webnovel

Clouded Feelings (Tagalog)

Ayla Encarquez is a nobody. Can she be a somebody to the man of her life?

_doravella · 现代言情
分數不夠
47 Chs

The Birthday Party

Si Engr. Sonny kay MJ Osmeña? Bakit naman?

Humigpit ang hawak ko sa aking cell phone habang nilalabanan ang sariling mailabas ang inis at ang antok. Antok na antok na ako at ilang araw ko nang nararamdaman 'to. Nilalabanan ko lang dahil kasama ko ngayon si Fabio. Nasa plaza kami. Kasalakuyan akong na-iwan ngayon sa table namin dahil may nakita siyang kakilala kanina kaya nag-uusap pa sila magpahanggang ngayon. Kaya nabigyan ako ng pagkakataong balikan ulit ang mga nangyari, isang buwan na ang nakakaraan.

Humikab ulit ako.

Anak ng baboy, pang-ilang beses na 'to, a?

"I'm sorry, ang dami kasing kuwento ni Gino, e."

Umaayos ako sa pagkaka-upo at nginitian si Fabio nang makabalik na siya sa table naming dalawa. Biyernes nga pala ngayon. Gabi na kaya nag-aya muna ng hapunan si Fabio. Kagagaling ko lang sa trabaho at diretso na ako rito. Nakasuot pa nga ako ng office uniform, e.

"Okay lang, Fab, ano ka ba," ngumiti ako sa kaniya para ipakita na walang kaso sa akin ang ginawa niya. Kaibigan naman n'ya 'yon kaya wala lang talaga sa akin kung mag-usap pa sila nang mahaba. Kung puwede nga ay imbitahan niya rito sa table namin 'yong lalaking 'yon, e.

Wala pa naman 'yong order namin ni Fabio kaya mahaba-habang hintayan pa talaga ito.

Matapos niyang humingi ng pasensiya, agad niyang inatupag ang cell phone niya. Napatitig ako sa kaniya. Isang matagal na titig.

Bakit ko pa ba pinagpapatuloy 'to? Alam ko sa sarili ko na nakikipaglokohan lang ako sa sarili kong nararamdaman. Isang buwan na ang nakakalipas magmula no'ng aminin ko sa sarili kong may gusto ako sa kaniya. Magmula no'ng may mangyari sa aming dalawa. Magmula no'ng huling umuwi siya sa bayan namin. Isang buwan na.

Hindi ko na maintindihan ang sarili ko. Kung kailan ko naamin sa sarili ko ang totoong nararamdan, saka naman siya hindi na nagparamdam. Paano at bakit ba nahulog ang loob ko sa kaniya? I've been warned about his cheeky personality but here I am falling even harder because of his cheeky personality. Kung kailan talaga naamin ko na ang lahat, saka naman siya biglang nawala sa aking paligid.

At bakit ba hanggang ngayon, nakikipagkita pa rin ako kay Fabio? Ang daming nagawa ni Fabio sa akin kaya hindi ko alam ngayon kung paano tapusin ang lahat sa kaniya. Oo, walang label pa rin ang relasyon namin kasi hanggang ngayon… hindi ko pa rin kayang sumagot sa ka-isa isang tanong niya. Lalo na ngayong nalaman ko kung kanino talaga tumitibok ang abnormal kong puso… sa isang tao na namang mahirap abutin.

Pangako, pagkatapos ng hapunang ito, sasabihin ko na sa kaniya ang totoo.

Pero paano kung hindi na talaga magparamdam si Engr. Sonny sa akin? Paano kung hindi na talaga siya bumalik sa bayan namin? Paano kung hindi pala totoo ang nararamdaman niya sa akin? Edi pagsisisihan kong binitiwan ko si Fabio?

Sinawalang-bahala ko muna ang isiping iyon at inatupag ang aking cell phone. Hindi rin naman nagsasalita si Fabio kasi busy din siya sa cell phone niya kaya gagayahin ko na lang ang ginagawa niya.

