webnovel

Crumpled Paper

Sa bawat pahina ay mayroong taglay na abentura Mga nakakubling lihim sa katiting na patak ng pluma Walang boses man kung tumuklas sa nasaksihang istorya Idadala, aayusin para sa nagkagulong pamilya Pamilya lamang ba o pati ang mundong wala ng tama? Isang maling gawi, puso't buhay ay handa nang kumawala Sandigan ma'y matigas, rurupok din 'pag wala ng pag-asa Hahayaan bang gugusot ang magandang nakakubling tadhana? Kapag umibig ka sa taliwas ang pananampalataya Halos lahat ay tututol, pati ang nakaraang lumuluha Talunaryo ng alaala'y hindi pa rin nawawala Bawat tamis ay nawawasak na parang isang hibla Maaayos pa ba ang lahat kung sa una ay para nang isinumpa? Karampot ng papel Karampot ng tadhana Katiting ng pawis Papatak lahat ang luha Sa mga matang pagod na Titiisin pa ba ang pagdurusa?

Kristinnn · 现实
分數不夠
34 Chs

Mga aktor (4.3)

Napapahangos akong umahon sa tubig habang habol-habol ko pa rin ang sariling hininga.

"Pre, magkwento ka naman sa akin!" rinig kong sigaw ni Akari na ngayon ay nakaupo na sa gilid nitong swimming pool.

Hinihingal akong napaupo sa tabi niya matapos ay walang pakundangang tinulak siya ng walang sabi-sabi.

Napahiyaw muna siya ng malakas bago umahon at umupo na rin sa gilid nitong swimming pool kasama ko.

Patuloy kong ginagalaw-galaw ang aking mga paa na nakatampisaw sa tubig habang pinagmamasdan ang mga lumilipad na ibon sa itaas.

Hindi ako sasama kay Amary bukas kapag tataehan ako ng mga ibong ito.

"Bakit hindi maalis-alis ang ngiti mo, Khalil?" pakinig kong tanong na naman sa akin ni Akari habang may paakbay-akbay pa sa aking balikat.

Wala akong balak na pansinin siya at hinding-hindi ko babalaking magsalita sa kaniyang tabi ngayon.

Masyado pa akong nadadala sa mga nangyari doon sa terasa kanina.

Gusto kong sumigaw ng malakas sa harapan ng punong acasia ngayon.

Muli akong napahalakhak habang ginugulo ang sarili kong namamasang buhok.

"Khalil, nais kong sumama sa inyo bukas" nagtataka akong tiningnan na siya nang marinig ang kaniyang sinabi.

Kung mayroon sanang paligsahan para sa mga dakilang tsismoso ay nasisiguro kong makakapasok itong si Akari sa top 10.

Agad ko siyang binatukan nang makita ang ngumingiti niyang mukha.

"Bakit ba palagi kang umeepal? Wala naman akong nagawang masama sa iyo!" naririnding tanong ko sa kaniya.

Subalit mas lalo lamang akong nainis nang mas napalawak pa ang kaniyang pagngisi.

"Huwag ka ngang ano diyan, titingnan ko lang naman sana iyong nakuha naming isda ni Ebonna sa terasa pero nakalimutan kong ibinalik na pala namin iyon sa dagat" aniya pa.

Ang pangit ng kaniyang naging rason sa akin.

Halatang pinag-isipan niya talaga ito.

"Ang haba pala ng pangalan mo noh? Ano 'yun, Kharls Lihama Mirad Zavier?" napangiwi ako nang pilit niyang bigkasin ang aking pangalan subalit nagkandabuhol-buhol ito.

Gusto ko siyang lunurin sa kalagitnaan ng karagatan dahil sa matinding kahihiyan.

"Pre mananahimik rin naman ako eh, pero kung sasama ka kay Amary bukas ay sasama rin ako. Ayos ba?" napabuga ako ng hangin matapos ay binasa ang aking buhok.

"Okay lang naman" maikling turan ko sa kaniya.

Okay nalang.

Wala na akong magagawa kapag sabihin ko pa sa kaniyang hindi ayos.

Tiyak na mas mag-iingay pa siya kapag hindi ko siya papasamahin bukas.

"Hindi ka ba pupunta sa quarterdeck? Nandoon silang lahat maliban sa ating dalawa. Mayroon kasing bagong dating na mga maskuladong lalaki, ang rami nga nila dun sa loob eh" aniya habang kinakain ang sariling kuko.

Agad akong kinabahan nang marinig ito sa kaniya.

