"Nag-review ka ba?"
Tumango ako kay Jean bilang sagot. Second day of exam na ngayon at kinailangan kong mag-focus sa pagrereview kaysa ang magmukmok.
Aaminin ko, nasaktan ako sa sinabing 'yon ni Clyde but I won't stop. Nilinaw ko 'yun kay Evan na kahit anong mangyari ay hindi ako titigil. Kinailangan ko lang magpahinga pero hindi ako susuko.
Hindi ko sinabi kay Jean ang tungkol sa sinabi ni Clyde basta ang sinabi ko sa kanya ay hindi ko muna kukulitin si Clyde hanggang hindi natatapos ang exam para makapag-focus naman kami sa pagrereview.
"Goodluck sa atin," mahinang bulong ni Jean sa akin. Magkakalayo na ang arrangement ng upuan namin kaya wala nang makakapag-kopyahan sa amin.
Wala akong ginawa kundi ang magfocus sa exam, talagang inalis ko muna sa isip ko 'yung mga kaibigan kong demonyong pumapasok doon.
"Hindi ka ba ulit kakain? Ilang linggo ka ng ganyan ah?" Tinigil ni Jean ang pag-aayos niya ng gamit niya at tumingin sa akin. Nagkibit balikat lang ako dahil wala akong gana ngayon pero gusto kong mabigyan ng pagkain 'yung mga hayop sa tiyan ko.
"Hindi ko sure." Tumango lang siya sa akin bago tumayo. Uuwi na naman siya dahil nandito ulit 'yung Daddy niya.
"Bye, sis." Kumaway na siya sa akin kaya ngumiti lang ako.
Mag-isa na naman ako at hindi pa rin ako nakakapagdesisyon kung kakain pa ba ako o hindi na. Ayoko rin naman sumabay kila Evan kasi halos dalawang linggo akong umiwas sa kanila. Sabi ko nga, hindi ako titigil at magpapahinga lang muna ako.
"Can we talk?"
Halos mapatalon ako sa kinauupuan ko nang makita ko sa gilid ko si Evan. Ni hindi ko man lang siya napansing pumasok dito sa room! Ganon na ba ako ka-occupied sa mga iniisip ko?!
"Anong pag-uusapan natin?" Mahina kong tanong at umiwas ng tingin sa kanya. Inayos ko na 'yung mga gamit ko para maka-iwas sa kanya. Hindi pa ako handa! Pagkatapos na lang nitong exam para hindi ako mabagabag kung may masabi man akong mali!
"Yung inasal sa'yo ni Clyde nitong nakaraang dalawang linggo," umiling ako sa kanya. Okay lang 'yon, naiintindihan ko naman.
"Okay lang, hindi naman ako titigil. Nagpapahinga lang," I said before standing up. "May mali rin naman ako, pakisabi na lang humihingi ako ng tawad."
Hindi na siya nakapagsalita pa nung tinapik ko ang balikat niya at mabilis na lumabas sa room. No choice na tuloy ako kung hindi ang lumabas! Ayoko namang dumeretso sa canteen kasi makikita ko siya roon! Ayoko pa 'no! Ni pag-usapan nga siya iniiwasan ko e!
Nakakita ako ng isang bakanteng bench doon sa garden kaya dali-dali akong nagpunta roon. Buti na lang konti ang tao kaya pwede akong makapag-review para sa susunod naming exam. Ayoko rin naman masyadong isipin 'yung problema ko dahil baka makasama pa 'yon sa resulta ng exam ko.
Nilabas ko ang book at notes ko sa unang subject na sasagutan namin mamaya. Wala pa kasing alas dose nung magpalabas sila kanina kaya may oras pa akong mag-review at makakain.
Inirapan ko pa ang sarili ko dahil narealize kong mahirap pala na mag-exam na walang laman ang tiyan. Umiling na lang ako at nagsimula nang mag-aral.
