webnovel

Crisscross

Tired of her stressful life in States, Jeacelle decided to go back to her grandparent's hometown to start anew. Little did she know, going back there will turn her world upside down upon meeting a weird guy in the cafe who happens to be a link to the missing piece of her life.

Nekohime · 现代言情
分數不夠
12 Chs

Chapter 10 - Heed My Warning

Chapter theme: Foolish Heart - Nina

"A-Anong sabi mo?"

"Date tayo, ayaw mo ba?"

Bahagya kong naitulak si Axian para saglit na makahinga. Pakiramdam ko kasi kakapusin na ako ng hangin sa baga dahil sa closeness namin. Naramdaman kong lumuwag naman ang pagkakayakap ni Axian sa bewang ko.

I look at him, studying his face. His brown eyes were filled with strange emotions I can't even comprehend.

"Why are you being like that?" I asked.

"Like what?" Confusion hit him square in the face and I just stared at him in disbelief. I should be the one who's getting confused with his gesture, not the other way around!

"Please, huwag kang nanggugulat. Kababalik mo palang, kung anu-ano nang lumalabas sa bibig mo. Maawa ka naman sa puso ko," I blurted out in so much annoyance.

"Sorry," he whispered softly with a smirk plastered on his face.

"Anong nginingisi-ngisi mo diyan? Umayos ka, Axian ha. Hindi na ko natutuwa. Kagabi ka pa."

"Bakit? Ano bang ginawa ko kagabi?" pagmamaangan pa nito.

"Para kang may sapi. Ewan ko sa'yo!" I glared at him before storming out of the kitchen. Narinig ko ang mga yabag niya kaya alam kong sinundan niya ako pabalik ng sala.

Pabagsak akong umupo sa sofa saka hinimas-himas ang magkabilang sentido ko. Dapat masaya ko dahil kasama ko siya, pero heto ako, parang mai-stress pa ata ako sa inaasal niya.

Akmang tatabi siya sa akin pero sinamaan ko siya ng tingin.

"Galit ka?" nag-aalalang tanong niya.

"I'm not. Dumistansya ka lang konti sa akin pwede?" Baka marinig mo kasi kung gaano kabilis ang tibok ng puso ko sa tuwing lalapit ka.

I heard him heave a deep sigh. "Okay. So how about the 'date'?" he asked once again, emphasizing that word.

"Give me a week, and I'll give you an answer. Bwisit ka! Hindi pa nga nagsi-sink in sa utak ko na nandito ka na, na nakabalik ka na tapos mag-aaya ka na lang ng date bigla. Kung may sakit ako sa puso, inatake na ko ng dahil sa'yo!" singhal ko.

Mahina siyang natawa, saka napakamot na lang sa batok niya.

Hindi ko maiwasang magtanong. Si Axian ba talaga itong nasa harap ko? Ang laki kasi ng pinagbago niya.

***

"Date tayo?"

Axian's words kept repeating in my head like a record player. Hindi ako makapag-isip nang maayos dahil lang sa dalawang salitang 'yon. Ayoko rin naman maging padalos-dalos, so I told him to give me at least a week to think about it.

Isang buwan din siyang nawala, pagbalik niya, parang may kakaiba na sa kanya. And I can't pinpoint those changes. Basta, ibang-iba ang pakikitungo niya sa akin ngayon. He's a sweet guy, alright? Pero mas naging sweet siya lalo ngayon. Umuuwi siya sa kanila pero bumabalik din siya agad sa bahay para kulitin lang ako. Ayaw niya raw mawala ako sa paningin niya kahit saglit lang.

Weird. He's being weird these past few days. Parang ibang tao talaga ang kaharap ko. Hindi kaya may kakambal ang mokong na 'yon? Imposible. Dalawa lang silang magkapatid.

Mukhang nagkabaligtad sila ni Aciel.

Mula nang bumalik si Aciel galing Manila, bihira na itong bumisita sa akin. Sabi ng kuya niya, sobrang busy lang talaga sa trabaho ang kapatid niya. But I have a gut feeling na hindi lang ang trabaho niya ang rason.

I know Aciel, kahit gaano pa siya ka-busy sa ginagawa niya, she will still check me up from time to time.

Pero ngayon, sa chat na lang talaga kami nagkakausap. I miss that baby girl so much.

Sa dami ng mga iniisip ko, wala na akong ibang magawa kundi bumuntong-hininga na lang at tumitig sa kawalan.

