Chapter 16. Falsified
MABILIS na nagdaan ang isang linggo. Ika-labing-siyam na ng Abril, na siyang ika-labing-siyam ding kaarawan ni Heizen. May schedule sina Ali noong araw na iyon. Kailangang mag-record ng mga ito ng band version ng isang kanta kaya sumama siya.
Alas seis ng umaga nang bumiyahe sila papunta recording studio. Magiging mas abala ang Eclipse sa mga susunod na buwan dahil magpo-promote ang mga ito sa iba't ibang lugar sa Pilipinas, bago tumulak pa-Korea, kung saan naka-base ang international company ng Agency na humahawak sa Eclipse, at magre-record din ng ibang lenggwahe ng mga kanta roon. Pagkuwa'y magkakaroon ng schedule ang concerts and tours ng grupo.
"Practice na pala iyong noong mga nakaraang buwan, 'yong madalang lang kaming magkita, para handa na ko kapag nagsimula na ang pamamayagpag ng karera niya," bulong niya habang nakatitig sa mga kuha niyang larawan ni Ali noong pinanood niya ang debut concert.
She sighed heavily.
Ngayon palang ay malungkot na siya dahil alam niyang hindi naman siya isasama ni Ali. It wasn't because of she wanted to go abroad but because of she wouldn't see him again frequently. Biro pa nga niya'y babawi na lang siya kila Lola Elizabeth sa paninilbihan dahil palaging mawawala ang "amo" niya.
Pero kakayanin niyang tiising hindi makita ang tanging lalaking tinatangi dahil para naman iyon sa kanyang pag-aaral. Mabilis lang naman ang apat na taon. Kapag sumama-sama siya'y hindi siya makakapagtapos ng pag-aral, at hindi niya mapapayagang mangyari iyon. She already wasted a year.
Nakarating sila sa studio bandang alas nueve na ng umaga dahil naipit sila sa traffic kaninang rush hour.
"Baka tumagal ng isa hanggang dalawang oras ang recording. We will use instruments, too," paalam ni Ali sa kanya.
"Okay lang. I'll wait for you here."
"Saan mo gustong mamasyal mamaya?" tanong nito, umupo sa tabi niya.
"Umuwi na lang tayo para makapagpahinga ka agad. You have radio guesting tomorrow and a mini-fan meeting," tugon niya.
"Heizen, it's your birthday today. We should celebrate it."
Natigilan siya. "Ngayon na ba iyon?"
"Yes, baby. Happy birthday," anas nito. Tumayo ito, mukhang naghahanda ng umalis.
Okupado ang isipan niya sa pagbibilang ng araw. Ang bilis ng panahon, birthday na naman niya.
"Birthday mo ngayon? I'm glad you're here. Happy birthday, beautiful!"
Sabay silang napalingon ni Ali sa bagong dating. Wearing his usual dark tuxedo, with some important people standing behind him, was the current CEO of Montreal International Entertainment Company.
"Rexton?" bulalas niya.
Ngumisi ito. "I like how you say my name. It makes me feel closer to you."
"Ay, S-Sir! Kayo po pala. Kumusta?" Minsan talaga ay pinapahamak siya ng bibig niya. She still wasn't use to calling people 'Sir' and 'Ma'am'. Mga magulang lang ni Ali ang tinatawag niya niyon.
"You came here to work?" he asked, then she nodded. "But it's your birthday." Bumaling si Rexton kay Ali na madidilim ang titig sa boss nito.
Ali greeted him out of respect but it was obvious he was not in the good mood.
"Ali, pumunta ka na sa studio, baka hinihintay ka na roon," bulong niya sa huli.
"I'll be back in a few."
Kahit mukhang ayaw pa ay umalis na ito.
"Gentlemen, proceed without me." Bumaling naman si Rexton sa mga kasama nito.
Ilang sandali pa ay naiwan sila sa pasilyo kung saan nakaupo aiya sa isa sa mga upuan na parang waiting area.
"Do you have plans today?"
