webnovel

CHAPTER EIGHT

MARAHANG nagmulat ng kanyang mga mata si Marie. Iginalaw niya ang katawan ngunit agad din tumigil ng makaramdaman ng sakit sa gitnang bahagi ng kanyang katawan. Hindi lang din iyon ang nararamdaman niyang sakit, buong katawan niya ay masakit. Para siyang nag-exercise sa nararamdamang sakit ng mga sandaling iyon. Iniikot niya ang paningin sa paligid. Nanlaki ang kanyang mga mata ng mapansin na wala siya sa kanyang kwarto sa bahay.

'Nasaan ako?' tanong niya sa sarili.

Pinilit niyang bumangon at nang malaglag ang kumot na tumatakip sa kanyang katawan ay doon niya nakita na wala siyang suot na kahit ano. Binundol siya ng kaba.

'What happen to me?' Pilit niyang inalala ang nangyari sa kanya. Kung paano siya napunta sa lugar na iyon. Unti-unting pumatak ang mga luha niya ng maalala ang nangyari kahapon.

Ang alam niya ay nakasakay siya sa taxi at uminum siya ng tubig na bigay ng driver. Hanggang doon lang. Napatingin siya sa katawan niya. Walang kahit anong bakas doon na sinamantalahan siya. Walang pasa o kahit manlang kiss mark. Oo at nanakit ang kayang katawan at ang kanyang gitnang bahagi pero walang bakas na dinahas siya ninuman. Walang kahit bakas ng tali sa kanyang kamay na indikasyon na tinali siya. Ngunit alam niyang may taong gumalaw sa kanya kagabi. Nararamdaman niya ang sakit sa kaibuturan niya. Tumayo siya mula sa pagkakaupo sa kama kahit nararamdaman niya ang pananakit ng kanyang katawan. Ibinalot niya ng kumot ang kahubaran. Umikot siya sa buong kwarto at nakita niya ang damit na suot kahapon na nakalagay sa sofa at maayos na nakatupi.

Agad niyang kinuha iyon. Maayos ang damit niya. Hindi iyon pinunit ng kung sinuman nagdala sa kanya roon. Agad siyang nagbihis, natatakot siya na baka nandoon pa ang namantala sa kanya. Natatakot siya na baka gawan siya ulit nito ng masama. Pagkatapos magbihis ay kinuha niya ang kanyang bag na nakapatong katabi ng damit niya. Ma-ingat siyang lumabas ng kwartong iyon. Kailangan niya makaalis doon ng walang nakakakita sa kanya. Ngunit hanggang sa makalabas siya ay wala siyang nakitang tao. Nanlaki ang mga mata niya ng makita ang malawak na karagatan na sumalubong sa kanya paglabas ng rest house na iyon.

"Nasaan ako?" Hindi niya napigilang itanong sa sarili. Saan siyang lugar dinala ng taong namantala sa kanya?

Malawak na karagatan at maputing buhangin ang sumalubong sa kanya. Iniikot niya ang paningin sa paligid, wala siyang nakitang katabing cottage o bahay. Marahang naglakad siya pagkababa niya ng rest house. At nang makita ang daan palabas doon ay nagsimula siyang maglakad. Yakap niya ang sarili habang lumalayo sa lugar na iyon. Muling pumatak ang mga luha niya ng maalala kung bakit naruruon siya at kung anong kapahamakan ang nangyari sa kanya. Kung anong bangungot ang nangyari sa kanya na siguradong kahit kailan ay hindi niya makakalimutan sa buong buhay niya. Kung sinuman ang may gawa sa kanya noon ay sisiguraduhin niyang mabubulok ito sa kulungan. Hindi siya makakapayag na hindi niya makamit ang katarungan na para sa kanya.

NAKAUPO sa kama niya Marie at nakatingin sa labas ng kwarto niya. Ilang araw na siyang ganoon? Tulala at ayaw kumain. Hindi mawala sa kanyang isipan ang nangyari sa kanya sa Batanggas. Akala niya ay mabibigyan niya ng katarungan ang sarili ngunit hindi pala. She reported what happen to her, she even describes the taxi driver who abducted her, but no one knew where the taxi driver is. Kahit ang operator ng taxi na pinagmamaneho nito ay walang alam kung nasaan na ang dumukot sa kanya. She feels frustrated because of what happen to her. Pakiramdam niya ay naglaho na parang bula lahat ng pangarap niya. Hindi niya mahanap ang hustisya na sinisigaw niya. Pakiramdam niya ay pinagkait sa kanya ang lahat. Kinuha ang natitirang tiwala niya sa sarili. Paano pa siya haharap sa mga kakilalang tao na hindi siya huhusgahan? Naging tanga siya at hinayaan niyang mapahamak ang sarili.

