webnovel

Cloud Girl (TAGALOG)

Habang tumatagal, dumadami ang nagpapakilalang mga 'Hero' sa bansa, at kasabay din nito ang pag dami rin ng mga nagpapanggap lamang na gumagawa ng kabutihan. Dahilan para maalarma ang karamihan na tama pa ba itong pagdami na ito o hindi. Ngayong nahahati ang opinyon ng karamihan kung ang mga hero ba na to ay lumalaban para sa kabutihan, o para lang sa kanilang personal na interes, o para mailagay ang batas sa sarili nilang kamay, dadating ang panibagong grupo para magbigay ng matinding hamon sa mga hero natin. Maaasahan ba natin sila? O dapat natin silang katakutan? Samahan natin si Cloud Girl at ang tropa sa panibago nyang hamon ngayong Season 3!

Webnovel_Phrygian · 现代言情
分數不夠
35 Chs

Chapter 35 - Decoy

Ang ganda ng gising ko ngayong umaga at talagang naka-ramdam ako ng maski one-day lang na pahinga sa pagiging Cloud Girl. Ngayong back to school muli kami para magpapirma ng clearance. Magkakasama muli kami nina Queenie at Alex dito sa school.

At dahil nga nasa labas kami nun ay hindi kami naka-nood ng balita sa TV. Late din nabalitaan nina Queenie at Alex kaya bago kami gumora, pinanood muna nila saakin yung news about sa naging experience ni Mr. Armando De Luna Sr., at yung sa imbestigasyon ng mga pulis dun nga sa hostage crisis na yun.

"Grabe po yung naging karanasan ko bilang bihag nina Badman, at ng mga kasamahan nya pero thankful po kami nailigtas kami ni Cloud Girl at ng mga kapulisan natin. Humihingi po ako ng tawad sa mga pamilya ng kasambahay namin na pinagpapatay ng mga tauhan nya, bibibgyang sustento ko nalang yung bawat pamilya nila. Ikinalulungkot ko yung pagkawala nila at dapat di sila nadamay eh, wala silang kinalaman sa galit ng Badman na yan saakin, o saating mga naka-asenso sa buhay. Nais ko lang po ipagbigay alam sainyo yung mga nangyari, bago ako mailigtas po. Yung pinaka malaki pong what do we call this? TWIST po no ay… HINDI PO SI BADMAN YUNG NAHULI NG MGA PULIS, PEKENG BADMAN PO SIYA. Tama po yung naging imbestigasyon nila, tumakas yung tunay na Badman, mga around 5:30pm ata yun, basta palubog na yung araw nun. Yung nahuli po ng mga pulis na yan, yang peke, pinagsuot lang po siya ng mask para magmuka talaga siyang si Badman, saka yung bomba. Yung sa bomba, planned po siyang i-trigger talaga if ever na mag-fail sila para siguro sabugan yung mga pulis, and if naman na may magbayad ng pera para palayain kami, siguro di iti-trigger yang bomba. Nung tumakas si Badman, may iilan din siyang mga kasamahan eh, mga nasa 6 or 7 ata sila plus yung apat nilang bagong recruit. Yun lang po, fake po yung Badman na nahuli at I don't have any idea na kung nasaan sila ngayon, pinadaan ko lang po sa ganto, sa maraming makakanood para maging aware po yung iba nating citizens dyan noh na hindi parin nawawala yung threat, mag-iingat pa din po tayong lahat. He's living on his name talaga na fun sa kanya yung pag gawa ng krimen, sana po mahuli na tong tunay na to para wala na siyang mabiktima pang iba." –Armando De Luna Sr., on national television

..

So basically, yung kinalaban kong Badman non ay peke? Di ko kasi gano nakita sa dilim.

..

"Eto pa oh, yung sa balita kahapon… peke nga talaga yung Badman na iyon kasi walang tattoo eh" –Alex

"Saka parang di gagawin ni Badman yon? Yung maglalagay siya ng bomba sa katawan nya? HAHAHAHA!" –Queenie

Kaya pala parang hindi intense nung nakalaban ko sya mismo, tapos isang cloud punch ko lang sakanya, tumba agad sya eh. Pero bakit? Ibig sabihin, lahat ng tauhan nya don? Iniwanan nya para mamatay or mahuli ng mga pulis? At ipinagkatiwala nya yung hostages nya sa isang yon?