"May problema ka, Jeca? Kanina ka pa bumubuntong-hininga diyan?"

Nagising ang diwa ko nang marinig ko ang malambing na boses ni Yhelle. Nakaupo ito sa tapat ko. Napatingin ako sa mga mata niyang natatakpan ng makapal na glasses.

"Ayos lang. Medyo naguguluhan lang ako. Ang hirap talaga basahin ng utak ng mga lalaki no?"

Gaya ko, napabuntong-hininga na rin si Yhelle saka pasimpleng sinulyapan si Marius na nasa counter, umoorder ng lunch namin. "Sinabi mo pa. Minsan may gagawin sila na bigla na lang magpapakabog ng puso mo, tapos mapapaisip ka kung may ibig sabihin ba 'yon. Pero ayoko naman mag-assume kaya patay malisya na lang."

Same thoughts.

"Axian ask me on a date. Hindi ako nakasagot agad kasi biglaan," bulalas ko.

Nakita kong namilog ang mga mata Yhelle. May balak pa ata siyang tumili kaya maagap ko siyang sinaway.

"OMG! Friendly date or romantic date na?" she asked, her eyes were twinkling with excitement. Akala mo siya ang makikipag-date.

"He told me it's not a friendly date, so mag-aassume na ba ko na baka iba na ang ibig sabihin nun?"

"Yes! I think he wants to get to know you more. I mean, alam niya ba yung totoong pagkatao mo?"

I nodded with a smile. "Alam na niya. Naikwento ko na sa kanya ang lahat."

"Well, that's good. Atleast wala ka nang itatago sa kanya. Eh siya ba, gaano mo siya kakilala?"

Bahagya akong natahimik sa itinanong ni Yhelle. Bukod sa alam kong may-ari siya ng isang cafe na pinangalan niya sa yumaong girlfriend niya at may kapatid siyang babae, ano pa ba ang alam ko sa kanya?

"Now that I think about it, hindi ko pa pala siya lubusang kilala. Ang unfair pala. Nasabi ko na lahat tungkol sa akin, pero siya, ni minsan ay hindi pa siya nakakapagkwento ng tungkol sa kanya. Nagkakasama nga kami, pero pakiramdam ko, may matayog na pader na namamagitan sa amin," saad ko. I couldn't hide my disappointment.

Yhelle leaned closer, staring at me with a serious face. "I guess that's the reason why he's asking you out. Baka gusto na niyang ipakilala ang sarili niya sa'yo so give him a chance. And he said it's not a friendly date so maybe, he wants to get involve with you romantically."

"And does he even like me? Nah, I don't think so." I shrugged.

"Just go with the flow, Jeca. But at the same time, guard your heart. Huwag kang basta-basta mag-invest ng feelings kahit gaano pa siya ka-special sa'yo. Mahirap kasi yung handa kang lumagapak, pero wala naman palang sasalo sa'yo. Napakasakit nun."

"Parang may laman ah, lumagapak ka na ba?" pang-aasar ko na lang. I was referring to Marius.

"Ewan ko sa'yo! Ikaw ang pinag-uusapan natin dito. Bahala ka na nga!" irap niya saka bumusangot.

Ang dali talaga mapikon. Asarin mo na siya sa lahat ng bagay, huwag lang kay Marius.

"Anong pinag-uusapan niyo?" singit ni Marius na kadarating lang sa table namin.

"Wala. It's a girl thing." I winked and smiled at Yhelle's direction.

Tumango lang si Marius habang maingat niyang nilalapag sa harapan namin ang inorder naming burger steak. Wala si Stef dahil sumabay siya sa ibang department. Nandoon daw yung future boyfriend niya.

"Thanks!" I beamed. I saw him give me a thumbs up as he sat next to Yhelle.

"Wow! As in wow!" namamanghang saad ni Yhelle habang titig na titig lang sa akin.

"Why?" I asked frowning a little bit.

"Nothing. Nakakatuwa ka lang tignan. You look like a kid just now. Sinong mag-aakala na ang prinsesa ng mga Bradford, paborito pala ang burger steak mula sa isang fastfood chain?"

"And what's wrong with that?" takang tanong ko.

"Ang down to earth mo lang sobra. And I really admire you for that. Ikaw yung mayaman na walang arte sa katawan," she smiled sweetly.

"Maliit na bagay," I chuckled. "And no, I am not a princess," I corrected. I don't want them to put me on a pedestal just because of family's wealth.

I want to live an ordinary life, if it's possible.

