webnovel

CRUSH KITA ALAM MO BA {Book 1} (COMPLETED)

"Bamby!.." kahit sobrang basa na ako. Nilalamig na dahil kanina pa ako sa ilalim ng malakas na ulan. Nakaya ko pa ring tumayo at harapin ang taong tumawag saking pangalan. Hindi Bamby ang tawag nya sakin eh. Babe!. Bakit biglang nagbago?. Halos hindi ko na sya maaninag. Hapon na kasi kung kaya't madilim na ang paligid. Epekto ng malakas na ulan. Kinuyom ko ang palad nang matanaw kong palapit sya sakin. "Dyan ka lang!.." nanginginig kong sambit. Nag-init muli ang gilid ng mata ko. Hindi ko na kailangan pang magpanggap na hindi umiiyak dahil hindi naman iyon halata sa lakas ng ulan. Para ngang nakikisama sakin ang panahon. Nagdadalamhati rin sa unang pagkabigo ko. Dinadamayan ako. Sinasabing, umiyak ka lang para di masakit. Pero tangina talaga! Kahit anong iyak ko. Masakit pa rin eh. Sobrang sakit ng puso kong makitang unti unting nawawala ang taong pinangarap ko. "Babe?.." basag na rin ang kanyang boses. Isang pulgada pa rin ang agwat naming dalawa. Ngunit sa layo naming iyon, ramdam ko pa rin ang hindi ko maintindihan na presensya nya. Ang gulo. O ako ngayon ang naguguluhan sa lahat. "Di mo naman sinabi sakin na, ang tindi pala ng sikat ng araw sa inyo.." Tumingin ako sa kawalan. Natatawa. Baliw na yata ako. Pinunasan ko ang luhang naglandas saking pisngi. Di pa nga ata luha iyon eh. Kundi tubig ulan. Ganun na ako kalito sa nangyayari. "Ang init nyo masyado.... nakakapaso.." Wala na akong pakialam kung hinde nya maintindihan ang sinabi ko. Ang gusto ko lang ngayon, ay sabihin lahat ng gusto ko... sa huling pagkakataon.. "Babe?.." muli. Gumawa sya ng limang hakbang pero hanggang doon nalang sya dahil ayokong lumapit pa sya. "Dyan ka lang!." mariin kong banta. Natigilan sya. Nagmamakaawa ang kanyang mga mata. Pulang pula na rin ang kanyang ilong. Tanda na umiiyak rin sya. Hell! Wala akong pakialam. "Nangako ka hindi ba?.." suminghot ako. Sa wakas, nagkaroon ng lakas ng loob na tumingin sa kanyang mata. "Nangako ka sa akin?." hindi sya tumango o umiling o kahit na ano. Pinanood nya lang akong humagulgol sa unang pagkakataon. Bumuhos ang luhang kanina ko pa ayaw pakawalan. Hindi ko na kaya. Ang hirap. "Kumapit ako doon.. pinaniwalaan ko..pero anong ginawa mo?.." nanghina ang tuhod ko dahilan para mapaupo ako. At... doon umiyak ng umiyak. "Hindi ko alam..." "Anong hindi mo alam huh?.. Jaden, naniwala ako sa'yo.. bakit mo iyon sinira?.." Hindi sya makapagsalita. Huminga ako ng malaim bago muling tumayo. "Anong pakiramdam huh, masarap ba syang humalik?.." "Bullshit!!." malutong nitong mura. "Hindi ko yun ginusto.." dagdag nya matapos ang ilan pang mura. "Hindi ginusto pero pumayag ka!?.." mahina ngunit madiin ko itong ipinahayag sa kanya. Konting konti nalang, sisigaw na ako. Konting salita pa Jaden. Isa na namang mura ang pinakawalan nya. "Kaya pala hindi mo magawang tugunan ang mga tawag at text ko dahil masyado kang abala.." "Bamby, tama na..." mahinahon nynag himig. Di ko sya pinakinggan. Nagpatuloy lamang ako. "Mas masarap nga naman sya kaysa sakin..." "Sinabi nang tama na!!!.." sa unang pagkakataon. Nakita ko kung paano sya magalit. Ramdam ko ang apoy na nag-aalab galing sa kanyang mata kahit malamig ang bawat patak ng ulan. Galit ang namutawi sa kanya. Wanna read more?. Add this story in your library and see for yourself! You'll loved it!. Please Like, Comment And Share! Thank you!. Keep safe y'all!!!

