webnovel

CHAPTER FOUR

NAGULAT si Marie ng may humawak sa kanyang pulsuan at hinatak siya. Sisigaw na sana siya ng maamoy ang isang pamilyar na pabango. Versace Eros. Iisang lalaki lang ang alam niyang gumagamit ng ganoong pabango. Ang lalaking hinamon niya ng isang linggo, si Kurt Adam Lopez. Huminto sila ni Kurt sa black Ford fusion sa labas ng gate.

"Anong problema mo? Bakit bigla ka na lang nanghihila ng tao?" mataray niyang tanong.

Ngumiti lang si Kurt.

"Kurt Adam, sagutin mo ang tanong ko kung ayaw mong mabasted ngayon din." Pagbabanta niya.

"Well, Ms. Beautiful Clara. Ngayon ko sisimulan ang panliligaw ko sa iyo. So, I will treat you out."

Tumaas ang kilay niya sa sinabi nito. Isang ngisi ang isinukli ni Kurt. Pinagbuksan siya ng pinto ni Kurt.

"Lady."

Inilahad pa ni Kurt ang kamay nito. Hindi niya iyon tinanggap. Pumasok ng kotse si Clara ng hindi pinapansin ang nakalahad nitong kamay. Ngayong araw ang simula ng panliligaw nito. Well, see kung makatagal ang binata.

Napagkasunduan nila na isang linggo siyang hatid-sundo ng binata. Pumayag naman siya dahil iyon naman talaga ang plano. She will give him one week to make her fall to him. Sisiguraduhin niya na hindi mahuhulog ang loob sa lalaki. Alam niya ang likaw ng bituka nito. He will make me fall to him and drop me like a piece of trash. Nakita niya na kung paano nasaktan at umiyak ang mga dati nitong kasintahan. Ilang buwan pa lang ito sa campus pero marami ng babaeng napaluha ang isang Kurt Adam. She will not going to be like them.

Tahimik siyang sumakay sa kotse nito. Katabi niya ang lalaki sa backseat. Nakatingin lang siya sa labas at hindi pinansin ang lalaki. Awkward suddenly surround inside the car.

"How's your day, Marie?" basag ni Kurt sa katahimikan.

"It was fine. Saan mo balak akong pakainin, Mr. Lopez?" Tumingin siya sa binata

"You will see." Isang ngiti ang ibinigay ng binata. Lumabas ang pantay-pantay nitong ngipin.

Nag-iwas naman siya nang tingin. She doesn't mind, mas maganda nga iyon para ma turn off siya sa lalaki. She expects a dinner date on a famous restaurant. Ganoon ang mga lalaking kagaya nito. They want to empress their date. And Kurt is not an exception. Nagtaka nga lang siya at wala yatang pabulaklak ang binata. Ganoon ang ginagawa ng isang tulad nito para mapasagot ang mga babae.

"Let's go, Mang Cardo."

"Sir, seryuso po kayo na doon natin dadalhin si Ma'am. Baka mo maturn off iyan sa inyo." Sabi ng driver na kung magsalita kay Kurt ay parang isang malapit lang na pamilya.

"Naku, Mang Cardo, iba po itong si Clara. Sigurado ako magugustuhan niya doon."

Sinulyapan niya si Kurt at galit na tinitigan. Parang kilalang kilala siya nito para sabihin iyon sa driver. Tumawa lang si Kurt at bahagyang pinisil ang kanyang baba. Agad niyang tinabig ang kamay nito. May hatid na kakaibang sensasyon dumaloy sa katawan niya. Hindi na rin umimik si Kurt. Ilang minuto din kami sa byahe bago huminto ang kotse. Nagsalubong ang kilay niya ng huminto kami sa isang mall sa Cubao. Sabi na nga ba, siguradong sa isang kilalang restaurant siya dadalhin ni Kurt pero bakit parang ang layo naman. Ang alam niya kasi ay sa kabilang bahagi ang mga sikat na restaurant doon.

Bumama si Kurt at inalalayan siyang lumabas ng kotse. Dadalhin niya sana ang bag ng pigilan siya ni Kurt.

"Wag mong dalhin ang bag mo. Tapos tanggalin mo ito." Itinuro nito ang suot niyang kwentas, relo at earrings.

"Bakit naman?" nagtatakang tanong niya.

"Takaw sa magnanakaw iyang suot mo. Ilagay mo sa bulsa mo ang cellphone mo pero wag mong ilalabas, okay."