Wala pa yatang 30 minutes nang may magpatong na lang ng pagkain sa gilid ko at umupo sa tabi ko. Nababa ko tuloy 'yung aklat na hawak ko para makita kung sino 'yon at halos mapanganga ako dahil hindi ko inaasahan na siya 'yung makikita ko.
"I'm sorry, Dana. Alam kong mali 'yung ginawa ko pero hayaan mo sana akong humingi ng tawad sa'yo. Hindi ko rin alam kung paano ko maaayos 'to pero sana -"
"You talk to much, Clyde." I said after I shoved to his mouth the bread he also brought here.
"What the heck, Dana?!" Natawa lang ako dahil sa itsura niya. Namumula siya roon dahil sa dami nung sinubo ko sa kanya at pagkatapos niyang makain lahat ay dali-dali siyang uminon ng tubig.
"Wala, ginigising lang kita. Mauna na ako," hindi naman ibig sabihin na nagbigay siya sa akin ng pagkain ay ganon-ganon na lang na babalik ulit sa dati? Syempre, hindi! Konting suyo pa.
Mabilis kong inayos 'yung mga gamit ko habang abala siya sa pag-aayos ng sarili niya. Dali-dali akong tumayo para makaalis na roon at pumunta na lang ulit sa room.
Hindi pa ako nakakarating sa room nang may biglang humawak sa braso ko at mabilis akong hinila paalis roon sa building namin. Hindi ko alam kung saan kami papunta ngayon basta ang alam ko naakyat kami sa hagdan.
"Ang gusto ko lang ngayon ay pakinggan mo lahat ng sasabihin ko," sabi niya nang huminto kami sa rooftop ng isang building. Hindi ko alam kung anong building 'to pero ito lang nasisiguro ko, ang ganda nung tanawin.
Hindi ako nagsalita at nakatingin lang sa kanya kaya napabuntong hininga siya. Binitawan na rin niya 'yung braso ko at tumalikod sa'kin.
"Gusto kita, dati pa. I tried to stop this feelings pero hindi nangyari. Alam kong ang bullshit nung pakikitungo ko sa'yo nitong mga nakaraang buwan pero ginawa ko lang 'yon para hindi ako tuluyang mahulog sa'yo," humarap siya sa akin at ngumiti ng tipid. Para akong napipi sa mga sinasabi niya dahil hindi ako makapagsalita.
"At ayokong mawala ka sa tabi ko. I just want you to chase me and be with you everytime but things started to change when you forgot your requirement and you look liked a mess, na hindi mo alam yung gagawin mo kapag hindi ako pumayag na samahan ka sa inyo para kunin 'yon,"
"Clyde..."
"Shh," umiling siya sa akin para sabihin na huwag muna akong magsalita. "Doon ako natauhan na hulog na hulog na ako. Kaya sorry kung nagawa ko 'to sa'yo, alam kong mali pero wala e, 'yun ang alam kong paraan. Ang gago diba?"
Tumawa siya nang mahina kaya lumapit ako sa kanya pero umatras siya para iwasan ako.
"Don't. Ayokong ikaw na naman ang humabol sa'kin, kaya simula ngayon ako naman ang hahabol sa'yo." Nagulat ako sa sinabi niya kaya hindi ako nakapag-salita. Tinaas niya 'yung binili niyang pagkain at ngumiti sa akin. "Kumain ka na."
Ang rupok ko, tangina.
Kinuha ko na lang 'yung pagkain na binigay niya at humanap ng pwedeng maupuan. Kumunot ang noo ko nang makakita ng isang table at dalawang upuan doon sa may parteng gilid.
"Dito kayo ni Evan kapag wala kayo sa canteen?" Tanong ko at nagsimula nang maglakad papunta roon. Medyo naawkwardan pa ako sa nangyayari ngayon. Ang sabi ko konting suyo pa pero ano 'tong nangyayari sa akin?!
