webnovel

Cloud Girl (TAGALOG)

Habang tumatagal, dumadami ang nagpapakilalang mga 'Hero' sa bansa, at kasabay din nito ang pag dami rin ng mga nagpapanggap lamang na gumagawa ng kabutihan. Dahilan para maalarma ang karamihan na tama pa ba itong pagdami na ito o hindi. Ngayong nahahati ang opinyon ng karamihan kung ang mga hero ba na to ay lumalaban para sa kabutihan, o para lang sa kanilang personal na interes, o para mailagay ang batas sa sarili nilang kamay, dadating ang panibagong grupo para magbigay ng matinding hamon sa mga hero natin. Maaasahan ba natin sila? O dapat natin silang katakutan? Samahan natin si Cloud Girl at ang tropa sa panibago nyang hamon ngayong Season 3!

Webnovel_Phrygian · 现代言情
分數不夠
35 Chs

Chapter 19 - Work With Me?

3 weeks ago, magmula nang mangyari yung insidente sa SM Marikina, yung napalaban kami ni Rouser sa mga kawatan, napaka-memorable sakin ng ganap na yon kasi nakasama ko sa paglaban sa mga kawatan yung idolo ko. Then pagkatapos nun, tamang tambay nalang ako sa bahay nanaman, nag-aantay ng pasukan, at eto na nga…

"Andito na tayo Claudine…" –Kuya Benjo

"Thank you po Kuya, maya nalang po ulit!" –Ako (Claudine)

Anyway, nakalimutan ko pala i-share sa inyo na nakabili pa rin ako ng punching bag ko na pinagpapractisan ko. Ako wala talaga akong background sa pagboboxing o panununtok, lately ko lang sya natutunan sa pagiging superhero ko, buti nalang pumayag si Mommy na bumili ako nun at tine-train ako ni Kuya Benjo, di talaga sya boxer pero parang tinuturo nya saakin yung mga moves na napanood sa mga boxing sa TV, hahaha!! Yung mga jab-jab na yan, yung right & left hook, saka yung uppercut, at yung favorite ko kahit mukang tanga ako pag ginagawa ko yung dimpsy roll ba yun? Dempsey roll ata… basta yung may pag-ilag ka left-right-left-right hahaha!!

Hindi ko chinat sina Alex at Queenie, pero binati ko sila sa messenger ng Merry Christmas at Happy new year. Hindi ko alam kung papasok ba yung dalawang yun, pag wala sila wala akong makakadaldalan.

Pagbukas ko ng pinto ng room namin…

"CLOUD BLAST!!!!!!" Napuwing ako na napahatching!! Puro pulbos muka ko at damit ko pota!

"NUH BAYAN QUEENIE!!!!"

"HAHAHAHA!! AKO SI CLOUD GIRL!!!" sabay nagsuot ng puting mask si Queenie

"Para kang bata amwala hahaha! Teka kala ko ba maka-Rouser ka?!" –Alex

Habang nagpupunas ako ng muka at buhok ko at pinapagpagan ko tong damit kong kinalatan nya ng pulbos pinapakinggan ko sila mag-usap

"Kay Cloud Girl nako hahaha! Sya ang tunay na Superhero!" sabay niyakap ako ni Queenie habang nagsosorry sa ginawa nyang pangtitrip

"Oo na beh leche ka, kaaga-aga eh!" sabi ko sa kanya habang yakap nyako

"Ginanyan nya din ako kanina hahaha! Baliw yang babaeng yan eh!" sabi ni Alex kay Queenie

"Ako nga kasi si Cloud Girl hahaha! Di nyo ba na-appreciate pagkamiss ko sainyo?" –Queenie

AKO: "Hindi"

ALEX: "Hindi"

"Gago kayo hahaha!! First day of class prank nga yun eh! Pero dabest talaga si Cloud Girl! Hahaha! Ako number #1 fan nya nationwide! Papabile na din ako kay mama ng white na jacket para pareho na kami" –Queenie

