Juliet
"Binibini,"
Napalingon ako at nakita si Niño na palapit sa akin.
Omyghad, bakit ngayon agad? Hindi pa ako ready mag-explain!
Aalis na sana ako pero pinigilan niya agad ako kaya no choice, hinarap ko na siya.
"Gusto ko lang sana malaman kung bakit parang iniwasan mo ako. Galit ka ba sa akin? May nagawa ba akong hindi mo nagustuhan?" Tanong niya at napahinga nalang ako nang malalim.
Shocks, hindi ko alam na mapapa-explain pala ako right away after ko malaman 'yung totoo huhu. Anyway, mas okay naman sigurong sundin ang advice ni Manuel kaysa habang buhay akong umiwas, right?
"T-Tungkol nga pala doon... gusto ko humingi ng pasensiya." Simula ko.
Wooh! Hindi 'sorry' ang nasabi ko, achievement!
"Yung... liham kasi na pinadala mo noon bago ka umalis, hindi ko naintindihan kasi hindi naman ako nakakaintindi ng Spanish—este—Espanyol." Pag-amin ko na mukhang ikinagulat niya.
"Kung gayon, p-paano... paano mo—"
"Ayun nga, pinabasa ko kasi sa isang tao na sure akong nakakaintindi ng Espanyol pero iba 'yung nasabi niya sa akin kaya... akala ko ayaw mo na talaga akong makita." Putol ko sa itatanong niya.
"Nung sinabi mo lang kanina 'yung tungkol doon sa liham, doon lang ako nagtaka kaya pinabasa ko kay Manuel at doon ko lang nalaman 'yung totoong sinabi mo. Ito pa nga 'yung salin niya oh, tignan mo. Tama ba?" Tanong ko at inabot 'yung translation ni Manuel ng letter niya. Binasa naman niya 'yun at hindi agad nakapagsalita.
"Ito... ito mismo ang ibig kong sabihin sa liham ko at mukhang mahusay talagang magsalin si Manuel." Nasabi niya na mukhang amazed na amazed sa translation ni Manuel.
Well, sabi nga ni Don Federico nung birthday niya, mamamahayag daw si Manuel at narinig kong writer din siya kaya hindi na ako nagtataka kung magaling talaga siya pagdating sa mga paper and pen stuff.
"At... ipagpaumanhin mong sa wikang Espanyol ko isinulat ang aking liham para sa'yo, binibini. Mula ngayon ay sa wikang Tagalog na ako magsusulat upang hindi na maulit ang ganitong pangyayari." Sorry niya at nginitian ko nalang siya.
"Oo nga pala, maaari ko bang malaman kung kanino mo unang tinanong ang salin ng aking liham at ano ang sinabi niya?" Tanong niya at ewan ko ba pero ang seryoso ng mukha niya ngayon.
OMG. Kailangan ko ba talagang sabihin? Pero baka awayin niya si Heneral Guillermo at... waaah! Ayoko magcause ng gulo sa panahong 'to!
Pero... nakakainis naman talaga 'yung ginawa ni Heneral Guillermo at bakit ba niya kasi kailangang gawin 'yun? Atsaka... mukhang hindi naman basagulero 'tong si Niño, mukhang gusto lang talaga niyang malaman at wala siyang gagawing eskandalo kaya...
"Si Heneral Guillermo. Sinabi niya sinabi mo lang daw doon sa liham na... ayaw mo na akong makita pa. Pero! Baka namisunderstood—este—hindi lang niya masyadong naintindihan kaya iba 'yung pagkakaintindi niya sa liham." Sabi ko pero nanatiling seryoso ang mukha niya lalo pa nung narinig niya ang pangalan ni Heneral Guillermo. Patay.
"Sinabi ko naman sa iyo na lumayo ka sa taong iyon, binibini. Natatakpan ng makapal na maskara ang kaniyang totoong mukha. Isa siyang lobong nagbabalat-tupa." Sabi niya at 'yung tono niya eh parang binabalaan ako.
Teka... nasabi niya na rin 'to dati eh. Ano bang meron kay Heneral Guillermo at lagi niyang sinasabing nakamaskara 'yun?
Napatingin ako kay Niño at nakitang sobrang seryoso na ng mukha niya ngayon kaya nag-isip ako ng topic na magpapagaan ng mood.
