webnovel

Chicken, Beer, & Kyungsoo

Glezee has been reassigned for the meantime in a country club island to work as an OT reliever. There she gets to escape from her ex-boyfriend, who has been trying to get in touch with her. Working in El Pacifico, a country club with only male members, will do her great favors: getting over her jerk of an exboyfriend and seeing Jin, her college crush who now works as a doctor in the island. Pero nabulilyaso ang plano niyang hindi na muling pansinin ang ex niya nang magkita sila nito sa naturang isla na tinatrabahuan niya. Sa gusto niyang makaiwas dito ay si Kyungsoo ang nakita niyang tanging paraan na available sa panahong iyon para makalusot, isang member na sa unang beses pa lang nilang pagkikita ay natapunan na niya ng kape. Naiiyak na natatarantang lumapit si Glezee dito. "Sir, pwedeng pakiss? Sa cheeks lang promise!" Ang akala niya ay tatanggi ito kaya handa na siyang magnakaw ng halik sa pisngi nito. Ngunit ganoon na lang kabilis nawala sa tamang sirkulasyon ang puso niya nang eksaktong lumingon ito sa kanya habang inilapit niya ang mukha sa pisngi nito. And that's how her lips met his. Oh di ba ang saya!

Catricia · 现代言情
分數不夠
6 Chs

CHAPTER 6

AFTER having breakfast, Kyungsoo took a shower and left for work while she was welcome to stay in his house until she felt better. He got her mobile number so he could contact her for their date. When she asked him what they would be doing, sikreto lang ang sinagot nito at may kasama pang makabuluhang ngiti. Parang ang close na yata nila samantalang dalawang araw pa lang silang magkakilala.

Matapos siyang makapagpahinga ay minabuti na rin niyang hugasan ang pinagkainan nila at labhan ang bedsheet nito. Siniguro niyang malinis ang bahay ni Kyungsoo bago siya umalis. Sa ganitong paraan na lang siya makakabawi dito.

She then went down the mountain via aerial tram and headed straight to worker's lodge so she could change to her scrub suit. Tatanungin rin niya si doc Charles kung magkano ang binayaran nito para sa mga pinadala niya.

Tinawagan niya ulit ang kaibigan niya, nagbabakasakaling kasama nito ang doctor. Pero this time, si Sham na mismo ang sumagot.

"Sham? Are you with doc Charles?"

"Nope. Papunta ako sa helipad. Pinapauwiako ni mama, wala kasing maiiwan kay Ynah. Next week pa siguro ang balik ko dahil mag-e-El Nido muna sina mama at papa para sa anniversary nila."

"Wow, naman. Ibati mo na lang ako sa kanila. Mukhang may puruhan yatang masundan pa si Ynah."

"Diyos ko! Huwag kang magsalita ng ganyan at kinikilabutan ako."

"Sige na nga. Bigyan mo na lang si Ynah ng pamangkin."

"Sige pero next week nalang. Tinatamad pa kami ni Andoni, eh."

"Bakit dinadamay mo si Andoni? Eh, si Charles naman ang kasama mo buong magdamag."

"Hoy!" Tinawanan na lang ni Glezee ang reaksyon ng kaibigan niya bago siya nagpalaam at binaba ang cellphone. Pagkatapos niyang magbihis ay kumain muna siya sa cafeteria nila sa basement ng worker's lodge bago dumiretso sa clinic. Dala-dala niya ang paper bag na may laman pang mga underwear at sundresses with tags pero wala na ang mga prices nito. Kinareer yata ni doc Charles ang pamimigay nito ng damit.

Pagdating niya sa clinic ay hinanap niya si Doc Charles, ngunit off duty daw ito kaya dumiretso na siya sa occupational therapy area. At hindi nagtagal, sabay na pumasok sa main door ang dalawang matatangkad na lalaki na sina Sehun at Shownu. Nagulat pa ang dalawa nang mapansin nila ang isa't-isa. Aakalain mong mga modelong rumarampa ang dalawa dahil sa angking kagwapuhan ng mga ito at katangkarang lagpas sa average height ng mga lalaki. Ngunit parang plakang nasira ang background music sa isip niya nang mag-unahan ang dalawa na makapasok sa OT area. Naunang maupo ang tatawa-tawa na si Sehun sabay binelatan si Shownu. Hindi mo aakalaing mga kengkoy ang mga ito kung titingnan mo lang. Aside from their looks, they also have the built. Just like Kyungsoo. Teka, bakit ba sumagi sa isip niya ang pangalang ng taong iyon? Eh, hindi ba si Jinyoung yung crush niya? Ano naman ngayon kung makikipag date ito sa kanya? Eh, magdedate lang naman sila para makabawi siya sa mga utang niya dito. Kaya nga paano naging equivalent sa utang niya ang date nila? Was it even significant for him? Bakit? Wala namang makukuha si Kyungsoo sa pakikipagdate sa kanya. After all, she's just an employee working for him.