Nag-open ako ng social media accounts ko, trying to fish some information about his whereabouts pero maski ang kaniyang mga social media accounts ay walang update.

Hanggang kailan ba ako magiging ganito? Hanggang kailan ba? Anak ng baboy, Ayla, isang gabi lang 'yon!

Pero 'di ba, ang virginity ang pinaka-importanteng hiyas ng mga babae? Paano ko nagawang ibigay sa kaniya 'yon nang hindi pa ikinakasal? Anak ng baboy ka talaga, Ayla. Nakakahiya ka!

Isang mensahe ang bigla kong natanggap habang abala ako sa aking cell phone. Mensahe galing kay Shame, reminding me about the party tomorrow. Birthday kasi ni Boss Darry, may party daw na magaganap sa Old House. Eight pm. Ina-assure ni Shame na pupunta raw ako kaya maya't-maya ang pagpapadala niya sa akin ng mensahe kahit bukas pa naman ang birthday party na 'yon.

Lahat kasi ng empleyado ng central ay inimbitahan sa party na 'yon. Ang sabi sa akin ni Shame, isang disco party daw ang magaganap kaya paniguradong ang mga youngster employee ng central lang ang makakadalo.

"Ayla, okay ka lang ba? Kanina ko pa napapansin ang pagiging tahimik mo?"

Matapos ang hapunan namin ni Fabio ay agad akong nag-aya na umuwi na dahil sa antok. Mabuti naman at pinakinggan niya ako. Kaso nga lang, napansin pa niya.

Pagak akong ngumiti sa kaniya at dinaan sa biro ang pagsagot.

"Matagal na akong tahimik, 'di ba, Fab?"

"Oo na. Oo na. Pero kakaiba ang pagiging tahimik mo ngayon, a?" aniya.

Pagak ulit akong napangiti sa kaniya at hindi na pinatulan ang sinabi niya.

Hindi ko na alam kung anong patutunguhan ng istoryang ito. Wala na ako sa hulog at wala na ako sa huwisyo. Hindi ko na alam kung may hangganan pa ba ang buhay na ito. Masiyadong madilim ang nasa dulo, hindi ko makita, hindi ko mawari kung ano ang meron doon. Gusto kong hagilapin, gusto kong malaman nang sa gayon ay maabisohan ako sa sakit na parating, nang sa gayon ay ma-ihanda ko ang sarili ko sa namumuong panganib.

"Sumama ka na kasi! Lahat ng empleyado ng central ang pupunta sa birthday ni Boss!"

Kasalukuyang nasa labas ng gate namin ngayon si Shame, kasama si Ezekiel, at pilit nila akong kinukumbinsi na um-attend sa birthday celebration ni Boss Darry. Dala ni Ezekiel 'yong owner-type jeep niya. Sa ilang buwan ko ring pagta-trabaho sa central, kasama ang dalawang ito, paminsan-minsan ay naihahatid din nila ako kaya alam nilang dalawa kung saan ako nakatira at mukhang bad idea kasi nga pinuntahan na ako ng dalawa ngayon.

Wala talaga akong balak na pumunta kasi nakakapagod at anong mapapala ko roon? Tutunganga lang naman ako at sa huli ay maiiwan sa isang sulok habang pinapanood ang lahat na mag-enjoy sa party na iyon. Masiyado nang predictable kasi ganoon naman talaga palagi ang ginagawa ko sa tuwing may ganitong klaseng party. Unless kung si Zubby ang kasama ko, siguradong mapipilit ako ng isang 'yon.

Sabado ngayon. Magda-dapit hapon na pero mag-isa pa rin ako sa bahay. Nagwawalis ako ng bakuran nang bigla silang dumating at 'yon na nga, nagpumilit na nga. Ni hindi ko nga sila magawang papasukin sa loob ng bakuran dahil inilatag na sa akin lahat ni Shame ang mga rason kung bakit kailangan daw akong pumunta. As if naman importante ang presensiya ko sa birthday ng isa sa mga boss ng central.

