"Say what?" Ang pagulat na sambit ni Ricai kay Belj habang nag iimpake ng mga damit nila ni Baby.
"Yes Miss. Hindi nyo naman po kailangang umalis ng mansion. Sinabi na yon sakin ni Boss. Kaya chill lang kayo."
"Na babaliw ka na ba? Uuwi na si Don Fernan so ibig sabihin lang nun kailangan na naming umalis dito ni Baby, tayo. Baka pati yung bata pagalitan n'ya nakakaawa naman madadamay pa s'ya sa alitan dito."
"Pero Miss, don't you think kaya di kayo pinaalis ni Boss dito nung nag punta s'ya ng Japan kasi nga may tiwala s'ya sayo na kaya mong alagaan si Baby kahit wala s'ya."
"What do you mean? Of course, I can take care of Baby! Kaya nga kailangan na nating umalis dito sa mansion bago pa makarating si Don Fernan."
"Miss, hindi po yun ang point dito!"
"Belj, tigilan mo na to! Oras na makita kami ni Don Fernan dito magagalit yun baka mamaya di na kami makalabas ng buhay dito ni Baby."
"Miss! Hindi mangyayare yon hangga't andito ako! Ibinilin kayo sakin ni Boss kaya hindi ko kayo pababayaan! Isa pa, hindi kayo magagalaw ni Don Fernan o ng kahit sino dito!"
"Ano? Bakit? Anak ba ko ng presidente? Tigilan mo na yan bilisan mo na tulungan mo nalang ako mag imapke para makaalis na tayo dito."
Belj sighed "Miss, huli na to, sinasabi ko sa inyo hindi...kayo... aalis... dito ni Baby!"
"Ewan! Bahala ka! Kung gusto mong mag stay dito then, go! Pero kami ni Baby aalis na dito!"
Sinipa naman ni Belj ang bag ba nilalagyan ni Ricai ng mga damit nila ni Baby.
"What the?! Ano ba Belj?!!"
"Miss, makinig ka! Satin-satin lang ito kasi ayaw talagang sabihin ni Boss ito kahit na kanino pero wala na kong choice!"
"Belj, naiinis na ko! At alam mo kung paano ako..."
Hindi naman na ituloy ni Ricai ang sinasabi n'ya dahil may biglang sinabi si Belj "kasama ni Boss si Don Arnulfo sa JAPAN!"
"A— Ano? Are you for real?"
"Yes Miss, at gusto ni Boss na dumito muna kayo hangga't wala s'ya."
"Teka, hindi kita maintindihan."
"Ganito po, una kailangan n'yong maging palaban dahil darating na nga po si Don Fernan. Pangalawa, hindi kayo aalis dito sa mansion hangga't wala si Boss Chase. Pangatlo, kailangan n'yong makinig sa mga sasabihin ko."
"Pero bakit nga? Bakit di kami aalis dito ni Baby?"
"Miss, gusto ni Boss na maging spy kayo dito."
"Wait, what? Me as a spy? No way!"
"Miss, kailangan lang ng oras ni Boss para maihanda ang lahat lalo pa ngayon na nagkakaroon na ng malay si Don Arnulfo."
"Really?"
"Um."
"Pero... bakit gusto ni Chase na maging spy ako sa daddy n'ya?"
"Dahil kay Sir Ysmael."
"Hmm? Ang labo! Ayaw n'yo ni Chase na lalapit ako sa taong yon tapos dahil sa kaniya kaya kailangan kong mag stay dito? At para maging spy? Are you guys insane?"
"Miss, you just need to go with the flow. Oras na mapaalis kayo ni Don Fernan dito ibig sabihin lang nun wala na ding karapatan si Boss sa bahay na ito."
"Ano? Bakit naman? Isa parin syang Alcantara!"
"Miss, ang totoo po nyan unti-unti ng gumagawa ng move si Don Fernan para tanggalan ng mana si Boss at gusto nitong kay Ysmael lahat mapunta ang dapat ay kay Boss. Well, hindi naman yun ang importante kay Boss ang gusto n'ya lang ay maitama ang lahat hangga't di pa tuluyang gumagaling si Don Arnulfo."
