webnovel

CRUSH KITA ALAM MO BA {Book 1} (COMPLETED)

"Bamby!.." kahit sobrang basa na ako. Nilalamig na dahil kanina pa ako sa ilalim ng malakas na ulan. Nakaya ko pa ring tumayo at harapin ang taong tumawag saking pangalan. Hindi Bamby ang tawag nya sakin eh. Babe!. Bakit biglang nagbago?. Halos hindi ko na sya maaninag. Hapon na kasi kung kaya't madilim na ang paligid. Epekto ng malakas na ulan. Kinuyom ko ang palad nang matanaw kong palapit sya sakin. "Dyan ka lang!.." nanginginig kong sambit. Nag-init muli ang gilid ng mata ko. Hindi ko na kailangan pang magpanggap na hindi umiiyak dahil hindi naman iyon halata sa lakas ng ulan. Para ngang nakikisama sakin ang panahon. Nagdadalamhati rin sa unang pagkabigo ko. Dinadamayan ako. Sinasabing, umiyak ka lang para di masakit. Pero tangina talaga! Kahit anong iyak ko. Masakit pa rin eh. Sobrang sakit ng puso kong makitang unti unting nawawala ang taong pinangarap ko. "Babe?.." basag na rin ang kanyang boses. Isang pulgada pa rin ang agwat naming dalawa. Ngunit sa layo naming iyon, ramdam ko pa rin ang hindi ko maintindihan na presensya nya. Ang gulo. O ako ngayon ang naguguluhan sa lahat. "Di mo naman sinabi sakin na, ang tindi pala ng sikat ng araw sa inyo.." Tumingin ako sa kawalan. Natatawa. Baliw na yata ako. Pinunasan ko ang luhang naglandas saking pisngi. Di pa nga ata luha iyon eh. Kundi tubig ulan. Ganun na ako kalito sa nangyayari. "Ang init nyo masyado.... nakakapaso.." Wala na akong pakialam kung hinde nya maintindihan ang sinabi ko. Ang gusto ko lang ngayon, ay sabihin lahat ng gusto ko... sa huling pagkakataon.. "Babe?.." muli. Gumawa sya ng limang hakbang pero hanggang doon nalang sya dahil ayokong lumapit pa sya. "Dyan ka lang!." mariin kong banta. Natigilan sya. Nagmamakaawa ang kanyang mga mata. Pulang pula na rin ang kanyang ilong. Tanda na umiiyak rin sya. Hell! Wala akong pakialam. "Nangako ka hindi ba?.." suminghot ako. Sa wakas, nagkaroon ng lakas ng loob na tumingin sa kanyang mata. "Nangako ka sa akin?." hindi sya tumango o umiling o kahit na ano. Pinanood nya lang akong humagulgol sa unang pagkakataon. Bumuhos ang luhang kanina ko pa ayaw pakawalan. Hindi ko na kaya. Ang hirap. "Kumapit ako doon.. pinaniwalaan ko..pero anong ginawa mo?.." nanghina ang tuhod ko dahilan para mapaupo ako. At... doon umiyak ng umiyak. "Hindi ko alam..." "Anong hindi mo alam huh?.. Jaden, naniwala ako sa'yo.. bakit mo iyon sinira?.." Hindi sya makapagsalita. Huminga ako ng malaim bago muling tumayo. "Anong pakiramdam huh, masarap ba syang humalik?.." "Bullshit!!." malutong nitong mura. "Hindi ko yun ginusto.." dagdag nya matapos ang ilan pang mura. "Hindi ginusto pero pumayag ka!?.." mahina ngunit madiin ko itong ipinahayag sa kanya. Konting konti nalang, sisigaw na ako. Konting salita pa Jaden. Isa na namang mura ang pinakawalan nya. "Kaya pala hindi mo magawang tugunan ang mga tawag at text ko dahil masyado kang abala.." "Bamby, tama na..." mahinahon nynag himig. Di ko sya pinakinggan. Nagpatuloy lamang ako. "Mas masarap nga naman sya kaysa sakin..." "Sinabi nang tama na!!!.." sa unang pagkakataon. Nakita ko kung paano sya magalit. Ramdam ko ang apoy na nag-aalab galing sa kanyang mata kahit malamig ang bawat patak ng ulan. Galit ang namutawi sa kanya. Wanna read more?. Add this story in your library and see for yourself! You'll loved it!. Please Like, Comment And Share! Thank you!. Keep safe y'all!!!

Chixemo · 青春言情
分數不夠
303 Chs

Chapter 96: My day

Magdamag akong umiyak yakap ang aking unan. Hindi ko na inisip kung sasabog ba ang mata ko bukas pagkapasok ng school. Sadyang gusto ko lang umiyak para kay Ace. Ako ang nasaktan sa ginawa nya kahapon. Nagmahal na nga sya ng patago, sa bestfriend pa nyang may mahal ng iba. Why is life so unfair?. Bakit sakin pa sya nahulog gayong hindi naman ako karapat dapat sa kanya. O hindi para sa kanya. Ganun ba talaga ang buhay?. Na hindi lahat ng gusto mo ay makukuha mo?. Maybe. Dahil kahit naman gaano mo kagusto ang isang tao o bagay kung hindi sya para sa'yo. Hindi talaga magkakaroon ng kayo. Maybe in your next life. Dun mo makukuha ang gusto mo noong nakaraang buhay mo. Ganun siguro. Let me think positive na lang para sa kanya. I wish someday, makahanap rin sya ng taong mamahalin sya ng higit pa sa pagmamahal nya sakin. Yun nalang ang tangi kong magagawa para sa kanya.

