webnovel

Chapter 26

"Ready ka na ba, babe?" Nakangising tanong ni Brix habang inaayos ang mga billiard balls sa table at nakatingin kay Lexi. "Baka ikaw ang dapat kong tanungin kung ready ka ng matalo?" Mataray na sabi ni Lexi at tumawa lang ng malakas si Brix. "Let's just wait and see." Mayabang na sabi ni Brix. "So, sino ang mauunang tumira or should I say, ladies first?" Nakangising sabi ni Brix. "Baka magsisi ka?" Seryosong sabi ni Lexi. "Nakakasawa na ang bato bato pick, toss coin naman tayo." Nakangising sabi ni Brix habang naglalabas ng coin mula sa bulsa. "Heads sa akin." Naunang sabi ni Brix. "Ok." Maikling sagot ni Lexi. Pagkatapos, hinagis na ni Brix ang coin sa ere.

"So, after this, you'll be mine." Sabi ni Brix ng heads ang lumabas sa coin. Napahigpit ang hawak ni Jake sa upuan niya. "Magkamatayan na, pero 'di ko ibibigay sa'yo si Lexi." Bulong ni Jake sa sarili. Nagsimula ng tumira si Brix at kada tama niya sa cue ball ay siguradong pasok ang isang billiard ball sa butas. Paunti ng paunti ang mga bola sa lamesa. Dahil stripes ang naunang nai-shoot ni Brix, puro solids na lang ang nasa lamesa. "Last one, be ready, Babe." Nakangising sabi ni Brix. Napatayo na sa upuan niya si Jake. Si Lexi naman ay kalmado lang at maya-maya lang, "Anak ng..." Sabi ni Brix dahil sumablay ang tira niya sa black ball na huli na sana niya. Nakahinga ng maluwag si Jake. Ngumiti naman si Lexi ng nakakaloko. Lumapit na siya sa billiard table at nilagyan ng chalk ang dulo ng cue stick niya. Tahimik ang lahat lalo na ng pumwesto na si Lexi para tumira. Nakatingin lang ang lahat sa mga bolang napapasok ni Lexi sa butas. "Ang galing niya talaga!" "Grabe, astig!" Nadidinig ni Jake sa mga tao na nanonood. Kada pasok ng bola ay ganoon din ang mura sa isip ni Brix. Pagkatapos ng ilang minuto, naubos na lahat ng solids balls sa lamesa at ang natitira na lang, ang black ball. Ngumisi si Brix at nagsalita. "Paano ba 'yan, babe?" Sabi ni Brix. Mahirap ang naging pwesto ng black ball. Alanganin itira sa kanang butas at ganoon din sa kaliwang butas. Ang pwede lang gamitin ni Lexi ay ang dalawang butas sa gitna pero halos nakadikit ang bola sa side ng billiard table. Pati si Jake ay nag-iisip din kung paano ang gagawin ni Lexi at alam niyang mahihirapan ang dalaga.

"Just accept your defeat, babe. Don't worry, I'll make sure mag-eenjoy ka sa company ko." Sabi ni Brix sabay kindat kay Lexi. Gusto ng sugurin ni Jake si Brix at bigyan ng mag-asawang sapak. "Relax, 'wag kang atat. 'Di ba pwedeng mag-isip sandali." Pagtataray ni Lexi na ikinatawa ng mga nakapaligid sa kanila. "Lex?" Tawag ni Jake sa dalaga. Tumingin si Lexi kay Jake at tinanguan lamang niya ang binata. Maya-maya pa ay naghanap na ng magandang pwesto si Lexi. Nagtaka ang lahat ng makitang hindi patataman ni Lexi ang black ball ng direkta. Sa tingin ng lahat ay tatama muna ang cue ball sa gilid ng billiard ball pero para sa kanila, maliit ang tyansa na tamaan nito ang black ball pabalik. Lahat ay pigil ang hininga. Para silang nanonood ng totoong billiard game sa TV, parang Efren Bata Reyes lang ang peg. Pagkatapos ng ilang sigundo, tinira na ni Lexi ang cue ball. Tumama muna ito sa gilid ng billiard table at pagkatapos bumalik at tumama na sa black ball at...

