webnovel

CRUSH KITA ALAM MO BA {Book 1} (COMPLETED)

"Bamby!.." kahit sobrang basa na ako. Nilalamig na dahil kanina pa ako sa ilalim ng malakas na ulan. Nakaya ko pa ring tumayo at harapin ang taong tumawag saking pangalan. Hindi Bamby ang tawag nya sakin eh. Babe!. Bakit biglang nagbago?. Halos hindi ko na sya maaninag. Hapon na kasi kung kaya't madilim na ang paligid. Epekto ng malakas na ulan. Kinuyom ko ang palad nang matanaw kong palapit sya sakin. "Dyan ka lang!.." nanginginig kong sambit. Nag-init muli ang gilid ng mata ko. Hindi ko na kailangan pang magpanggap na hindi umiiyak dahil hindi naman iyon halata sa lakas ng ulan. Para ngang nakikisama sakin ang panahon. Nagdadalamhati rin sa unang pagkabigo ko. Dinadamayan ako. Sinasabing, umiyak ka lang para di masakit. Pero tangina talaga! Kahit anong iyak ko. Masakit pa rin eh. Sobrang sakit ng puso kong makitang unti unting nawawala ang taong pinangarap ko. "Babe?.." basag na rin ang kanyang boses. Isang pulgada pa rin ang agwat naming dalawa. Ngunit sa layo naming iyon, ramdam ko pa rin ang hindi ko maintindihan na presensya nya. Ang gulo. O ako ngayon ang naguguluhan sa lahat. "Di mo naman sinabi sakin na, ang tindi pala ng sikat ng araw sa inyo.." Tumingin ako sa kawalan. Natatawa. Baliw na yata ako. Pinunasan ko ang luhang naglandas saking pisngi. Di pa nga ata luha iyon eh. Kundi tubig ulan. Ganun na ako kalito sa nangyayari. "Ang init nyo masyado.... nakakapaso.." Wala na akong pakialam kung hinde nya maintindihan ang sinabi ko. Ang gusto ko lang ngayon, ay sabihin lahat ng gusto ko... sa huling pagkakataon.. "Babe?.." muli. Gumawa sya ng limang hakbang pero hanggang doon nalang sya dahil ayokong lumapit pa sya. "Dyan ka lang!." mariin kong banta. Natigilan sya. Nagmamakaawa ang kanyang mga mata. Pulang pula na rin ang kanyang ilong. Tanda na umiiyak rin sya. Hell! Wala akong pakialam. "Nangako ka hindi ba?.." suminghot ako. Sa wakas, nagkaroon ng lakas ng loob na tumingin sa kanyang mata. "Nangako ka sa akin?." hindi sya tumango o umiling o kahit na ano. Pinanood nya lang akong humagulgol sa unang pagkakataon. Bumuhos ang luhang kanina ko pa ayaw pakawalan. Hindi ko na kaya. Ang hirap. "Kumapit ako doon.. pinaniwalaan ko..pero anong ginawa mo?.." nanghina ang tuhod ko dahilan para mapaupo ako. At... doon umiyak ng umiyak. "Hindi ko alam..." "Anong hindi mo alam huh?.. Jaden, naniwala ako sa'yo.. bakit mo iyon sinira?.." Hindi sya makapagsalita. Huminga ako ng malaim bago muling tumayo. "Anong pakiramdam huh, masarap ba syang humalik?.." "Bullshit!!." malutong nitong mura. "Hindi ko yun ginusto.." dagdag nya matapos ang ilan pang mura. "Hindi ginusto pero pumayag ka!?.." mahina ngunit madiin ko itong ipinahayag sa kanya. Konting konti nalang, sisigaw na ako. Konting salita pa Jaden. Isa na namang mura ang pinakawalan nya. "Kaya pala hindi mo magawang tugunan ang mga tawag at text ko dahil masyado kang abala.." "Bamby, tama na..." mahinahon nynag himig. Di ko sya pinakinggan. Nagpatuloy lamang ako. "Mas masarap nga naman sya kaysa sakin..." "Sinabi nang tama na!!!.." sa unang pagkakataon. Nakita ko kung paano sya magalit. Ramdam ko ang apoy na nag-aalab galing sa kanyang mata kahit malamig ang bawat patak ng ulan. Galit ang namutawi sa kanya. Wanna read more?. Add this story in your library and see for yourself! You'll loved it!. Please Like, Comment And Share! Thank you!. Keep safe y'all!!!

Chixemo · 青春言情
分數不夠
303 Chs

Chapter 40: Church

Linggo ng umaga. Ginising ako ni Mama. Yung nakagawian naming buong pamilya na magsimba. Sakay ng kotse. Sama sama kaming pumunta. Naupo kami sa pinakagitnang bahagi ng mga upuan. Nasa magkabilang dulo kami ni Papa. Kaya may space pa sa gilid ko.

"Kuya. May nakatingin sayong babae.." kinalabit ako ni Niko. Saka tinuro ang babaeng tinutukoy nya.

Si Veberly. Yung sa mall. Ang liit naman ng mundo?. Bakit dito pa sya nagsimba?.