Huhubarin na sana nito ang suot niyang kwentas nang pigilan niya ito. Nagtatanong ang tingin nito nang tumingin sa kanya. "Saan mo ba ako dadalhin?"

Ngumiti si Kurt. Inilapit nito ang mukha sa kanya. Napaatras naman siya sa ginawa nito. Isiniksik niya ang sarili sa pinto ng kotse. Amoy na amoy niya ang pabangong gamit nito. Pinigilan niya ang sarili na pumikit ang samyuhin ang binata.

"Wag kang mag aalala hindi kita iiwan dito. Trust me, okay." Ginulo nito ang buhok niya bago nilayo ang sarili. Hinawakan nito ang isa niyang kamay. Babawiin niya sana iyon ng may inilagay ito doon. Iyong kwentas na suot niya. Ito na ang nagtagal noon sa kanya.

Sumimangot siya sa binata. Tinanggal niya ang suot na relo at earring bago iyon nilagay sa wallet niya. Nang maibalik niya ang wallet sa kanyang bag ay nagpaalam sila sa driver nito bago siya naglakad papunta sa direksyon ng Areneta Collisium ngunit agad din siyang pinigilan ni Kurt. May pagtataka sa mukha nito.

"Where do you think you're going?"

"Aren't we going to eat?" naiinis niyang tanong sa lalaki. Marami itong arte. Nagtatanong pa ito gayong alam naman nito ang sagot. Napipikon na siya. Baka hindi umabot ang isang linggong palugit niya rito at mabasted niya ito.

Ngumiti si Kurt at hinawakan siya sa kamay. Napatingin siya doon ng makaramdam ng kakaibang sensasyon. Nilukob ang puso niya ng kakaibang kaba. Hahatakin na sana iyon nang humigpit ang pagkakahawak doon ni Kurt.

"Yes pero mali ang direksyon na tinatahak mo. Common!"

Naglakad sila papunta sa labasan. Sinabayan nila ang mga taong naglalakad doon. Narating nila ang Edsa. Maraming taong nag-aabang ng bus doon ngunit hindi iyon pinansin ni Kurt. Naglakad lang silang dalawa hanggang sa huminto si Kurt sa isang stall kung saan may nagbibinta ng street food. Nanlaki ang mga mata niya ng kumuha ng isang stick si Kurt.

'What the heck?' bulaslas niya sa isipan. 'Seryuso ba talaga si Kurt na dito siya nito pakakainin?'

Nasagot ang tanong niya ng magsimulang tumusok ng pagkain sa kawali si Kurt. Nanlalaki ang mga mata at hindi siya nakalagalaw habang sinusundan ang bawat galaw ni Kurt. Hindi siya makapaniwala. Sa isang street food area siya dinala ni Kurt para kumain. Buong akala niya ay sa isang sikat at magarang restaurant siya nito dadalhin. He should impress her to be his girlfriend but is he doing. Dinala siya sa isang lugar na hindi naman nito alam kung magugustuhan niya.

Tinutusok ni Kurt ang bilog na puti gamit ang stick at nilalagay sa isang plastic cup ng mapansin ang pagkakatulala niya. Pumitik ito sa harap niya na siyang nagpagising sa naglalakbay niyang isip.

"Hey! Okay ka lang? Anong gusto mong sauce, matamis ba o maanghang?" tanong nito.

Napatingin siya sa mukha nito. Hindi nababakasan ng pangdidiri ang gwapo nitong mukha bugkos ay para itong batang tuwang tuwa sa nakikita. Para pa nga itong natatakam sa pagkain nasa harap nito.

"Marie, ayaw mo ba?" tanong ni Kurt na nagpakurap sa kanya. Gulat pa rin siyang napatingin dito. "You don't want to eat here?"

Umiling siya. She was curious of street food before. Ngunit pinagsabihan siya ni Lincoln noon na hindi iyon healthy at masama para sa kanya. Tumingin siya sa pagkain nasa harap niya. It looks okay. Mukha din masarap ang mga iyon. Bigla siyang natakam. Kinuha niya ang hawak ni Kurt na plastic cup. She will try. Hindi na lang niya sasabihin kay Cole para hindi ito magalit.

"Kuya, saan po ang matamis?" tanong niya sa nagbibinta.

"Iyong sana kanan po ma'am. Gamitin niyo na lang po ang sandok." Sagot ni manong.

"Akin na." Kinuha ni Kurt ang plactic cup sa kanya.