"Mukhang may hangover pa yata si Ms. OT." Shownu,who was seated beside Sehun,was looking at her. "Okay ka lang ba? May ginawa ba yung kaibigan namin sa'yo na hindi mo nagustohan?"

Her thoughts were disrupted. "Oh, no I'm good. Wala na akong hangover. Nakapagpahinga na ako kanina. Pasensya na kayo kung nagulo ang schedules niyo." Hinging paumanhin niya. She started to clean Sehun's hand.

"Kahit naman pumasok ka kaninang umaga magulo pa rin talaga schedules namin." Walang kagana-ganang wika ni Sehun habang nakatingin sa cellphone nito. "I heard you spent the night at Kyungsoo's house." He looked up to her, his eyebrow raised. It wasn't a question. The man was only trying to confirm something.

"Sir, ilalagay ko na ang kamay mo sa wax, ah? Medyo mainit po ito." Glezee thought of just submerging Sehun's hand into the wax bath right away to shut him up pero baka ireklamo siya nito. "Seven to ten dips at saka po natin ira-wrap." She continued as she counted the number of times she dipped Sehun's hand.

"Come to think of it, ngayon ko lang nakita si Kyungsoo na may kadate na hindi business related." Shownu mentioned while exploring the other modalities. "Baka nga type ka talaga ng isang iyon, Glez."

"Ah, hindi." Paglilinaw niya. Ikukwento na lang niya lahat para malinawan ang mga ito. Mga chismoso pa naman. "Kyungsoo was forced to date me yesterday because I needed him to pretend to be my boyfriend. Ex-boyfriend ko kasi si Usui at wala siyang balak na tantanan ako hanggat wala akong bagong nobyo."

"Who's Usui?" Sehun asked, his focus still on his phone. "Is he also an employee?"

"He's the saxophonist hired by Jimin for his proposal last night." Sagot niya.

"Oh, is that why you kissed Kyungsoo? Because Usui was pestering you?"

Shownu's question caught her offguard. Sehun shifted his gaze from his phone to her. "Whoa...Jinja?"

"Chebs told me she saw you giving Kyunsoo a peck on the lips. I thought namamalik mata lang siya kasi naman 'di ba, ba't mo naman hahalikan si Kyungsoo? At sa lips pa! Man, kahit nga si Kyungsoo, sa kamay lang talaga iyan humahalik. Walang bahid ng kamanyakan ang isang 'yon. At mas lalo ka na. I bet isa kang virgin at hanggang first base lang kayo ng ex mo."

Gusto niyang mainsulto sa huling sinabi ni Shownu pero totoo naman ang mga sinabi nito. At hindi na kinakahiya ang pagiging virgin.

"Diyan ka nagkakamali Shownu." Sehun interrupted. "The more innocent the person looks, the more perverted they are. Tinatago lang nila."

"Are you saying manyak si Glezee?"

"Pwede pero depende_Teka, ang kamay ko...ang bigat." Doon lang napansin ni Glezee na sumobra na ng ilang coat ng wax ang kamay ni Sehun. "Kamay pa ba ito?" Tanong nito sa kanya.

"Pwede pero depende." Panggagaya niya dito. Binalot na niya ang kamay nitong masmukhang wax na tinubuan ng kamay. "Hintayin niyo pong mawala ang init ng wax bago natin tanggalin ang balot, okay?" Matamis na ngiti ang ibinigay nito sa kanya. "Okay. Next!"

Bwisit na dalawang ito. Magpapatreat na nga lang nang-iinis pa. Pero mas lalo siyang nagtaka. Kung nakikipagdate lang ito dahil sa negosyo, ano namang mapapala nito sa kanya?