Sino ba naman kasi ang hindi maaawkwardan?! Umamin ba naman siya sa akin na gusto niya ako?! Take note! Dati pa!
"Oo," tumango na lang ako.
Nagsimula na akong kumain habang tahimik lang niya akong pinapanood. Naiilang ako leche! "Gusto mo ba kumain?"
Umiling lang siya kaya pinagpatuloy ko na lang ang pagkain ko. Binilisan ko na lang din para hindi na ako masyadong naiilang sa kanya na pinapanood niya akong kumain. At tsaka gusto ko siyang tanungin tungkol sa sinabi niya kanina.
"Tungkol doon sa sinabi mo kanina," binaba ko ang bote na may laman na tubig at tumingin sa kanya. "Gusto mo ako? Dati pa?"
He nodded, "Elementary pa lang."
What?
"Schoolmates tayo noon, hindi mo lang alam." Ngumiti siya sa akin. Napapansin ko ha, napapadalas na ang pag-ngiti niya sa akin simula kanina!
Tumango na lang ako kasi hindi ko matandaan. Tumingin ako sa phone ko at nakita kong malapit na mag-1 PM kaya kaagad akong tumayo at inayos 'yung pinagkainan ko.
"Sasabay ka?" Tanong ko nang mapansin kong hindi lang siya gumagalaw sa kinauupuan niya at nakatingin lang sa akin habang may konting ngiti sa labi. Tumango siya bago tumayo at lumapit sa akin ng kaunti.
Napalayo ako sa ginawa niya pero hinawakan niya ako sa bewang para hindi na ako makalayo pa. Nakahawak ako sa braso niya habang nakatingin sa mga mata niya. "Bakit?"
"I like you,"
Napabitaw ako sa kanya nang biglang bumukas ang pinto nung rooftop at lumabas doon si Evan na hinihingal pa. Napatayo siya nang maayos pagkatapos niya kaming makita.
"Nandito lang pala kayo," nakangising sabi ni Evan. Para siyang nang-aasar sa tingin niya sa amin ngayon kaya lumayo na lang ako kay Clyde at kinuha na 'yung kalat ko. Lalampasan ko na sana si Clyde pero hinawakan niya ako sa braso at kinuha 'yung hawak ko.
"Ako na dito, sige na. Baka mahuli ka pa," sabi niya sa akin at ngumiti ulit. Tumango na lang ako habang nararamdaman ko ang pag-init ng pisngi ko. Nakita ko pa ang nakakaasar na ngisi sa akin ni Evan pero nilampasan ko lang siya.
Shit! Shit! Ang rupok ko talaga!
"Congratulations! We survived!" Masayang sabi ni Jean pagkatapos ng exam namin. Akala mo finals na kung maka-congrats siya. Tumawa na lang ako at kinuha na ang bag ko para umuwi na. Saturday na bukas! Rest day!
"Una na ako, Dana. Nandyan na si Daddy sa labas. Bye! See you on Monday!" Kumaway na siya sa akin at nauna nang maglakad.
"Bye!" Sumilip ako sa labas ng room at nakita kong nakasandal si Clyde sa may tapat ng room namin. Suminghap ako at kaagad na nagtago, baka makita niya ako! Akala ko kasi hindi niya talaga gagawin 'yung sinabi niya kanina pero nakakagulat dahil nandito nga siya at siya na 'yung naghihintay!
"Ay palaka!" Gulat kong sabi nang bigla siyang sumilip sa gilid ko.
Tumawa siya nang mahina at hinila na ako palabas sa room. "Huwag ka na magtago, sabi ko nga sa'yo, ako naman."
Hindi ako nagsalita at hinayaan siyang hilahin ako paalis sa building namin. "Saan mo 'ko dadalhin?"
"I-uuwi na kita," sabi niya sa akin kaya hinampas ko ang braso niya.
"Saan nga?" Ang seryoso nung tanong ko tapos sasagutin niya 'ko ng ganon!