Umiling siya. "We'll go home after this."
Tumango ito. "Can I invite you for breakfast?"
Saglit siyang natigilan. Why would a CEO invite her for a breakfast? Noong nakaraan nama'y dinner?
Kasi nga gusto ka niya.
She politely declined.
"Aw," kunwaring tinapik nito ang dibdib. "I'll invite you to my office for a cup of tea, then."
Dahil nagsisimula na silang makakuha ng atensyon ay pumayag na lang siya. Naroon na naman ang pakiramdam na parang lalamunin siya ng mga tao.
Ilang minuto pa lang sila sa loob ng opisina nang may kumatok at pumasok na isang gwapong lalaki.
Grabe rito, parang wala hindi uso ang salitang pangit, Komento niya sa isipan.
"Thank you, Miss Beautiful," nakangising bulalas ng bagong dating sa kanya at bumaling kay Rexton. "Bagong talent mo?"
"No! P.A. ako ni Ali."
"You mean, Prince Alexander of Eclipse?"
Tumango siya.
"For how long are you working with him?"
"Isang taon na... po," she added when she noticed they were a bit older than her.
"Then, why aren't you calling him 'Sir'?" he probed.
"P-Po?" nagtatakang-tanong niya at natigilan. Oo nga, 'no? Why was she calling him by his name?
The latter chuckled loudly. "Malas mo, dela Costa, taken na si Miss Beautiful," pang-aasar nito kay Rexton.
"Gago!" mura ni Rexton sa bagong dating na lalaki. "Alam mo ang dahilan..."
Wala sa sariling napangiti siya. Nagmura lang naman si Rexton pero bakit parang mas gumwapo ito sa kanya? Kunsabagay, hindi naman maipagkakaila ang kakisigan din nitong angkin. Ganoon din naman ang lalaking bagong dating. Pero bakit hindi ko maalis sa isipan ko si Ali?
"Heizen Maey Salazar..."
Nagbalik ang diwa niya nang marinig na seryosong sinambit ni Rexton ang pangalan niya. How did he know her name? Pina-imbestigahan ba siya nito? Umupo ito sa katapat na sofa.
"I know your father, I met him lots of times during my internship in one of your companies abroad."
Napakurap-kurap siya.
"I know what happened to you, and to your businesses."
Napasinghap siya. All the memories were coming back like a flash. Her chest was hurting remembering how in an instance, she failed everything.
"dela Costa, you're shocking her!" awat ng lalaki kay Rexton. "By the way, Miss Salazar, I'm Atty. Sinned Hipolito," he introduced himself. Naging pormal ang mga ito sa kanya at hindi maipaliwanag ang kabang naramdaman.
"W-Why... do you know my name?" Obviously, pina-imbestigahan ako. "Wala na sa akin ang mga negosyo namin," she cleared out. Baka mamaya kasi'y gusto palang makipag-sosyo ng mga ito sa kanya. Especially that their group of companies were now backed on their feet.
"Kaya ka namin nilapitan, dahil wala na sa iyo ang mga 'yon, Ms. Salazar." Nagsalin ng tubig sa isang baso si Atty. Hipolito at binigay sa kanya.
"Heizen na lang po." Hinawakan lang niya ang baso ng tubig gamit ang dalawa niyang kamay, tila roon dume-depende ng lakas.
"Alright, Heizen," si Rexton ulit iyon. "We want to help you get back your businesses."
"But, lubog na kami sa utang..."
"Noon iyon. It was your Auntie's evil scheme to falsify the documents saying that you failed and you're going to file bankruptcy. They also paid some media to release the news that you were the sole reason why everything was happening back then. Lumaki na lang ang news dahil maraming uhaw sa headlines ang nakigaya na lamang sa pag-release ng mga balita."
She scowled. She couldn't get it. "What do you mean? Media play lang ang lahat? But—" She's so lost. She even experienced horrible things at the orphanage before, she stopped studying and started working... Swerte siyang sa mga Quijano siya napadpad dahil kung hindi, baka gumagapang na siya sa putikan sa sobrang paghihirap.