Ang bilis niyang magtiwala sa tao na naging dahilan para mapahamak siya. Ngayon ay hindi na niya maibabalik pa ang lahat at nais man niyang itama ay hindi niya magawa. Hindi niya mahanap ang hustisya na nais.

Bakit ba kailangan mangyari ito sa kanya? Ano bang ginawa niyang mali para maranasaan niya ang bagay na kagaya nito?

Muling pumatak ang mga luha niya. Tumayo siya at pumasok sa banyo. Binuksan niya ang shower at hinayaan ang tubig na dumaloy sa kanyang katawan. Habang suot ang damit ay kinuha niya ang sabon at buong lakas na ikinuskus iyong sa katawan. Nais niyang burahin ang bakas ng taong gumawa sa kanya ng masama. Walang tigil sa pagpatak ang mga luha niya habang patuloy na sinasabon ang sarili. Ilang beses na ba niyang ginawa iyon sa tuwing naalala ang nangyari sa kanya ngunit kahit anong gawin niya ay hindi niya matanggal ang bakas ng taong iyon sa katawan niya. Pakiramdam niya ay nakadikit na sa balat niya ang mga hawak nito. Hindi man niya namalayan ang ginawa nito dahil mahimbing ang kanyang tulog ay gabi-gabi naman niya napapaginipan ang ginawa nito. Sa panaginip niya ay nakikita niya ang mukha nito at kung paano nito pinagsamantalahan ang katawan niya na walang kalaban-laban. She feels disguised of herself.

"Ahhhhh" Sigaw niya at napaupo. Walang humpay sa pagpatak ang mga luha niya.

Napatingin siya sa kanyang balat. Namumula at may bakas ng sugat. Doon lang din niya naramdaman ang sakit na dulot ng mga sugat na iyon ngunit walang mas sasakit pa sa nararamdaman niya. Nais niyang isigaw sa mundo kung gaano kasakit ang nararamdaman niya ng mga sandaling iyon ngunit hindi niya magawa. Nais niyang sabihin sa kakilala kung anong nangyari sa kanya, kung gaano ka sakit ang nararamdaman niya ng mga sandaling iyon ngunit natatakot siyang makita ang pangdidiri ng mga ito. Natatakot siyang marinig sa mga ito ang pagkutya dahil may ibang taong nakagalaw sa kanya maliban sa kanyang nobyo. At mas lalong ayaw niyang makita ang awa sa mga mata ng mga ito dahil ang totoo ay galit siya sa sarili. Naging pabaya siya ng mga sandaling iyon. Naiinis siya dahil hindi manlang siya nag-iisip bago ininum ang tubig na bigay ng isang estranghero.

"Bakit ko ba nararanasan ang mga bagay na ito? May nagawa ba akong mali?" tanong niya sa sarili. "Wala naman akong sinaktan na tao. Wala akong inapakan na pagkatao pero bakit kailangan niyang iparanas sa akin ang ganitong buhay? Bakit ako? BAKIT AKO?" sigaw niya habang nakatingala. Natigilan siya ng biglang bumukas ang pinto ng banyo at gulat na gulat na nakatingin sa kanya si Kurt.

"Marie!" Sigaw ni Kurt at agad siyang nilapitan. "Anong ginagawa mo?"

"Kurt..." bulong niya sa pangalan ng taong minamahal.

Agad na sinuri ni Kurt ang kanyang mga braso. Kitang kita ang bakas ng ginawa niyang pagsabon kanina. Nagtagpo ang mga mata nila ni Kurt. Nakita niya ang pagtataka at pag-aalala nito sa kanya. Agad siyang umiwas ng tingin dito. Hindi niya alam pero natatakot siya na tumitig sa nobyo. Natatakot siya na baka malaman nito ang nangyari sa kanya at kamuhian siya. The last things she wants to see is the disguised look at his eyes.

"What happen? Bakit ka nanliligo na suot pa ang damit mo? At bakit sumisigaw ka kanina?" tanong nito at binuhat siya.