Binuksan nito ang sawsawan at kinuha ang sandok. Ginamit nito ang sandok para makakuha ng sawsawan at inilagay sa kanyang plastic cup. Iyong ginawa nito ay katulad ng pagkuha ng sabaw at inilagay sa mangkok. Ibinalik sa kanya ni Kurt ang plastic cup pagkatapos.

"Enjoy."

Tinaasan niya muna ng kilay ang binata bago kinagatan ng maliit ang puting pagkain na iyon. Nanlaki ang mga mata niya ng matikman ang lasa ng hawak na pagkain. Sobrang sarap noon. Ibang iba iyon sa mga natitikman niyang pagkain. Napatingin siya kay Kurt at ngumiti. Gumanti naman si Kurt nang ngiti sa kanya. Muli niyang kinain ang hawak. Kumuha naman ng isa pang-stick si Kurt at nagsimulang tumuhog.

Para siyang bata habang kumakain. Wala siyang pakialam kung magkalat man sa gilid ng labi niya ang sauce. Sobrang saya niya habang kumakain ng fishball, kikiam at quick-quick.

"Hindi naman halatang sarap na sarap ka sa kinakain mo." natatawang sabi ni Kurt at pinunasan ang nagkalat na sauce sa gilit ng labi niya.

Nanlaki ang mga mata niya ng bigla nitong isinubo ang daliri na may sauce na galing sa kanya ngunit mukhang wala lang iyon kay Kurt. Muli itong kumuha ng stick. Iniiwas niya ang paningin kay Kurt at muling itinuon ang atensyon sa pagkain kahit pakiramdam niya ng mga sandaling iyon ay umakyat ang dugo niya sa kanyang mukha.

"Halatang sanay ka dito?" tanong niya rito pagkalipas ng ilang minutong katahimikan.

"Yap. Simula noong mag first year high school ako."

"Naku ganda, suki ko na iyong si gwapo. Laging nandito iyan pag merkyules ng hapon." Sabi ng tindero. "Girlfriend mo ba siya, gwapo?"

Nanlaki ang mga mata niya sa tanong ng tindero. Sasagot na sana siya ng maunahan siya ni Kurt.

"Malapit na po. Nililigawan ko pa lang po siya."

"Ah... Ganoon ba." Tumingin sa kanya ang tindero. "Ganda, sagutin mo na itong si gwapo. Hindi ka lugi sa kanya. Tingnan mo naman, gwapo na nga sobrang bait pa. Kung hindi lang nakakahiya sa anak ko na siya irereto."

Isang ngiti ang sumilay sa labi ni Kurt. Napansin din niya ang pagningnign ng mga mata nito. "Mang Isko, masyado niyo naman akong pinagmamalaki. Sabihin nitong kasama ko na sinuhulan kita para gumanda ang tingin niya sa akin."

"Bakit hija, hindi mo ba gusto itong si gwapo?" tanong ng matanda na ikinagulat niya.

Hindi naman niya alam ang isasagot sa matanda. Para siyang nasa hot seat dahil sa tanong nito. Tumingin siya kay Kurt para magpasuklolo pero ang luko mukhang tuwang-tuwa pa nasa ganoong sitwasyon siya. Binigyan niya ito ng masamang tingin.

"Tay, mano po." Natigilan sila ng may babaeng biglang nagsalita mula sa gilid nila.

She wants to thank the girl. Sabay silang napatingin sa babae. Nagmano ito sa matanda bago tumingin sa kanilang dalawa. Nakita niya ang pagguhit nang pagtataka sa mukha nito. Maganda ang babae, maamo ang bukas ng mukha. Nakasuot ito ng school uniform.

"Nandito ka ulit." Nakataas ang kilay na sabi ng babae.

Nagulat siya sa sinabi ng babae. Iyong tono ng boses ng babae ay iyong parang naiinis ito na makita si Kurt. Napansin din niya ang disgusto sa mga mata nito.

"Hi Myka. Kamusta?" Lalong nagningning ang mga mata ni Kurt habang nakatingin sa babae.

Tumaas ang kilay niya dahil sa nakikitang reaksyon sa lalaki. Hindi sumagot ang babae bugkos ay tumingin ito sa ama. "Aalis na ako tay. Tutulungan ko pa si Nanay sa bahay. Ayaw kong masira ang araw ko."

Tumawa ang matanda sa sinabi ng anak. "Sige anak. Mag-ingat ka."