"I-uuwi nga kita. Text mo na lang si Manong na ako na ang maghahatid sa'yo," huminto kami sa tapat ng kotse niya at pinagbuksan niya ako ng pinto.
"Kelan pa kita naging driver?" Nagtataka kong tanong kahit sa loob-loob ko ay natutuwa ako sa ginagawa niya ngayon. Halatang bumabawi.
"Ngayon lang," sagot niya.
Tumawa ako. "Thanks,"
Nilabas ko ang phone ko pagkatapos kong ilagay 'yung seatbelt. Tinext ko na si Manong na huwag na niya akong sunduin dahil may maghahatid naman sa akin. Pumayag naman si Manong kaya hindi ko na siya maabala pa at pwede na rin siyang maka-uwi ng maaga.
"Gusto mo bang pumasok?" Nahihiya kong tanong kay Clyde pagkatapos naming huminto sa tapat ng bahay. Hindi ko pa inaalis 'yung seatbelt ko at nakahawak pa lang doon.
He smirked and stare at me. "Okay lang?"
"Oo," nakahawak na ako nang mahigpit sa seatbelt habang unti-unti siyang nalapit sa'kin. "Wala pa naman sila Daddy,"
Tumawa siya at lumayo sa'kin, "Hindi na. See you,"
"Ayaw mo talaga?" Pilit ko. Hindi ko rin alam kung bakit pinipilit ko siyang bumaba dito na kasama ko. Shit, hulog na hulog na talaga ako!
"Do you really want me to come?" Natatawa niyang tanong sa'kin. "Am I forgiven already?"
Sinamaan ko tuloy siya ng tingin. Magpapahatid ba ako sa kanya ngayon kung hindi ko pa siya napapatawad? Nawala na tuloy ako sa mood at inalis na 'yung seatbelt.
"Kung ayaw mo, bahala ka." Binuksan ko na 'yung pinto at mabilis na bumaba sa kotse niya.
Natatawa siyang sumunod sa'kin papasok sa bahay. "Sorry na, binibiro ka lang naman."
"Hindi nakakatawa," masungit kong sabi. Siya na nga lang inaalok, ayaw pa.
"Sorry na," natatawa pa rin niyang sabi. Tuwang-tuwa siyang nakikita na naaasar ako samantalang ako ay naiinis dahil sa ginagawa niya.
Inirapan ko lang siya bago ako dumeretso sa kwarto para ilapag 'yung gamit ko at makapagpalit na ng damit. I wore a simple yellow shirt and short at naka pony tail na rin 'yung buhok ko pagkababa ko.
Nadatnan ko si Clyde na naka-upo sa sofa habang tinitignan 'yung mga picture namin na naka-display doon. Tumabi ako sa kanya at tinignan rin 'yung picture na hawak niya.
Picture ko nung junior high school, grade 9 yata ako nung time na 'yan. Hindi ko sure.
"Kukuha ako ng maiinom, what do you want?" Tanong ko pagkatapos niyang bitawan 'yung picture ko.
"Water," sagot niya. Tumayo ako para pumunta sa kusina pero paglingon ko sa likod ko ay nakita kong nakasunod siya sa'kin.
Naupo siya sa mataas na upuan at nagpahalumbaba siya habang pinapanood akong magsalin ng tubig sa baso.
"What?" Masungit kong tanong at pinatong na sa harap niya 'yung baso ng tubig.
Tumawa siya bago niya kunin 'yung baso. "Huwag ka nga magkunot noo,"
Inirapan ko lang siya at hindi nagsalita. Umupo ako sa tapat niya at pinagmasdan siya habang nainom. Ako naman ang nagpahalumbaba habang nakatingin sa kanya. Nakatingin lang din siya sa akin kaya naman may bigla na lang pumasok sa isip ko.
"I like you too," I said while smiling at him.
________________________________________________________________________________________________________________
.