Chixemo · 青春言情
分數不夠
303 Chs

Chapter 32: Ate Cath

Naalimpungatan ako sa ingay nang nagrereklamo na alarm clock sa tabi ng aking kama. Pikit mata ko itong kinapa at pinatay. "Ang ingay mo..." mura ko dito. Antok pa ako e. Masarap matulog kasi malamig ang panahon. Dumagdag pa ang aircon. Di ko alam kung anong oras na ako nakatulog kagabi. Ilang ulit pa kasi akong bumalikwas. Iniisip si Jaden. Babangon tapos iinom saka magbabanyo. Tatlong beses ko atang nagawa ang routine na yun bago tuluyang dinalaw ng antok. Ngayong, umaga na. Ayaw ko pang bumangon. Inaantok pa ako.

Iidlip muli ako nang may gumambala na saking pinto. "Bamblebie, wake up!.." Hinayaan ko lang syang kalampagin ang likod ng pintuan ko. Bahala sya dyan.

"Yuhooo!!.. Bamblebie!.." palakas ng palakas ang kanyang katok.

Bwiset!. Ang aga?..

"Bamblebie?!!.."

"What!?..." inis kong singhal sa kanya.

"Open this god damn door!.." Sya pa galit?. Suskupo!.. Masuntok pa kita eh.

Ginulo ko ang buhok sa inis. Kahit ayaw ko pa. Kahit hinihila pa ako ng kama. I need to stand up and open the god damn door!.. Damn it!!. Ano kasing problema nya?. Ang aga dude!..

Tumayo ako at nilapitan ang pintuan. Dala dala pa rin ang malambot na kumot na nakapulupot sa aking katawan. Tamad na hinawakan ang saradura at pinihit para mabuksan. Nang marinig na pumasok na sya. Agad akong tumalikod sabay talon sa kama. Dumapa at tumalukbong muli. Binalewala ang presensya nya.

"Wake up sleepy head.. The sun is up.." pinalo pa ako sa likod. Loko rin sya minsan. Ang gusto ko kay kuya Mark. Kapag tinawag na nya akong Bamblebie. Ibig sabihin nun, mang-aasar lang yan. Di tulad ni kuya Lance. Mahilig mambwisit.

"Tsk... ugh!.." Reklamo ko sa kanya. He just laughed at me.

"Bangon na. May sasabihin ako sa'yo.."

"Just said it..I'm still sleepy.."

"You sure?. Baka, kapag sinabi ko sa'yo, tumalon ka bigla. Tamaan mo ako sa mukha.. hahaha.."

Binalewala ko yun. Walang pakialam kung anong sasabihin nya.

Naramdaman kong umuga ang dulong bahagi ng aking higaan. Umupo sya ata.

"Malapit na birthday mo diba?.. May advance gift kami sa'yo.." dinig kong sambit nya. Ngunit sa kamalas malasan ko nga naman. Di ko na narinig dahil nakatulog nga ulit ako. I told him so.

Hanggang sa sikat na ng araw ang gumising sakin. Nag-unat ako't inayos ang buhok. Pagtingin sa orasan. Napamura na naman ako. Hapon na pala. Suskupo Bamby!!!... Wake up!!..

Muli kong inayos ang hinigaan bago bumaba.

At... isang malakas na mura ang nabitawan ko nang marinig ang boses ng mga taong nagtatawanan sa may sala. Gosh!.. What you do now Bamblebie?!..

"There she is!.. good morning sleepy head.. hahaha.." hagalpak ni kuya Lance habang nakatingala sakin. Nasa bukana ako ng hagdanan. Pababa na sana. Kaso parang umurong ang mga paa ko nang makita ang mga mata nya.. At shit talaga!.. Yung ngisi nya!. Nakakainis!..

"Hija, come down.." maawtoridad na himig ni papa. Babalik na sana muli ako sa loob ng kwarto para mag-ayos ng mabuti kaso, my goodness!.. Anong gagawin ko?. Si papa na ang nagsalita.

Bawat hakbang ko. Mabibigat. Parang buhat ko ang ilang sako ng semento Kung kaya't kay hirap saking bumaba.

