Juliet
Ghadd! Mababaliw na talaga ako.
"Mainam siguro kung sa Enero na upang masimulan nila ang taon na bagong kasal." Suggest ni Doña Juana na nanay ni Fernan at nakita ko namang napalunok si Fernan sa kaba at hindi na rin niya alam kung anong gagawin niya samantalang napatangu-tango ang mga matatanda meaning agree sila, ghad!
Napag-usapan din kasi namin kanina ni Fernan sa loob ng karwahe papunta rito kung paano namin aaminin na misunderstanding lang ang lahat. Nabanggit niya na hindi niya talaga alam paano ib-bring up at natatakot siya sa pwedeng mangyari.
Gets ko naman siya kasi nga dahil nasa past kami ngayon, isang kahangalan ang sumuway sa magulang kaya hindi rin talaga kami nakapag-isip ng maayos na plano hanggang sa makarating dito.
"Tama! Mukhang magandang araw ang unang araw ng taon, ano sa tingin ninyo?" Sang-ayon naman ni Ama with matching pakumpas-kumpas pa ng kamay sa mga words na binibigyan niya ng emphasis.
"Hindi!" Biglang sabat ni Fernan dahilan para magtaka ang mga pamilya namin sa inasta niya.
Omygod, Fernan! Balak mo na bang mag-suicide?!
"Bakit naman, Fernan? Nais mo bang mas maaga pa?" Pabirong tanong ni Don Federico.
"A-Ang ibig ko pong sabihin ay..." Biglang lumingon sa akin si Fernan kaya medyo nagulat ako.
Omygosh, don't tell me ipapasa niya sa akin ang spotlight?
"Huwag po muna ngayon pag-usapan ang kasal."
Nagtawanan ang mga parents namin nang marinig ang sinabi ni Fernan atsaka inakbayan ni Don Federico si Fernan.
"Mukhang nahihiya pa ang mga bata na pag-usapan ang kanilang pag-iisang dibdib."
WTH???!!!!
As in Where's The Hustisya?!
Nakita lang kaming magkasama sa madilim na lugar, jinudge na agad kaming mahaharot na nilalang at napagkamalang magboypren tapos ngayon, ididiretso na kami sa simbahan nang hindi man lang kami tinatanong kung gusto ba namin magpakasal!
Gaano ba sila kamanhid at hindi man lang nila maramdaman na hindi naman talaga kami magboypren ni Fernan at natatakot lang kaming umamin sa katotohanan dahil baka sa kamay pa ng mga magulang namin kami mamatay?
"Hindi po sa g-ganon, Ama..." Sagot ni Fernan at biglang nawala ang ngiti sa mukha ni Don Federico.
"Ano ba ang nais mong ipahiwatig, hijo?" Tanong naman ni Ama at mas inilapit ang silya niya sa lamesa.
"Ang t-totoo po niyan ay... hindi po gaanong maganda ang pakiramdam ni Binibining Juliet ngayon kaya nais ko po sana siyang makapagpahinga." Lipat ni Fernan ng spotlight sa akin kaya nagtinginan naman ang mga tao sa akin.
Napatingin ako kay Fernan at binigyan siya ng what-are-you-doing look pero binigyan lang niya ako ng sumakay-ka-nalang look.
Myghad, Fernan! Wala namang pasahan ng spotlight!
Hindi agad ako nakapagsalita dahil hindi ko alam paano magrerespond kaya nagsalita muli si Fernan.
"Nabanggit po kanina ni Binibining Juliet na masama ang pakiramdam niya ngunit ayaw niya kayong mag-alala."
"A-Ayos na po ako." Sabi ko kaya kinunutan ako ng noo ni Fernan at gigil na binigyan ako ng anong-ginagawa-mo?! look.
Chill ka lang diyan, Fernan. I have a plan. Naks!
"Gagamit lang po ako ng palikuran..." Sabi ko at akmang tatayo pero agad ding umarte na natumba.
Buti nalang katabi ko si Caden at nasalo niya ako kundi malamang may pasa ako mamaya huhu. Napatayo lahat ng tao sa mesa at lahat ay nag-aalalang lumapit.