"Happy birthday to you!. Happy birthday to you!. Happy birthday dear Bamby!. Happy birthday to you!..." dinig kong may kumanta sa pagitan ng tahimik kong hilik at masarap kong tulog. Nananaginip ba ako?..

"Sleepy head. wake up!.." niyugyog ng kung sino man ang aking likod. Nakadapa pa akong natutulog ng gambalin ako. Ungol lang ang tangi kong naisagot sa taong nasa likod ko. Di ko matukoy kung si kuya Mark ba o si Kuya Lance dahil sa pagkapuyat ko kagabi kaiiyak.

"Little Bamblebie!. wake up!.."

"What the hell!.." napatihaya ako ng dahil sa bulong ni Kuya Mark saking tainga. Binugahan pa nya kasi ng hininga. Kaya mas lalo akong nagulat.

"Kuya.." pikit mata kong reklamo sa kanya.

"Happy birthday.." masigla nyang bati kahit di ko sya tignan.

"Are you pranking me?. Stop it!. I'm still sleepy.." dumapa ulit ako at tinalukbong ng hanggang ulo ang aking kumot.

"Hahaha.. you forgot the day of your birthday little Bamblebie?.. what's up on you?.." pang-aasar nito sakin. Kinuha ang kumot saka tinanggal sa kama ko. Kaya wala akong choice kundi bumangon at umupo.

"Anong araw na ba?.." pikit pa rin ang mga mata. Lintek naman eh!.. Nakalimutan ko ba talaga kung anong araw ngayon?. What's up on you really Bamby ha?.. Dumilat ka na nga..

Ginusot ko ang aking mata saka until unting dumilat. Kita kong hawak ni kuya Lance ang isang cake at tarpaulin na may nakasulat na Happy birthday anak!. naman ang hawak ni Mama na may hat pa sa ulo. Silang tatlo. I'm so touched!.. Nangilid luha ko.

"Thank you Ma.." tumayo ako at niyakap si Mama. Tapos nilapitan ko si kuya Lance. Yakapin ko na sana sya pero inginuso nya ang cake na may nakasinding kandila sa gitna. "You blow it first.." Anya. Mukhang bagong gising nya rin dahil magulo pa rin buhok nya at mapungay pa ang kanyang mga mata.

Nagwish ako for good health and long life sa aming lahat bago hinipan ang kandila. "Thank you kuya.." yakap ko dito.

"Uy!. bati na sila. Ano sa tingin mo Ma?.. Hahaha.." tinuro kami ni kuya Mark. Sya na ngayon ang nasa higaan ko. Hawak ang.

"Kuya!.." tinalon ko ang cellphone na hawak nya. Ngunit itinaas nya lang ito sa ere.

"Bati na silang dalawa yan Mark. Ayaw lang nilang magpansinan.. hahaha.." maging si Mama di mapigilang humalakhak.

"Kuya akin yan.." hinawakan ko ang balikat nya para abutin yung hawak nya ngunit mas lalo nyang inilayo ito sa akin. Binato nya kay kuya Lance.

"Kuya.." kay kuya Lance naman ako ngayon nakikipag-agawan. Tinatalon ko ang agwat ng tangkad namin. Damn this!. Ang hirap naman ng ganito. Lack of height. Ampusa!..

"Hahaha...bati na sila Mark. See them?.. Baba na ako. Sunod na kayo duon.." Ani Mama na diretso ng lumabas ng aking silid na may ngiti sa labi.

"Saan mo nakuha ito?. Hanep ha kuya. iPhone pa." habang pinipindot nya ang cellphone.

"Kuya akin na yan.." pilit ko pero ayaw pa rin nyang ibigay.

"Kay Ace siguro galing. Yan ba yung iniwan nya kahapon bago sila pumuntang airport?.." natigilan ako kay kuya Mark. Prente itong nakahiga sa kama.

"Paano mo alam na kahapon ang alis nila?.." tanong ko ng di sinasagot ang kanyang tanong.

"Sabi ni Silver. hahaha.. Ang sabi pa nga nya. Ayaw raw ipalalam ni Ace sa'yo. Bakit kaya?.." tukso nito sakin na mabilis kong inirapan.

"Kuya akin na lang kaya ito. Ano sa tingin mo?.." suhestyon ni kuya Lance sa kanya habang sinisipat ang kabuuan ng gamit. Gusto ko itong agawin pero mabilis nya itong tinago sa kanyang likod.

"Bro, hindi yan binigay sa'yo. Give it to her. Let her use it. Para di na sya macurious pa sa kung ano man.."

"But kuya.."

"No more buts.. Akin na muna. Ako na ang magsasave ng number natin. Mag-usap na muna kayo. Ayokong lilipas tong araw na to na may tampuhan pa rin kayo.. hear me Lance?.." nagulat si kuya Lance sa kanya. Nasa harapan na nya ito at kinuha ang cellphone sa kanyang kamay.

"Kuya?.."

"Lance, don't act like some jealous boy over some boys to your sister. Ayusin nyo yan. Walang kakain hanggat hindi kayo nagbabati. No pretension. I know you too well. Both of you.." turo nya saming dalawa. Nakanganga naman ako sa hintuturo nyang nakatutok sakin.

"And Bamby, fix your issues. Understand?.." tinanguan ko nalang sya kahit ayaw ko sana.

Wala akong magawa kundi makipag-ayos na sa kanya. Mahirap naman kung dala pa rin namin ito hanggang Australia. Baka pabalikin kami ni Papa dito eh. Mahirap kayang mamuhay mag-isa. Di pa ako handa.