Napahawak siya sa batok ng nobyo. Hindi niya sinagot ang mga tanong nito. Tinitigan niya lang ang gwapong mukha ni Kurt. Maingat siya nitong pinasok sa walking closet. Ibinaba siya nito.

"Hindi ka dapat naliligo na suot ang damit mo. Tapos bakit namumula iyang balat mo?"

Hindi pa rin niya sinasagot ang tanong ng nobyo. Nanatili siyang nakatingin dito. Unti-unting pumatak ang mga luha niya ng makita kung gaano ito kaingat sa kanya. Kung gaano siya nito ginalang. Kurt is so gentle to her. Hindi siya nito pinilit sa mga bagay na ayaw niya. Katatapos lang nila ng college ng unang may nangyari sa kanila. It was both special for two of them. After noon ay naging ma-ingat na sa kanya si Kurt. He makes sure na walang lalaking makakalapit sa kanya, not until he started working as wild photographer. And now, it happens to her. Pinagsamantalahan siya at wala ito para protektahan siya. At pakiramdam niya ay kasalanan niya ang nangyari sa kanya. Hind siya nag-iingat.

Lumapit sa kanya si Kurt na may hawak na damit. "Let's change your--"

"Umalis ka na." Pabulong niyang sabi ngunit may diin.

Narinig naman iyon ni Kurt dahil nakita niyang natigilan ito. "Anong sabi mo, Marie?"

Umangat siya ng tingin. Sinalubong niya ang titig ni Kurt. Hindi matigil sa pagpatak ang mga luha niya. "Ang sabi ko, umalis ka na," sigaw niya.

Gumuhit ang pagkagulat sa gwapong mukha ng nobyo. "Bakit mo naman--"

Tumayo siya at tinulak ito. "Sabing umalis ka na. Hindi kita kailangan."

Ngunit hindi nagpatinag si Kurt. Nanatili itong nakatayo sa tabi niya. "Ano bang nangyayari sa'yo, babe? May ginawa ba akong mali?" Hinawakan ni Kurt ang mga braso niya.

Agad niyang hinatak ang braso at nanginginig ang katawan na lumayo rito. "Wala! Kaya umalis ka na. Iwan mo na ako, Kurt."

"Paano ko gagawin iyon kung ganyan ang ayos mo?" Frustrated na sabi ni Kurt. Bakas sa mukha nito ang inis at sakit. Ito ang unang pagkakataon na tinulak niya ito palayo sa kanya simula ng magkarelasyon sila.

Tumigil siya sa pagtulak ditto at umiling. Nasasaktan ang puso niya habang nakatingin sa nasasaktang mukha ng nobyo. Lalo na at nakikita niya ang pagmamahal sa mga mata nito. She doesn't deserve the love he giving to her. She can't love him back knowing how disguised she is. Hindi na siya buo. Hindi na siya nababagay kay Kurt.

"Kurt, please! Can you leave me alone? Gusto ko lang munang mapag-isa."

"Ano ba kasing nangyayari sa'yo, babe? Pwede mo naman sabihin sa akin?" Tinangka siyang hawakan ni Kurt ngunit agad siyang umiwas.

Yumuko siya. Hindi niya kayang salubungin ang mga titig nito. Hindi na niya kayang makita ang sakit na nakalarawan sa gwapong mukha ng nobyo. "Kurt. Please! Hayaan mo muna akong mapag--"

"Sabihin mo kasi sa akin kung anong problema." Sigaw ni Kurt. "May problema ba tayo, Marie? Okay naman tayo noong isang araw. Maayos naman--"

"Tama na Kurt." Siya namana ng pumutol sa iba pa nitong sasabihin. "Umalis ka na. Wag mo naman dagdagan ang bigat na nararamdaman ko. Hindi mo alam kung ano ang nararamdaman ko ngayon. Kaya hayaan mom una ako."

Naglakad siya palabas ng walking closet. Agad naman humabol sa kanya si Kurt at pinigilan siya sa braso.

"Marie, pag-usapan naman natin ito. Eight years na tayo. Pwede na--"

"Eight years na tayo. Buti at alam mo pa iyan, Kurt. Sa loob ng ilang taon, naging boyfriend ka ba talaga sa akin? Simula na nagtrabaho ka, kinalimutan mo na may nobya ka. Alam mo ba? Nais kitang sumbatan sa lahat ng sakit na naramdaman ko ngunit ano pang magagawa ng pagsumbat ko. Nasaktan mo na ako. Pinabayaan mo na ako."

