Kinabukasan,
Maagang nagising si Ricai dahil halos di naman sya makatulog sa bago nilang higaan ni Baby sa bahay ni Ysmael. Kaya naman naisip niya nalang na mag jogging. She left the house secretly na kahit si Belj ay hindi alam na mag jo-jogging sya.
"Ayos, ang ganda ng panahon. Let's go Ricai!" Sambit ni Ricai sa sarili nya.
Habang nag jo-jogging na mataan ni Ricai na nag jo-jogging din si Don Fernan kaya naman nag iba sya ng direction agad-agad.
"Kala ko maaga na ang 3:30am para mag jogging pero mukhang kanina pa na takbo si Don Fernan. Kailangan iwasan ko sya baka di lang pawis ang makuha ko pag nakita nya ko."
Ang buong akala ni Ricai nakaiwas na sya kay Don Fernan pero hindi pala dahil nung napagod sya at nag pahinga namataan sya nito...
Nakaupo si Ricai sa damuhan habang nainom ng tubig ng biglang lumapit sa kaniya si Don Fernan at na bugahan nya ito ng tubig.
"So--- Sorry po Don Fernan hindi ko po sinasadya. Sorry po!!!" Ang ninenerbyos na sambit ni Ricai na tumayo agad at nag bow para humingi ng tawad ng paulit ulit.
Pinunasan naman ni Don Fernan ang mukha nya pero for some reason hindi sya nagalit kay Ricai.
"Po? Okay lang? Hi-- Hindi po kayo galit sakin? Hindi nyo po ako ipa- papatay?"
"No, why should I? What do you think of me a murderer? After all its my fault I startled you, right?"
"So--- Sorry po talaga hindi ko po sinasadya." Napansin naman ni Don Fernan ang balat ni Ricai sa braso dahil naka agaw ito ng pansin nya "who the hell are you?!"
Nagulat si Ricai dahil hinila ni Don Fernan ang braso nya manirism kasi nya na kapag kinakabahan ang pag kamot sa kanang braso nya kung nasan ang birthmark nya.
"Si--- Sir nasasaktan po ako."
Binitawan naman agad sya ni Don Fernan at humingi ng tawad "I... I just carried away hindi ko sinasadya... Wait here I will call the doctor."
Sa isip- isip ni Ricai "doctor agad?"
"Hey? You okay?"
"O-- Opo di na po kailangan ng doctor ayos lang po ako nagulat lang po ako sa inyo."
"Sorry..."
"Okay lang po. Si-- Sige po mauna na po ako sa inyo." Papaalis na sana sya pero bigla syang pinigilan ni Don Fernan. "Sir?"
"Cough! Yung... nasa braso mo, birthmark ba yan?"
Napatingin naman si Ricai sa braso nya "ah... opo medyo kakaiba nga po yan eh para syang hugis heart tapos nag iiba po ang kulay nyan kapag kinakabahan ako tapos mangangati na."
"Ohhh...kaya pala kanina kinakamot mo? Natatakot ka ba sakin?"
"H--- Ho?"
Don Fernan chuckled "you remind me of someone."
Sa isip- isip ni Ricai "ngu-- ngumiti si Don Fernan? Sakin?" Napatingin sya sa kalangitan "maliwanag naman na at mukhang nasa earth pa rin naman ako... Bakit kakaiba si Don Fernan towards me? Is he sick or what? Namuti na ba ang uwak?"
"Lets walk together if you don't mind?"
"Nani?"
"Hmm?"
"I... I mean... Si-- Sige po kung okay lang po sa inyo."
"Um."
Habang nag lalakad yung dalawa pabalik ng mansion tahimik lang ang mga ito pero sumasabog na sa "what if's" ang utak ni Ricai dahil for the firstime hindi galit sa kaniya si Don Fernan.
"."
Sa sala ng bahay ni Ysmael ipinupuyod ni Ricai ang buhok ni Baby.
"Ano? Birthday ni Don Fernan ngayon?!" Ang pagulat na sambit ni Ricai kay Belj.
"Yes Miss, kaya abala ang mga tao dahil may magaganap na dinner party tsaka mga bigatin ang dadalo kasi may meeting dapat so Don Fernna sa G City pero dito nalang minove."
"Are we invited tita Ricai?" Sambit naman ni Baby.
Hindi naman sumagot agad si Ricai dahil naalala nya yung sinasabi kanina ni Don Fernan sa kaniya bago sila mag hiwalay ng landas.
"Sige po have a nice day ahead."
"Sayo rin. Thankyou for walking with me I enjoy."
"A-- Ako rin po salamat Sir."
"Wag mo na kong tawaging Sir call me tito tutal girlfriend ka naman ng anak ko."
"Si-- Sige po tito."
"I know, hindi tayo maayos na napakilala sa isa't isa pero I really enjoy this morning with you. Napasaya mo ang espesyal kong araw."
"He...He... hindi naman po nahihiya nga po ako sa inyo kanina yung nabugahan ko kayo ng tubig."
"No worries, normal lang yon."
Ring...Ring...
May tumawag kay Don Fernan kaya nag hiwalay na sila ni Ricai ng daan.
Mabalik sa usapan...
"Ano?! I mean naka sabay nyo si Don Fernan na mag jogging kanina? Tapos hindi galit sa inyo?!" Ang takang taka na sambit ni Belj.
"Um. He so gentle while I'm talking to him at firstime ko rin syang nakitang ngumiti kala ko nga wala na ko sa earth kanina baka ka ko kasi may nakikita na akong ilusyon."
"Talaga po?"