"Ayos ka lang ba, Juliet?" Tanong ni Ama na nakatayo na ngayon at bakas sa mukha ang pag-aalala. Ganun din naman si Ina na kanina pa tahimik lang na nakikinig.
"Medyo mainit po siya, Ama." Sabi ni Caden na nakahawak ngayon sa noo ko kaya nagulat ako. Mainit talaga ako?!
"Kung gayon ay mainam na pagpahingahin na natin nang maaga si Binibining Juliet upang kahit papaano ay makadalo siya sa kasal ni Pia bukas." Sabi ni Don Federico at tumangu-tango naman ang lahat kasama na si Pia na binigyan pa ako ng get-well-soon-bes look.
Tatayo na si Ina upang siya na ang mag-asikaso sa akin pero agad na sumingit si Caden. "Ako na po ang bahala, Ina."
Umupo na ulit habang tumangu-tango nalang si Ina at inayos nalang ulit ang upo niya.
Nakakaintindi ng Tagalog si Ina at nakakapagsalita rin siya ng Tagalog pero ayaw daw niyang magsalita ng Tagalog dahil pakiramdam niya pinagtatawanan siya ng mga tao sa paligid niya dahil iba ang pag-pronounce niya sa mga salitang Tagalog.
Inalalayan ako ni Caden paakyat sa kwarto ko at nagulat ako nang bigla niyang pitikin ang noo ko pagkasara na pagkasara niya ng pinto.
"Ouch!" Reklamo ko at hinawakan ang noo kong pinitik niya.
"May pa arte-arte ka pang nalalaman diyan, pasalamat ka sa akin at hindi kita sinuplong."
"Ahehehe... thank you." Sabi ko at naglakad papunta sa terrace para lumanghap ng sariwang hangin. Sumunod naman sa akin si Caden.
"Batid kong malungkot ka na naman." Sabi niya nang tumabi siya sa akin.
Nakapatong ang magkabilang siko ko sa gawa sa kahoy na railing ng terrace at ganun din si Caden.
Naalala ko lang naman si Niño kanina sa plaza kaya ito na naman 'yung hindi ko ma-explain na feeling. Isa pa, naalala ko 'yung mukha ng mga tao nung nagpanggap akong masama ang pakiramdam... lahat sila nag-aalala.
"Sa present kasi... sila Tito Daddy at Tita Mommy lang may tunay na pakialam sa akin pero dito, ramdam ko na... marami-rami kayo." Ngiti ko habang pinagmamasdan ang scenery sa tapat ko. 'Yung magandang mga sakahan at bundok na sobrang sagana pa sa panahong 'to.
"Sabagay... sino ba namang magkakaroon ng pake sa isang ampon na kagaya ko. Sarili ko ngang nanay wala nang pakialam sa akin, ibang tao pa kaya." Dagdag ko pa at pinilit pa ring ngumiti kahit na ang bitter-bitter na ng pakiramdam ko.
Wala kasi talaga akong clue kung nasaan ang nanay ko ngayon pero minsan naiisip kong baka may sarili na siyang pamilya. 'Yung pamilyang ready na siya nung binuo niya... hindi kagaya ko.
Minsan naiimagine kong mahahanap ko siya tapos magiging sobrang saya ko pero itataboy niya ako tapos sasabihin niyang huwag na ulit akong magpakita at huwag kong sirain ang pamilya niya. Parang sa mga telenovela lang, ganern.
Kaya ko rin gustong maging doktor. Gusto kong makita niya na kaya kong umangat nang wala siya, na kinaya kong mabuhay kahit wala siya. Pero may parte pa rin sa akin na ginagawa lahat ng 'to para maging proud siya sa akin if ever man hanapin niya ako at bumalik siya.
Nagulat ako nang marahang pinat-pat ni Caden ang ulo ko kaya napatingin ako sa kaniya. Nakangiti siya sa akin.
"Malayo pa ang lalakbayin mo at sinasabi ko sayo, walang maitutulong ang galit at poot kung 'yan ang paghahariin mo sa puso mo."
Tumangu-tango nalang ako. Wala naman talaga akong balak magtanim ng galit kahit kanino. Sinasabi ko lang 'yun para pagaanin kahit papaano 'yung nararamdaman ko sa pag-iwan sa akin ng sarili kong ina.