webnovel

Chasing the Serene

Dana, a loud and cheerful student of ABM, met Clyde, a quiet student of ABM, and started chasing him just to get his attention. *** A KATHNIEL FANFIC! Please support my first story here in webnovel. Thank you!

jaeun · RPS同人
分數不夠
17 Chs

Chapter 06

"Good morning, Daddy! Good morning, Mommy!"

Malaki ang ngiti ko pagkababa ko sa dining. Nakain na roon sila Daddy at may nakahanda ng pagkain para sa akin.

"Maganda yata ang gising mo, anak?" Nakangiting tanong sa akin ni Mommy. Tumango naman ako sa kanya at umupo na sa tapat niya.

"Oo nga pala, bakit hindi mo man lang pinapasok si Clyde dito kagabi? Gusto ko pa naman sana maka-usap kung bakit ka napunta roon sa kanila." Dagdag niya kaya nawala naman ang ngiti ko sa labi.

"He was with Calvin, kasama niyang naghatid sa akin dito. Balak ko sanang magpasundo na lang kay Daddy kaso sabi niya siya na lang maghahatid sa'kin." Napainom na lang tuloy ako sa tubig ko pagkatapos kong sabihin 'yon.

Okay, maybe it's my fault too. I didn't tell them my whereabouts.

"And oh, nandoon ako sa kanila kahapon kasi I'm curious how Dad and him knows each other," binaba ko ang hawak kong tubig at kinuha na 'yung kutsara't tinidor para makapagsimula ng kumain.

"Why didn't you ask me?" Dad asked.

"Nahihiya ako," amin ko. "Baka kasi kung ano po ang isipin mo kapag tinanong ko kung paano mo nakilala si Clyde."

"Bakit naman iba ang iisipin ko?' He raised his brows. "Dapat nga ako ang nagtatanong kung bakit ka napunta agad sa bahay nila."

"He's my schoolmate," sagot ko para hindi na siya maghinala sa'kin. "ABM ang strand niya diba? I'm pretty sure he said that to you,"

"Kaya sa kanya ka na lang nagtanong?" Mom raised her brows at me. Napatigil na rin ako sa pagkain dahil nawawalan na ako ng gana sa mga tinatanong nila sa'kin.

"You know what? I'm done. Papasok na po ako." Mahina kong sabi at tumayo na. Mabilis akong lumabas sa dining at narinig ko pa ang pagtawag sa akin ni Daddy pero hindi ko lang siya pinansin.

"Manong, tara na po." Sambit ko pagkapasok ko sa kotse.

Tahimik lang ako buong byahe dahil nawala ako sa mood. Kung ano kinaganda nung gising ko, sobrang sama naman sa pagpasok ko sa school.

"Hey, you okay? You don't look good." Naupo ako sa tabi ni Jean pagkapasok ko sa room. Ngumiti lang ako sa kanya at sumubsob sa arm chair ko.

"I'm fine,"

"Did something happen yesterday?" Curious na tanong niya. Inangat ko ang mukha ko at umiling sa kanya.

"No, it was fun," ngumiti ulit ako sa kanya pero agad din nawala. "It's just that, hindi nila ako pinapakinggan."

"Who? Your parents?" Maingat niyang tanong sa akin.

Tumango naman ako bilang sagot sa kanya. Hindi na rin siya nagtanong sa akin para bigyan ako ng space na makapag-isa muna sa mundo ko. Nawala talaga ako ng tuluyan sa mood ko dahill sa sunod-sunod nilang pagtatanong. Gusto ko lang naman kasing ipaliwanag sa kanila na curious lang talaga ako kung bakit sila magkakilala, e! Bakit kailangan pang tanungin kung bakit ako kay Clyde nagtanong, e pwede naman sa kanila?

Okay, they have point! But it's my choice who would I asked right?

Yun lang naman ang gusto kong iparating sa kanila pero paulit-ulit kasi sila kaya hindi ko na napigilan pa 'yung sarili ko at umalis na lang.

"Uuwi ka?" Tanong ko kay Jean nang makita kong nagmamadali siyang mag-ayos ng gamit niya. Tumigil siya at tumingin sa akin.

"Oo. Uuwi kasi si Daddy ngayon kaya kailangan kong umuwi. I'm sorry, hindi na naman kita masasamahan ngayong lunch." She gave me an apologetic smile.

"No, it's okay." I smiled at her too. She waves at me before she went out in our classroom. Naiintindihan ko naman si Jean because she told me that her father is not with them. Sa ibang lugar kasi ito nagtatrabaho at minsan lang kung umuwi.

Mag-isa na naman ako at wala ako sa mood na mangulit kay Clyde ngayon. Mas gugustuhin kong matulog na lang dito sa classroom para naman medyo mawala na 'tong sama ng loob ko. I checked the time and medyo maaga pa naman para sa time ng lunch.

I decided to take a nap and only woke up when I felt that someone was tapping my shoulder.

"Did you eat?" Jean asked.

