Juliet
Aaaaargh! Saan ko ba nalagay 'yun?
Tinaas ko ang bed sheet ng kama ko for the 10th time and again, hindi ko nakita 'yung kwintas ko.
"Juliet! Aalis pa ba tayo o mabubulok ka na riyan sa loob habang buhay?" Rinig kong tawag ni Caden at bakas sa tono niya ang pagkairita.
Well... may lakad kasi ang mga thunders ngayon at ewan ko ba bakit nagkaroon din ng sariling lakad ang mga anak nila a.k.a. me, Caden, Hernandez children, Fernandez children, and Enriquez children.
Lumabas na ako ng kwarto at nakita si Caden na nakasandal sa pader.
"Sa wakas!" Sarcastic na sambit niya at sinamahan na akong bumaba papunta sa karwahe at umalis na kami.
"Kasama si Rosario?" Inis na bulong ko kay Caden nang pagpasok palang namin sa kainan ay bumungad na sa akin sina Rosario at Niño.
"Well... you see that she's here, don't you?" Sabi lang ni Caden at naglakad na papunta sa kanila and wow... I didn't know Caden is way hotter in British accent.
Grabe, iba ang dating ni Caden kapag nagsasalita sa straight Filipino pero mas iba ang dating niya kapag nagsasalita sa English habang pinapanindigan ang pagiging isang Caden Allerton Cordova.
"Juliet!"
Napalingon ako sa tumawag at nakita si Pia kasama sina Alejandro, Kuya Miguel, Fernan, Manuel, Mateo, Rosario, Kuya Jose, Andong, Emilia, Niño, Padre Ernesto, at Caden na lahat ay nakatingin sa akin.
Ano pa nga ba kasing tinatayu-tayo ko rito sa gitna ng daanan ng kainan, jusko. Naglakad na ako papunta sa kanila at nagbatian naman ang lahat bago umupo sa mahabang mesa. Kani-kaniya kami ng usapan. Nasa dulo si Padre Ernesto, nasa kaliwa niya si Niño na katabi ako, katabi ko si Pia tapos si Alejandro, Manuel, Mateo, tapos sa katapat na dulo ni Padre Ernesto ay si Kuya Miguel na katabi sa kaliwa niya si Caden na katabi si Kuya Jose tapos Andong, Fernan, Emilia, Rosario, at si Padre Ernesto na ulit.
So bale katapat ni Niño si Rosario, katapat ko si Emilia, katapat ni Pia si Fernan and so on pero nagfo-focus talaga ako sa fact na katapat ni Niño si Rosario—I mean... 14 KAMING LAHAT DITO AT BAKIT SI ROSARIO PA ANG KATAPAT NIYA???
Come on, there's 38% chance na isang Fernandez ang makatapat niya, 23% na isang Hernandez, 15% na either sa amin ni Caden, at 8% kay Alejandro, 8% kay Padre Ernesto, at 8% kay Rosario AND STILL SI ROSARIO ANG NAKATAPAT NIYA. Sure akong pinagplanuhan 'to ng bruha. Tsk.
Habang kumakain, biglang gumalaw 'yung tasang may lamang sabaw na nasa tapat ni Rosario at bigla siyang tumakbo at kumapit sa braso ni Niño na nakapagpainit naman talaga sa ulo ko.
"May nagpaparamdam yatang espiritu, Niño. Natatakot ako." Kapit pa ni Rosario kay Niño kaya napabuntong-hininga ako.
"Natural lang na gumalaw 'yan Rosario dahil mainit ang sabaw na nasa tasa mo at basa ang parte ng lamesang pinagpatungan mo. Dahil sa init, nagkakaroon ng steam sa pagitan ng tasa mo at ng lamesa. 'Yung liquid o tubig sa pagitan ng tasa at lamesa ay parang seal o selyo na nagsasara o kumokontrol sa galaw nito na malaki-laki ang kaugnayan sa surface tension." Explain ko at nagtama ang tingin namin ni Caden at nakita kong napapailing-iling nalang siya na para bang hopeless na siya sa pinaggagawa at pinagsasabi ko.
