webnovel

CRUSH KITA ALAM MO BA {Book 1} (COMPLETED)

"Bamby!.." kahit sobrang basa na ako. Nilalamig na dahil kanina pa ako sa ilalim ng malakas na ulan. Nakaya ko pa ring tumayo at harapin ang taong tumawag saking pangalan. Hindi Bamby ang tawag nya sakin eh. Babe!. Bakit biglang nagbago?. Halos hindi ko na sya maaninag. Hapon na kasi kung kaya't madilim na ang paligid. Epekto ng malakas na ulan. Kinuyom ko ang palad nang matanaw kong palapit sya sakin. "Dyan ka lang!.." nanginginig kong sambit. Nag-init muli ang gilid ng mata ko. Hindi ko na kailangan pang magpanggap na hindi umiiyak dahil hindi naman iyon halata sa lakas ng ulan. Para ngang nakikisama sakin ang panahon. Nagdadalamhati rin sa unang pagkabigo ko. Dinadamayan ako. Sinasabing, umiyak ka lang para di masakit. Pero tangina talaga! Kahit anong iyak ko. Masakit pa rin eh. Sobrang sakit ng puso kong makitang unti unting nawawala ang taong pinangarap ko. "Babe?.." basag na rin ang kanyang boses. Isang pulgada pa rin ang agwat naming dalawa. Ngunit sa layo naming iyon, ramdam ko pa rin ang hindi ko maintindihan na presensya nya. Ang gulo. O ako ngayon ang naguguluhan sa lahat. "Di mo naman sinabi sakin na, ang tindi pala ng sikat ng araw sa inyo.." Tumingin ako sa kawalan. Natatawa. Baliw na yata ako. Pinunasan ko ang luhang naglandas saking pisngi. Di pa nga ata luha iyon eh. Kundi tubig ulan. Ganun na ako kalito sa nangyayari. "Ang init nyo masyado.... nakakapaso.." Wala na akong pakialam kung hinde nya maintindihan ang sinabi ko. Ang gusto ko lang ngayon, ay sabihin lahat ng gusto ko... sa huling pagkakataon.. "Babe?.." muli. Gumawa sya ng limang hakbang pero hanggang doon nalang sya dahil ayokong lumapit pa sya. "Dyan ka lang!." mariin kong banta. Natigilan sya. Nagmamakaawa ang kanyang mga mata. Pulang pula na rin ang kanyang ilong. Tanda na umiiyak rin sya. Hell! Wala akong pakialam. "Nangako ka hindi ba?.." suminghot ako. Sa wakas, nagkaroon ng lakas ng loob na tumingin sa kanyang mata. "Nangako ka sa akin?." hindi sya tumango o umiling o kahit na ano. Pinanood nya lang akong humagulgol sa unang pagkakataon. Bumuhos ang luhang kanina ko pa ayaw pakawalan. Hindi ko na kaya. Ang hirap. "Kumapit ako doon.. pinaniwalaan ko..pero anong ginawa mo?.." nanghina ang tuhod ko dahilan para mapaupo ako. At... doon umiyak ng umiyak. "Hindi ko alam..." "Anong hindi mo alam huh?.. Jaden, naniwala ako sa'yo.. bakit mo iyon sinira?.." Hindi sya makapagsalita. Huminga ako ng malaim bago muling tumayo. "Anong pakiramdam huh, masarap ba syang humalik?.." "Bullshit!!." malutong nitong mura. "Hindi ko yun ginusto.." dagdag nya matapos ang ilan pang mura. "Hindi ginusto pero pumayag ka!?.." mahina ngunit madiin ko itong ipinahayag sa kanya. Konting konti nalang, sisigaw na ako. Konting salita pa Jaden. Isa na namang mura ang pinakawalan nya. "Kaya pala hindi mo magawang tugunan ang mga tawag at text ko dahil masyado kang abala.." "Bamby, tama na..." mahinahon nynag himig. Di ko sya pinakinggan. Nagpatuloy lamang ako. "Mas masarap nga naman sya kaysa sakin..." "Sinabi nang tama na!!!.." sa unang pagkakataon. Nakita ko kung paano sya magalit. Ramdam ko ang apoy na nag-aalab galing sa kanyang mata kahit malamig ang bawat patak ng ulan. Galit ang namutawi sa kanya. Wanna read more?. Add this story in your library and see for yourself! You'll loved it!. Please Like, Comment And Share! Thank you!. Keep safe y'all!!!