Katulad din nang ginagawa ko araw-araw, madi-disappoint din naman ako kapag nalaman kong hanggang ngayon ay hindi pa rin umuuwi si Engr. Sonny.

"At alam mo ba, Ayla, na sponsor ito ng Lizares brothers. And by means of Lizares brothers, silang lahat kasi naka-uwi na raw si Engineer Sonny kahapon lang!"

Ano?

Nabitiwan ko ang walistingting na hawak ko dahil sa gulat. Napatulala ako kay Shame asking for a sign to repeat what she just said.

Ano 'yong sabi n'ya? Nandito na siya?

"H-Ha?"

"Okay ka lang, Ayla?" may pag-aalala sa tanong ni Shame pero imbes na sagutin ang tanong niya, inatupag ko ang sarili kong pulutin ang walistingting na nabitiwan ko.

Pinagpapawisan ako ng malamig. Mabilis ang tibok ng aking puso. Lahat ng iyon ay sabay-sabay kong naramdaman nang marinig lang ang kaniyang pangalan.

Gabi-gabi kong naiisip ang gabing iyon. Kung paano niya haplusin ang bawat sulok ng aking katawan. Kung gaano ka tamis ang bawat halik na ipinupukol niya sa akin. Kung paano niya iparamdam sa akin na ako ang pinakamagandang babae sa gabing iyon. Kung paano niya ako iningatan sa kamang kaming dalawa lang ang nakakaalam. I had sex with him. A fornication perhaps. He's my first. I gave him my virginity because of his words. I'm falling harder. Harder than I ever thought. Hardest maybe.

"Hello, Ayla? Earth 'to?"

"H-Ha?"

Pero ang katotohanang hindi niya ako magugustohan gaya ng sinabi niya sa akin ang nagpabalik sa akin sa aking realidad. Sa realidad na hindi na siya kasama.

"Sumama ka na kasi!"

Umiwas ako ng tingin kay Shame para matingnan naman si Ezekiel na tinatanguan lang ako. Katulad nang gustong mangyari ni Shame, mukhang gusto niya ring sumama ako.

"W-Wala kasing maiiwan sa bahay, Shame, Ezekiel. Ako lang mag-isa ngayon dito. Hindi pa kasi umuuwi sina Tatay. Baka hanapin din ako kapag aalis ako ngayon," pagdadahilan ko. Ang mabuti pa siguro'y umiwas na lang ako.

Dahil sa sinabi ko, nakita ko ang pag-irap ni Shame at parang kaonting-kaonti na lang ay susugurin na niya ako para kaladkarin pasakay sa jeep ni Ezekiel.

"Ang laki-laki mo na, tatanungin mo pa 'yong folks mo kung saan ka pupunta? Ayla naman, sige na, company affair 'to, o, atsaka paniguradong hahanapin ka ni Miss Kiara. Alam mo namang gustong-gusto ka no'n."

Napabuga ako ng isang mabigat na hangin dahil sa huling sinabi ni Shame.

Oo, simula no'ng maka-uwi ako galing sa conference sa Manila, maya't-maya na akong hinahanap ni Miss Kiara. Hindi naman talaga everyday pero hindi lumilipas ang isang linggong hindi ako nakakapunta sa opisina niya. At alam n'yo ba kung anong ginagawa ko roon? Wala lang, inaaya niya lang akong kumain ng kung anu-anong merienda. Tapos 'yong sinasabi niya sa mga staff niya na may importante lang kaming pag-uusapan. Anong importante no'n na ang ikinu-kuwento niya lang sa akin ay 'yong tungkol sa anak niya, sa pamilya niya, sa sarili niya. Kung hindi lang talaga malaki ang utang na loob ko kay Miss Kiara, matagal ko nang tinanggihan ang offer niyang ganito, e.

Aaminin ko, nakumbinsi talaga ako ni Shame simula pa lang, no'ng banggitin niya pa lang ang pangalan niya. Alam kong sasama talaga ako sa party'ng ito.

