webnovel

Camino de Regreso a Ti

Si Juliet ay isang mag-aaral ng medisina sa kasulukuyang panahon at magtatapos na sana sa susunod na taon nang madawit siya nang hindi inaasahan sa paglalakbay ng isang misteryosong lalaki. Napunta siya sa mundong malayo sa mundong kaniyang kinagisnan. Makabalik pa kaya siya sa sarili niyang mundo o matututunan na rin niyang mahalin ang bagong mundong kabibilangan niya?

PlayfulEros · 历史言情
分數不夠
98 Chs

XLI

Juliet

"For never was a story of more woe... than this of Juliet and her Romeo." Sambit ko.

"Ayan ba mismo ang mga salitang ginamit ni Shakespeare, binibini?" Tanong ni Niño kaya tumangu-tango naman ako.

"Parang nais ko na ring mag-aral ng wikang Ingles." Sabi niya kaya naman napalingon ako sa kaniya.

"Maganda nga 'yang naisip mo." Sagot ko.

Tama yan, Niño para hindi na ako mastress magtranslate sayo kapag napapa-Taglish ako.

"Gano'n ba? Kung gayo'n ay maaari mo ba akong turuan?" Nakangiting tanong niya at bakas sa mukha niyang hinihintay niyang pumayag ako pero since hindi agad ako sumagot ay nagsalita ulit siya.

"Bilang kapalit ay maaari rin kitang turuan ng ibang wika kagaya ng Espanyol, Pranses, Italyano, Latin . . . at kaunting Aleman." Suggest pa niya at napanganga nalang ako sa mga languages na pinagsasabi niya.

"Marunong ka magsalita ng . . ." Binilang ko kung ilan yung languages na sinabi niya. "Limang wikang 'yon?"

"Kinailangan kong matuto ng wikang Pranses noong walong taong gulang ako sapagkat mahilig si Amang manood ng mga palabas ng mga Pranses na kinahiligan ko na rin kaya naman nag-aral ako at noong labing isang taong gulang ako ay nag-aral ng wikang Italyano si Kuya Ernesto sapagkat pabalik-balik siya noon sa Italya kaya naman natuto rin ako at isa pa ay halos magkatunog o magkaugnay ang mga salitang Espanyol at Italyano kung kaya't madali lamang ito. May alam lang akong ilang mga pangungusap sa wikang Aleman na maaari ko rin namang ituro sa iyo kung nais mo at natuto ako ng Latin dahil nang magpari si Kuya Ernesto ay kung minsa'y nagmimisa siya sa Latin at 'di kalaunan ay nasanay na rin ako." Explain niya pero hindi pa rin ako makapaniwala.

Nang ilang seconds na ay nag p-process pa rin sa utak kong nakakapagsalita ng anim na languages si Niño ay binasag na niya ang katahimikan.

"Binibining Juliet," Tawag niya kaya nabalik na ako sa realidad at nagtama na muli ang mga tingin namin.

"Ego semper amem te... etsi non revertentur." Saad niya habang diretsong nakatingin sa mga mata ko. Nakangiti ang mga labi niya habang binibigkas ang mga katagang 'yon ngunit ramdam kong may tinatagong kalungkutan ang mga mata niya na hindi ko naman maintindihan kung bakit.

Pero teka, ano 'yung sinabi niya at bakit bigla siyang nagsasalita sa ibang lenggwahe jusko baka mamaya minura na pala niya ako. Naisip kaya niyang hindi ako naniniwala kaya nag sampol siya?

"Anong ibig sabihin ng sinabi mo? Atsaka... Latin ba 'yun?" Tanong ko.

Medyo madi-differentiate naman kasi 'yung mga languages based sa pag-pronounce at 'yung tunog kaya hinulaan ko kung Latin ba.

Tumangu-tango si Niño bilang sagot sa tanong ko habang bahagyang nakangiti. Nakatingin lang siya diretso sa mga mata ko at ayun nga, 'yung mga tingin niyang nakakatunaw ng puso. Pero bago pa matunaw ang puso ko eh kailangan kong malaman kung ano 'yung sinabi niya.

"Pero ano nga ang ibig sabihin ng sinabi mo?" Tanong ko pero nanatili siyang nakatitig sa akin. Para bang nag da-daydream siya na hindi ko maintindihan. Mukhang malalim ang iniisip pero bahagyang nakangiti?

"Niño?" Tawag ko at nagulat ako nang bigla siyang nagsalita agad.

