webnovel

Crumpled Paper

Sa bawat pahina ay mayroong taglay na abentura Mga nakakubling lihim sa katiting na patak ng pluma Walang boses man kung tumuklas sa nasaksihang istorya Idadala, aayusin para sa nagkagulong pamilya Pamilya lamang ba o pati ang mundong wala ng tama? Isang maling gawi, puso't buhay ay handa nang kumawala Sandigan ma'y matigas, rurupok din 'pag wala ng pag-asa Hahayaan bang gugusot ang magandang nakakubling tadhana? Kapag umibig ka sa taliwas ang pananampalataya Halos lahat ay tututol, pati ang nakaraang lumuluha Talunaryo ng alaala'y hindi pa rin nawawala Bawat tamis ay nawawasak na parang isang hibla Maaayos pa ba ang lahat kung sa una ay para nang isinumpa? Karampot ng papel Karampot ng tadhana Katiting ng pawis Papatak lahat ang luha Sa mga matang pagod na Titiisin pa ba ang pagdurusa?

Kristinnn · 现实
分數不夠
34 Chs

Antas ng kabaitan (4.4)

Nanatili pa rin akong nakatutok kay Kokoa habang hindi mawala-wala ang nakakabagot na tingin.

"Ano bang sinasabi mo diyan? Wala namang namamagitan sa amin ni Amary. Si Akari sana ang pinagsabihan mo ng ganiyan" turan ko sa kaniya.

Nababagot niya rin akong tiningnan matapos ay napailing.

Nakakagulat naman itong si Kokoa kung magbigay ng payo, mabibigla ka nalang sa kaniyang mga pinagsasabi.

Masakit ba talaga kapag tinanggihan ka ng isang tao?

Hindi ko naman alam iyon sapagkat wala pa akong naging karanasan.

Sinubukan ko naman ngayong tingnan ang aking harapan.

Nangangalay na ang aking katawan sa kakatagilid.

Subalit bigla na naman akong napalunok nang paulit-ulit matapos kong makita si Mario na napapakagat labi ng nakatitig sa akin ngayon.

Napatigil lang siya sa kaniyang ginagawa nang bigla siyang batukan ni Ka Bertie na nasa kaniyang likuran.

"Kailan ba talaga pupunta rito ang mukhang perang katiwala ni Jazzerienta? Iyong pulis ngang nagngangalang Akiran? Iyong may anak na mukhang pera din?" malakas na tanong ni Uncle Jazzib kila Tiyo Gastor.

Pakinig ko ang mahinang pagbubulong-bulong ni Kokoa sa aking tabi.

Totoo namang mukhang pera silang dalawa.

Sa tuwing maaalala ko talaga ang pulis na iyon ay naibabalik din ang pangyayari nung nakita namin ang kaniyang anak na si Eftehia.

Sa aking sariling pananaw ay halos magkalapit na ang boses ni Akiran kay Eftehia.

Sa aking pananaw lang naman, wala akong pinaghuhusgahan sapagkat ito lamang ang aking sariling pananaw.

Ani nga ni Uncle Ouran— iisang dugo, iisang pag-uugali.

Mas maganda kapag 'iisang dugo, iisang pag-uugali tapos ay iisang boses din!'

Kung sana ay maganda pa ang ugali niya kahit pa pangit ang kaniyang boses, mas kikinang pa siguro siya sa mata ng mga nakakikilala sa kaniya.

Sabagay, kumikinang din naman siya ngayon, sapagkat mukha siyang pera kaya kikinang talaga iyon.

"Ang kapal nga ng mukha, hihintayin daw muna natin silang maparito kasi magbabakasyon daw sila sa Palawan kasama ang pamilya niya. Siya nalang kaya ang gagawin kong amo tapos ay susunod nalang ako sa mga pinagsasaad niya? Huhulihin ko agad sina Jazzib at Khalil kasi namumula ang kanilang mga mata. Tapos ay ikukulong ko sila sa sarili kong bodega kasi utos niya iyon?" mahabang turan ni Uncle Jazzer habang humihithit ng sigarilyo.

Hindi ko rin alam kung ano ang tumatakbo sa isip ni Uncle Jazzer ngayon, sabog siguro siya ngayon kakahithit ng sigarilyo niya.

Bakit ba hindi niya nalang ito isesante?

Ganoon na pala ang ugali ng kaniyang katiwala tapos ay tinitiis niya lang ang mabahong ugali nito?

Masyado kasi siyang mabait para manakwil ng mga tauhan niya, iyan lang talaga ang mapapansin ko kay Uncle Jazzer.

Parehong-pareho sila ng kaniyang kakambal.