"Myka, wag ka munang umalis. Ngayon lang ulit kita na tyempuhan dito tapos aalis ka agad." Sabi ni Kurt na ikinagulat niya.

'What? Hindi ba date nila ito tapos may pinipigilan itong ibang babae? What a face of this man?' Naiinis na sigaw ng isipan ni Clara.

Tinaasan lang ng kilay ng babae si Kurt at hindi pinansin ang sinabi nito. Isang mataray na irap ang iginawad nito bago umalis. Sinundan naman nila ito ng tingin. Maamo nga ang mukha ng babae ngunit kabaliktaran naman ng ugali nito. Hindi niya akalain na may babaeng magtataray kay Kurt maliban sa kanya. Wala man lang epekto sa babaeng iyon ang kagwapuhan ni Kurt.

"Pasensya ka na, gwapo."

"Okay lang Mang Isko. Alam mo naman na sanay na ako sa pagtataray ni Myka. Hindi na magbabago ang pakikitungo noon sa akin."

"Iwan ko ba sa batang iyon kung bakit parang galit sa iyo. Tinatanong ko naman siya ngunit hindi naman ako sinasagot." Napailing na lang si Mang Isko.

Tumingin sa kanya si Kurt at ngumiti. "She doesn't like you." Sabi niya kay Kurt.

Biglang nagsalubong ang kilay ni Kurt dahil sa sinabi niya. "What are you talking?"

"That girl, she doesn't like you."

"I know." Gumuhit ang lungkot sa mga mata nito ngunit saglit lang iyon. Kurt immediately hide his emotion to her.

May tinatago ang isang Kurt Adam sa kanya at may kinalaman ang babaeng iyon. Hindi na lang siya ulit umimik. Bigla siyang nakaramdam ng kakaiba. Sigurado siyang mayroon kakaiba kay Kurt at Myka na ayaw nitong ayaw nitong sabihin. Nawalan tuloy siya ng gana. Lalo lang niyang napatunayan na pinaglalaruan siya ng isang Kurt Adam. Hindi na siya muling kumuha ng pagkain, hinintay niya nalang na matapos si Kurt sa kinakain nito. Ipinaramdam niya rin sa binata na naiinip na siya. Mukhang napansin din naman ng binata kaya agad itong nagbayad at nagpaalam kay Mang Isko.

"Hijo, babalik ka ba ulit sa susunod na linggo?"

"Oo naman Mang Isko." Nakangiting sagot ni Kurt.

Tumaas ang kilay niya sa sagot nito. Talagang every week ay pumupunta ang lalaki doon. Mukhang malapit ito kay Mang Isko kaya lagi itong naruruon. May ibang ugali din pala si Kurt na hindi nito pinapakita sa loob ng campus. Hindi niya akalain na marunong itong makisalamuha sa mga taong hindi nito kapantay sa buhay. Knowing the other side of him makes her finds him interesting.

COLE BEEN calling Clara's number but his best friend didn't answer. Gusto niya kasing yayain ang kaibigan na pupunta sa paborito nilang cake shop. Wala siyang gagawin ngayon kaya naisipan niyang bumawi sa kanyang best friend pero hindi naman niya ito mahagilap. Pinuntahan na niya ito sa classroom pero wala ito doon. Tumawag na din siya sa bahay nito at ang sabi ng katulong na naka-usap niya ay hindi pa umuuwi si Clara. Nag-aalala tuloy siya sa kaibigan.

Malapit na siya sa parking area ng may nabangga siya. Nalaglag ang mga hawak na libro ng sinumang nabangga niya. Agad niyang dinampot ang mga libro nito at ganoon din ito. Napansin niyang nakasuot na palda ang nabangga niya. Kung ganoon ay babae ang nasa harap niya. Pagkatapos makuha ang lahat ng libro ay tumayo siya ng tuwid. Bumungad sa kanya ang isang magandang babae.

Nakangiti ang babae sa kanya. The girl in front of him is beautiful. May ningning ang mga mata nito na kulay brown. She is tall and white fair skin. Nakaka-agaw pansin ang kaputian and kinis ng balat nito. Wala naman siyang nakitang kapintasan sa magandang mukha nito. She have pointed noise and kissable red lips. Mahaba ang pilik mata nito at manipis naman ang kilay. Katamtaman ang laki ng mga mata nito na siyang bumagay sa hugis pusong mukha ng babae. Maikli lang ang buhok nito na may bangs. Hindi nga umabot ng balikat ang buhok ng babae.

"I'm sorry." Aniya.