***

I sat up straight on my swivel chair as I stretch out my arms before turning off my desktop computer, then I clean my table afterwards.

The clock is already ticking at 8:00 p.m so I decided to call it a day. I work overtime dahil tinapos ko pa ang design for the condo interior ng isa naming kliyente. Nagsiuwian na ang mga katrabaho ko at ako na lang ang natira sa office.

I pick up my bag and walk out from the office after turning off the lights. Siniguro ko ding nakalock nang maayos ang mga bintana at pinto bago bumaba papuntang parking lot.

As I got inside my car, I felt my phone vibrating so I decided to fish it out from my bag before starting the engine.

I couldn't suppress the smile that was trying to break across my lips when I saw Axian's name pop out on the chat head of the messenger.

Axian:

Pauwi ka na? Hurry up, lalamig na ang niluto ko.

Jeca:

Pauwi na. Overtime eh.

Thanks!

Axian:

Take care.

And eyes on the road when you're driving.

Jeca:

Yes, sir!

Pagkatapos kong makapagreply kay Axian, ibinalik ko na ulit ang phone ko sa bag at nagmadaling umuwi.

Hindi ko maitatanggi na walang segundo, minuto at oras na namimiss ko siya kahit halos araw-araw naman kaming magkasama.

Lintik na pag-ibig. Tinamaan na ata ako nang husto.

***

My heart is beating so fast in excitement as I park my car in the garage. Dali-dali akong bumaba at halos tumakbo na ako papasok ng bahay. Nang makarating ako sa sala, huminga muna ako ng malalim para pakalmahin ang sarili ko. I don't want him to think that I'm head over heels with him. Baka lumaki pa ang ulo.

Malalaki ang bawat hakbang ko, patungo sa kusina. Pero pagdating ko doon, hindi si Axian ang nadatnan kong nakaupo sa dining table.

It was Aciel.

Mabilis kong tinawid ang distansyang namamagitan sa amin nang tumayo ito. Agad ko siyang niyakap at hinalik-halikan sa pisngi.

"I miss you! Bakit ngayon ka lang nagpakita?" I asked smiling widely but then, my smile fades as soon as I see the gloomy look on her face.

"Bakit?" Hindi ba siya masayang makita ako?

"Nothing," she replied, sending me a small smile.

"May problema ba?"

Tipid na umiling lang ito saka bumalik ulit sa pagkakaupo. Hindi na rin siya umimik pang muli, at tila napipi rin ako ng ilang minuto.

Hindi ko maiwasang mag-alala. Samantalang dati, lagi siyang may nakahandang matamis na ngiti sa akin, pero ngayon parang may kakaiba sa kanya. O baka paranoid lang ako? Ang tagal kasi naming hindi nagkita.

"Kuya mo pala? Nasaan?" I asked, trying to break the awkward silence that was engulfing us. Something feels so odd.

"Lumabas. Inutusan ko," she answered, her face has a blank expression.

Why do I feel like she's giving me a cold shoulder? May nagawa ba ko?

"Kamusta ka?" I tried to strike another conversation, hoping that she will replied gleefully just like before, but she didn't. Matagal bago siya sumagot.

"Ayos lang. Ikaw? Kamusta kayo ni kuya?"

"I think we're okay?" I supplied.

"Tell me more, ate Jec..." she let out a frustrated sigh. "Are you in love with my brother?"

Napatitig ako sa seryosong mukha ni Aciel. Sa kauna-unahang pagkakataon, ngayon lang kami nakapag-usap ng ganito. Sa hindi malamang dahilan, hindi ko magawang sagutin ang tanong niya. Pakiramdam ko, kapag nagkamali ako ng sagot, magkakaroon ng agwat sa pagitan namin. Hindi ko magawang ibuka ang bibig ko kaya nanatili lang akong nakatingin sa kanya, pinag-aaralan kung anong klaseng emosyon ang guguhit sa mukha niya. And when she didn't get a response from me, I saw it. Guilt and worry was written all over her face.

But why?

"Natahimik ka. Ibig sabihin, mahal mo na ang kuya ko, tama ba?"

"Paano kung oo?" wala sa sariling tanong ko.

Narinig ko siyang marahas na napabuntong-hininga. The expression on her face soften a little bit. "Y-You can't. Please, ate Jeca. Iba na lang. Huwag si kuya."

Nagsalubong ang dalawang kilay ko dahil sa narinig. "Ayaw mo ba sa akin para sa kapatid mo?" I asked, trying my best not to crack. I was hurt. Deeply hurt.