"Oo nga pala! Saan pala kayo nagpunta? Ang tagal niyong nawala tapos sinabi mo lang dito sa liham mo na—"
"Namatay ang kasamahan naming heneral sa kamay ng aming mga kapwa sundalo." Tapos niya sa sasabihin ko.
Hindi na masyadong seryoso ang mukha niya pero mukha na siyang malungkot ngayon. Ghad, Juliet! 'Yung pagkamatay pa talaga ng kasamahan niya ang naisip mong bagong topic, wow! Great choice!
"Pumunta rin kaming Cabanatuan kung saan siya pinatay at... nagbigay-galang sa kaniyang puntod." Medyo down na sabi niya pero triny rin agad niyang ngumiti.
"Nakakalungkot sapagkat isang matapang na heneral si Heneral Luna at—"
"Heneral Luna? As in Antonio Luna? 'Yung kapatid ng pintor na si Juan Luna na nagpinta ng Spoliarium?!" Hyped na tanong ko.
OMG! Sa taong 'to namatay si Heneral Luna? Grabe, I'm witnessing history!
Mukha namang nagtataka si Niño pero dahan-dahan din siyang tumangu-tango bilang sagot sa mga tanong ko.
"Teka, hindi ba si Emilio Aguinaldo ang nagpapatay sa kaniya? Parang ginawa lang niya kay Andres Bonifacio. I mean, hindi mapatunayan pero—"
Nagulat ako nang biglang sumulpot si Fernan at agad na tinakpan ang bibig ko. Mukhang nagulat din si Niño sa ginawa ni Fernan pero binigyan muna ako ni Fernan ng huwag-ka-masyadong-maingay look bago tanggalin ang kamay niya sa bibig ko.
"Ipagpaumanhin mo ang biglaan kong paghawak sa iyo, binibini ngunit... hindi ka dapat nagsasabi basta-basta ng mga bagay lalo na kung tungkol sa Señor Presidente." Sabi ni Fernan na halos bumubulong na.
Natanaw ko rin naman si Andong na malapit lang sa amin at tinitignan at pinakikinggan lang kami habang medyo nagmamasid-masid sa paligid.
"Tama si Fernan, binibini ngunit... paano mo nasabing—"
"Hindi ba nakatanggap ng telegrama si Heneral Luna mula kay Emilio Aguinaldo na nagsasabing pumunta siya somewhere? Alam ko nga marami pang pinadalang telegrama para makasiguradong matatanggap niya talaga tapos pagdating niya doon siya pinatay ng mga sundalo ni Aguinaldo." Kuwento ko at dahil mukhang nagiging interesting 'yung topic kaya lumapit na si Andong.
"T-Totoong mga sundalo ng Kawit ang pumatay kay Heneral Antonio Luna ngunit... walang ebidensiyang magdidiin sa Señor Presidente sa kasong pagpatay sa kaniyang sariling heneral atsaka bakit naman niya ipapapatay ang sarili niyang sundalo?" Mahinang sabi ni Niño at nag-isip kaming lahat.
Ghad, brain! Paganahin mo naman mga cells mo pagdating sa history kahit ngayon lang!
Naalala ko lang 'yung movie na Heneral Luna tapos pinakita doon na 'yung isang heneral na si Mascardo at 'yung Paterno na negosyante ang nagsulsol kay Aguinaldo na ipa-deadballs na si Heneral Luna pero siyempre hindi naman ako sure kung ganun talaga ang nangyari sa history.
"Binibini, matanong ko lang... paano mo nalalaman lahat ng... mga ito? Itong mga sinabi mo sa amin ngayon lang? Bakit... parang alam mo ang tunay na—"
"HA HA HA!" Awkward na tawa ko para putulin 'yung sasabihin ni Fernan na mukhang sobrang naghihinala na sa akin ngayon.
Shocks! Paano ko ie-explain na galing ako sa present at nangyari na lahat ng 'to at nakasulat sa mga history books at nagawa na nga ring movies? Baka mapagkamalan na naman akong baliw kaya no! Hindi ako pwedeng magmukhang baliw sa harap ni Niño.