AFTER her duty, she went back to the worker's lodge, showered, and changed into comfortable clothes. She received a call from Kyungsoo saying they'll meet outside his restaurant. Minabuti nalang niyang gamitin isa sa mga sundresses na kasama sa pinadala ng butihing doktor. She also put on a little bit of cheek and lip tint para magmukha naman siyang presentable knowing how sophisticated the club members and their guests are. She also wants to look good in front of Kyungsoo. Pero bakit ba? Luh, mag-effort ka naman ng kaunti. Lamang ang date mo ng sampung paligo.

Right. Kyungsoo was this handsome stranger who went out of his way to help her and now he wants to date her. But something is off. He dates with purely business as his agenda, he's rich. He's a club member for God's sake. He was completely in a different level. Why does he even bother to get involved with her?

As soon as she arrived in Sabor A Mi, she saw him walk out from the french doors, taking long strides. He was wearing a black shirt and a pair of gray sweatpants which emphasized his lean shoulders and long sturdy legs. Parang gusto niyang umatras nang lumingon ito sa kanya. At lalo namang nagkagulo ang puso niya nang ngumiti ito sa kanya at naglakad patungo sa kanya. Umurong yata ang dila niya at hindi siya makapagsalita ngayong nakatayo na ito sa harap niya. Ito man ay nanatili lang ring nakatitig sa kanya.

Kumulo ang tiyan nito.

"Hindi ka kumain?" Tanong niya dito. Napakamot ito sa batok sabay nahihiyang tumango.Pati siya napakamot na rin sa batok niya. Kung makaalaga ito sa kanya, akala mo inaalagaan ang sarili. Yun pala, "Kaya ka naman pala nade-dehydrate. Tara na nga sa loob."

"At hayaan kong mabulilyaso ang date natin? No way."

"No way ka diyan. Eh 'di doon na lang tayo magdate. Ang importante makakain ka. Hindi mo ikabubusog ang pakikipagdate sa 'kin." Maglalakad na sana siya patungo sa loob ngunit pinigilan siya nito sa kamay. Napatingin siya sa kamay nila.

"Kung gusto mo talagang kumain ako, wag dito. Sawa na ako sa sarili kong restaurant. Doon na lang tayo sa Grill Station by the beach. Masarap din doon. Mahilig ka ba sa seafood?"

"Hmm, oo. Pero mas pa rin sa Korean." Nanunuksong ngiti ang binigay nito sa kanya. Agad na binawi niya ang kanyang kamay mula sa pagkakahawak nito. "Food. Korean food." Paglilinaw niya.

"Ito naman. Wala naman akong sinasabi, ah. Ba't masyado kang defensive?"

"Teka lang Kyungsoo. Magkaliwanagan nga tayo." She scratched her eyebrow. "Why did you ask me out on a date as a way of repaying you? Do you even like me? Kung makaflirt ka kasi parang may gusto ka sa'kin. Pero ayoko namang mag-assume. Mas lalong ayokong malito. Masyado akong maraming ini-isip para dumagdag ka pa. I don't want to seem ungrateful sa mga nagawa mo para sa'kin. Thankful ako talaga. Sobra. Kaya lang nagkandabaon-baon na ako sa utang sayo. 'Ni hindi ko alam kung in cash ba or credit. Kaya.....para saan ba 'tong date na 'to?"

He was looking at her intently. Na para bang ang lalim din ng iniisip nito. Sumobra ba siya? Gusto lang naman niya ng clarification. Pero maya-maya pa ay sumilay na rin ang pamosong ngiti sa labi nito.

"First of all, wala kang utang sa'kin. Ni cash or credit, wala." He placed his hands in his pocket before continuing. His bit his lips tightly shut before giving in to a smile yet again. Yung ngiti na walang bahid ng ano mang malisya pero basta basta na lang bumibilis ang tibok ng puso niya. "Second, I find you really...attractive. That's why I decided to take you out on a date as a way of repayment. Wala kang dapat ipag-alala, everything is on me. Ako ang nag-yaya."

"So, you like me?"

"I do. Happy?"

"Oo."

"Ha?"

"Wala. Tara na." Nauna na siyang maglakad. Bakit ba niya sinabi iyon? Pero totoo namang happy siya. Sinabihan siya nitong attractive. Even if it might be a big fat lie, she's still happy. "Masarap din ba ang beer nila doon? Locally brewed ba or binili lang? Hindi naman ako pihikan. Curious lang."

