Mahinang tapik sa kanyang balikat ang gumising kay Louise. Nakangiting mukha ng flight stewardess ang kanyang namulatan. "Please fasten your seatbelt, we'll be touching down in Manila shortly".
Umayos ng pagkakaupo si Louise at ikinabit ang seatbelt sa kanyang bewang. She opened the window to look outside and gave out a sigh. 6 years. It's been 6 years since she decided to leave the Philippines. Kung hindi lamang dahil sa ama ay hindi niya maiisip na bumalik ng Pilipinas lalo na ng Santa Martha.
2 araw na ang nakalilipas ng matanggap niya ang tawag ng kanyang yaya Adela. Her dad had suffered a heart attack at kritikal ang kalagayan nito. She shivered a bit just thinking about that night. For the first time in her life, she was so scared that she was mentally blocked. For a few minutes she couldn't even respond sa kausap sa telepono.
"hello? hija, nandiyan ka pa ba? hello?" humihikbi pa din ang yaya Adela niya sa kabilang linya.
Ang yaya Adela niya ang mayordoma sa mansyon at para na rin niyang pangalawang ina. Her mom, Eloisa, passed away when Louise was only 5 years old. Plane crash. Her mother was a doctor and she was attending a conference in Japan. Hindi na ito nakabalik pa ng buhay sa kanila nang mag crash ang eroplanong sinasakyan nito pabalik ng Pilipinas. She couldn't really remember a lot of things about her mom, all she ever had growing up were pictures of them together.
Mas natatandaan niya how devastated her dad was. For a few months, halos hindi man lamang niya ito malapitan. When he finally passed the mourning stage, ibinuhos naman nito ang buong atensyon sa mga negosyo nila, perhaps to distract himself. While she was growing up, she remembered that it was her yaya Adela who has always been there for her, hindi na ito nakapag asawa at sa halip ay iniukol na ang buhay sa kanilang mag-ama. Hindi naman niya masasabing naging
masamang ama si Enrique sa kaniya, hindi naman siya nito pinabayaan. Lahat ng kanyang pangangailangan o gusto ay ibinigay lahat nito. Oras nga lamang siguro ang naging pagkukulang nito sa kanya. Despite her father's shortcomings, mahal niya ito, afterall, ito na lamang ang nag-iisang kadugo
niya. She couldn't bear the thought of losing another parent.
"ye..yes yaya... I'm here" pinahid niya ang mga luha. "magpapa book po ako ng flight right away yaya. I will be home the soonest I can."
Ibinaba niya ang receiver ng telepono at umiyak. She feels guilty. For the last year or so ay hindi sila nagkita ng ama. Enrique always makes it a point na puntahan siya nito sa San Francisco at least twice a year, dahil na rin sa palagian niyang pagtangging umuwi. Last year ay nakiusap ang amang siya naman ang umuwi, wala daw sa kundisyon ang katawan nitong magbyahe lalo pa at nagkakaedad na ito.
Kahit ano pang pakiusap ng ama ay nanatiling
matigas si Louise sa desisyong huwag nang bumalik sa Santa Martha. Alam ng ama ang dahilan kung bakit hindi niya gustong bumalik ng bayan nila pero ganoon pa man ay umaasa itong naghilom na sa anim na taon ang anumang sugat na mayroon siya.
Kinabukasan ay walang inaksayang oras si Louise at inasikaso ang lahat ng mga bagay na maiiwan niya sa San Francisco. She asked her good friend and colleague Rhea, na siya na munang tumingin tingin sa kanyang apartment habang wala siya. She filed for an indefinite leave of absence sa pinapasukang publishing house. She actually wanted to resign pero mahigpit itong tinanggihan ni Lloyd. Lloyd is the CEO and owner of the small publishing house she's been working for since she moved to LA 6 years ago.
She considers herself really lucky dahil kahit fresh from college at walang experience ay binigyan siya ni Lloyd ng opportunity. She started off as a copy writer and after 2 years, Lloyd decided to give her a try and write on her own little column on the SF Herald. Mainit ang naging pagtanggap ng mga mambabasa sa kanyang column which was about fashion and lifestyle, kaya naman napagpasiyahan ng management na gawing regular ang column niya. Although she respects Lloyd, alam din niyang matagal na itong may gusto sa kanya.
Hindi iilang beses siyang sinubukang yayain nito na lumabas. Rhea thinks she is crazy for always turning him down. Kahit daw sinong babae sa kanilang opisina ay tiyak
na hindi palalagpasin ang pagkakataon, well maliban nga sa kanya. Tanging ngiti na lamang ang naisasagot niya sa kaibigan kapag tungkol na sa dating ang usapan. Baliw nga siguro siya for turning Lloyd down. Mabait, gwapo, mayaman. Ano pa nga ba ang hinahanap niya sa isang lalaki?