"So you mean, may parang under the table na nagaganap between kila Don Fernan at Ysmael? Pero bakit? Bakit nila ginagawa yon?"
"Isa lang Miss, gusto nila makamkam ang kayamanan ni Don Arnulfo na di naman dapat maging kanila."
"Anong ibig mong sabihin?"
"May possibility po kasi na si Don Fernan at si Ysmael ang may kagagawan kung bakit gang ngayon hindi pa nagiging ayos ang kalagayan ni Don Arnulfo."
"Ano?"
***
Katatapos lang ng meeting ni Catalina sa mga new investors n'ya kahit na may jet lag pa sya.
"Yes Madam, no sugar. Got it!" Sambit ni Charmel at lumabas na ng conference room at naka salubong naman niya si Noli na kinamusta agad si Catalina.
"I'm fine, medyo medyo masakit lang ang ulo ko."
"Do you want me to get you a medicine?"
"No need. By the way, Charmel said you want to talk to me? What is it?"
"May result na yung DNA n'yo ni Chase."
Iniabot ni Noli ang dala nyang brown envelope kay Catalina "ikaw nalang ang tumingin to make it sure."
"Thanks."
At binuksan na nga ni Catalina yung envelope at pag ka basa n'ya nakita nyang negative ang result 0% ang chance na di talaga sila mag ina ni Chase.
"What do you want me to do now? Ngayong... sigurado na tayo na di mo nga anak si Chase."
"Stick with the plan."
"Okay. But are you sure you want to meet your rapist?"
Nag iba naman bigla ang awra ni Catalina at sa inis n'ya nalulukot na n'ya yung DNA result nila ni Chase.
"I need to face him before I explode from anger. Hindi ko hahayaang maging masaya s'ya sinusumpa ko mag babayad lahat ng nanakit sakin lalong lalo na si Fernan!"
"How about his father? How is he?"
"He's doing good hayaan lang natin na hanapin ni Fernan ang tatay n'ya habang ilulubog ko ang mga Alcantara."
"Anyway, tomorrow is the day sigurado akong naiintriga na sayo si Fernan lalo pa at nakuha natin ang lupain na gusto nya."
Catalina smirked "let's see what expressions he will wear after seeing me. Na ang dating katulong na ginawa nyang basura ay kaya na syang tapatan! I will crash him into pieces."
"That's my girl."
At the same time...
"Guards, ilabas nyo ang hampas lupang yan ayoko ng makita ang pag mumukha ng babaeng yan dito! Isama nyo na rin ang batang kasama nya at yang si Belj!"
Nag hahanda naman na lumapit ang mga guards ni Fernan kila Ricai pero di itinuloy dahil humarang si Ysmael.
"Uncle, spare them. Ako ng bahala sa kanila ipapalipat ko nalang sila sa bahay ko."
"Hinde! Aalis na sila dito Ysmael! Baka mamaya kung ano pang nakawin ng mga yan dito!" Sambit ni Eulla na kala ko kung sino.
"Nakawin? Huh! Why don't you see yourself to mirror? Para makita mo kung sino satin ang magnanakaw!"
"Pfft... burn." Pabulong na sambit ni Belj.
"Ikaw!!! Honey, do something!"
Ricai smirked "as if she knows what she was saying. Feeling englishera."
"Honey!!! Pabulong bulong pa sya oh!"
Hindi naman nag sasalita si Fernan dahil masakit ang ulo nya dahil kararating nya nga lang galing ibang bansa tapos pinoproblema nya pa si Catalina Real na bumili ng lupaing gusto nya.
"Honey! Palayasin mo na sila."
"Uncle no, ako na pong bahala sa kanila."
"Ysmael, don't... ano... basta! Wag kang mag palinlang sa mga yan! Niloloko ka lang ng mga yan para tumira sila dito lalo na yang si Ricai!"