"Sige na, Ayla. Promise, ihahatid ka namin ni Zeke after ng party, kung 'yan 'yong inaalala mo," pangungumbinsi pa rin ni Shame.

Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko, pinipigilan ang sariling takbuhin ang bahay para makapagbihis at makaalis na sa amin.

"Please? It'll be fun, Ayla."

At hindi pa rin pa pala siya tapos sa pangungumbinsi sa'kin.

"S-Sige na. Sige na. Sasama na ako sa inyo," inilapag ko ang dala-dalang walistingting sa malapit na puno atsaka naglakad papasok sa bahay para sa madaliang pagbibihis.

Fitted black jeans, loose t-shirt, at sneakers na medyo sira pa ang sinuot ko para sa lakad na ito. Informal party daw ang magaganap kaya walang dress code na kailangan so kahit anong isuot ko, okay lang daw. Kaya I'm with my usual style.

The party starts at eight pm. Sa isang sikat na tambayan ng bayan ang venue ng birthday party ni Boss Darry. And just as I thought na mas matanda ako kay Boss Darry, 'yon pala siya 'yong mas matanda.

Enough talking with the boss, let's get it on this present time.

Maingay na paligid. Masayang mga tao. 'Yan agad ang bumungad sa amin nang makarating kami sa venue. Maraming bisita, kaliwa't-kanan ang usapan, kaliwa't-kanan ang pagkain, kaliwa't-kanan ang magkakakilalang nagbabatian.

Flashbacks from that night came back. Ganitong-ganito 'yon. Ang ambiance, ang vibe. Ganito nagsimula ang gabing iyon at nagtapos sa hindi inaasahang pangyayari.

Tuloy-tuloy ang naging pagtibok ng aking puso, na tila'y tambol sa sobrang bilis. Hindi lang ang alaala nang gabing iyon ang nagpapakaba sa akin, kundi pati ang katotohanan na posibleng nasa iisang bubong lang kaming dalawa. Marami ang tao, imposibleng makikita ko siya kaagad pero paniguradong babatiin muna namin si Boss Darry kaya may posibilidad na baka puntahan namin kung nasaan siya.

"Wooh! Ang lit talaga kapag ang Lizares brothers ang nanguna sa party!" pasigaw na sabi ni Shame sa gitna ng aming pakikipagsapalaran sa mga taong nandito. Kalahati sa kanila ay hindi ko kilala at mukhang hindi naman empleyado ng central pero ganoon siguro, Lizares 'to, e.

"Do'n tayo sa mga tiga-maintenance, oh."

Sunod lang ako nang sunod sa kanila. Iginagala ko pa rin ang paningin sa paligid, umaasang makikita siya sa dami ng tao.

"Grabe! Naghahanap na talaga ng alcohol ang katawan ko!"

Hype na hype talaga si Shame, ano? Naalala ko tuloy si Zubby sa kaniya.

Nang makarating kami sa table na sinasabi ni Ezekiel kanina, biglang umingay ang gitnang bahagi ng Old House, kung saan 'yong dance floor yata sa sobrang lawak.

Maraming tao ang nandoon, nakapalibot sila sa hindi ko pa malaman kung ano. Panandalian kong binati at nginitian ang mga katrabaho ko atsaka ibinalik ang tingin sa tumpokang iyon.

"It's time for the drinks to be put into magic!" malakas na sabi ng isang hindi ko kilalang lalaki na mukhang naka-mikropono na sinabayan agad ng hiyawan ng mga taong nakapaligid.

"Anong nangyayari?" tanong ko kay Shame at Ezekiel na nakatingin na rin pala sa tinitingnan ko.

"Dia, anong ganap d'yan?" kinalabit ni Shame 'yong isang katrabaho namin para itanong 'yong tanong ko rin sa kaniya.

"Hoy Diyos ko, Shame, nakakagulat naman kayo. Bumili ng bagong washing machine si Engineer Sonny para paghaluan daw ng mga inumin. 'Yan, hinahalo na nila 'yan ngayon," sabi naman no'ng si Dia.