"Hindi diyan ang daan." She felt his hand wrapped around hers. "Walang palpak na produkto ang El Pacifico, and yes. The beers are locally brewed. Ang daldal mo yata ngayon. Comfortable ka na ba kasama ako?"

Parang one time, big time ang pakiramdam niya habang magkasiklop ang kanilang mga kamay. His hand was big and warm and even slightly calloused. Palatandaan na dumaan ito ng hirap bago nito nakamit ang yamang tinatamasa nito ngayon.

"Sa tingin mo ba, kakausapin pa kita after our little scene doon sa Tierra Bonita kung hindi ako komportable sa'yo?" 

Tumawa ito sa sagot niya. Bakit ba lahat nalang ng ginagawa nito ay machong-macho para sa kanya? Kahit naka-apron ito kaninang umaga nadagdagan pa lalo ang pogi points nito.

"Bakit? Ano bang nangyari doon sa Tierra Bonita?" He gave her a sideway glance with a teasing grin.

"Ewan. Di ko na rin maalala." She tried to pull her hand away but he didn't let her.

"Alam mo, Glezee, hindi bagay sa'yo ang magsinungaling. Dahil kahit pokerfaced ka pa, tinatraydor ka ng dugo mo. You're blushing so much para kang lalagnatin. Kaya alam kong alam mo kung ano ang nangyari. But don't worry. I won't remind you of that embarrassing moment. What happens in Tierra Bonita, stays in Tierra Bonita."

She really appreciate his effort in making her feel as comfortable as she can while being with him. Kahit hindi na siya sumagot sa sinabi nito, walang problema dito. Patuloy lang silang naglalakad patungo sa dagat kung saan nandoon ang restaurant na gusto nito habang ito naman ay inuulan ng tukso mula sa mga kapwa nitong miyembro ng club.

"Ikaw na ba ang susunod sa yapak ni Jimin?" Hindi niya kilala ang lalaki pero nakakaagaw pansin ang kulay asul nitong buhok. Siya naman ang binalingan nito. "Hi, I'm V. I'm a good boy." Ang gandang lalaki nito.

"Wag mong kausapin yan. Hindi yan marunong mag-Ingles." Natawa nalang siya sa sinabi nito at nginitian ang lalaking asul ang buhok. He lead her to a vacant seat beside the man who called himself V. Puno na ang lugar kaya kahit naiinis si Kyungsoo dito ay wala itong choice.

"Marunong na kaya ako. At salamat sa tutor ko." Nilingon nito ang maliit na babaeng nasa counter na busy sa pagbibilang ng pera. "So, hindi mo ba idedeny na ikaw na ang susunod sa yapak ni lover boy Jimin?" Pangungulit na naman nito.

"Oy, ano yan? Narinig ko ang pangalan ko?" Sabat ni Jimin na nakaupo sa isa sa mga wooden chairs ng munting grilling station. Kasama nito ang fiancé nitong si Pat na abala sa pagngatngat ng shrimp.

Napadako sa kanila ang attention ni Jimin. "Wow, Kyungsoo, pare. You're dating the same girl for two consecutive days na walang kinalaman sa business. Is this a sign?"

"Jemen, bebe ko, pabayaan mo silang magdate in peace. Magbalat ka nalang ng shrimp please."

"Ah, yes, of course bebe ko. Ilang balde ba gusto mo?"

"Lianna, paorder kami please!" Tawag ni Kyungsoo sa babaeng natutulog sa gilid ng babaeng nagbibilang ng pera. Ginising ito ng katabi nito.

Agad na lumapit sa kanila ang babaeng may mahabang buhok na kulot. Effortless ang beachwaves nito. At morena rin. She really looked like she belonged in the island.

"Isang tray ng crabs at seafood skewers." Kyungsoo looked at her. "At isang bucket ng beer na rin."

"How about you, ma'am?"

"Rice please. Isang kalderong rice."

NAPANGITI si Kyungsoo habang iiling-iling. In his mind, paano ba niya makakalimutan ang babaeng ito. Pagkatapos ng date ay lalayo na siya para hindi na sila maattach sa isa't-isa. Masmahirap na kasi kapag nasanay na siya na kasama ito. Baka hanap-hanapin na niya. He must not forget what happened to his father and what he said to him before he took his own life: "Don't allow yourself to fall in love, son. There's just too much to lose."

And that's how Glezee will remain a dream to him. The sweetest dream he ever had.