"I fell asleep," humikab pa ako bago tignan ang oras sa phone ko. "Aga mo ah?"

Wala pa kasing ala una kaya medyo nakakagulat na maaga siya ngayon. Minsan kasi kapag umuuwi siya, halos ala una na siyang nakakapasok.

"Hinatid ako ni Daddy, e," she answered.

"Samahan mo 'ko sa canteen, I'll buy something to eat." Probably, I'll buy bread. Mas nakakabusog kasi 'yon kaysa sa isang biscuit lang.

Hindi na siya umangal pa nung hinila ko na siya patayo. Hindi ako lumabas doon sa pinto na makikita ako ni Clyde kaya safe ako ngayon. I hope he didn't notice me when I'm asleep earlier. Yung classroom kasi namin ay malapit sa hagdan samantalang nasa gitna naman 'yung kanila kaya kapag doon ka sa may na malapit sa amin bumaba ay mapapansin mo talaga ako, Pero kung doon naman sa kabilang hagdan ay hindi ako mapapansin.

And I hope he used the other stair.

"Ate, isa nga pong bread." Inabot ko ang bayad ko at binigay naman sa akin nung tindera 'yung gusto kong bread. Bumili rin ng isa si Jean dahil sabi niya ay medyo nagugutom pa rin siya.

Natawa na lang ako at bumili na rin ng tubig.

"Painom na lang," natatawa niyang sabi sa akin. Pabiro kong nilayo 'yung tubig ko sa kanya at nilabas ko ang dila ko.

"Manigas ka dyan," para kaming bata dito na nag-aagawan ng tubig habang pabalik kami sa classroom. Natawa na lang ako at binigay na sa kanya 'yung tubig ko.

"O, salamat." Sabi niya sa akin at pinatong sa desk ko 'yung tubig.

"Welcome," natatawa ko pang sabi. She just rolled her eyes on me but laughed after that.

Bumalik na rin sa dati 'yung mood ko dahil halos nawala na rin sa utak ko 'yung nangyari nung umaga kaya nung uwian ay nagpaalam lang sa akin si Jean at nauna na ulit siyang umuwi sa akin. Kami na naman yata ang naunang magdismiss kaysa kila Clyde kaya mahihintay ko na naman siya.

Paglabas ko sa room ay nakita ko na si Evan na naghihintay na kay Clyde sa labas ng classroom nila. Napatingin pa sa akin si Evan at ngumiti sa'kin. I gave him a smile at tumabi sa kanya.

"Nasaan ka nung lunch? Hindi kita nakita sa canteen," Tinuro ko ang room namin kaya napatango naman siya.

"Hindi ko nakita, doon kami sa kabilang hagdan bumaba kanina." Tumango lang ako sa kanya at sumandal sa pader.

"Hindi rin naman ako nakababa kasi nakatulog ako," sabi ko na lang. Nakita kong nag-dismiss na 'yung teacher nila Clyde kaya napatayo na lang ulit ako nang maayos. "Palabas na siya."

Nang makita ako ni Clyde ay hindi lang nagbago ang mukha niya, para bang inaasahan na niya akong naghihintay ngayon sa kanya dito. Well, ano bang bago?

"Gusto mo bang kumain?" Concern na tanong ni Evan kaya napatingin sa kanya si Clyde.

"Anong sinasabi mo dyan?" Clyde furrowed his eyebrows.

"Hindi ikaw tinatanong ko," nang-aasar na sabi ni Evan. Tinignan ako ni Evan kaya natawa na lang ako.

"No thanks," sabi ko habang natatawa.

"Epal," Clyde raised his middle finger to Evan kaya mas lalo akong natawa. Evan laughed out loud too kaya iniwan na kami ni Clyde.

I laughed so hard that afternoon kaya ang saya ko nung umuwi na ako sa bahay. Wala pa doon sila Daddy kaya hindi lang nabago 'yung mood ko. Hindi ko rin alam kung anong oras sila makakauwi kaya dumeretso na lang ako sa kwarto ko para magpahinga ng kaunti.

Mag 7 PM na yata nung magising ako kaya dali-dali akong nag-ayos ng sarili ko para bumaba na at makakain ng hapunan. Pagbaba ko sa dining ay naabutan kong si Yaya Helen lang 'yung nandoon at nag-aayos ng kakainan ko.

"Uuwi daw po ba sila Daddy ngayon?" Tanong ko kay Yaya at umupo na sa pwesto ko.

"Oo, baka maya maya pa 'yon sila kaya mauna ka nang kumain. Hindi rin kayo nagkakaintindihan kanina diba?" Sabi niya sa akin.

"Opo," sagot ko na lang at nagsimula nang kumain.

Sa buong pagkain ay tahimik lang ako pero sinabi ko kay Yaya Helen na sabayan niya ako para hindi naman ako malungkot at mag-isa lamang na nakain. Malugod naman niyang tinanggap 'yung alok ko kaya medyo hindi ako malungkot.