"Yes!" Sigaw ni Jake ng mashoot ni Lexi ang black sa gitnang butas. Palakpakan ang lahat maliban kay Brix. Tiningnan niya ng masama si Brando dahil nakipalakpak ito. Niyakap ni Jake si Lexi at gumanti naman ng yakap ang dalaga at napuno ang ferry ng tuksuhan ng mga tao.

"Well, hanga ako sa'yo. Congrats!" Sabi ni Brix na nakalapit na pala sa dalawa. Nag-offer ito ng handshake na may ngiti sa mukha. Ayaw sanang tanggapin ni Lexi ang handshake ni Brix pero nakakahiya naman sa mga taong nakapaligid sa kanila at hinihintay ang gagawin niya kaya tinanggap niya ang kamay ni Brix pero laking gulat niya ng bigla siyang hilahin nito at yakapin. Kikilos na sana si Jake para suntukin si Brix pero bigla itong napayuko at namilipit sa sakit. Natuhod na pala ni Lexi ang pag-aari ng binata. Natawa si Jake sa itsura ni Brix. "Wrong move, pre." Sabi nito sa sarili. Pati ang mga tao na nakakita ay natawa na din. Hindi alam ni Brix kung ano ang uunahin, ang mahiya o magalit. "May araw ka din sa akin!" Pabulong niyang sinabi.

Matapos ang nakaka-excite na laro ay inaya ni Lexi si Jake na kumain ulit. Naubos ang powers niya lalo na sa huling tira. Miski siya ay nahirapan at nagdasal na sana ma-shoot ang black ball. Nakahinga siya ng maluwang na ma-shoot ito. Hindi niya kasi alam ang gagawin kapag natalo siya pero hinding-hindi siya papayag na maging girlfriend ng ungas na 'yun. "Kay Jake lang ako!" Bulong niya sa sarili.

"Saan ka natutong magbilliards? Sa pagkakaalam ko, volleybal at scrabble lang ang laro mo noong highschool tayo." Tanong ni Jake habang magkaharap sila sa lamesa at kumakain ng burger at fries. "Sa phone ko." Maikling sagot ni Lexi. "Ano!?" Gulat na tanong ni Jake. Natawa si Lexi sa gulat na rumehistro sa mukha ng kaharap. "Oo nga." Sabi ni Lexi at kinuha ang phone sa bulsa niya pagkatapos ay pinakita kay Jake. Club Philippines, Level: 56, Rank: Veteran, Games Won: 3446, Win Percentage: 98%, Tournaments Won: 65, Balls Potted 50,000, Total Winnings: 10 Million. Ito ang mga nakita ni Jake sa records ng billiard games sa phone ni Lexi. Hindi pa din makapaniwala si Jake na binalik kay Lexi ang phone. "Hindi nga? Sa phone lang talaga?" Seryosong tanong ni Jake. Doon na talaga natawa si Lexi.

"Masyado kasi kayong busy sa basketball ninyo dati kaya 'di nyo nalaman na naglalaro kami nila Rhian ng billiards pagweekends sa may malapit lang sa school. Noong una laro-laro lang talaga. Ni hindi kami nakakashoot ng tama. Noong college ako, inaya ako ng mga barkada ko noon na maglaro, then, hanggang sa matuto na ako. Nung intership naman namin may naka-intern ako na magaling maglaro ng billiard. Nung nalaman niya na marunong ako, ayun, past time na namin maglaro after duty." Kwento ni Lexi. "Grabe, ang dami ko pa palang hindi alam sa'yo. Palagi mo na lang akong ginugulat kaya lalo akong naiinlove sa'yo eh." Nakangiting sabi ni Jake. "Sira!" Namumulang sabi ni Lexi. "Kailan mo ba ako sasagutin?" Biglang seryoso na ang mukha ni Jake. Nataranta naman si Lexi at napadiin ang kamay niya sa binubuksang sachet ng ketchup. Biglang lumabas ang ketchup at sa pagkabigla niya ay sa mukha ni Jake napunta ito. Hindi alam ni Lexi kung matatawa siya o maawa sa itsura ni Jake. "Lex, naman, sabihin mo naman kung gutom ka pa, ibibili naman kita. Huwag mo lang pagkamalang fries ang mukha ko." Sabi ni Jake at doon na natawa si Lexi. Lumapit siya sa binata at pinunasan ang mukha nito. May tumapon din sa damit nito kaya niyaya niya na ang binata sa kwarto nila para makapagbihis.