"Ate Jeca, I love you. So much. Kaya nga ginagawa ko 'to. Kaya nga sinasabi ko 'to. You can love any other guy in this world, but please, not my brother. Ayaw kitang masaktan," her voice sounded like she's pleading with all her might.

I shook my head wildy. "I can't love any other guy, Aciel. Mahal ko na ang kuya mo. Siya lang ang gusto ko." I said firmly.

Nakita ko siyang panay ang pag-iling. "No! Ate Jeca, come to your senses! You can't be with him! Makinig ka naman sakin, please? Ayokong magkasakitan kayo parehas kung ipagpapatuloy mo yang nararamdaman mo sa kanya."

"Bakit? Paano mo nagagawang sabihin 'yan sa kapatid mo?! Bakit Aciel? Sa anong dahilan?"

Bahagya siyang napapitlag dahil sa pagtaas ng boses ko. Saglit akong napapikit, pilit na nilalabanan ang pagbugso ng emosyon ko. Ayokong may masabi sa kanya na maaari kong pagsisihan sa huli. Aciel is like a sister to me. I don't want to stab her with my words.

Nang magmulat ako, parang piniga ang puso ko nang makitang lumuluha na siya. Agad ko siyang nilapitan pero umatras lamang siya palayo sa akin.

"Please ate Jeca, huwag si kuya." She was begging, and it was breaking me to the core. I was about to ask her again when suddenly, I felt a strong hand gripping my wrist, pulling me away from Aciel.

"Enough, Graciel. Umuwi ka na."

I froze the moment I heard Axian's voice. Napatingala ako sa kanya, I could see a hint of disappointment in his eyes. "Ano bang nangyayari sa'yo?! Bakit ba nagkakaganito ka?!" he was yelling. Hinawakan ko ang kamay niya dahil natatakot akong may masabi siyang makakasakit sa kapatid niya.

Aciel scoffed. She glared at her brother in exasperation. "You know better, kuya! You know better!" Marahas niyang pinunasan ang luha sa mata niya bago bumaling sa akin. "Heed my warning ate Jeca. I told you already, masasaktan ka lang. He's my brother, kaya kilalang-kilala ko siya. I care for you so much, pero kung buo na ang desisyon mo na piliin ang kapatid ko. Mukhang wala na akong magagawa."

Muli siyang huminga ng malalim, saka tinignan ulit si Axian. Basang-basa ko ang hindi maipaliwanag na hinanakit sa mga mata niya.

May nangyari ba sa pagitan nila na hindi ko alam?

"I told you not to make things complicated again, kuya. Pero heto ka, sinisira mo na naman ang lahat. I hate you!" she exclaimed with so much hatred bago siya tuluyang umalis.

I turned to Axian, punong-puno ng katanungan ang mga mata ko ng salubungin ko ang mga mata niya. "Anong ibig niyang sabihin? Ano bang nangyayari? May nagawa ba ko? Ayaw na ba niya sa akin?"

Ramdam kong nanginginig ang boses ko dahil pigil ko ang sarili na umiyak.

Imbes na sumagot, mahigpit lang akong niyakap ni Axian na parang wala siyang balak pakawalan ako kahit anong tulak ko sa kanya.

"Don't listen to her. Stress lang siguro siya. Just be with me. I need you Jeca. Please, just stay with me," buong pusong pagsusumamo niya.

Gulong-gulo ako pero natagpuan ko na lamang ang sarili ko na gumaganti ng yakap sa kanya. Sa isang iglap, lahat ng agam-agam ko ay natunaw.

"I'll stay. Hindi ko maintindihan ang nangyayari, pero isa lang ang alam ko," saglit akong kumalas para haplusin ang mukha niya. His eyes, it was filled with sadness and pain. At ayoko na muling makita pa 'yon. "Mahal na kita, Axian. Kaya ako naman ang magsusumamo sa'yo. Please, don't break my heart."

I felt him stilled for a second, before nodding and planting a soft kiss on my forehead. "I won't. I promise."

May lungkot sa mga mata ko nang mapatingin ako sa direksyon kung saan lumabas si Aciel.

I badly want to know the reason why she's behaving like that. Sigurado akong may malalim na dahilan. But then, I already know what my foolish heart really wants, and I won't be able to heed her warning.

Sana nga hindi ko pagsisihan ang hindi ko pakikinig sa kanya.