"Ate Bamby!..." agad akong sinalubong ni Niko nang tuluyan na akong makababa. Niyakap nya ang mga binti ko. Gosh!.. Nakakahiya!. Hindi pa ako naliligo. Damn it!..

"Hehe.. hello Niko." nahihiya kong bati sa kanya nang di matignan..Sa iba kasi ako nakatingin. Sa taong panay ang iling. Suskupo!..

Hinawakan ni Niko ang aking kamay. Saka sabay kaming naglakad sa upuan nila. "Hi ate Cath, pasensya na. Nasarapan ako ng tulog..." Tumayo lang ako sa tabi nya. I want to hug and kiss her pero nakakahiya. Amoy pawis pa ako.

"It's okay.. hahaha.." tumayo sya't niyakap ako kahit umilag na ako. "Di pa ako naliligo ate.." I whispered. She just smirked. "it's okay. You smell so good... and still beautiful.." kumalas sya't inayos ang takas na buhok ko.

"Bakit, hindi mo ako ginising kuya?.." reklamo ko kay kuya na panay kausap kay Jaden sa tabi.

"Hello?.. Ginising ka kaya ni kuya Mark. Nakaalis na sila't lahat. Tulog ka pa rin. Tinulugan mo raw sya.. tsk.." iling nya.

Tsk.. Alam ko. Pinaalala pa eh.

"Sya, umakyat ka na muna sa taas hija. Mag-ayos ka na muna bago tayo magmeryenda.." mabuti nalang at sinuggest ito ni mama. Kanina pa kasi akong kating kati sa katawan. Lalo na sa mga tingin ni Jaden na naniningkit. Suskupo!!..

Nagpaalam ako para maligo. After a minute. Bumaba ako. Hinanap ko sila. Sa garden na raw pala sila sabi ni papa. Agad akong lumabas. Nadatnan ko sila na nilalaro ni Niko si Klein.

"Ate!.." tumalon talon si Niko papunta sakin. Naagaw ko ang atensyon ni Jaden na abalang kumain ng mangga.

Nagpaalam samin si Mama. Maghahanda raw ng iba pang meryenda. Si kuya, naman. Nagpaalam rin daw dahil may tumawag sa kanyang cellphone.

"Di ko alam na mas maganda ka pa pala kapag umaga..." bati nya sakin nang paupuin ako ni ate Cath sa tabi ng kanyang kapatid. Mariin kong kinagat ang labi. "Wag ka nga. Nakakahiya.." suway ko sa kanya. His laughed made me frown. "Seryoso babe. Mas mahal kita kung ganun lagi ayos mo.."

"Ikaw.. nakakainis ka..." pinalo ko sya sa balikat. Umilag ito habang tumatawa. Humaba ang normal kong nguso.

"Joke lang babe... ang cute mo kaya..."

pinisil pa pisngi ko.

"Tse!.."

"Uy!. galit ka ba?. Joke ko lang yun?.." he held my face and then turn it to him.

"Di mo ko mahal?.." I looked away. Not wanting to look at his tantalizing eyes.

"I love you babe. I really do.. di ko lang maiwasang mamangha sa ganda mo.. I want to see it everyday.." I rolled my eyes. Nakakainis. Magjojoke tapos yun pa?. Ayoko na nga!. Naiinis ako.

"Ang cute nyong dalawa.." agaw pansin ni ate Cath. "Bagay na bagay. Nakakainggit.. hehehe.."

"Ate?.." I saw some tears in her eyes. Pinipigilan nyang bumagsak.

"Congrats guys.. be happy okay?.." naiiyak na sya.. Oh gosh!. Why ate?..

Tumayo ako at nilapitan sya. "Ate?.." Ito lang ang tangi kong masabi. Walang maisip. Pinunasan nya ang luhang naglandas sa kanyang pisngi. "Stay inlove.. promise me?.." nagtataka pa rin ako sa mga sinasabi nya.

"I promise ate.." si Jaden ang sumagot para sakin. Inakbayan ako. "We promise ate.." tumahan sya nang nangako ako.

Ang di ko magets. Ay bakit sya umiiyak?. Tears of joy?. Siguro. Pero may kakaiba akong nararamdaman eh.