmahal sayo. Pero iilan lang ang kayang marunong rumespeto't pahalagahan ka.
Mas pinipili ko ang lalaking mataas ang respeto kaysa sa pagmamahal lang ang kayang ibigay. Darating din ako at masasabi kong Te amo, Gabriel.