" Adrian! Adrian! Adrian lumabas ka dyaaan!" Sigaw ko.
"Ma'am umalis na po kayo... Kami po mapapagalitan ni Sir Adrian eh." Awat naman nung security guard sa akin.
"Manong Mel, parang awa niyo na po kailangan ko lang makausap si Adrian..." Pakiusap ko. Kita sa mata ng matandang lalaki ang gulat ng sambitin ko ang pangalan niya. Sinamantala ko ang pagkagulat niya at agad akong tumakbo papasok ng malaking bahay.
"Adriaaaan!" tawag kong muli.
"Kristine?" Napalingon ako sa direksyon ng hagdanan. "Anong ginagawa mo dito? At saka bakit ka sumisigaw?" takang untag niya sa akin.
"Ma'am" Sumunod pala ang guard sa akin ngunit natigilan ng makita si Adrian. "Sorry po Sir, ang kulit kase niya eh!" Paliwanag niya kay Adrian habang napapakamot sa ulo. Tango lamang ang isinagot ni Adrian at umalis ng muli ito.
"Adrian... makinig ka sa akin, ako ang-" simula ko ngunit naputol ng lumabas ang isang mukha ng babaeng kilalang kilala ko.
"Hon, sinong kausap mo?" Sabi nito bago nagtama ang aming mga mata.
"Oh! Come here honey, this is Kristine, a childhood friend of mine. And Kristine, meet my wife Maicah, the love of my life." Pagpapakilala niya sa amin nung lumapit ang babae. Ngumiti ito at naglahad ng kamay sa akin.
"Nice to meet yo-" sabi niya ngunit pinutol ko ito.
"NOOOO! She's not your wife! I am your wife! Listen to me Adrian..." Histerikal kong saad at ikinulong ko sa mga palad ko ang gwapong mukha niya. "This woman is not your wife! I am your wife! I don't know who the hell she is but-"
"KRISTINE!!" Sigaw ni Adrian hawak ang magkabilang balikat ko at inalog ako ng pagkalakas. "What's happening to you? What are you talking about? She's, my wife! And we've been married for 5 years already!"
"NOOOO! NOOOO! NOOOO! " Sigaw ko.
Naghihisterikal na ako. Hindi ako makapaniwala sa lahat ng nangyayari. Paano? Bakit!?
"SHE'S A LIAR! A FRAUD! WHO ARE YOU!? " Sigaw kong muli pero this time sa babaeng yun nakatuon ang buong atensyon ko.
Pumiglas ako sa pagkakahawak ni Adrian at tumakbo palapit sa babaeng yun na kunyaring takot na takot sa likod ni Adrian, hinablot ko ang buhok niya ng buong lakas at pinagsasampal siya! Galit na galit ako, natatakot, at nalilito.
"GODDAMN IT KRISTINE! STOP IT!" Marahas akong hinila ni Adrian palayo sa babaeng yun at itinulak dahilan upang mapasubsob ako sa sahig.
"Umalis ka na Kristine, bago pa ako tumawag ng pulis." wika ni Adrian.
Naramdaman kong may tumulong sa aking tumayo. Si mang Mel. Inalalayan niya ako hanggang makalabas sa gate ng bahay na iyon.
BAHAY KO. BAHAY NAMIN ITO NG ASAWA KO.
I am now standing in front of his office.
Adrian Kyle C. Lopez
CEO
At humagulgol na ako ng iyak nang isarado ni Manong Mel ng gate.
Huminga ako ng malalim. This is it! Kailangan kong magpakatatag. Tama si Vince, dapat kong ipaglaban kung ano ang akin. Kung hindi ko siya nakuha sa santong dasalan, kukunin ko siya sa santong paspasan. Kung ginusto niyang palabasin ako nung huli naming pagkikita, sisiguraduhin kong gugustuhin niya kong pasukin sa pagkakataong to. *Evil grinned inserted here* You read it right readers, dahil aakitin ko ang lalaking nasa loob ng opisinang ito.
BTW siguro tinatanong niyo kung sino si Vince... Siya ang...