HAHAHAHA!! KUNG PWEDE KO LANG TALAGA IPAALAM SA KANILA NA AKO SI CLOUD GIRL EH—

"Ay teka Claudine! Dala mo white mong jacket? Peram ngako hahahaha! Para pormahang Cloud Girl ako, ipangpo-profile pic ko sa FB!! 😉" ipinahiram ko kay Queenie yung jacket ni CLOUD GIRL, if you know what I mean… 😉

Nagpicture-picture kaming tatlo kasi masaya lang kami dahil magkakasama ulit kami sa unang araw ng class ngayong 2019, picture daw namin with Cloud Girl… but more like picture nina Alex at Queenie with Cloud Girl 😉, if you know what I mean again hahaha!

"Pa-arbor naman ako ng Jacket mo beh"

"Sa susunod beh, baka hanapin sakin ni Mommy yan, baka pagalitan ako"

Then she asked me something na gawin ko daw for her "Sige nga beh suotin mo yang jacket mo ulit tapos mag-mask ka din" ginawa ko naman kasi ez lang for me yung hiling nya.

"Wow… parang… para ka ding si Cloud Girl beh" –Queenie

Me deep inside: "AKO SI CLOUD GIRL!!!!!" but, I can't tell to them, bawal nila malaman kahit bff's ko sila.

"Nagkataon lang siguro na pareho kami ni Cloud Girl ng pormahan, malay natin diba?" –Palusot ko nalang

"Sana ma-meet ko sya in person 😊 grabe, ang galing-galing nya! Parang gusto ko na din maging superhero tuloy kaso wala akong powers tulad ng kanya, di ko naman kaya gawin yung ginagawa ni Rouser kaya gusto ko may powers din ako" –Queenie

"Asa ka pa hahaha! Pero kahit wala ka namang powers ng kagaya ng kay Cloud Girl… malakas ka pa rin sakin eh! Yieeeeeeeeeeee!!!!" –Alex

"Tang inang segway yan hahahaha!!" –Ako

Tapos syempre, nang pumasok na ang prof namin back to normal na ulit. Eto na ulit ang buhay estudyante na medyo namiss ko din to be honest. But sa kalagitnaan ng class namin, nakita ko nanaman yung tinatawag kong 'Danger Indicator' or yung ulap na hugis arrow na nagtuturo sa lugar na may nagaganap na pangyayari, na pwede ako makatulong. Bigla nalang nasira focus ko nun, nahuli ako ng prof namin na hindi ako nakikinig at saka ako tinawag nito.

"Ms. Santos since you're not paying attention again to my class, what are the three types of Solution?" –Prof

"Isotonic Solution, Hypotonic Solution and Hypertonic Solution Mam" –Kala naman ng prof ko hindi ako nakikinig

"Hhhhhhmmmmmm… very good Ms. Santos, but next time I want you to—"

"Mam may I go out for a second? I just can't ya know… focus?" –Kunwari nalang masakit puson ko

"Okay"

Nagmadali agad ako dahil gusto kong maabutan yung kaganapan sa lugar na yun, may nangangailangan ng tulong ni Cloud Girl! But need ko makahanap ng tahimik na pwesto para makapag Cloud Jump ako, yung sa walang makakakita.

..

"Takte asan na ba yun si Claudine? Tumakas nanaman eh feeling ko talaga di masakit puson nun!" –Queenie

"Eh malay mo naman di talaga sya okay ngayon?" –Alex

"Tapos na class natin eh, tapos hindi pa sya bumabalik" –Queenie

..

Nag-jump nako ako papunta sa pinaggaganap ng krimen, at dito ako napadpad sa isang palengke sa…. Di ko alam kung anong lugar to, basta palengke!

Mukang may mga tinutugis na kriminal ang kapulisan ngayon at nagsisitakas na sila!

"Sandali lang?! Teka yan si Cloud Girl diba?!" narinig ko na binanggit ng pulis yung pangalan ko

"Oo sir! Siya nga yan!"

"Sundan natin sya, matutulungan nya tayo mahabol yung mga drug dealer na yon!"