"Huh? Washing machine?"

Oo nga, washing machine?

"Oo sabi. Tingnan mo! Sina Mang Hener pa nga ang pina-set up ni Engineer,e. Sobrang laughtrip pa kanina no'ng in-open up ni Engineer 'yong tungkol sa idea niyang iyon. Aakalain mo talagang nagbibiro lang siya, e," natatawang kuwento pa ni Dia.

Hindi ko pinansin ang usapan ng mga kasamahan ko dahil iginala ko ulit ang tingin sa paligid. Naghahanap ng isang senyales. Isang senyales na magpapa-kumpleto ng gabi ko.

And there he is… standing abruptly in the middle of the chaotic crowd with his hands crossed in front of his wall-like chest, flashing his well-known smile, and exposing his famous nape hair.

Dug dug dug, sabi ng aking puso. Ang puso kong hindi alam kung kanino dapat titibok. Ang puso kong dapat ay turuan ng leksiyon. Ang puso kong simula no'ng makita siya'y hinahanap-hanap na.

"Holy shit?"

"Pour those drinks, guys!"

"This party is so lit!"

Sa gitna ng ingay ng mga taong nakapaligid sa amin, nakakamanghang dinig na dinig ko ang malakas at mabilis na animo'y hinahabol ng mga asong tibok ng aking puso. Sunod-sunod ang bawat pintig nito na ako mismong may hawak at may control ay nahihirapang sabayan ito sa pagtibok.

Isang buwan… isang buwan ko siyang hindi nakita. Isang buwan akong walang naging balita sa kaniya bukod sa pag-i-stay niya lang sa Manila para sa isang importanteng trabaho. Ngayon ay nagbabalik na siya. Mas iba sa Engr. Sonny na nakita ko noong nakaraang buwan.

Posible bang magbago ang isang tao sa loob lamang ng isang buwan? Siguro possible kung mayaman ka, kung may pera ka, kung may kakayahan at kapangyarihan ka para baguhin ang buhay mo.

"Ayla, kain muna tayo?"

Nagbalik na naman ako sa realidad dahil sa isang tapik at sa boses na parang sumisigaw. Nilingon ko ang katabi kong si Shame at inaaya na nga niya ako sa kung saan ang table ng mga pagkain.

Ma-ingay at magulo pa rin ang paligid. Naghihiyawan pa rin sila sa tumpokang unang nakita ko kanina. Nagtatawanan sila sa kasiyahang nagpapasaya sa kanila. Hawak-hawak nila ang kanilang mga cell phone at mukhang kinukunan ang sinasabi nilang pagbubuhos ng mga inumin sa washing machine.

Magkakasama kami ni Shame at Ezekiel na pumunta sa malaking table ng party. Wala na si Engr. Sonny sa kaninang puwesto niya kaya pinilit ko ang sarili kong umayos.

"Dude, where's MJ?"

Matapos naming kumain sa mga pagkaing kinuha kanina sa malaking table ay inabala ko ang sarili kong igala ang tingin sa paligid. Sa hindi inaasahang pagkakataon, katabi ng lamesa namin ang lamesa ng mga kaibigan ni Vad Montero.

"Yeah? It's so unusual na wala ngayon ang Queen of dancefloor. Where is she?" anang isang babae naman, tinatanong ang mga kaibigan ni MJ Osmeña na kumpletong nakaupo sa espasyong iyon. Kasama na roon ang hindi ko inaasahang makikita ngayong gabi na si Vad Montero.

"I told you guys, dapat kinontak na lang natin ang bruhang 'yon. Bakit ang tagal niya?" sabi naman ni Lorene Palanca, isa sa kambal na kaibigan ni MJ Osmeña.

Sa bawat minutong nagdaan, 'yon palagi ang tinatanong ng mga taong napapadaan sa table nila. Tinatanong kung bakit hanggang ngayon wala pa rin ang presensiya ng pinakasikat na si MJ Osmeña.