"Ano ba, nagbibiro lang ako! Pero... mukhang hindi maganda ang biro ko. Sorry." Sabi ko at pinilit na magmukhang nagjo-joke lang talaga ako kanina pero mukhang hindi convinced ang tatlong itlog.
Ilang sandali silang tahimik pero biglang ring tumangu-tango si Niño na para bang sinasabi niyang 'ah ganun ba' kahit na alam naming lahat na hindi sila kumbinsido.
"Ikaw naman, binibini... paano ang mga naging araw mo noong wala kami sa San Sebastian?" Tanong ni Niño na halatang iniba na ang topic dahil ang awkward na ng atmosphere.
Buti nalang talaga mabilis makaramdam 'tong itlog na 'to at siyempre, papalagpasin ko pa ba 'tong chance na tuluyan nang umayos ang mood dito? Nakangiti na ulit si Niño sa akin eh, kaya ipu-push ko na 'to para maging light na ang mood.
¤¤¤
Sinenyasan ni Fernan si Niño na umamin na sa tunay niyang nararamdaman para sa dalaga ngunit napatingin nalang ulit si Niño kay Juliet habang tensionado. Nanlalamig ang kaniyang mga kamay na animo'y unang beses sasabak sa gera sa sobrang kaba.
~~Hindi masabi ang nararamdaman
Hindi makalapit sadyang nanginginig na lang
Mga kamay na sabik sa piling mo🎶~~
Habang masayang nag ku-kuwento si Juliet sa mga binata ay hindi niya namamalayan na unti-unting napapatitig si Niño sa kaniya. May magagandang ngiti na nakaukit sa labi ng binata habang tahimik na nakikinig at pinagmamasdan ang dalagang kaharap. Tila nakalimutan na nga yata ang tunay na pakay niya sa pagpunta rito para kausapin si Juliet.
~~Ang iyong matang walang mintis sa pagtigil ng aking mundo🎶~~
Nagpasama si Niño kay Fernan hanapin si Juliet upang diretsong ipagtapat na ang kaniyang nararamdaman at ngayong nandito naman na sila kasama ang dalaga, hindi naman magawang magtapat ni Niño.
"Nung nakita ko si Ina pagbaba doon sa barko, grabe! Halos hindi ako makakurap sa ganda niya." Kuwento ni Juliet.
"Para sa akin, wala nang mas gaganda pa sa'yo." Nasabi ni Niño na wala sa sarili habang nakangiti't nakatitig kay Juliet pero mukhang hindi narinig ng dalaga ang sinabi niya dahil tuloy lang ito sa pagku-kuwento.
Nakatingin si Niño nang diretso sa mga mata ni Juliet na sandaling napatingin sa kaniya at sa pamamagitan ng mga tingin na 'yon ay nasabi na niya ang tunay niyang nararamdaman para sa dalaga.
~~Ako'y alipin ng pag-ibig mo
Handang ibigin ang isang tulad mo
Hanggat ang puso mo'y sa akin lang hindi ka na malilinlang
Ikaw ang ilaw sa dilim at ang liwanag ng mga bituin🎶~~
"Matagal ko na rin kasi siyang hindi nakita kaya sobrang natuwa talaga ako nang makita ko na sila ulit ni Ama." Dagdag pa ni Juliet sa kinukuwento niya.
Patuloy lang sa pagtitig at pakikinig si Niño kay Juliet habang nakatingin sa kanila mula sa 'di kalayuan si Fernan.
~~Hindi mapakali
Hanggang tingin nalang
Bumubulong sa'yong tabi🎶~~
Sa kakahintay na lumingon muli sa kaniya si Niño, napatingin nalang din si Fernan sa tinitignan ng kaibigan.
Napapatitig nalang din siya kay Juliet na masayang nagku-kuwento ng mga ginawa niya kasama ang kaniyang pamilya.
~~Sadyang walang makapantay
Sa kagandahang inuukit mo sa isip ko🎶~~
At unti-unti, nahawa nalang din si Fernan sa mga ngiti ng dalagang pinagmamasdan.
~~Ako'y alipin ng pag-ibig mo
Handang ibigin ang isang tulad mo
Hangga't ang puso mo'y sa akin lang hindi ka na malilinlang
Ikaw ang ilaw sa dilim at ang liwanag ng mga bituin🎶~~