webnovel

Confess To You

uncrushyou · 青春言情
分數不夠
7 Chs

Chapter 4: Friend Request

"Assignment is five percent of your grades. Sayang kung hindi kayo gumagawa o nagpapasa," sermon ng adviser namin.

Agad namang nagreklamo ang mga kaklase ko.

"Wag mong lahatin, Ma'am. Mababait kaya kami." Pagtatanggol ng kaklase kong si Vincent sa section namin na sunod-sunod namang sinang-ayunan ng mga kaklase ko.

"I know that, class. Wag kayong tumulad sa ibang section na pinapasakit ang ulo ko. I am hoping that you would answer your assignments and pass them on time. Graduating na kayo, be responsible. Understood?" Our adviser added.

Nagsitanguan naman kaming lahat.

Thank you for your care, Ma'am Myra.

"Alright. Class dismissed."

"Thank you and goodbye, Ma'am Myra Zendales." That was the whole class' favorite line ever. Haha!

Last subject na yun at nagpaalam na ako kina Loren na mauna nang umuwi. Hanggang ngayon kasi ay hindi pa ayos ang pakiramdam ko nang dahil sa nangyari kaninang lunch break.

Medyo masakit pa rin. Napabuntong- hininga na lang ako habang naalala ang katangahan ko kanina sa Campus' Little Forest.

Sinundo ako ni Mang Jose sa school. Maya-maya pa ay nasa bahay na kami ng mga Solis.

"Papa, Mama! Nandito na po ako!" Sigaw ko mula sa main door ng bahay. Nakagawian ko nang gawin ang pagsigaw sa tuwing umuuwi ako. Nasanay na rin sina Mama at Papa pati na rin ang katulong namin sa bahay na sina Aleng Pasing at Ate Kyra.

"Medyo mahina ang pagsigaw mo ngayon, baby? Are you okay?" Salubong ni Papa sakin sa living room at binigyan ako ng mahigpit na yakap.

Napansin niya pa yun?

Grabe talaga si Papa.

"Yes, Papa. Okay lang naman po ako. Medyo pagod lang po. Andami kasi naming quiz kanina." At tumawa pa ako para mas convincing lalo.

"Bakit, anong problema ng anak namin?" Nakasunod pala si Mama kay Papa. Akala ko nandun pa siya sa opisina. Minsan kasi nag-o-over time siya dun.

Binigyan niya rin ako ng yakap at sinuklian ko siya ng halik sa pisngi.

I'm home.

"Wala, Ma. Pagod lang po." Pinanggigilan niya naman ako pagkatapos.

"Halika, baby. Nagluto ng paborito mong sinigang na hipon si Manang Pasing," ngiting sabi ni Papa.

"At tumulong ako kay Manang Pasing, nak," singit naman ni Mama.

"Buti, hindi nasunog yung ulam, Ma?" At tumawa kaming tatlo sa biro ko.

It always felt warm when I'm with my parents. And I'm glad that I'm their daughter.

"Natututo na kaya ako," Mama pouted.

"Oo nga, baby. Nagsisikap naman si Mama mo." Bumaling si Papa kay Mama.

"My honey is learning, eh? Kahit naman hindi ka marunong magluto, you are still the best chef for me. I love you, Love," Papa said to Mama lovingly.

My mom and I both melted with my dad's words.

"Thank you. I love you too, Love," Mama replied.

Ilang taon na bang magkasama ang parents ko?

18 years?

Pero parang bago pa lang ang pagsasama nilang dalawa. They are still madly, truly and deeply in love with each other.

I admit, I also want that kind of love for myself. Yung hindi napapagod, yung hindi nawawala at yung hindi nakakasawa.

Napailing-iling ako. Kung ano-ano na naman ang naiisip ko.

Iniwan ko muna silang dalawa sa dining area at hinayaang maglampungan.

Umakyat ako sa kwarto ko at nagbihis bago bumaba ulit para kumain ng hapunan.

Pagkatapos ng masayang hapunan na palagi naman ay pumanhik na ako sa kwarto ko at pumasok sa bathroom. Nag-half bath lang ako at nagbihis na.

Wala pa akong planong matulog kaya tinapos ko muna yung assignment namin. Naalala ko yung sinabi ni Ma'am Myra samin kanina sa klase. Buti na lang.