Inalis ko agad ang mata sa babaeng tinutukoy nya nang magtama ang aming paningin. Kinawayan pa ako. Umayos ako ng upo at itinuon nalang sa harap ang mata. "Kilala mo sya kuya?.." bulong nya muli sakin.

Di ko maamin na oo at hinde. Wala naman kaming relasyon pero pakiramdam ko kapag nilapitan at kinausap ko sya. Katapusan ko na. Namin ng babaeng pinapangarap ko.

Mabuti nalang at mag-uumpisa na. Tumayo kami at nagdasal. Pero bago pa ako dumilat. May naamoy na akong pamilyar na pabango. Hanggang ngayon, iyon pa rin ang gamit nya.

"Ate Bamby.." bulong ni Niko kaya nakumpirma ang kutob ko. Sya nga. Ang katabi ko. Ngiting ngiti kay Niko. Ginulo pa ang buhok nito nang imulat ko ang aking mga mata. Nagsasalita ang pari pero wala akong maintindihan. Nilalamon nya lahat ng sistema ko. Maging ang lahat ng.katinuan ko. Kinain nya. Nabulag sa presensya nya sa tabi ko. Masyado syang maganda para ibaling ko sa iba ang pagtingin ko. Susmaryosep Jaden!. Tumino ka nga. Kahit isang oras lang.

"Peace be with you.." hinalikan nya si Lance sa kanyang tabi. Tapos sa likod sila tita. Ganun rin ang ginawa ko sa buo kong pamilya.

"Peace be with you.." halos sabay naming sambit. Pareho kaming natigilan at napangiti nalang sa isa't isa. Walang halikan na naganap sa aming pagitan. Syempre. Kahit gustong gusto kong gawin iyon. Hinde pa pwede. Malaki ang respeto ko sa kanya. Lalo na ang buo nyang pamilya.

Maya maya. Naghawakan ang lahat. Kaya. Ehem!. Naghawakan rin kami sa kamay. Hindi ako makakanta ng maayos dahil sa mga kamay naming magkahawak. Malamig ang kamay ko pero pinagpapawisan ito dahil sa init na dulot ng kanyang palad.

Minutes later. Natapos na rin. Nagmano ako kila Mama. Bago bumaling sa mga magulang nya. "Mano po.." nagmano ako sa kanila.

"Iba ang dating mo Jaden ha. Ang gwapo.." ani tita sakin. Si tito naman. Tinanguan lang rin ako bilang pagsang-ayon.

"Ah hehe. salamat po. Pero ako lang naman po ito.. hehe.." sus boy!. Pahumble pa eh. Kamot ang ulo sa sariling naisip.

Nagtawanan sila. Maging si Bamby. And swear to God!. Para talaga akong nakakita ng isang diwata. Ang ganda nya. Kumikinang kapag tumatawa.

"Masyadong gwapo kaya pinagtitinginan ng mga tao. tsk.." dinig kong bulong ni Bamby. Tumingin ako sa kanya ng nakataas ang sulok ng labi pero mabilis lang rin syang nag-iwas ng tingin.

"Nagpapagwapo ako kasi maganda ka. At ikaw lang ang nakikita nitong aking mata.." bulong ko sa kanya ng abala na sila sa pag-uusap.

Siniringan nya lang ako sabay ng kanyang nguso. "Kaya pala kanina ka pa tinitignan nung isang babae sa likod. Type ka ata.." bulong nya ulit pabalik. Lumuhod kaming ulit pero hindi kami nagdadasal. Abala sa isyu ng isa't isa.

"Pero alam mo. Ikaw talaga ang type ko.." nakangisi kong bulong sakanya. Nakita ko kung pano sya natigilan at napakagat ng labi. Susmaryosep!. Sabi ng wag kagatin ang labi eh..

"Hahaha. nag-assume na naman.." si ate Cath to. Tinapik ako sa balikat matapos tumayo. Sumimangot lang ako sa kanya. Pero pinagtawanan nya lang din ako.

Nakakaasar!.

"Pre. Mall tayo.." Yaya sakin ni Lance. Naglalakad na kami palabas ng simbahan. Abalang nag-uusap mga magulang namin. Ganun rin si ate Cath at Kuya Mark. Si Niko at Bamby.

"Ngayon na ba?." tanaw ang bawat hakbang nya. Baka madapa e. Mahulog sa iba. Nay!!.

"Oo. Diretso na tayo dun.. paalam ka na.." Kung gwapo ako. Mas gwapo naman tong taong katabi ko. Nakapamulsa pa. Kaya mas lalong napapaikot ang ulo ng mga babaeng nadadaanan nya. Idagdag mo ang pagkasuplado nya. Hmm.

"Sige. Pero sinong kasama natin?.." tanong ko. Sana payagan nyang sumama kapatid nya.

"Ang tropa. Tsaka, Alam mo na. Ang kulit. Gustong gumala.." pertaining to his sister. Wuw!. Yes. Kasama sya.

Mabuti nalang rin at pinayagan nila akong gumala. Linggo naman kasi. At sana.. Payagan rin akong makasama sya ng kaming dalawa lang. Date ba.