webnovel

Camino de Regreso a Ti

Si Juliet ay isang mag-aaral ng medisina sa kasulukuyang panahon at magtatapos na sana sa susunod na taon nang madawit siya nang hindi inaasahan sa paglalakbay ng isang misteryosong lalaki. Napunta siya sa mundong malayo sa mundong kaniyang kinagisnan. Makabalik pa kaya siya sa sarili niyang mundo o matututunan na rin niyang mahalin ang bagong mundong kabibilangan niya?

PlayfulEros · 历史言情
分數不夠
98 Chs

LXXXVI

Pagkatapos ng ilang mga salita mula kay Don Horacio at Don Pablo pati na Angelito Custodio ay nagsimula na ring kumain ang lahat.

Narito sila ngayon sa hacienda Cordova kung saan may salo-salo para sa nalalapit na kasal nila Juliet at Angelito Custodio. Mga matatanda at mga kamag-anak ang nasa mesa kasama ni Juliet habang ang ibang mga panauhin naman ay kani-kaniya rin ng usapan na ngayon ay nasa kanilang mga lamesa.

"Masama ba ang iyong pakiramdam, hija?" Napatingin si Juliet sa katapat niyang si Don Pablo at nakitang lahat ng tao sa mesa ay nakatingin na rin sa kaniya.

"A-Ayos lang po ako. Pasensiya na po at medyo madali lang talaga akong mapagod nitong mga nakaraang araw." Sagot ni Juliet kaya napatangu-tango naman ang mga nakarinig sa sagot niya.

Hindi maalis sa isip ni Juliet ang sinabi ni Caden noong isang araw. Napakapa siya sa kaniyang bulsa at nakapa naman niya agad ang relo ni Niño Enriquez.

Kung totoo nga ang sinasabi ni Caden at ito nga ang isa sa mga relong hinahanap niya, posible bang... buhay pa talaga si Niño?

"Binibini?" Natigil ang tumatakbo sa isip ni Juliet nang marinig ang boses ni Angelito Custodio.

"Hindi ba maganda ang iyong pakiramdam?" Tanong ni Angelito.

"A-Ah... Ayos lang ako. Ipagpaumanhin niyo po muna ako." Tayo ni Juliet mula sa kinauupuan.

"Do you want me to come with you, my dear?" Tanong ni Doña Faustina na mukhang nag-aalala para sa anak. Nakangiting umiling-iling si Juliet, sinugurado sa inang ayos lamang siya.

Samantala, nang matapos nang kumain ay kani-kaniya na rin ng usapan ang mga tao. Naglakad-lakad lang si Angelito Custodio hanggang sa may lumapit sa kaniya.

"Akala ko ba'y mauuna akong mamatay kay Niño Enriquez?"

Napalingon si Angelito sa boses na pinaka-ayaw niya sanang marinig sa gabing ito o kailan man.

Nang magtama ang mga tingin nila'y ngumiti ang doktor. "Oo nga."

"Masiyado ka bang abala sa iyong pagamutan na hindi mo na alam ang mga bali-balita? Ah! Sandali... hindi ba't mapapangasawa nga dapat niya ang pakakasalan mo ngayon?" Sarkastikong sagot ng heneral sa binata kaya napailing-iling nalang ang huli.

"Nandoon ka ba noong araw na iyon, Heneral?" Mabusising tanong ni Angelito atsaka sumilay ang mapaglarong ngisi sa kaniyang labi. Napakunot ang noo ni Estevan pero agad ding sumagot, tila ayaw magpatinag sa kausap.

"Wala ngunit sigurado akong naging abo na siya bago pa man siya ibaon sa hukay." Sagot ng heneral. Nagkibit-balikat na lamang si Angelito.

"Kung iyan ang sabi mo. Sabagay, ano ba namang alam ko sa inyong mga sundalo. Siguro nama'y mas alam mo ang nangyayari ngayon sa iyong trabaho kaysa sa akin, hindi ba Heneral?" Wika ni Angelito atsaka dire-diretso nang naglakad palayo sa heneral na nanigas na sa kaniyang kinatatayuan.

'Posible bang... may nangyayari ngayon sa kampo na hindi ko alam?' Napailing-iling nalang si Estevan sa naisip at saktong nakita si Fernan Fernandez.

"Fernandez," Nakangising bati niya sa koronel na napatingin naman sa kaniya nang tawagin niya ito. Huminto sa paglalakad sa tapat niya si Fernan ngunit hindi ito nagsalita o bumati man lang pabalik.

"Sumama ba sa hukay ni Enriquez ang dila mo, Koronel?" Mayabang na wika ni Estevan na para bang minamata ang nasawing kapwa heneral.