"Mamayang hapon daw sila mapaparito, ani Akiran sa'kin kanina" turan ni Tiyo Gastor kay Uncle Jazzib.

Nakita ko ang arkastikong pagtawa ni Uncle Jazzib at ang kaniyang nakakatindig-balahibong mga halakhak.

Ngayon ko lamang nakita ang ganiyang ugali niya, nakakakilabot palang tumawa itong si Uncle Jazzib.

"Bakit siya ba ang Kapitan nitong barko? Ang sosyal naman siguro ng pamilya niya!" natatawang usal pa ni Uncle Jazzib.

Pakinig ko naman ang halos paghingang bulong nalang ni Kokoa sa aking tabi.

Ano ba 'to?

Sabi ko na nga ba at parehong-pareho ng ugali ang magkambal na iyan.

Kung iiwanan nalang kaya nila si Akiran at hindi na pasasakayin dito sa barko nila?

Ngayon ay mayroon na akong nalaman, si Jazzerienta at Jazziberienta ang magkambal na pinakamabait sa lahat ng mga Prinastini.

Kay gagaling nilang mag-isip, mapapabuga ka nalang ng malakas na hangin.

Napatingin kaming lahat sa pintuan nitong quarterdeck nang biglang may pumasok dito.

"Nakahanda na ang lahat ng makina at handang-handa na rin ang kapwa kong dalawampong inhinyerong maglayag sa napakalawak na karagatan ng Pilipinas! Kailan ba talaga tayo aalis nito? O Ouran! Hindi ko aakalaing buhay ka pa pala! " may malalim na boses pang turan niya.

Malakas akong napabuga ng hangin habang tinitingnan siya.

Hindi na ako magtataka kung bakit ganito na lamang ang aking pananalita, talagang mga anak ng bayan kaming isinilang nitong si Papa at masyado akong nagmamataas sa kaalamang ito.

"Batid ko kasing hindi mo na kinakailangan ang aking tulong dahil may dalawampong inhinyero ka ng kasama" mahinang turan sa kaniya ni Uncle Ouran habang ngumunguso.

Napangiwi ako nang makita ang kaniyang mukha, hindi kailanman nababagay sa kaniya ang panguso-nguso niyang iyan.

Nagmumukha lamang siyang asong ulol.

Napaupo na ng tuluyan si Papa sa katabing upuan ni Uncle Jazzib habang walang pakundangang inagaw niya ang bote ng alak ni Uncle Eeman matapos ay nilagok ito lahat.

Wala namang may naiyamot si Uncle Eeman sa ginawa ni Papa sa alak niya sapagkat kayrami pa rin naman ng mga natitira niyang alak doon sa dining room at wine cellar.

Binigyan niya pa nga si Papa ng isa pang bote ng alak.

"Kasama ka rin sana sa tutulong sa aking ayusin ang mga nagsisilakihang makina, pero hindi na kita aasahan pa dahil alam na alam ko na ang ugali mong hayop ka" walang emosyong naibulalas ni Papa kay Uncle Ouran na kasalukuyan lamang nakangiti.

Bigla kaming napatitig kila Kaisa at Macaire nang tumayo silang dalawa at nakatungong pumalapit kay Uncle Jazzib.

"Papa, maliligo po muna kami ng swimming pool saglit kasama si Macaire" ani Kaisa sa kaniyang ama.

Pakinig ko ang pagsipol ni Mario nang makita sina Kaisa at Macaire.

Agad naman ulit siyang binatukan ni Ka Bertie sa ginawa niyang ito.

Akala ko ba ay bakla siya?

Bakit siya sumisipol ngayon?

Napabuga ako ng hangin nang mapag-alamang isa pala siya sa mga theater actors, nag-aakto lang pala siyang bakla kung ganoon.

Napatango na lamang ng wala sa oras si Uncle Jazzib sa anak na babae matapos ay pinalabas na ito.

"Papa Gastor, lalabas lang po sana kami nitong si Maykel para magpahangin" ani naman nitong si Mario kay Tiyo Gastor na kasalukuyan na silang tinititigan ng masama.

Bigla akong napasinghap nang dagliang tumayo itong si Kokoa at walang sabi-sabing lumabas nitong quarterdeck.

Tuluyan na ring lumabas sina Mario at Maykel habang tumatawa pa.

Talagang malalagutan talaga ng hininga itong si Mario at Maykel ni Kokoa kapag nakita niyang pinagdidiskartehan nila si Kaisa at Macaire.

Hinding-hindi mo talaga kailanman mapapatahan ang lalaking tinanggihan ng walang maayos na rason.