Masasabi kong si Ma'am Myra ay isang natatanging guro. Yung tipong deserving na tawaging bayani. She's one of the rarest teacher I've met. She's passionate and caring towards her students. Yung pag-aalala ng matatawag na second parent. Hindi lahat pero ying ibang guro kasi nagtuturo sa paraang alam nila, yung basta basta na lang, para makakuha lang ng sweldo.

And I'm very thankful that Ma'am Myra is our adviser.

Pagkatapos kong matapos lahat ng assignments ko ay tiningnan ko ang Facebook account ni Ken baby ko.

Oo na, stalker it is.

Sa kasikatan niya kasi hindi pa kami friends sa Facebook hanggang ngayon.

I cancelled my friend request and then, I added him again. Para kapag nagbukas siya ng Facebook niya, makikita niya agad ang friend request ko.

Palagi ko 'tong ginagawa tuwing gabi bago matulog simula nung magkagusto ako sa kanya...

Yes, sadly. I am just one of those girls who have been dying to be noticed by him.

Public naman ang fb account niya kaya malaya ko siyang naii-stalk.

May bago siyang status. It was posted just five minutes ago. It means he's online!

Kenneth Aguirre

• 5 mins ago

I want to see you again, so bad. I miss you. :'<

There were five thousand reacts and almost four thousand comments. What the holy ghost!

Richard Tan

Sino 'yan, pre? Bagong chicks? HAHAHA😂

1k Likes 200 replies

Alvin Javier

Captain! May tama ka na talaga! 😆

1.2 Likes 345 replies

Cassandra Aguirre

Ang daya mo, couz. What's that all about? Are you being serious? Ba't wala kang sinasabi sakin? Humanda ka sakin pag-uwi ko ng Pilipinas! 🤪

2k Likes 500 replies

Faye Caldo

Kenneth! I love you! Kailan lang tayo tapos may bago ka na naman??! Why?!

My heart is breaking! 😭💔

Rica Juarez

God is good all the time. Amen.

Like my comment if you love God.

55 Likes 23 replies

Aizalyn Plaques

Sino yung girl, Kenneth my labs? Pakilala mo sakin para makilatis ko. Huhuhu kahit masakit samin Kenneth Lovers, support ka namin! Fighting! We love you! <333

1k Likes 997 replies

Sheena Torre

Ang sakit, Fafa Kenneth! May bago ka na? Huhuhu

2 Likes 4 replies

Lenny Abe Natsumi

I want to see you too, babe. I miss you. 😘

1.5 Likes 489 replies

So on and so forth. Pero ang mas napansin kong comment at nagpakirot ng puso ko ay ang comment ni Lenny.

Oo nga naman. Baka ang tinutukoy niya sa status niya ay si Lenny. Pinag-bake pa nga ng cake, diba?

Ramdam ko ang kirot sa puso ko habang iniisip na mahal ni Kenneth si Lenny. Na baka si Lenny nga ang tinutukoy niya sa post.

Ang sakit. Gusto kong tumawa. Simpleng pagkagusto na lang ba 'to? Bakit ganito na kasakit?

Humiga ako sa kama at nagtakip ng unan sa mukha.

Namumuo na ang luha sa mata ko nang marinig ko ang notifications ng Facebook.

Tinanggal ko ang unan sa mukha ko at tinignan ang iPhone ko.

Kenneth Aguirre accepted your friend request.

My eyes widened with what I am seeing. Totoo ba 'to? Kinusut-kusot ko ang dalawang mata baka sakaling namamalikta mata ako dahil sa antok.

Pero hindi pa rin nagbago yung notifications. Kenneth accepted my friend request! It was real!

My heart is hyperventilating and I covered my mouth with the pillow as I scream.

Nagpagulong-gulong ako sa ibabaw ng kama ko dahil sa kilig. Hindi pa rin makapaniwala kaya tinignan ulit ang notification.

Kenneth posted a new update.

I clicked it and quivered. He posted an image. He's sleeping like a prince in his post with a caption: I need to sleep. See you in Dreamland, baby. ;')

Oh my goodness! Kinikilig ako!

Matutulog na rin ako para magkita na kami ng Ken baby ko sa Dreamland!

Pero bago yun, I messaged him in Messenger.

Kenneth

👋

Hi. :')

Thanks for accepting

my friend request.

Goodnight.

9:30pm sent

Inilapag ko ang cellphone sa bed side table at tinabi ang assignments sa bag ko.

I prayed and thanked God for this day. Pagkatapos ay natulog na rin na may ngiti sa labi.

🦋

       

uncrushyou