Di ko magets yung logic bigla, I mean bat ganun… but ang sure lang ako, di nila inaasahan na pupuntahan ko sila doon. Wala silang idea nyan. Effective ata yung pa-trend ni Queenie na #WeNeedCloudGirl

"Claudine, okay ka lang?" –Queenie

"Oo naman, ayos lang ako…"

"Di naman sayang effort natin nyan, pekeng Badman man yun, at least diba. Nailigtas ni Cloud yung dapat iligtas saka napakulong naman na yung iba nyang kasamahan" –Alex

"Syempre magtatago nyan si Badman noh, ganon naman lagi mga kontrabida eh. Pero syempre pag yang kriminal na yan ay magpakita ulit, hindi na sya papalampasin ni Cloud Girl hehehe!!" –Queenie

"Parang TV show ang lahat ng iyon sayo ha?" –Me

"Di naman sa ganun, pero parang ganun na nga. HAHAHAHA! Para kamong superhero movie!" –Queenie

"Di magagawang magtago ni Badman ng matagal, at sure akong matatapos din yan" –Me

"Kayang kaya ni Cloud Girl yan!" –Alex

"Basta kami… andito lang kami… hehehe 😊"

Napatingin ako kay Queenie at Alex nun… I don't know why din.

"Kung… kailanganin man kami ni Cloud Girl… kahit di kami non kilala, diba Alex?" –Queenie

"Oo, kung ano man pwede nating maitulong sa kanya…" –Alex

Napa-smile nalang ako sa kanila nun, kasi ako tong sinasabihan nila eh pero wala silang idea.

"Kung naririnig lang yan ni Cloud Girl ngayon, matutuwa sya sainyo 😊, na buti andyan kayong dalawa"

Ang sweet naman netong dalawang to sakin, halatang gusto magpalibre ng Shawarma hehehe, choss!

Kung peke man yung Badman na nakalaban ko, saan kaya nagtatago yung tunay na Badman noh? Akala ko talaga okay na ang lahat, ganda na ang simula ng araw ko eh. Sa ngayon, hindi ko pa alam kung saan ako magsisimula. Malamang nagtatago ang buong grupo nila at alam rin nila na pupuntahan ko sila kaya dapat handa rin ako. Wala pa akong naririnig na negatibong reaksyon mula sa mga pulis kasi nakialam ako sa pag-rescue nila kay Mr. De Luna, kasi kung tutuusin, di ako dapat tumulong kasi mainit mata nila saming mga hero kahit na mabuti talaga ang hangarin namin.

..

..

..

..

..

Sa kampo nina Badman…

"Tama ang sinabi ni Odette, hindi muna tayo gagawa ng krimen… siguro mga dalawang linggo tayong mananahimik, hanggang sa mawala na ang issue dito kay Armando na to. Kayong apat, may plano ata kayong gusto nyo ipaalam saamin?" –Badman

"Yes boss, bale… lalabas ulit kaming apat pero mananatili pa din kami na konektado dito sa gang natin, pero eto ang plano para matalo natin si Cloud Girl… aatakhin ulit namin yung lalaking malapit sa kanya. Nagawa na namin syang matalo at mapapunta sa hospital, ngayon papatayin na namin sya at yung ibang superhero din dyan na nagtatago" –Raider

"Yun na yun?" –Odette

"Baka lalo namang ikagalit ulit ni Cloud Girl yan at matalo nanaman kayong apat?" –Badman

"Paghahandaan namin ng maigi boss Badman, aalamin namin kung saan yung kampo nila ni Cloud Girl. Gustong gusto ko makabawi sa babaeng yon!!" –Raider

"Ako ang papatay sa kanya" –Odette

Napataas ang kilay at nanlaki ang mata ni Badman at ng iba pang mga kasali sa usapan. Muka pati syang hindi nagbibiro.

"Babae ka lang, wala kang binatbat doon" –Raider

"Ikaw nga lalaki ka, ikaw pa binugbog eh" –Odette

"Kung magpapatayan lang naman din kayong dalawa… gawin nyo na ngayon… putcha nagpaplano tayo ng susunod nating hakbang e… ganyan ang gusto nyo?" –Badman

"Pasensya po Boss—" –Wave

"ISA!!!!!"

Natahimik ang lahat nang tumayo na si Badman mismo…

"Sige… pagkakatiwalaan ko kayong apat sa kung ano man yang plano nyo… basta iisa lang hangad nating lahat sa ngayon, ang mapatay si Cloud Girl" –Badman

..

Nang matapos ang pagpupulong ng grupo nila… tinanong ni Badman si Odette tungkol sa nasabi nya kanina kay Raider.