Kung naaayon lamang ang aking hinala ay labis talaga akong magpapasalamat sa kaalamang hindi ko na pala sila kailangang pagpipiyansahan pa.

Natatarantang dumiretso na ako sa loob ng cabin at agad na binanlawan ang sarili nitong maligamgam na tubig.

Nagmamadali kong sinuot ang aking kasuotan matapos ay mas lalo pang ginulo ang aking buhok.

Hindi ko na tuloy napansin pa si Akari doon sa swimming pool dahil sa aking pagmamadali.

Nagiging lakad takbo ang aking nagawa habang pilit na pinapakalma ang pagpintig nitong aking puso.

Bumuga ako ng malakas bago tuluyang pumasok sa loob ng quarterdeck.

"Clovis!" bigla akong napangilabutan nang marinig ang matinis na boses na iyon.

Tama nga ang aking hinala.

Ibig sabihin ba non ay isa na akong pormal na tagahula?

"Tumahan ka, Mario. Hindi ka na umaaktong bakla" pakinig kong turan ng may malalim na boses.

Agad akong pumalapit sa kaniya at walang sabi-sabing niyakap siya nang mahigpit.

"Sabi ko na ba at kayo iyon, alam niyo po bang masyadong malaki ang aking pasasalamat ngayon dahil hindi ko na kailangang pagpiyansahan pa kayo?" malakas siyang napahalakhak matapos ay ginulo ang aking buhok.

Bakit mas lalo pa yatang lumaki itong katawan ni Tiyo Gastor?

Mabango rin siya hindi kagaya nung nasa loob pa kami ng bilangguan.

"Alam niyo po bang nagagalit ako sa inyo dahil nagawa niyo akong paglinlangin?" turan ko sa kaniya habang ngumunguso.

Labis siyang napahalakhak habang tinatapik-tapik ang aking balikat.

"Huwag mo nang alalahanin iyon, mas importante pa rin ang makita kitang buhay ngayon. Minsan ay kailangan mo rin namang manlinlang para sa kabutihan ng mga taong may naiambag sa buhay mo" aniya.

Agad napakunot ang noo ko matapos ay umupo katabi sa upuan ni Kokoa.

Hindi ko mawari kung ano ang pinagsasatsat ni Tiyo Gastor.

Anong kabutihan ang sinasabi niya?

"Bakit sa dinami-dami ng mga aktor dito ay sila pa ang napili ni Papa gayong malalaki halos lahat ang kanilang katawan?" bigla akong napalingon kay Kokoa nang magyamot na naman siya.

Sila pala itong sinasabi ni Uncle Jazzib na mga theater actors galing Visayaz?

Kaya pala ang gagaling nilang umiyak nung panahong nasa loob pa kami ng bilangguan.

Hindi na talaga ako magtataka pa sa susunod na mangyayari sa aking buhay.

Siguro ay scripted na rin ang aking future nito?

"Bakit kilala mo sila Khalil?" nagtatakang tanong ni Kokoa habang sinusuri ang naglalakihang sina Tiyo Gastor at iba niya pang kasamahan.

"Hindi ba at nakulong kami? Iyan sila iyong mga kasama kong umaaktong preso" ani ko sa kaniya.

Napapatango-tango siya nang banggiting ko iyon.

Napalunok ako ng ilang ulit matapos kong maaninagan si Mario na kumikindat sa akin ngayon.

Kinikilabutan na naman ako sa paraan ng kaniyang pagtindig at ng kaniyang presensiya.

Hindi nalang ako humarap sa kanila dahil tumagilid ako para iharap si Kokoa.

"Ayos ka na ba?" mapakla siyang napangiti habang umiiling-iling.

"Ayos ako pero hindi ako okay" aniya.

Malakas akong bumuntong hiniga.

Sasama rin naman sa amin bukas si Akari, dadalhin ko nalang rin pati si Kokoa para naman hindi siya maglugmok dito at mag-isip nang kung anu-ano.

"May sinabi sa akin si Amari kanina, ipakikilala niya daw tayo sa Lola niya" turan ko habang kinakamot ang ulo.

Nababagot siyang nilingon ako.

"Ipakikilala lang ba talaga? Payo ko lang ito sa'yo Khalil ha,  huwag na huwag kang mahuhulog sa mga babae. Sumabay ka lang sa kanila subalit kailangan mong pigilan ang sarili na mahulog. Iiwan ka rin niyan kapag hindi ka pasok sa mga standards nila"