******FLASHBACK*****
Parang dinaanan ng bagyo ang condo ko sa sobrang kalat at gulo. Oo! Condo KO. Condong nasa pangalan ko. KRISTINE ANGELA A. ROXAS. Napangisi ako ng mapait sa ideyang iyon. Bakit?
Ikaw nga! Imagine-nin mo, pagkagising mo nasa isang hospital ka na tapos may mga taong nakapaligid sayo, nag aalala at nagmamahal. Ang saya sana diba? Kaso hindi mo sila kilala! At ang mas malala pa dun, tinatawag nila akong Kristine! Which is definitely not my name! When I started asking them kung sino sila at bakit nila ako tinatawag na Kristine, lalo silang nabahala at tumawag ng mga doktor. Narinig ko pa ang pinag-usapan nila.
"Doc, bakit hindi kami kilala ng anak ko?" Nag aalalang tanong ng isang matandang lalaki sa Doktor. Wait! Anak? Joke ba to? Bakit inaangkin nila ako?
"Maybe she's suffering from temporary amnesia sanhi ng pagkakahulog niya or pwede rin namang defense mechanism iyon ng katawan niya dahil ayaw niya ng maalala ang nangyari sa kanya. We'll have to do more test para masiguro ang dahilan nito..." Paliwanag ng Doktor.
Okay... Totoong hindi ko alam kung bakit at paano o anong aksidente ang nangyari sa akin at nandito ako ngayon sa hospital pero DUH!? Wala akong amnesia at sigurado akong nagkakamali sila dahil hindi ko sila kilala!
I tried telling them na nagkakamali sila, pero palagi din nila sinasabi sa akin na I'm just confuse right now dahil may pinagdadaanan ako. So nung nakalabas ako ng hospital, wala akong ibang choice kundi sumama sa kanila. Hanggang sa nadiskubre ko ang dahilan kung bakit ako napagkakamalang anak nila...
"AHHHHH!!!" I screamed at the top of my lungs. Napahawak ako sa bathroom sink. Nanlalambot ang mga tuhod ko at nanlalamig ang mga kamay ko. Paanong?!
"Honey, what happened?" Napalingon ako sa pintuan ng bathroom at nandoon si 'mama' DAW.
"This face! It's not my face!" Galit kong saad.
"Why honey? May mali ba sa gumawa ng mukha mo? May panget ba?" Sunod-sunod niyang tanong nang makalapit sa akin at ipinaling paling ang mukha ko.
"What?! Are you saying that you had me plastic surgery?" Nanginginig ang boses ko. Naiiyak na ako sa mga nangyayari.
"Yes of course honey..." Kunot noo niyang sagot. Bakas sa mukha niya ang pagkalito.
"Why is this happening to me!?!?" Sigaw ko at tuluyan ng mapaupo sa sahig ng banyo at umiyak. Gusto ko na bumalik sa buhay ko, sa asawa ko, at sa totoong ako.
"Ssssshhh... tahan na honey, everything will be alright..." Pag aalo niya.
Isang buwan pa akong nag stay sa bahay ng 'parents' ko DAW bago ako tuluyang pinayagan bumalik sa condo ko DAW. Kaya naman ng makaalis ako sa bahay nila ay pinuntahan ko si Adrian...
Pero pinagtabuyan niya ako. Ang mas malala pa doon ay may pumalit na sa pwesto ko. My world is falling apart right in front of me. I'm like a lost child in a dark forest. Wala akong mapuntahan at malapitan. Natatakot ako at wala akong ideya sa kinaroroonan ko. Umuwi akong bigo sa condo ko. At sa kauna-unahang pagkakataon, lumipad palabas ng bintana lahat ng self-control ko, kasama ang hinhin at sophistication, dahil nagwala ako. Hinahawi ko lahat ng madapuan ng kamay ko. Tinatapon lahat ng madampot at nagsisisigaw na parang nasisiraan ng bait. Bakit isang iglap nawala sa akin ang lahat? Ang asawa ko, kayamanan, kasiyahan, at pangarap na maging ang dating AKO.
Nalugmok ako sa tabi ng kama. Umiyak ng umiyak hanggang sa nakatulog.