"Dana, nandyan na Daddy at Mommy mo," napatingin ako kay Yaya Helen nung pumasok siya sa kwarto ko. Nagawa na lang ako ng mga assignments namin ngayon at feeling ko ay 9 PM na ng gabi. "Gusto mo ba silang makausap?"

I nodded and stopped doing my assignments. Gusto ko lang magkaayos kami nila Daddy ngayon at mag-sorry sa inasal ko kanina.

Pagbaba ko ay nakita ko silang nagtatanggal ng kanilang coat. Napatingin sila sa akin at napatigil sa kanilang ginagawa. Binilisan ko ang pagbaba at agad na lumapit kay Mommy para sa kanya unang humingi ng paumanhin.

"I'm sorry," niyakap ko siya at niyakap niya rin ako pabalik. Naramdaman ko ang pagngiti niya kaya mas hinigpitan ko ang yakap sa kanya. "I'm sorry, Mom."

"It's okay, baby," naramdaman kong hinahagod niya ang likod ko kaya kumalas na ako sa pagkakayakap ko sa kanya. "I'm sorry too, baby. We got your point,"

"I'm sorry, Dana. It's just that, nagtampo lang ako kasi nandito naman ako para pagtanungan mo pero mas pinili mong magtanong kay Clyde." rinig ko ang tampo ni Daddy sa kanyang boses kaya naman tumingin ako sa kanya.

I chuckled, "I'm sorry to the both of you."

Weeks has passed and hell week is already coming. Ang bilis ng panahon! Mage-exam na agad! Feeling ko wala lang akong natutunan nitong mga nakaraang linggo.

"Huy, Clyde! Uso kasi ang mamansin!" Ever since that he brought me to their house ay feeling ko mas lalo lang akong iniiwasan ni Clyde. Kaya ang hirap lang niya lalo lapitan kasi nga ganon!

Hindi niya ako pinansin at mas lalo lang niyang pinagpatuloy ang paglalakd papunta sa classroom nila. If you would ask me, marami pa rin na mga babae ang nagpapabigay ng letter para sa kanya pero tinatanggihan ko ng kunin 'yon dahil habang patagal ng patagal ay mas lalong hindi na tinatanggap ni Clyde 'yon.

And take note, hindi pa rin niya ina-accept 'yung friend request ko sa kanya. I even beg Evan to talk to Clyde and say to accept my request pero hindi raw ginagawa ni Clyde. Ilang beses din daw niyang sinubukan pero ayaw talaga ni Clyde.

"Ayaw mo ha," binilisan ko ang lakad ko at humarang sa harap niya. He stopped walking and looked at me. "Can you stop walking for a bit?"

"What do you want?" He asked and looked behind me. Napatingin din naman ako roon at nakita kong naglalakad papalapit sa amin si Evan. I even saw how Evan smirked at Clyde bago ko binalik ang tingin sa kanya.

"Well, I don't have anything from you but can you just accept me as your friend?" He looks bored while looking at me.

"No," he said at umalis na. Iikot na sana ako para sundan siya pero may biglang umakbay sa'kin habang may ngiti sa labi.

"Don't worry, Dana. Ia-accept din niya 'yon," he said at lumingon sa likod niya. "Busy lang 'yon sa mga gawain niya kaya hindi pa halos makahawak ng phone."

"You know that I wont stop, right?" He nodded.

"I know. Just keep chasing him, bibigay rin 'yan." He cheered me up.

That day, wala akong ginawa kundi ang kulitin lang si Clyde. Sabi ko nga, hindi ako susuko. He's the first ever guy na hinabol-habol ko.

Hindi ko rin alam kung ano na 'tong nararamdaman ko sa kanya. I admit, I already like him. Pero like pa lang, hindi pa love! Masyado ng malalim 'yon at masyado pang maaga para mahalin ko siya 'no. Hindi pa kami ganon na magkakilala at puro ako lang ang kulit ng kulit.

Noong gabi, dahil tapos ko naman ng gawin 'yung mga requirements na binigay sa amin ay nag-facebook na alng ako. I visited Clyde's account again for update. I saw one post na nakapagpatigil sa'kin sa pagscroll.

See you soon, baby!

Ganyan 'yung caption nung nasa post tapos may picture na kasama. Si Clyde 'yung lalaki at hindi ko kilala 'yung babae. Parang kaedad lang namin siya. Tinignan ko 'yung comments at ang daming nag-see you din doon sa babae pero napako lang 'yung tingin ko sa comment ni Clyde 2 minutes ago.

Clyde Ian Hernandez

See you.

I immediately opened my messenger to chat Evan, hoping that he's online. When I saw that his online, I chatted him.

Dana Elisha  Flores: do you know who's this girl?

I sent him the screenshot of the post and he immediately seen it.

Evan Leo Jimenez: Yes.

Dana Elisha Flores: Oh, who's that?

Evan Leo Jimenez: His girlfriend.

________________________________________________________________________________________________________________

.