Nilapitan naman ni Baby si Eulla at kinagat ang braso nito "awwww!!!!"
"You deserves that! How dare you to talk trash to tita Ricai? She is nice and very caring! That's why uncle ninong Chase loves her even uncle Ysmael too and everyone here."
"Ikaw bata ka!!!"
Sasampalin sana ni Eulla si Baby pero pinigilan sya ni Ricai "subukan mong saktan ang batang ito tinitiyak kong mawawalan ka ng isang braso!"
"Honey!!! Palayasin mo na sila!!!"
Talagang bad mood na noon si Don Fernan kaya di na rin nakapag pigli at sinampal nya si Eulla.
"Ho— Honey..." sa sobrang lakas nga ng pag sampal sa kaniya ni Don Fernan sumalagmak sya sa sahig.
"Don't you dare made a command to me or else hindi lang yan ang aabutin mo sakin!" He gaze at Ricai then he went upstairs "Ysmael, ikaw ng bahala sa mga yan."
"Yes Uncle, I will."
Nakahinga naman ng malalim si Ricai matapos nyang marinig at makitang umalis si Don Fernan.
"Miss, you okay?" Pabulong na sambit ni Belj dahil napahawak ito sa kaniya na para bang nanlalambot ang mga tuhod.
"Grabe yung kaba ko bro! Parang gusto ng kumalas ng mga tuhod ko sakin."
Pero narinig ni Ysmael ang sinabi ni Ricai kay Belj "don't worry everything will be fine dun na muna kayo sa bahay ko."
"Salamat Ysmael."
Ysmael smiled at Ricai happily "Ricai!!!" Ang galit na galit na sambit ni Eulla na susugurin sana si Ricai para sabubutan pero pinigilan sya ni Felly at Leleth agad.
"Hoy! Bitawan nyo ko!"
"Subukan mong saktan ang Miss namin kami ang makakalaban mo." Ang pabulong na sambit ni Felly at tinignan nya ng masama si Eulla.
"Halina na kayo. Belj, ikaw ng bahala sa mga gamit nila." Sambit ni Ysmael pero habang sinasabi nya yon iba ang tingin nya kay Belj bilang nakaalitan nya ito nung nakaraan.
"Yes Sir." Sagot ni Belj na ibang iba sa nakaraan nung nakaalitan nya si Ysmael at Basty.
Nilapitan naman ni Baby si Eulla at niyapakan ang kanang paa nito.
"Aray!!! Walang hiya kang bata ka!!!" Ang galit na galit na sambit ni Eulla pero di sya makaganti dahil hawak sya nila Felly.
"Bleeh! Loser!" Pang aasar na sagot naman ni Baby.
"Baby, lets go. We don't talk to losers remember?" Ricai said then she smirked while staring at Eulla at lumabas na sila nila Baby at Ysmael.
Habang papalabas nag pasalamat naman si Ricai kay Ysmael ulit.
"It's okay. The most important is you two are okay."
"Sorry if we bother you basta pag dumating si Chase aalis din kami ni Baby. Sa ngayon kasi nirerenovate yung condo namin eh."
"No worries, as long as okay kayo ni Baby."
"Thanks uncle Ysmael."
"Your welcome princess."
"Baby, sumama ka muna kay uncle Basty mag uusap lang kami ni Ysmael."
"Opo."
At sumama na nga muna si Baby kay Basty tungo sa bahay ni Ysmael na di naman malayo sa mansion nila Chase na walking distance lang halos.
Umupo naman sila Ricai sa isang bench para doon mag usap.
"What do you want to talk?"
"Ahm... don't get me wrong pero bakit mo ko tinutulungan?"
"Hmm? Why did you ask me that? Of course we're friends. Remember we're childhood friends and I'm your savior, right?"
"Salamat. Pero ayos lang ba talaga sayo na doon muna kami sa bahay mo? I know, mag kagalit kayo ni Chase at alam mo namang..."
"Na girlfriend ka nya? Don't worry di ko naman yun nakakalimutan pero sabi ko nga mag kaibigan tayo at ang mag kaibigan nag tutulungan."