Kaya ko na din gumawa ng danger indicator sa palad ko, kumbaga para akong may compass na nagtuturo saakin sa pwesto ng threat kaya hindi na ako mahihirapan pa tukuyin kung sino dapat yung habulin ko.

Hinabol ko sila (oo habulan nanaman, lagi nalang ako yung naghahabol~ charot) may edge ako dahil adjusted tong bilis ko, nagawa kong maabot yung isa, hinila ko jacket nya pero nagawa pa nyang makatakas!

"Saglit lang hoy!!!! WAG NYOKO IWAN!!!" –Sigaw nya sa mga kasamahan nya!

Sabay mula sa gawing kaliwa ko ay binundol sya ng motor ni Rouser! Woah! Andito din pala sya?!

"Cloud Girl?!" –Rouser

"Idol… ammmmmm?! Hi? 😊" –Ako

"Tama lang sa kanya yan, di na sya makakatakas… teka meron ba syang mga kasama?!" –Tanong nya sakin

"Di ko alam eh?!" at saka humarurot ng andar yung Toyota Vios na gamit ng mga drug dealer. Nagawa namang makasunod ng mga pulis at dinakip na yung hinahabol ko.

"Salamat sa tulong nyo Rouser at Cloud Girl, matagal nang nasa listahan namin tong tulak na to" –Pulis

"Sige lang po, hahabulin namin yung iba pa nilang kasamahan, kung ayos lang po sundan nyo po sana kami… tara Cloud Girl mag-joyride tayo!"

Wewewewait! Ako? Niyayaya ni Rouser na samahan sya sa pag-tugis sa mga drug dealer?! SHET ASTIG NETO!!

"Tara, kaya kita matulungan na mahabol sila!"

Isinama ako ni Rouser sa kaniya habang nakasunod saamin yung sasakyan ng pulis na dala-dala na yung isang tulak. Hinahabol namin yung sasakyan ng mga drug dealer!

"Cloud! Natandaan mo yung plaka ng sasakyan?!" –Tanong sakin ni Rouser habang nagdadrive sya

"Hindi eh, pero kaya ko sila ma-track gamit tong kapangyarihan ko!" –Ako

"Eh?! Paano?!"

Naglabas ako ng ulap sa palad ko at kinontrol ko ito para maging danger indicator. Tinuturo ng ulap ko yung direction ng hinahabol namin.

"Toyota Vios yun… yan na yun!!"

Bumilis ang andar ng Vios nun nang matunugan nilang nasa likod na nila kami. "Rouser kaya ba natin malapitan?"

"Kaya naman?!"

"Kaya ko mapigilan yung sasakyan nila mula sa loob" suggest ko sa kay Rouser!

"Paano?!"

"Mag-cloud phase ako sa sasakyan tapos tatapakan ko agad yung preno!" hindi nagets ni Rouser yung tinutukoy kong Cloud Phase

"Anong cloud phase?!"

"Tatalunin ko yung sasakyan nila sabay tatagos ako para makapasok ako sa loob!" hindi sya naniniwala sa kakayahan ko

"Wag na! susubukan ko sila tamaan ng Cog Blaster ko!" no way!

"Teka?! Para namang papatayin mo sila nyan?!"

"Ako na ang bahala!"

"Di ko gusto yang plano mo Rouser! May sinusundan tayo ng mga pulis oh!" kasi naman eh, eh pano pag tumagos sa bintana tapos tamaan sa ulo yung hinahabol namin

"Tatamaan ko yung gulong hindi yung ulo nila!" hindi nya sinabi agad na gulong pala yung patatamaan nya

"Sure bang gagana yan?!"

"Di ako sure pero susubukan ko!"

Maluwag ang daan kaya walang problema magpaandar ng mabilis. Binilisan lalo ni Rouser at napayakap nalang agad ako kahit nakakahiya!

"Maabutan na natin sila!"

"Wag mo na patamaan yung gulongg Rouser! Please!"