Napatingin ako sa mga tao sa lamesa namin at pakiramdam ko alien na ang tingin nilang lahat sa akin ngayon. Napalingon agad ang lahat nang biglang magsalita si Mateo.
"Tama si Binibining Juliet, Binibining Rosario kaya walang dahilan para kumapit ka pa nang ganiyan kay Kuya Niño na ikakasal na nga pala sa katapusan, baka lang hindi mo pa naulinigan. Isa pa'y si Padre Ernesto ang katabi mo. Kung natatakot ka, hindi ba't dapat si Padre Ernesto ang takbuhan mo? Hindi naman nakakapagpaalis ng masamang espirito si Kuya Niño."
Napatingin ako kay Fernan nang marinig ko ang pagpipigil niya ng tawa kay Rosario na unti-unti nang kumakalas kay Niño. Nakakagat si Fernan sa labi niya upang pigilan ang tawa at ganun din si Andong na katabi niya.
Napatingin ako sa bawat isa sa lamesa namin at halos lahat ay ganun ang mukha, pati na si Niño. Oh, well... may mas sasaklap pa ba sa pagpapahiya sayo ng isang 10-year-old. I can't blame them if they find it funny.
Bumalik na si Rosario sa pwesto niya at maya-maya pa'y binasag ang matahimikan.
"Sa katapusan na ang kasal niyo, hindi ba?" Tanong niya.
"Tama ka riyan, binibini." Sagot ni Niño atsaka tumingin sa akin at ngumiti. Hay, ang gwapo talaga.
"Siya bang ang... tinutukoy mong nakilala mo noon sa pagitan ng Maynila at San Sebastian?" Tanong pa ni Rosario at tumangu-tango si Niño.
"Gusto mo bang maging abay sa aming kasal?" Biglang tanong ni Niño kaya napatingin ang lahat kay Rosario, hinihintay ang sagot nito.
OMG! Oo nga pala dati pinagpipilitan ni Rosario maging abay sa kasal namin ni Fernan tapos lagi pa niyang brini-bring-up yung kasal namin noon.
"H-Hi-K-Ka—Kahit hindi na... may gagawin pa nga pala ako. Mauna na ako sa inyo. Magandang araw sa inyong lahat." Tayo ni Rosario at dali-daling naglakad palabas.
Hindi na napigilan ng mga lalaki ang tawa nila lalong-lalo na si Andong kaya pagkalabas na pagkalabas ni Rosario, they burst into laughter. Pagkatapos nila magtawanan ay napatingin ang lahat kay Padre Ernesto nang magsalita ito.
"Sa katapusan na ikakasal si Niño. Kayo ba? Wala pa ba kayong balak magpakasal?" Open niya ng topic.
Oh well, labas na kami sa usapang 'to nila Niño, Pia, at Alejandro.
"Si Fernan ay mukhang malapit na." Biglang sagot ni Andong kaya napatingin ako sa kaniya.
Nakita kong nagpapalitan sila ng makahulugang tingin ng kapatid niyang si Emilia na katabi lang ni Fernan ngayon.
Ooohh oo nga pala, may crush si Emilia kay Fernan! Sinadya ba ni Andong pagtabihin sina Emilia at Fernan? Hmm... if I recall it correctly, nabanggit sa akin ni Andong na 'yung mga pinapadalang sulat sa kaniya ni Emilia ay naglalaman ng bilin nito na alagaan si Fernan. Ang sweet naman pala ni Emilia. Ship ko na sila ni Fernan!
At speaking of recall... naalala ko nang si Fernan nga pala ang kasama ko nung gabi bago ang pista pero ang sinagot ko kay Heneral Guillermo ay si Niño dahil hindi ko talaga maalala kung anong nangyari nung araw na 'yun at akala ko 'yung araw ng pista ang tinutukoy niya at 'yun ang unang naalala ko which is 'yung nahulog ako sa lawa at si Niño ang kasama ko.