"Pakasalan mo ako, Juliet."

Halos atakihin ako sa puso sa bigla niyang sinabi at ilang minutes ding nagprocess sa utak ko 'yung sinabi niya.

Pakasalan . . . ko . . . . siya?

"Baliw ka ba?" Ang unang lumabas sa bibig ko na mukhang hindi niya inaasahan.

"Bakit na naman ako naging baliw para sa'yo?" Tanong niya.

"Hindi pa nga kita sinasagot, niyayaya mo na akong magpakasal?" Pagtataray ko.

Kaloka 'tong heneral na 'to! Mukha ba akong easy to get sa kaniya ha?

"Kahit naman ikasal na tayo ay susuyuin pa rin kita na para bang hindi mo pa ako sinasagot." Ngiti niya at ayun, tumalon na naman sa kilig 'yung puso ko at umabot na naman kay Lord.

"Nais kitang pakasalan, Juliet. Nais kong gugulin ang mga natitirang araw ko sa mundong ito sa piling mo." Saad niya na hindi pa rin inaalis ang titig sa akin na tumatagos hanggang kaluluwa ko.

Nag cross-arms ako. "Paano kapag pumayag ako at naging mag-asawa na nga tayo? Paano ako makakasigurong seryoso ka nga? Anong mapapala ko?"

"Sinabi ko naman sa iyong nais kong manatili sa piling mo sa mga natitirang araw ko sa mundong ito, hindi ba?" Tanong niya na naghihintay ng pag-oo ko kaya tumangu-tango ako.

"Handa akong ialay ang aking buhay para sa bayan, binibini. Isipin mo nalang ang kaya kong ibigay sa babaeng nais kong makasama habang buhay." Saad niya at sumilay na naman ang ngiti sa mga labi niya.

"Magtiwala ka sa akin, Binibining Juliet."

Nang i-process ko ulit 'yung mga sinabi niya sa akin, may sinabi siyang nakapagpabother sa akin. Gusto niya akong makasama sa mga natitirang araw niya. Para bang sinasabi niyang... bilang na ang mga araw niya.

Naalala kong nakita ko nga pala kung paano siya mamamatay kaya bigla akong binalot ng lungkot at takot. Hindi pwedeng mamatay si Niño. Ayaw kong mamatay si Niño. Kailangang mabago ang kasaysayan.

"Niño, sabihin mo ang totoo... bakit bigla mo akong niyayang magpakasal?"

"Dahil nais kitang makasama—" Pinutol ko na agad ang sasabihin niya.

"Bukod doon?"

Nawala ang ngiti sa mga labi niya pero kita kong pinipilit niyang ibalik 'yung ngiting 'yon.

"Nasa gyera tayo. Maaaring hindi pa natin ramdam ngayon ngunit sinasakop na ng mga Amerikano ang Pilipinas. Iniisa-isa na nila ang mga bayan. Si Heneral Luna ang naghahanda para sa gyerang ito habang ang ibang mga may tungkulin din sa bayan ay nagpapakasaya lang pero ngayong wala na siya... hindi ko na alam ang maaaring mangyari sa bayang ito." Pagtatapat niya.

Napapikit nalang ako at napabuntong-hininga. Mukhang palapit na nang palapit ang nakatakdang kamatayan ni Niño pero hindi ko alam kung anong pwede kong gawin. Paano ko mababago ang nakaraan? Paano ko muling isusulat ang kasaysayan?

"Maaari mo ba akong pakasalan? Pumapayag ka bang pakasalan ako kahit na... hindi ko alam kung makakabalik pa akong muli sa'yo?" Tanong niya. Wala na ang ngiti sa mga labi niya. Ramdam at nakikita ko ang takot sa mga mata niya.

Alam niyang pwedeng hindi na siya makabalik at sa labanan na ang maging huling hantungan niya pero wala siyang magawa kundi harapin 'yun dahil 'yun ang tungkulin niya. Lumaban para sa bayan, ialay ang buhay para sa bayan.

"Papakasalan kita, Niño." Sabi ko na nagbalik sa ningning ng mga mata niya.

"Basta't ipangako mo sa aking babalik ka. Babalik ka sa piling ko. At pagkatapos noon ay maaari mo nang gugulin ang mga natitirang araw mo kasama ako, bilang asawa mo."

Maraming salamat sa pagbabasa!

- E

PlayfulEroscreators' thoughts