'Napakabastos talaga ng nilalang na ito' nasabi ni Fernan sa kaniyang isip at minabuti nalang umalis nang harangin siya ng heneral.

"May nalalaman ka bang hindi ko alam, Fernandez?" Tanong ni Estavan na nasa tapat ni Fernan. Seryoso ang tono nito na para bang nagbabanta.

"Kasalanan ko pa ba ang kakulangan mo sa impormasyon, Guillermo?" Sagot ni Fernan at tuluyan nang nilampasan ang kinaaayawang heneral.

Nang bumalik na si Juliet sa malawak na silid tanggapan kung nasaan ang mga bisita'y agad na nahagip ng kaniyang mga mata si Fernan. Ngayon nalang ulit niya nakita ang binata at napakaraming katanungan ang pumasok sa kaniyang isipan nang makita ito. Magmamadali na sana siyang sundan ito upang kausapin pero nagulat siya nang pasimpleng sumunod ang isa sa kanilang mga tagapagsilbi sa koronel kaya nanatili siya sa kaniyang kinatatayuan habang binabalot ng kung anu-anong palaisipan ang kaniyang isip.

Bakit sila magkasama ni Fernan?

May tago ba silang relasyon?

Siya ba ang dalagang iniibig ni Fernan?

Napailing-iling si Juliet sa mga pumasok sa kaniyang isip at nagpatuloy sa paglalakad papunta sa kung saan dumaan ang koronel at tagapagsilbi. Kailangan niyang makausap ngayon si Fernan upang malaman ang katotohanan—kung nagtraydor nga ba siya kay Niño o hindi.

Natigilan muli si Juliet nang makasalubong ang tagapagsilbi na kanina lang ay sumunod kay Fernan. Binati pa siya nito nang makita siya at tumuloy na rin sa paglalakad. Hindi inalis ni Juliet ang tingin sa dalaga hanggang sa makita niya itong lumapit kay Adelina. Nag-usap sandali ang dalawang tagapagsilbi bago pasimpleng lumabas sa handaan na ipinagtaka ni Juliet. Hindi pa nasasagot ang mga katanungan niya kanina'y nadagdagan na naman ito.

Si Adelina ba ang kasintahan ni Fernan at mensahera lang si Dahlia?

Matalino si Fernan kaya hindi malayong mangyari 'yun. Baka tulay nila si Dahlia para hindi sila mahalata.

Naalala ni Juliet noong unang araw na tinuruan siya ni Angelito ipagtanggol ang sarili niya, ginamot siya ni Adelina at habang nag-uusap sila'y si Dahlia rin ang kumatok para kay Adelina. Nag-usap sila sandali noon bago nagpaalam umalis si Adelina.

Nagkita kaya sila ni Fernan nung araw na 'yun at si Dahlia ang nagbigay ng mensahe?

Sandali pang nag-isip nang malalim si Juliet tungkol sa hula niyang lihim na magkasintahan ang koronel at tagapagsilbi nang maalala niyang kailangan nga pala niyang makausap si Fernan kaya nagmamadali na siyang lumabas upang sundan ito. Hindi pa siya nakakailang hakbang ay nakasalubong niya ito pabalik. Napahinto ito nang makita siya at sandali silang natahimik at nagtinginan.

Labis ang pagkagulat ni Fernan. Halos kararating lang din niya sa handaan at hindi niya nakita kanina si Juliet kaya naman hindi niya inaasahang makita ito sa ganitong pagkakataon. Rinig na rinig niya ang kabog ng sarili niyang dibdib. Matagal na rin nang huli silang magkita ng dalaga, noong pang araw na nasawi si Niño at nang maalala niya ang araw na iyon ay agad niyang pinutol ang pagtititigan nila. Hindi na niya magawa pang tignan ang dalaga sa mga mata.

"Fer—" Agad na pinutol ni Fernan si Juliet.

"Pumunta ako rito upang batiin kayo sa inyong nalalapit na kasal, binibini. Sana'y maging masaya at matiwasay ang inyong pagsasama ni Ginoong Angelito." Bigay galang ni Fernan at nagmamadali nang umalis na hindi man lang nakapagsalita pa ulit si Juliet sa kaniya.

Naiwan si Juliet na nakatayo kung saan siya iniwan ni Fernan. Puno ng mga katanungan ang isip na mukhang kahit kailan ay hindi na masasagot pa dahil si Fernan na mismo ang umiwas sa kaniya.

Maraming salamat sa pagbabasa!

- E

PlayfulEroscreators' thoughts