webnovel

Chapter Four

Umibis siya sa kaniyang sasakyan. Ipinarada niya iyon sa isa sa mga kubo na nagsisilbing garahe ng mga tagarito. May mga kubo sa bawat kanto ng daan. Hindi kasya ang mga sasakyan sa daan papasok sa lugar na ito kaya ginawa ang mga ito. Inabutan niya ng bente pesos ang binatilyong nagsisilbing bantay sa mga kubo.

Unang tapak pa lamang ng kaniyang paa sa sementadong daan, alam na niyang desidido siya sa desisyon niya. Sinalubong siya ng malamig na hangin. Pero gumaan ang pakiramdam niya roon. May kakaibang dala ang hangin.

Hangin ng kamatayan

She let out a deep sigh. She handle her big bagpack and manage to carry it with her firm shoulder. Binaybay niya ang sementadong daan ngunit naging lupa na ang kaniyang inaapakan pagkalipas ng ilang sandali. Hanggang ngayon pala ay hindi pa rin tapos ang construction ng mga daan dito. Hindi pa siya gaano nakalalayo nang tawagin siya ng binatilyo.

"Ikaw ba si Bria?"

Napatda sita sa tanong nito. Tumigil siya sandali at lumingon dito.

"Bakit mo kilala si Bria?" She asked back. Not giving a hint that she's really Bria. But the boy just shrugged his shoulder and sign her to walk again.

Hinayaan na lang din niya ito. Naglakad na ulit siya. Nadaraanan niya ang ilang mga butil ng palay na nagkalat sa daan. Buwan nga pala ngayon ng anihan ng palay dito. Sa magkabilang gilid ng daan ay ang mga tanim na palay at mais. Sa kaliwa ay palayan at sa kanan naman ang maisan. Lalong sumikdo ang puso niya nang mapansin ang ilang mga nag-aani. Babad sa initan ang mga ito na tanging pandong lamang ay ang sumbrero na gawa sa buli.

Hindi ko hahayaan na may makitil ulit na buhay sa bayan na ito.

Natatanaw na niya ang pinaka-entrada ng lugar na ito. Kita kaagad niya ang mga nagsabit na bunga ng mais, tuyo na ang mga ito at isinabit sa magkabilang poste ng daan.

Maligayang pagdating sa bayan ng Helios. Bulong ng isip niya.

Finally, she's home. The cold-bloody wind embracing her petite body a while ago had gone. It was replaced by the warm-fresh air. She smiled a little when she finally entered the gate of the town.

"Agent Bria Alvaro?"

She was taken aback when someone approached her together with her signature. He's smiling at me but fades away when he saw my face. A fierce face.

"Ipinasusundo ka ng Mayor. Nasa Karnel siya kasama ang ilang opisyales ng bayan."

She raised her eyebrows with that. She doesn't know why this man knew her. Literary knew her face.

"Hindi mo na siguro natatandaan, pero ako iyong lalaking kasama lagi ng Mayor. Kaya kilala kita. Halika na," sabi nito. Nakita siguro nito ang pagtaas ng kilay niya.

Sumunod siya rito hanggang Karnel, ang bahay-opisina ng Mayor ng Helios. Hindi naman kalayuan ito kung kaya nakaya niyang lakarin. Nang makarating sa lugar ay bumungad kaagad sa kaniya ang katahimikan ng paligid. Kahit ano ay walang maririnig.

"Nasa loob siya. Maiwan na kita rito." Tinanguan niya lamang ito.

Not knocking on the door, she stormed inside the house. Why is it's not lock? To her surprised she didn't see anyone around. She thought the officials are here? She walk straight right infront the door beside her. She counts one to three before knocking but before that, the door already opened.

"Bria." She smirked when she heard that voice coming from the man standing infront of her. The Mayor.

"Come in. Have a seat." He guided me inside the room. It's too gloomy here or it's just her feeling? She sat on a small couch. Her eyes landed on a picture hanging from the wall.

"Amh. I put it there since you'd left. You know how much I want you to be close beside me," he said. Nakita siguro ang pagtitig niya sa larawan. It's her. It's her secondary graduation picture.

Yeah right. Kaya pala wala ka noong panahon na halos mamatay na ako.

"I don't have time to listen to your sentimental memories. Just give me the full details about the case," she answered mockingly. She heard him coughed.