Pero iba ang nasa isip ni Ysmael sa sinasabi nya kay Ricai "later on magiging akin ka rin hindi ako papayag na mag end ka lang kay Chase dahil kukunin ko kung ano ang sakaniya at kasama ka na don Rica."
"Nga pala, may balita na kayo kay Don Arnulfo?"
"Wala pa nga eh pero may lead na raw ang mga pulis sa mga kumuha kay Lolo."
Nagulat naman si Ricai sa nalaman nya "a... ahm... may lead na? Kilala nyo na kung sino ang kumuha kay Don Arnulfo? Si— Sino raw?"
"Hindi ko pa alam kung sino pero mamaya pupunta dito ang mga pulis para kausapin si Uncle Fernan."
Nakahinga naman ng maluwag si Ricai "Rica?"
"Ah... Ano, pero may prospect na kayo kung sino ang kumuha kay Don Arnulfo?"
"Oo."
"Si... Sino? Pwede ko bang malaman?"
"Isa lang sa mga kaaway ng pamilya namin si Maximel Madrigal."
"Teka, parang narinig ko na yon ah. Yun yung tatakbong mayor daw di ba?"
"Oo makakalaban sya ni Uncle sa darating na eleksyon ang pamilya rin nila ang parating kaaway namin pag dating sa kalupaan dito sa district."
"Sila rin ang pumangalawa sa pinakamayaman dito di ba?"
"It doesn't matter hindi naman sila mananalo samin simula't sapul mag kaaway na ang pamilya namin at ni minsan di pa sila nanalo samin."
"Ang hirap rin talagang maging mayaman ang daming problema at kaaway."
"Ikaw, paano kung isang araw galing ka rin sa isang maimpluwensyang pamilya? Anong gagawin mo?"
"Ako? Hindi ko alam. Hindi naman ako mayaman simple lang ang pamilya na pinanggalingan ko pero kung ako sa inyo dapat makipag ayos na kayo sa mga kaaway nyo hindi maganda ang may kaaway paano nalang kung mamatay kayo? Edi namatay kayong may galit sa puso nyo? Sabi nga, mas masaya ang buhay kapag walang kaaway." At ngumiti sya at nag wink kay Ysmael.
"Bakit pag ikaw ang nagsasalita parang ang nagiging masama ang lahat ng makakausap mo."
"Ha? Grabe naman."
"Para ka kasing angel."
"Luh! Nambola ka pa pero dapat kasi laging naka smile para good vibes lang."
"Hehe... Oo."
Sa may balcony sa 2nd floor andoon si Fernan na nainom ng tsaa kasama si Dante at kita doon sila Ricai at Ysmael.
"Sir? Bukas po ang meeting nyo sa commissioners at dadalo rin po doon ang mga ilang kakilala nyo sa business world. Dadalo rin po si Ms. Real."
Nakatingin si Don Fernan kay Ricai habang kausap si Ysmael "kailan pa dito si Ricai at yung batang kasama niya?"
"Sir?"
"Si Chase? Kailan babalik?"
"Hindi ko po alam Sir pero sya tapos na po ang business venture nya doon sa pag kakalaam ko po may shoot po sya don kaya hindi pa po sya nakakauwi ng bansa."
Sa isip-isip ni Fernan "bakit iba ang pakiramdam ko ng makita ko si Ricai ngayong naka ngiti sya habang kausap si Ysmael naalala kong bigla si Andrean."
"Sir? May problema po ba?"
Tumalikod na si Don Fernan at sinabi "do some research of that woman."
"Si— Sino po? Si Ms. Real?"
"Hinde, ako ng bahala sa isang yon. You do some background check about that girl Ricai."
"Si Ms. Ricai po?"
Don Fernan approaching the door para pumasok na at lumingon sya kay Dante na para bang wala sa mood at sinabi nyang "do I have to repeat, Dante?"
"N— No Sir. I... I will do my research po bukas na bukas po meron na."
"Then, get lost!"