Dahan-dahan kong ikinuyom ang kamao ko, pinipigilang balibagin ang lamesang nasa harapan ko ngayon.

Ano bang meron sa MJ Osmeña na 'yan at kung bakit ganito na lang siyang sambahin ng mga taong nandito? Kung hanapin parang siya ang magbabayad ng handaang ito? Anong kamandag ang meron siya? Bakit nagkakandarapa ang lahat ng lalaking nakatira rito sa bayan namin? Matagal na akong nagtatanong sa sarili ko kung anong meron siya na wala ang ibang tao, ang ibang maganda na nakatira rito sa bayan, ang ibang mayaman na nag-i-exist sa mundo? Anong meron ka, MJ Osmeña?

Dumaan ang ilang minuto na nakatingin lang ako sa mga taong nasa paligid ko. Star-studded ang party'ng ito. Maraming sikat, maraming mayaman, maraming magaganda at guwapo. Nakakagulat nga ring malaman na may girlfriend pala si Boss Darry at isa pang sikat na modelo sa Manila. Callie Dela Rama raw ang pangalan.

Patuloy ang party na nakaupo lang ako rito sa isang tabi, nakatingin lang sa ibang tao, sa mga kasama ko, at paminsan-minsang nakikipag-usap sa kanila. Inaantok na ako pero kailangan kong hintayin sina Ezekiel at Shame dahil sila nga ang maghahatid sa akin pa-uwi. May tiwala rin naman ako kay Ezekiel na siyang magda-drive ng sarili niyang sasakyan dahil magmula nang makarating kami sa party na ito, napansin kong isang bote lang ng isang light drink ang kaniyang hawak. Mukhang pinipigilan ang sarili sa pag-inom o hindi lang talaga siya mahilig sa mga inumin? Ewan? Hindi naman ako nagtatanong sa kaniya nang mga ganiyang klaseng tanong, e.

"MJ Osmeña is in the house!"

Sigawan ang agad na namutawi sa loob ng establishementong ito. Tumapat ang isang ilaw sa may bandang pinto ng Old House, sa may bandang entrance. Lahat ng ulo ay nakatingin doon, including mine.

Ang pinakahihintay ng lahat, ang kanina pang hinahanap ng lahat… walang iba kundi ang pinakamatinik na babae sa bayan, MJ Osmeña.

"EMJAAAAAAAAY!"

Matapos niyang batiin ang lahat ng taong nandito na nakatingin sa kaniya at parang uhaw sa kaniyang atensiyon ay agad sumigaw ang kabilang table which is ang table ng mga kaibigan niya.

Sikat na sikat siya sa bayan at dinaig niya pa kanina si Callie Dela Rama na kung tutuusin ay mas sikat sa kaniya dahil buong Pilipinas, kilala ang isang Callie Dela Rama. Habang siya ay mukhang dito lang sa bayan namin kilala.

Napa-iling ulit ako. Lahat sila hinahangaan siya, maliban sa akin.

"Nandito na kayo!!!!"

Kaka-iwas ko pa lang ng tingin sa kaniya, bigla naman siyang sumigaw. Patakbo siyang pumunta sa puwesto ng mga kaibigan niya at sabay na niyakap ang dalawang lalaki sa barkada nila.

Kaya siguro hindi maganda ang dugo ko sa kaniya dahil sa katotohanang minsan sa buhay ni Vad Montero ay nagkagusto siya sa babaeng 'yan.

Hindi na ako nakinig sa usapan nila at muling nag-iwas ng tingin. Wala naman akong mapapala kung susundin ko ang iba na tumingin sa kaniya.

Kung totoo man ang usapan tungkol sa kanilang dalawa, kailangang ngayong gabi ay makausap ko na si Engr. Sonny. Gusto kong klaruhin ang mga sinabi niya, ang ginawa niya, ang nangyari sa amin. He likes me, sabi niya. Tinawag niya ang pangalan ko no'ng gabing iyon. Lasing o hindi, tinawag niya pa rin ang pangalan ko. Alam niyang ako ang kasama niya kaya imposibleng hindi totoo ang sinabi niya. Siguro naman may ibig sabihin 'yon at 'yon ang gusto kong alamin. Ang dami-dami kong gustong itanong sa kaniya at sana makapag-usap kami bago matapos ang gabing ito.