"Wag ka din tatalon bigla Cloud Girl!"

Inextend ko yung kamay ko, sinusubukan ko hanapan ng butas yung bintana para makapag phase ako at makapasok sa loob, at mukang nakagulo yun sa pagdadrive nila

"TANGINAA?!"

Tila nawalan sila sa pagkakakontrol nila sa sasakyan nila kaya napabagal ng andar si Rouser!

"Pucha! Muntik na tayo dun ah"

"PHASE!!"

"Cloud?!"

Mula sa motor ni Rouser, nag anyong-ulap ako para makapasok ako sa loob ng sasakyan. Nagka-rambol rambol kami agad kong tinapakan yung preno para huminto tong sasakyan. Nagagawa kong makalamang sa banat dahil hindi nila ako masuntok kasi natagos ako sa kanila.

Binuksan agad ni Rouser yung pinto at inilabas ang isa sa kanila, buti nalang nakasunod saamin yung mga pulis nun at agad na silang hinuli ng mga ito.

"EZ!" sabi ni Rouser sa mga pulis

"Maraming Salamat sainyo Rouser at Cloud Girl, tinulungan nyo kami sa paghuli netong mga tulak ng droga na to. Kami na bahala sa mga to" –Pasalamat ni kuyang pulis

"Wala po yun, buti po naka-abot kami at natulungan namin kayo. At kayong tatlo (tulak ng droga), patungo na kayo sa mas magandang buhay, ang kulungan!"

Napatingin ko sa orasan ko, at nagulat na malapit na mag 1:45PM! Potek! Na-absentan ko nanaman yung major namin!!

Puta estudyante nga pala ako!!!

"Cloud?! May problema ba?" -tanong sakin ni Rouser

"Ammmm may importanteng lakad ako ngayon right now at need ko na umalis ba-bye!! Bye!!!"

"Teka lang naman may gusto sana akong sabihin sayo eh!"

"Pasensya na pero kailangan kona talaga umalis hehehe! Sa susunod nalang at thank you idol Rouser!! Bye!!!" [CLOUD JUMP!!]

Lumipad agad ako pataas na parang rocket dito sa pinaka malapit na ulap, bwiset di ko nanaman namalayan yung oras!

"Wow! Lumipad sya papuntang langit! Tunay ngang may kapangyarihan sya!" –Pulis 1

"Tanga baka sa ulap!" –Pulis 2

"Sayang… tatanungin ko na sana sya kung pwede ba kami magtulungan laban sa mga kriminal eh, kahit na dalawang beses palang kami nagkasama sa gantong eksena" –Rouser

..

..

..

..

..

Nag cloud-jump ulit ako nun pababa naman papuntang school namin. Nag-land ako sa pwestong sa tingin ko ay walang makakapansin saakin.

"Woah!! Woah! Teka kanina ka pa dyan bata?" –Puta may batang nakakita sa pag-landing ko

"Kayo po ba si Cloud Girl?!" –Bata

"Uhhhhmmmmm hindi ah! Hayaan mo na yun, balik ka na sa room nyo"

"Ikaw si Cloud Girl eh! Pero wag ka mag-alala hindi ako mag-iingay" –Bata

Sabay nagpakilala sya kahit di ko naman sya tinatanong "Ako po si Wendell Caprio, grade 4 palang po ako"

"Ako si Ate Claudine… at yun nga, nakita mo naman nang puro ulap ako noh… ako si Cloud Girl. Wag ka maingay ha Wendell? I-promise mo sakin yan 😊"

Okay, unnecessary to noh pero dalawa na nakaka-alam na ako si Cloud Girl. Si Yaya at etong batang to na si Wendell daw.

"Bat hindi ka pa nauwi?"

"Inaantay ko pa po sundo ko eh, tagal po nila.

Siguro mayang 2PM nalang ako balik sa room namin, andon pa ata yung prof kong masungit. Yari ako pag nakita ako nun na naandito ako at wala sa class nya. Samahan ko muna tong bata dito….

Hayyyyyyssssss… first day of class feels…