"It's okay." Maagap na sabi ng babae.

Napansin niyang nagningning ang mga mata nito. Binaliwala na lang niya iyon. Sanay naman siya sa ganoong reaksyon mula sa mga babae. Ibinigay niya ang libro dito ngunit muli lang iyon nalaglag. Marami kasi at halatang hindi na nito kaya. Napangiwi naman siya. Muli niyang dinampot ang mga libro.

"Let me help you. Saan ba iyan ilalagay?" tanong niya ng madampot ang lahat ng libro.

"Sa faculty room sana."

"Come on. Samahan na kita doon." Nauna na siyang naglakad. He is not comfortable with her.

Pero kailan pa siya naging comfortable sa pasensya ng ibang babae. Tanging kay Clara lang naman siya malapit. Pagdating kay Clara ay ibang-iba siya dahil sa narararamdaman sa kaibigan. Pati na rin sa matagal na nilang kilala ang isa't-isa.

"Ahmm…" tumikhim ang babae na ngayon ay kasabay na niyang naglalakad.

Hindi niya pinansin ang babae. Hindi naman siya obligado na kausapin ito.

"Ikaw si Lincoln Aries Saavadra, hindi ba?"

Walang nakuhang tugon ang babae kay Lincoln. Kagaya ng sabi-sabi ng mga tao sa kampus na iyon. Tipid magsalita ang binata pero hindi susuko ang isang kagaya niya.

"Magkasama tayo sa isang quiz bee noong nakaraang taon. Siguro na alala mo ako. Isa din ako sa opisyal ng student counsel. Kilala mo naman yata ako, hindi ba?" pangungulit ng babae.

Lincoln didn't response. Kahit sulyap sa babae ay hindi niya ginawa. He is not interest with this woman. Wala naman kahit sinong babae ang tumatatak sa kanya maliban sa kaibigan. Narating nila ang faculty room. May iilang guro pa ang naruruon. Ibinaba niya ang mga libro sa table ng isa sa mga teacher. Mabilis siyang lumabas ng faculty room pagkatapos ma-ibaba ang mga libro.

Hindi na siya nagulat ng sumunod sa kanya ang babae pero ang ikinagulat niya ay ang paghawak nito sa braso niya para pigilan siya sa pag-alis. Huminto siya at tumingin sa babae. Nagtagpo ang kanilang mga mata. Marahas niyang ibinawi ang braso dito at sinamaan ng tingin ang babae. No one touch her except Clara. Wala siyang pinapayagan na kahit sino dahil para sa kanya ang kaibigan lang ang may karapatan. Tinalikuran niya ang babae at pinagpatuloy ang paglalakad.

Hindi napansin ni Cole ang pagguhit ng sakit sa mga mata ng babae. Huminga ng malalim ang babae at muling nilapitan si Cole. This time, she didn't try to touch him. Siguro ay ayaw ng lalaki na magpahawak.

"I'm sorry." Aniya habang nakasunod dito.

Again no response from Cole but she determine to talk to him. Ngayon lang siya binigyan ng pagkakataon na makasabay o makasama ito kaya dapat niyang gamitin ang pagkakataon. Mailap ang lalaki. Hindi nga siya nito kinakausap kahit na magkasama sila sa lahat ng organization sa school na iyon.

"Cole, pasensya na kung hinawakan kita. Gusto lang kasi kitang maka-usap. Salamat sa pagtulong. Kanina pa nga talaga ako struggle sa pagbubuhat ng libro buti na lang talaga at nakabangga kita. At dahil diyan, treat kitang meryenda. Pwede ba?"

Huminto si Cole at hinarap siya. Walang emosyon sa mga mata nito. Nabuhayan siya ng pag-asa na kakausapin na siya nito.

"I'm Trixie Ann Javier Morales, kung hindi mo naalala." Inilahad ng babae ang kamay nito sa harap niya.

Tinitigan lang iyon ni Cole. Wala siyang planong makipagmabutihan sa babaeng ito na alam niya ang gusto sa kanya. Binuksan niya ang pinto ng kotse. Iyon ang dahilan kung bakit siya huminto at tiningnan ang babae.

"Look, Ms. Morales. I'm not interest knowing you. Siguro naman ay nakakaramdam ka. So back off." Hindi maitago ang inis niya.

Nakita niyang dumaan ang sakit sa mga mata ng babae ngunit hindi niya iyon pinansin. Sumakay siya ng kotse ng binaliwala ang mga luhang dumaloy sa pisngi nito.