"It's now time for the second part of the party! Unlimited drinks brought to you by the birthday celebrant… Darry Lizares! Happy birthday, Darry!"

Isang malakas na palakpakan na naman ang nakapagpabalik sa akin sa realidad. Kumanta silang lahat ng isang birthday song kaya naki-kanta na rin ako. Lahat ng atensiyon ay napunta ngayon sa kabilang sulok ng Old House, kung saan ang table ng mga Lizares. At doon ko rin nakita ang kaniyang presensiya. Nakatingin nang diretso, hindi sa akin, kundi sa table bago ang sa amin, kung saan ang table ni MJ Osmeña. Panigurado, nakatingin siya sa babaeng 'yon.

Ano, Ayla? Tuloy pa ba?

Dapat tuloy nang magkaliwanagan na!

Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa kaniya at sa nakatalikod sa aking si MJ Osmeña.

Bakit ganito ang nararamdaman ko? Ni minsan sa buhay ko, hindi ako nainggit sa isang tao. Sa kaniya lang talaga. Ano ba kasi ang meron siya na pati ang mga taong gusto ko, siya ang nagugustohan? Mapapalampas ko 'yong kay Vad Montero kasi hindi naman ganoon kalalim ang nararamdaman ko sa kaniya, pero ngayon? Hindi ko na alam.

Nakakapanlumong mabuhay nang mahirap. Nakakapanlumong gumawa ng hakbang na alam mong simula pa lang, mapipilay ka na. Wala akong kalaban-laban. Ang layo-layo ko sa kaniya. Nasa tugatok siya ng tatsulok habang ako ay nasa pinaka-ilalim pa. Pantay silang dalawa. Bagay na bagay. Perfect match kung tawagin ng iba. Anong panama ko sa ganoon?

Gusto ko nang umuwi! Masasaktan lang ako rito. Ngayon ko na nga lang siya nakita, ganito pa ang bubungad sa akin?

Nagpatuloy ang buhay nila. Nagpatuloy ang takbo ng party. Pero ako? Uwing-uwi na, kanina pa.

Abala sa pag-uusap ang mga kasamahan ko sa lamesa, 'yong iba naman ay sumasayaw na sa gitna ng sayawan.

"Woah!"

"Kalmahin mo ang atay mo, MJ!"

Napansin kong umalis kanina sa table nila si MJ Osmeña at 'yong isa sa kambal para puntahan ang table ng mga Lizares. Matapos no'n ay bumalik siya sa table nilang magkakaibigan at biglang tinungga ang isang bote nang sa tingin ko ay isang matapang na alak. Padarag niyang inilapag 'yong bote at padarag din siyang umupo sa tabi ng kaniyang mga kaibigan. Nakaharap na sa akin ang mukha niya kaya kitang-kita ko kung gaano ka-busangot ito.

"Okay ka lang, MJ?" tanong no'ng sa pagkakaalala ko ay si Ressie Ledesma.

Maingay ang paligid, parehong dahil sa musika at usapan ng mga tao, kaya himalang naririnig ko ang usapan nilang magkakaibigan.

"Hayuk na hayuk ka sa tequila, a. May problema ka ba?"

Psh? Problema? Ganiyang klaseng babae, magkakaproblema? Imposible.

'Yong busangot niyang mukha ay bigla niyang pinalitan ng isang malawak na ngiti sabay ayos sa kaniyang pagkakaupo.

"It's been weeks since the last time I drank that one kaya nami-miss ko lang," sabi niya sabay tungga ulit no'ng boteng una niyang ininuman.

