webnovel

Chaotic Love

Everyone thought that Liam, the famous student of BSU is living a perfect life. He's good-looking, smart, and can afford things he want in life. One day, one person would come into his life and sees the darkness in Liam's eyes - Jerard. BSU SERIES 3

Penelophie · 现实
分數不夠
16 Chs

Chapter 7

Para bang nag slow motion ang lahat sa paligid namin. Sa gitna ng tahimik na daan, inilahad ni Liam ang kanyang kamay.

The soft music of 'The Carpenters' swayed us. He held me on my waist. He guided my hands to be encircled around his neck. Yumuko pa ito nang sa ganon ay maabot ko siya.

"I badly want to dance you a while ago..." He trailed off while catching my eyes. "I'm afraid you won't allow me to."

Mapait akong ngumiti sa kanya. Tama ang hinala niya. Hindi nga talaga ako papayag kung sakaling isasayaw niya ako.

"San galing ang tugtog na 'yan?" I asked him, diverting the topic.

He pursed his lips and looked on his motorcycle. Sinundan ko ang tingin niyang iyon. Nakapatong ang isang bluetooth speaker sa upuan ng kanyang motorsiklo. Hindi pala galing sa convenient store ang tugtog na narinig ko.

"W-why are you doing this?" I swear... I can almost hear the loud sound of my heartbeat. It speaks one name, 'Liam.'

Natatakot akong baka marinig niya ang tibok ng puso ko. Natatakot din akong malaman ang sagot niya. Hindi ko na tuloy alam kung ano ba ang dapat kong katakutan.

I feel like it's now or never. Pakiramdam ko ay wala ng ibang pagkakataon upang tanungin ko siya nito. Bahala na kung wala akong mukhang maihaharap sa kanya.

Sandali itong tumingin sa akin. Kapwa nakakulong ang mga mata namin sa isa't-isa. In that second, I wish we won't let go of each other's stare. I wish he won't let go of me...of the way he is looking at me.

He shook his head and smiled at me. "I don't know."

I bit my tongue. Disappointed of something I had seen but refused to acknowledge it.

Sinubukan kong tanggalin ang mga kamay ko na nakapalibot sa kanyang leeg ngunit mas hinigpitan lamang ni Liam ang hawak niya sa bewang ko. Ayaw niya bang bitawan ko siya?

"When you started ignoring me...I felt so crazy." He groaned in frustration. "Hindi ko alam kung may nagawa ba akong mali...fuck! Of course I did something wrong..." He trailed off. Tumingala ito. Ilang beses kong nakita kung paano gumalaw ang kanyang adam's apple.

"If...you can't say it...you can just-" He cut me off.

"No. You need to hear this." He looked at me straight in my eyes...filled with such intensity. "Natatakot ako na baka kapag hindi mo 'to marinig ngayon...iwasan mo na talaga ako. I can't bear to lose you. Binabaliw mo ako."

Hindi naman kami parehong tumakbo ngunit pareho kaming halos maubusan na ng hininga.

I tried to look for words. Proper words to be exact but the loud sound of my heart betrayed me.

"Do you like me?" Tila isang sirang plaka iyon. Paulit-ulit ko pa rin siyang naririnig matapos sabihin. I only said it once but it keeps on hunting me.

"I'm...not sure yet but one thing's for sure...I just want to be with you."

That was how my heart's day ended. Ako, si Liam, at ang payapang gabi. Wala na akong mahihiling pa.

Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa mga kaibigan ko. I should act natural. Hindi ko rin naman maaaring sabihin kung anong mayroon sa amin ni Liam. The truth is, we did not talked anything about us.

"May new crush ako." Nahihiyang pag-amin ko sa kanila.

Inirapan lamang ako ni Ella. I knew I'll get this kind of reaction from her.

"Sus! Dami mo namang bagong crush." She spat and eat her lunch. Nasa canteen kami. May quiz kasi mamaya. Walang oras para kumain sa favorite karinderya namin.

"Ih! Iba to!" Pamimilit ko sa kanila.

Kuryuso akong tiningnan ni Charm. Si Rose naman ay abala lang sa kanyang pagkain. She knew it already.

"I had a crush on Liam."

"Can I eat my lunch with you?"

Halos mabilaukan ako sa kinakain ko matapos marinig iyon. Pinanlakihan ako ng mata ni Ella. Pigil na pigil din ang pagsilay ng mga ngiti ni Charm. Tanging si Rose lamang ang nasa tamang katinuan.

"Sige. Upo ka." Rose said to Liam. Umupo ito sa tapat ko. Hindi naman alam ni Ella kung saan niya ibabaling ang kanyang atensyon.

Palipat-lipat ang kanyang tingin mula sa akin at sa kay Liam. Balik sa akin, balik naman kay Liam.

Nanatili naman ang tingin sa akin ni Liam. A smug on his face is very visible. Halos magtago ako sa aking kinauupuan.

"That's what you're eating for lunch?" Mataman niyang pinagmasdan ang plato ko.

Half rice lamang ang binili ko at chopsuey. At least may gulay naman.

"Tigilan mo nga pagtatago sa upuan mo dahil narinig na rin naman ni Liam ang pag-amin mo." Rose casually said. Mas lalo lamang akong nahiya.

Liam heartily laughed after hearing what Rose had said.

"I'm on diet." Mahinang ko sagot kay Liam.

"You're too skinny, Jerard." Tila nakarinig ako ng galit sa tono ng pananalita ni Liam.

Tumayo ito. Sabay-sabay namin siyang sinundan ng tingin. Pumunta si Liam sa mga stalls. Pagbalik niya ay may dala na siyang half cup of rice at fried fish.

My jaw dropped when Liam sliced and deboned the fish then placed it on my plate.

"Eat, Jerard." He said as if he has an authority over me.

Hindi na ako komontra pa. Tahimik ko na lang na sinunod ang gusto niya. Mamaya ay konti na lang ang kakainin ko.

"What's going on with you two?" Ella blurted out.

Nahihiya akong napatingin sa paligid namin. Iyong malapit sa amin ay tila ba nakikichika na rin. It's Liam. I can't blame them.

Pinanlakihan ko ng tingin si Ella. She shrugged her shoulders as if she didn't said something wrong.

"It's not like it's wrong to ask, Jerard." Side comment naman ni Charm.

Napa face palm na lamang ako. Tumingin ako kay Rose. God! I need help! Sana naman ay mapansin niya iyon.

"No idea." Matamis na ngumisi sa akin si Rose.

Tahimik lamang si Liam habang kumakain at nakikinig sa amin.

"Wala namang something sa amin." Pag-amin ko sa kanila.

I bit my lower lip. Nagtama ang mga tingin namin ni Liam. Puno iyon ng paghahamon.

Humalukipkip si Ella at saka matamang pinagmasdan si Liam. God! Why is Ella so sophisticated?

"I like your friend."

Everyone who heard it reacted. I could not care less. I am in awe.