"Marie..."

"Bakit Kurt? Ayaw mo na ba sa akin kaya ayaw mo na akong laging kasama? Wala ka na bang nararamdamang pagmamahal sa akin kaya wala ng halaga sa'yo ang mga especial na araw sa buhay natin?"

"Alam mo kung gaano kita kamahal, Marie. Alam---"

"Oo alam ko. Pero Kurt, hindi ko iyon maramdaman ng mga panahon na kailangan kita. At ngayon, hindi ko alam kung paano mababago ng pagmamahal mo ang sugat na meron sa pagkatao ko. Hindi ko alam kung paano mabubuo ng pagmamahal mo ang nawasak kong pagkatao dahil sa pinabayaan mo ako. Kaya sana hayaan mo muna ako. Umalis ka muna." Puno ng sumbat niyang sigaw ditto.

Sinubukan siyang hawakan ni Kurt ngunit agad siyang umiwas sa nobyo.

"Tama na, Kurt. Wag mo naman dagdagan ang sakit na nararamdaman ko ng mga sandaling ito. Dahil sa totoo lang, habang nakikita kita, lalo lang nasasaktan ang puso ko. Please!!! UMALIS KA NA! IWAN MO NA AKO!"

Hindi na nagpumilit pa si Kurt na hawakan siya. Narinig niyang huminga ito ng malalim. Ramdam niya, nakagaya ng nararamdaman niya ng mga sandaling iyon ay nahihirapan din sa sitwasyon. Alam niyang hindi tama ang kanyang mga sinabi. Para bang sinasabi niya na ito ang may kasalanan ng nangyari sa kanya kahit pa nga nawala naman talaga. The only mistake he made was that he didn't keep his promise, that he will protect her with all his life.

"Is this what you want?" tanong ni Kurt pagkalipas ng ilang sandaling katahimikan sa pagitan nila. Nasa boses nito ang bigat at sakit na nadarama.

Hindi siya umimik. Patuloy lang siya sa pag-iyak. Naging sagot na rin iyon para kay Kurt.

"Okay. I've back when you are ready to talk to me. But always remember this, Marie. I love you. I know my mistake at you. And if you give me a chance, I will make it up to you. I can't let you go, Marie. Let's work this relationship out. Hindi ko kayang mawala ka sa akin. Mahal na mahal kita." Lumapit sa kanya si Kurt, lalayo na sana siya ng agad siya nitong hinawakan sa magkabilang balikat at hinalikan sa noo.

Nang makalabas ng kanyang kwarto si Kurt ay doon lalong bumuhos ang kanyang mga luha. His kiss reminds her how much he loves her. How much he cares for her. Napahawak siya sa kanyang puso ng maramdaman ang sakit doon na parang bumibiyak sa kanyang pagkatao. Wala na yatang mas sasakit pa sa nararamdaman niya ng mga sandaling iyon. Paano niya haharapin si Kurt na hindi naalala ang bangungot sa buhay niya? Paano niya sasabihin kay Kurt na rape victim ang nobya niya? Na may taong nakakita at nakatikim ng kanyang katawan?

Wala na siyang maipagmamalaki kay Kurt. Isa na siyang maruming babae. She doesn't deserve Kurt love anymore. Ano nalang ang sasabihin ng mga tao nakapaligid dito? Siguradong pagtatawanan ito ng mga tao. Siguradong kukutyain ito dahil naging biktima ang nobya nito. Na naging mahina siya at naging tanga.

Pero mas higit siyang natatakot sa magiging reaksyon ni Kurt kapag nalaman nito na ginahasa siya. Siguradong pangdidirihan siya nito at pagtutulakan palayo. At bago pa mangyari ang mga bagay na iyon ay kailangan na niyang lumayo rito. Kailangan niyang palayain si Kurt sa relasyon nila kahit pa nga ikakawasak ng puso at buhay niya iyon. She is already damage and broken, and she doesn't know how to fix herself.

LUMIPAS ang ilang araw na hindi lumalabas ng bahay si Marie. Pinalitan na rin niya ang lock sa bahay niya para hindi na makapasok si Kurt. Lagi naman nasa labas ng bahay ang nobyo. Nakiki-usap na kung maari ay pag-usapan nila kung anuman ang hindi nila pagkaka-unawan ngunit naging matigas siya.