"Seryoso ka ba kanina doon sa sinabi mo iha?" –Badman

"Opo boss, kasi kalaban natin sya e?" –Odette

"Pero paano mo gagawin yun e alam nating hindi sya pangkaraniwan?" –Badman

"Ako na bahala, pinag-iisipan ko din kung paano ko gagawin yun, inis lang talaga ako sa Raider na yan, parang dapat hindi natin sila sinama dito, sa totoo lang."

"Galingan mo iha… pagkakatiwalaan kita"

..

..

..

Pagkalipas ng dalawang linggo matapos yung insidenteng naganap sa Pasig, mukhang balik na muli sina Badman at ang gang sa kanilang dating gawi. Sa kabilang banda naman, tuloy pa din ang pag-train ni Rouser kay Cloud Girl para mahasa sya lalo sa aktwal na labanan. Pagkatapos ng kanilang training, nasabi ni Rouser na nagawa syang ma-contact ni Mighty T, at may balak syang pwedeng makakuha ng interes nilang dalawa.

Sa Bahay nina Cloud Girl

"Tingnan mo to, nag-chat sakin si Mighty T, alam nyang may contact ako sayo kaya niyayaya nya ako na isama kita sa… Superhero… gathering? Meet up? Korni pakinggan" –Rouser

"Legit na si Mighty T yan?" –Cloud Girl

"Oo, naka VC ko nga eh…"

"Edi nagkaalaman kayo ng muka nyan? E diba dapat secret yung identity natin?"

"Naka-mask kami pareho, maski sya hindi ko kita yung muka nya talaga. Pero ikaw… payag ka ba na punta tayo sa gathering?"

"Okay lang sakin, kasama naman kita nyan. Nakasama ko na sya dati sa aktwal na laban, nakwento ko na ata sayo yun dati"

"Oo nga eh… inform lang daw natin sya kung kelan tayo pwede tapos punta daw tayo sa opisina nya ng hapon. Tanungin ko sya kung kailangang naka costume pa tayo or hindi na"

"Kailangan natin yan noh"

"Feeling ko… hindi lang tayo yung inaasahan nyang pumunta"

"Oo nga eh, parang madami yang ka-contact si Mighty T, pero anong meron? Bakit sya magpapa-gathering satin? I mean bakit kailangan nya tayo?" naitanong ni Cloud Girl kung para saan yung pagtitipon na nais ni Mighty T

"Meron daw syang 'lead' kina Badman, at kailangan nya yung tulong natin para matalo sila, syempre… need magplano, diba? Kaya parang gusto nya tayo isali sa balak nya na to?" –Rouser

"Wow naman? Naalala ko dati, meron din syang nakuhang lead sa cybersex den dati, yung time na nakipagtulungan ako sa kanya" –Cloud Girl

"So… sasali tayo?"

"Oo Jack, payag ako sa request nya na yan"

"Sige ako din, pero… may isang test ka pa saakin na dapat mong mailusot. Di ko sasabihin kung ano yun"

"Luh pabitin effect ka pa dyan awit yan!"

Matapos ang saglit na pahinga nilang dalawa ay balik training ulit sila.

..

..

..

..

..

"Raider, Wave, Mio, at Barako… congrats sa success nyong pag-infiltrate sa gang nina Badman. Ibalita nyo sakin ngayon yung binabalak ng grupo nyo" –Vanguard

"Balak talaga namin mapatay si Cloud Girl, naka-alerto ang buong gang kung sakaling dadating sya, kasi malaking sagabal sya eh" –Raider

"Pero ano yung talagang balak ngayon ng grupo nyo? Wala ba kayong tatargetin ulit na negosyante? Politiko?" –Vanguard

"Sa ngayon wala pa po, talagang ang atensyon namin ngayon ay kay Cloud Girl, dapat mapatay namin sya kaso mukang mahirap gawin eh, natalo nya kaming apat. Kaya ang balak namin… aatakihin namin ulit yung iniisip naming kahinaan nya… si Rouser…" –Raider

"Kung magagawa nyong madala si Cloud Girl, o maski si Rouser, ikatutuwa ito ng boss ko, may malaki syang balak sa dalawang iyan… sa kung sino man ang mahuli nyo sa dalawang iyan. Pero mas okay syempre kung si Cloud Girl" –Vanguard

"Opo, gagawin namin ang lahat ng makakaya namin, malaki bigayan dito eh. Boys, galingan pa natin lalo!"

"Pinapatawag nako muli ni Senator Dela Vega, maiwan ko muna kayong apat saglit…" –Vanguard