Chixemo · 青春言情
分數不夠
303 Chs

Chapter 3: Memories 1.0

"Jaden, pasalubong ko ha.." ilang ulit na paalala sakin ni ate. Nakatayo sya sa may entrada ng pintuan. Hawak ang trolly ni Klein na naglalaro din ng bola.

Gustong gusto nya rin daw pumunta ng Korea pero wala syang pera. Tsaka, kung pupunta raw sya. Sinong maiiwan sa anak nya?. Ang dami nya pang reklamo sakin. Sa huli, pasalubong nalang ang hinirit nya. Tumango nalang ako kahit di ko alam kung makakabili ba ako ng sinabi nya. May baon akong pera rito pero hindi iyon ganun kalaki para bumili ng gusto nya. Titingin nalang siguro ako ng mura doon kung meron man.

Matapos magempake. Hinatid na nila ako sa bahay ng mga Eugenio. Sinabihan ako ni papa na mag-iingat doon. Lagi naman akong nag-iingat eh. Ano kayang ibig nyang sabihin?. Napaisip ako hanggang paglapag ng eroplano sa Korea.

Sobrang saya ko dahil nakasakay na rin ako ng eroplano. Kingina!!. Pagtawanan nyo na ako't lahat. E sa mahirap lang ang tao eh. First time kong makasakay ng eroplano. At, wag mo akong maliitin. Kasama ko pa ang taong matagal kong pinangarap. Granted na ang hiling kong makapaling sya at makasama sa bawat pagpasyal sa ibang lugar o bansa.. Sobra pa nga e dahil sa wakas hindi na galit sakin si Lance. Hinahayaan nya kaming magkaroon ng oras para sa isa't isa.

Si Bamby ang dahilan kung bakit ako sumali ng basketball. Gusto kong humanga rin sya sakin katulad ng sobrang paghanga ko sa kanya. Ginalingan ko rin maging sa school para mapansin nya ako. Lagi akong umaakyat sa entablado para sa medalya o napanalunan sa kumpetisyob. At doon mula sa malayo. Nakikita ko kung pano sya humanga sakin. Para na naman akong nanalo tuwing nagtatagpo ang aming mata. Di ako mayabang. Sadyang, gusto ko lang ipakita sa kanyang kaya kong abutin ang hindi ko maabot para lang sa kanya.

Habang nasa Korea. Alam kong hindi payag si Lance na nasa isang silid lang kami. Di na rin ako nagtaka nang ang kinuha nyang kwarto ay para sa aming tatlo. Nasa pareho kaming dulo ni Bamby. Tig isang kama. Nasa gitna si Lance para wala daw kaming takas. Naku naman!. Kahit pa magtabi kami ni Bamby. Hindi ako gagawa ng bagay na ikasisira ko sa mata ng kanyang pamilya. Malaki ang respeto ko sa mga kapatid nya lalo na sa kanya.

"Babe, promise. Maganda ka pa rin kahit bagong gising.." kakatapos kong maligo nang marinig ang boses ni Lance. Inaasar na naman sya. Para sa pakikisama. Ginaya ko rin ang ginawa ni Lance sa kanya. Tuloy, di ko mapigilang tumawa sa kakyutan nya. Takip ang mukha kahit wala namang madumi sa kanyang mukha. Ang sabi nya. Pangit raw sya. Pinagtawanan ko na naman sya. Kahit ano pa ang magiging itsura nya. May uban at kumulubot man ang kanyang balat. Mamahalin ko pa rin sya dahil iyon ang nararamdaman ko noon pa.

Minadali sya ni Lance na maligo at magpalit. Kaya nung nasa Seoul Tower kami. Ang dami nyang inaayos sa sarili. Ang buhok nyang maayos naman pero inayos pa rin. Kaya ang ginawa ko. Sinalikop ko iyon at tinirintas. Di daw sya kuntento sa suklay lang e. Nakunaman po!. Babae nga naman!. Nung tinanggal nya naman ang kanyang jacket. Doon na ako gumalaw. Niyakap ko iyon muli sa kanya para di sya malamigan. Wala nang hiya hiya kahit makita pa ako ng kapatid nya. Kesa malamigan diba. "Paano nga kung mapilit?.." kulit ko sa kanya. Tinutukoy ang mga babaeng lumalapit sakin. Napakagat na lamang ako ng labi nang sabihin nya saking iba ang iniisip ko.

Kung alam mo lang mahal ko. Kahit isang segundo. Di ka nawala sa isipan ko. Ikaw lagi ang tinitibok nitong aking puso.