Anyway, hindi naman siguro mahalaga 'yun since based sa sinagot ni Heneral Guillermo nung tinanong ko kung bakit niya tinatanong ay gusto lang daw niya malaman kung saan siya nahuli. Although hindi ko talaga gets kung ano 'yung ibig niyang sabihin like nahuli ba na naunahan siya or nahuli na like nabisto ganun. Either way, I don't care. Or do I...
"Sino naman ang maswerteng dalaga, Fernan?" Tanong ni Padre Ernesto na mukhang natuwa sa narinig niya.
Grabe eh 'no bakit kaya nauunahan pa magpakasal ng mga second at third child sa table na 'to 'yung mga kuya nila katulad ko, Niño, Pia, at Fernan HAHAHA! Joke. Understandable pala sa case ni Padre Ernesto hehehe.
Napatingin sa akin si Fernan kaya naman binigyan ko siya ng ayiiieee-sino-yan look pero nanatili lang siyang nakatingin sa akin bago sumagot.
"Sa katunayan ay hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin ni Andong, Kuya Ernesto." Sagot ni Fernan at lumingon kay Andong.
"Maaari mo bang ipaliwanag ang ibig mong sabihin, Andong?"
"Hmm... ikakasal na ang kaibigan natin sa katapusan Fernan, na siyang pinakabata sa ating tatlo kaya sa tingin ko ay ikaw na muna ang nararapat na sumunod sapagkat mas bata ka sa akin. Naisip ko na ayos lang din naman kung mula sa pinakabata ang pagkakasunud-sunod nating tatlo sa pagpapakasal at isa pa'y may kilala akong dalagang nababagay para lang sa'yo." Sagot ni Andong atsaka binigyan ng mapang-asar na tingin at ngiti ang kapatid niyang katabi lang si Fernan.
Mas mapula pa sa kamatis ang mukha ni Emilia ngayon na mukhang trying hard talagang mag act normal samantalang pasimpleng nagpipigil ng tawa ang mga kalalakihan lalo na ang kuya nila ni Andong na si Jose Hernandez at kuya ni Fernan na si Miguel Fernandez. Nararamdaman ko ring nagpipigil ng tawa 'tong katabi ko sa right side na mukhang tuwang-tuwang inaasar ang kaibigan niya.
"Ah... nag-iisip ka pala." Comment ni Fernan kaya nagtawanan ang mga tao sa lamesa namin.
"Ngunit kung gayon ay bakit hindi ikaw ang magpakasal sa kaniya? Kung ipagkukumpara ay 'di hamak na mas mahilig ka sa babae kaysa akin." Sagot ni Fernan at hindi na napigilan ng lahat ang tawa nila maski ako dahil sobrang slow ni Fernan HAHAHA!
Hindi man lang niya nagets na si Emilia 'yung tinutukoy ni Andong at sinuggest pa niya na si Andong ang magpakasal sa kapatid nito, jusko HAHAHA!
"Bakit kayo natatawa?" Clueless na tanong ni Fernan atsaka binigyan ng anong-nakakatawa look si Pia na katapat niya sa lamesa pero nanatiling nakatakip sa bibig niya si Pia habang tinatawanan din ang kapatid.
"Malaking kasalanan iyon Fernan na kahit kailan ay hindi ko gagawin." Natatawang sabi ni Andong.
"Narito si Kuya Ernesto, gawin mo na at magkumpisal ka nalang pagkatapos." Sagot ni Fernan.
"Fernan, hindi ka nangungumpisal upang patawarin ng Diyos ang mga kasalanang ginawa mo habang iniisip na papatawarin ka niya basta't mangumpisal ka pagkatapos." Pangaral ni Padre Ernesto kay Fernan kaya nanahimik na ang mga kalalakihan except kay Niño at Andong na tuwang-tuwang nasermunan pa ng pari ang kaibigan nila dahil din sa kalokahan nila.
Mga siraulong itlog talaga.