Hindi nga pala maliit na bote 'yon, katumbas nga pala no'n ay isang litro ng tubig sa laki kaya mukhang tama ang sinabi ng kaniyang kaibigan kanina na hayuk na hayuk nga siya sa mga ganiyang klaseng inumin. Pambihirang babae. May bisyo na nga pero gustong-gusto pa rin ng lahat? Okay lang sila?

"Hey! You should eat first before drinking. And it is not advisable to drink that straight from the bottle."

Wow.

Sa sobrang pagbabantay ko sa bawat galaw nitong si MJ Osmeña, hindi ko namalayan ang pagdating ng lalaking kanina ko pang tinitingnan sa malayo.

"I told you, I can take care of myself," sagot ni MJ Osmeña sa kaniya.

Sa malapitang anggulo, masasabi kong walang nagbago sa pisikal na anyo niya. Ganoon pa rin siya pati ang mala-kulog niyang boses ay parehong-pareho pa.

Engr. Sonny, ano ba itong ginagawa mo sa akin?

He kissed me passionately that even my soul would willingly give in without him asking me first. His kisses were soft yet lusciously addicting. His big hands that buttered up my bosoms felt like it's been there and devour it like its own. His elongated fingers that entered my most precious genitalia. His body movement that leads me to reaching a climax I never thought I'd reach. His manhood bore into me like I'm the only hole he's been too. He tasted me the heaven without even dying.

Walang araw na hindi pumapasok sa isipan ko ang nangyari nang gabing iyon. Oo, uminom ako ng alak nang gabing iyon pero alam ko sa sarili kong hindi ako lasing at alam na alam ko ang ginagawa ko kaya ngayon sising-sisi ako sa katangahang ginawa ko. Bakit ko nga ba ibinigay sa kaniya ang pagkababae ko?

Oo, gusto ko siya. Oo, kaya ako bumigay dahil sa sinabi niyang gusto niya ako. Pero may halaga pa ba ang mga salitang iyon kung taliwalas 'yon ng mga nakikita ko sa harapan ko?

Ayla, imposibleng-imposible talaga na magkagusto siya sa'yo! Kahit kausapin mo pa siya ngayon, walang silbi ang pag-uusap n'yo kung ang katotohanan ay ipagkakasundo silang dalawa. Wala ka sa eksena kaya 'wag na.

Sa kalagitnaan ng paglalaro, biglang hinablot ni Engr. Sonny ang kamay ni MJ Osmeña habang inaabot no'ng huli ang basong iinumin niya sana para sa consequence.

Nagulat ang lahat. Tila ba'y biglang may dumaang anghel sa sobrang tahimik ng paligid. Lahat nakatingin sa daang dinaanan nila.

Sinundan ko ang nilakaran nila. Walang-wala na talaga ako sa sarili ko.

Sa paglabas kong 'yon, nagkasabay kami ni Boss Darry. Pareho kaming napahinto sa mismong gate ng Old House at sinundan ng tingin ang dalawang naglalakad papunta sa parking ng mga sasakyan.

Bakit ko ba sila sinundan? Ano bang ginagawa ko?

Tumingin sa akin si Boss Darry nang pareho kaming napatigil at nakatayo lang.

"Ako nang bahala kay Kuya," sabi niya at biglang nawala na lang sa harapan ko.

Nagugulohan sa kaniyang sinabi, hindi na ako nagkaroon ng pagkakataong i-digest ang sinabi niya nang biglang nakita ko si Engr. Sonny na naglalakad na papunta sa puwesto ko. Nakayuko siyang naglalakad at parang tulala, wala sa sarili.

"E-Engineer…"

Nilakasan ko ang loob ko para tawagin ang pangalan niya. Tumigil siya sa paglalakad at parang nakakita ng multong napatingin sa akin.

"A-Ayla?"

"Puwede ba tayong mag-usap, Engineer Sonny?"

Nakakabingi man ang tibok ng puso ko, tinatagan ko na ang sarili ko bago pa man magbago ulit ang isip ko sa gagawing hakbang para matapos at maputol na ang bumabagabag sa akin.

"Let's get you home, Ayla."

~