"I think Don Fernan is kind naman talaga hindi lang natin sya nakikilala ng lubusan."
Napa isip naman bigala si Belj at nag patuloy naman sa kwentuhan sila Ricai at Baby.
"Kailangang malaman ito ni Boss." Sambit ni Chase ng pabulong at iniwan nya muna saglit yung dalawa ni Ricai at Baby para tawagan si Chase.
Belj: Opo Boss yun talaga ang kwento sakin ni Miss kaya nga tinawagan ko na kayo agad para ipaalam sa inyo na biglang nag bago ang pakikitungo ni Don Fernan kay Miss.
Chase: Why did you allow na makasama ni Ricai si daddy?
Belj: Sorry Boss, medyo late na po kasi ako nakatulog alam nyo naman andine kami sa bahay ng enemy nyo kaya nag bantay po ako kaya di ko po namalayan na umalis pala si Miss parang mag jogging.
Chase: Ano pa ang sabi? Sinaktan ba sya?
Belj: Boss, mabait nga daw po ang pakikitungo ng daddy nyo kay Miss. Sa tingin nyo may binbalak si Don Fernan?
Chase: Hindi ko alam kaya doblehin mo ang guards kay Ricai lalo ngayon na kaarawan ni dad.
Belj: Opo Boss. Eh... kayo po? Hindi pa po ba kayo uuwi?
Chase: Hindi pa kita masasagot dahil biglang inatake si lolo sa puso nung nakaraan buti nalang at naagapan.
Belj: Sabihan nyo po ako kapag may kailangan kayo.
Chase: There's no need basta bantayan mo lang sila Ricai at Baby. Siguraduhin mong hindi sila masasaktan at tawagan mo akong agad kapag may kakaiba kang nakita dyan.
Belj: Noted Boss.
Makalipas ang ilang oras malapit na mag simula ang dinner party ni Don Fernan unti- unti na ring dumadating ang mga bigating bisita.
"Ayusin mo! Ayoko ng kulay ng blush on mo!" Ang nagagalit na sambit ni Eulla na inaayusan na ng kaniyang glam team.
"Ye-- Yes Ma'am." Sagot nung babaeng taga make up.
"Hoy ikaw ayusin mo ang buhok ko ng ayos gusto ko big curly okay?!"
"Opo Ma'am."
Hindi naman alam ni Eulla na nakamasid sa kanya sila Felly at Leleth na inaayos ang gown na isususot nito.
"Huh! Akala mo naman kung sino maka pag utos kala mo sya ang mag babayad sa glam team nya di naman sya gaganda kahit gaano pang make up ipahid sa pag mumukha nya." Sambit ni Felly na nasa likod ng pintuan kung nasan ang gown ni Eulla at naka silip.
"Ang arte nya talaga no? Feeling talaga nya yayamanin sya."
Isinara naman na ni Felly yung pinto at pinagmasdan yung gown ni Eulla na sexy back dress na kulay red.
"Felly!"
"Shhhh... wag kang maingay."
"Hmm? Ano na naman ang binabalak mo?"
Felly smirked "tignan natin kung mag inarte pa yan mamaya."
"Ha?"
Sa mag kaparehong oras naman nasa kwarto ni Don Fernan si Ysmael...
"Yes uncle, bayad na po ang lahat ng reporters dumating na rin po ang commissioners na ka meeting nyo dapat at darating rin po si Ms. Catalina Real."
"Good, siguraduhin mong makakausap ko yang si Catalina Real."
"Yes uncle, well prepared na po ang lahat gaya ng sabi nyo."
Tumayo na si Don Fernan at isinuot ang kaniyang white na americana at tinulungan naman sya ni Ysmael.
"What about Ricai? Did she come over? and the kid?"
"Yes uncle, sabi po sakin ni Ricai dadalo po sila ni Baby ibinigay ko rin po yung kanilang susuotin at pinaayusan ko rin po sila."
"Good."
"Ahm... Uncle, pwede ko po bang tanungin kung bakit bigla nyo nalang pinabalik dito sa mansion sila Ricai?"
Habang nag sasalita nakatingin si Don Fernan sa whole body nyang salamin at inaayos ang sarili.
"I just want to know more about Ricai."
"Pero uncle, labas po si Ricai sa problema natin kay Chase kaya sana po..."
Biglang tingin naman si Don Fernan kay Ysmael "tell me, are you into her?"
"U-- Uncle?"
"Don't bother but..." lumapit sya kay Ysmael at napahawak sa shoulder nito "don't stick your nose to my son's girlfriend."
Medyo may pwersa ang pagkakahawak ni Don Fernan sa shoulder ni Ysmael kaya ng lumbas ito...
"Ano bang nangyayare kay uncle? Why he suddenly concern about Ricai?" Sambit ni Ysmael na nakahawak sa balikat nya dahil sumasakit ito.
"Sir?! Ayos lang po kayo?" Ang bungad agad ni Basty paglabas ng kwarto ni Don Fernan.
"I'm okay. Where's uncle?"
"Pumunta po sa kwarto ni Sir Chase."
"Andun sila Ricai hindi ba?"
"Opo. Sir, bakit parang nag iba ang ihip ng hangin dito ngayon? Parang iba po bigla ang pakikitungo ni Don Fernan kay Ms. Ricai at pinabalik pa po sila dito sa mansion."
Nakatingin naman si Ysmael sa direction kung nasan ang kwarto ni Chase.
"We will find out why? Kilala ko yang si uncle hindi basta-basta yan nag titiwala sa iba lalo na kung hindi naman nya ka lebel. Kaya sigurado akong may mali dito."