Hindi niya kayang harapin ito. Naduduwag siyang makita ang sakit at pighati sa mga mata niya. At ng mga sandaling iyon, hindi niya alam kung paano makikipaghiwalay sa nobyo. Nasa kwarto nito si Marie at nakatingin sa labas ng bahay. Nakatingin siya sa kotse ni Kurt. Nakita niyang lumabas ng kotse nito ang binata at tumingin sa gawi niya. Nakikita niya sa mga mata nito ang lungkot. Hindi din maitatago sa mukha nito ang pagod. Araw-araw ba naman itong nasa tapat ng bahay niya.

Aalis na sana siya sa kinatatayuan ng marinig niyang sumigaw si Kurt.

"Marie, babe, alam kung naririyan ka at naririnig mo ako. Please naman, ka-usapin mo na ako. Pag-usapan naman natin itong problema natin. Wag naman natin itapon ang walong taon na pinagsamahan natin. Mahal na mahal kita, Marie Clara Alonzo. I'm sorry babe. Please! Take me back."

Napahawak siya sa kanyang dibdib ng makaramdam ng pagkirot sa kanyang puso. Para may tumarap na matalim na bagay sa kanyang dibdib. Sobrang nasasaktan ang puso niya. Muling pumatak ang kanyang mga luha.

"I'm sorry. I'm sorry. Ako dapat ang humihingi sa iyo ng tawad. I'm sorry, Kurt kung naging mahina ako. Kung masyado akong naging kampante ng mga sandaling iyon. Kasalanan ko ito."

Napaupo siya habang hawak ang pusong nasasaktan. Nais niyang sumigaw, nais niyang patayin ang taong gumawa noon sa kanya. Dahil dito ay nasira ang buhay niya. Dahil dito ay nawala ang dating maayos at simpleng buhay niya. At dahil dito ay nawala sa kanya ang taong minamahal.

"I'm so sorry! I'm sorry Kurt." Tanging nasabi niya.

Napa-upo siya sa gilid ng bintana at sumandal sa pader habang hawak ang naninikip na dibdib. Hinihiling niya na sana ay panaginip lang ang lahat, na isang masamang panaginip ang nangyayari sa kanya ngunit alam niyang hindi. She is a wide awake. Totoo ang lahat at wala siyang takas sa masamang katotohanan ng buhay.

Hindi niya alam kung ilang oras na siyang nakaupo doon. Natigilan lang siya ng makarinig ng patak ng ulan. Agad siyang tumayo para silipin si Kurt. Kitang-kita niya kung paano bumuhos ang malakas na ulan sa katawan ng nobyo. Walang tinag na nakatayo sa gitna ng ulan si Kurt. Basang-basa na ito ngunit hindi man lang ito umalis sa kinatatayuan.

Agad na bumaha ng pag-aalala ang puso niya. Mabilis siyang bumaba ng bahay at kinuha ang payong na nakalagay sa gilid ng pinto. Lumabas siya dala ang isa pang payong.

"Ano bang ginagawa mo?" Sigaw niya.

Napatingin sa kanya si Kurt. Agad niyang napansin ang panginginig ng labi nito tanda na nilalamig na ang binata. "M-marie. A-akala ko m-matiis mo akong hindi makita."

"Nababaliw ka na ba? Bakit naman hindi kita lalabasan? Nakikita mo ba ang sarili mo, basing-basa ka na ng ulan." Ibinigay niya ang payong na hawak. Agad naman iyong tinanggap ni Kurt at ginamit.

"Alam ko kasing nagtatampo ka sa akin. Kaya-"

"Pumasok ka muna." Putol niya sa iba pa nitong sasabihin.

Tumalikod siya para bumalik ng bahay ng bigla siyang nakaramdaman ng pagkahilo. Muntik na siyang mabuhal kung hindi lang naging maagap si Kurt sa pagsalo sa kanya. Hinawakan siya nito sa siko at inalalayan na tumayo ng tuwid.

"Okay ka lang? May masakit ba sayo?" Hindi maitago ang pag-aalala sa boses nito.

"I-I'm okay." Pinilit niyang tumayo ngunit muntik na naman siyang mabuwal.

"Are you sure you are okay?"

"Yes. I'm...." Hindi na niya natapos ang iba pangsasabihin ng tuluyang dumilim ang paligid niya.

Ang huling narinig niya ay ang pagsigaw ni Kurt sa pangalan niya at pagpatak ng ulan sa kanyang mukha.