"Kumbaga, fake news ang lahat ng lumabas na balita noon tungkol sa iyo. Fina Marinel Salazar, your grandparents' adopted daughter, took everything away from you. Hindi totoong lumubog kayo sa utang, hindi totoong ikaw ang dahilan kung bakit bumagsak ang mga Salazar. At hindi rin totoong siya ang dahilan kung bakit umahon muli ang mga kumpanya ninyo," Rexton, explained. But it was too much to handle.
"Prank ba ito?" wala sa sariling tanong niya.
"We will set a meeting about it soon. Hindi ko dapat sinabi sa iyo ngayon pero pakiramdam ko'y dapat mo nang malaman."
"Don't worry, I will be your lawyer in this case," bulalas ni Sinned.
Isang marahang katok pa sa pinto ang nagpabaling sa kanila roon. Pumasok ang isang matangkad at eleganteng babae, may hawak itong maliit na round black forest cake at ngumiti kay Rexton.
"Bree?" bulalas ni Rexton. "What are you doing here?"
The woman pouted. "I saw Ate Maya at the bakeshop beside this building. Nagpabili ka raw ng cake. Nagprisinta na akong dalhin ito tutal dito rin ang punta ko," she explained. "Binuksan ko na rin and asked for Neo to lit up the candle. Utos mo raw sabi ni Ate Maya."
Sinu-sino ba ang mga binabanggit nito?
She's familiar with her. She saw her a lot of times when her family used to attend social gatherings.
"O, Sinned, nand'yan ka rin pala," bati ni Bree sa abogado. "Para kanino ba itong cake?"
"It's for Heizen," Rexton answered and as if on cue, she was noticed by her. "It's her birthday today."
Nabitawan ni Bree ang hawak na cake. Ilang saglit pa itong natulala bago namalayan ang nagawa.
"I'm... I'm sorry. Nadulas sa k-kamay ako," kinakabahang untag nito at natatarantang yumuko, hindi magkamayaw kung paano hahawakan ang cake.
"Leave it, Bree. Wash your hands in the washroom," malamig na utos ni Rexton at bumaling sa kanya. "I'm sorry about that. I'll just ask for my sta—"
"Ayos lang... po, hihintayin ko na lang si Ali. Can I go outside?"
He just sighed heavily and stared at her before he finally nodded. May tinawagan pa muna ito sa cellphone at parang may hinahabilin.
"Bantayan n'yo siya pero huwag kayong magpapakita—"
Hindi na niya nasundan ang sinasabi nito sa kausap sa kabilang linya. Wala na siya sa sariling huwisyo. Then she stood up and simply bowed her head a bit as a sign of respect. Nadaanan niya rin si Bree na halu-halo ang emosyong nakasunod ang mga titig sa kanya. Hindi pa rin pala ito tumayo. She wanted to help but she chose to rushed outside the office, outside the building.
She stayed at the coffee shop beside the building and sipped her coffee while her mind was too occupied with what they had told her.
Isang oras pa ang nakalipas ay nabasa niya ang text ni Ali na hinahanap siya kaya nagpasya siyang bumalik na lang. Pabalik na siya sa loob nang tumawag ito sa cellphone niya.
"Nasaan ka? Did you go out with my boss? I heard people are saying you went with him." If only her mind wasn't clouded with thoughts, she might think he was jealous.
"I'm outside. Hintayin na lang pala kita rito," tugon niya.
"Is something wrong?" he asked. "You sounded... different."
She sighed and answered him, "Pagod lang siguro ako. Go outside already, I'll wait for you at the car park." Naglakad na siya pabalik sa parking.
Wala pang limang minuto'y nasa harapan na niya ang humahangos na si Ali, nagtatanong at nag-aalala ang mga mata.
"Umuwi na tayo, please?" she pleaded.
Nagpanggap siyang inaantok habang nagbibiyahe hanggang sa makatulog siya nang tuluyan.