A memory suddenly flashed in her mind. Those piercing set of eyes, passionately staring at her. Ipinilig niya ang ulo. stop it! saway niya sa sarili.
*******
6 years ago...
"Louise!!!" patakbo siyang sinalubong ng kaibigang si Cindy. Iniangkla nito ang braso sa kanya, kaylapad ng ngiti nito na animo ba'y nanalo sa lotto.
"Ano bang meron at ganyang ang aura mo ngayon" tanong niya rito, kipkip niya ang mga libro sa dibdib.
"nakita ko na kanina yung guwapong bagong transfer sa Engineering department na pinag uusapan ng lahat" kilig na kilig na balita nito sa kanya.
She rolled her eyes "akala ko naman kung ano na at para kang bulateng nakuryente diyan!"
"Ang KJ mo talaga!" padabog na inalis nito ang pagkakaangkla ng kamay sa kanya "paano ka magkaka boyfriend niyan? 4th year na tayo hanggang ngayon NBSB ka pa din" inirapan siya nito
"anong NBSB?"
"hay naku! eh di no boyfriend since birth!" muli nitong ikinawit ang braso sa kanya at excited na bumulong sa kanya "ayun oh! ayun" sabay nguso nito sa lalaking nakatayo hindi kalayuan, kausap nito ang isa sa mga kaklase nilang babae, si Marcie.
Sinipat niya ang lalaking itinuro ng kaibigan. He's sporting faded blue jeans na medyo may punit sa mga hita, plain white shirt and...leather black boots?Who the hell wears boots anyway? Sino to? Si Antonio Banderas? Gusto niyang matawa sa naisip nang hindi sinasadyang napatingin sa gawi nila ang
lalaki. This will sound totally overacting pero totoo pala yung sa mga pelikula yung parang nag slow motion ang paligid. Napahinto siya sa paglakad at nanatili lamang nakatayo at nakatingin dito. There's something about him. She can't exactly explain but she felt mesmerized. She can't help but examine
his features more.
Humigit kumulang ay isang dipa lamang ang layo nito sa kanya. Mahaba ang buhok nito na sa tantiya niya ay jaw length. He tied it back in a pony tail. Louise hates guys with long hair, but somehow this guy actually pulled off the look effortlessly. He is rugged and very manly in every way - moreno, matangkad na sa tingin nya ay nasa humigit kumulang 6 na talampakan, bakat sa suot nitong t-shirt ang malapad na dibdib at
matitipunong braso.
Matamis sya nitong nginitian ng mapansing nakatingin sya dito. Embarassed to death, she looked away, sigurado niyang mapula pa
sa kamatis ang mukha niya.
"see! I told you" kinikilig na bulong ni Cindy.
"halika na" halos kaladkarin niya ang kaibigan, mabilis ang lakad and with her head still down, she walked past the man.
"Hi Louise" napatigil at bigla ang paglingon niya sa likod pagkarinig sa baritonong tinig na iyon. Sa biglang lingon ay halos nabangga siya sa dibdib ng lalaki na naroroon na pala sa likod niya.
"oopps" mabilis ang pag alalay ng mga kamay nito sa kanyang braso. Just by that mere touch, for the very first time in her 16 years of existence, pakiramdam ni Louise ay may kuryenteng naglandas sa kanyang mga braso. Tinabig niya ang kamay nito "h..how di..did you know my...my name?"
damnit Louise! why did you have to stammer and look like an idiot even more? she cursed herself silently.
She looked up to his face only to see his charming smile, she gasped. gosh! this man is truly devilishly handsome! no wonder almost everyone in high school department and even college department are already talking about him kahit pa isang linggo pa lamang itong naka transfer sa Saint Martha University.
"Sino ba naman ang hindi may kilala sa isang Louise Saavedra?" nakangising sagot nito.
She opened her mouth only to close it again dahil hindi niya alam kung ano ang isasagot doon. It's true. Who doesn't know her in this school? Everyone knows who she is, even the whole town of Santa Martha knows her and her clan. Siya ang unica hija ng pinaka maipluwensyang tao sa bayan na iyon.
Her family owns at least 40% of the entire town's businesses, from the rural bank to cafes. Most importantly, the Saavedras own the biggest hacienda in the region. Hacienda Saavedra is the largest producer of sugar cane in the country and provides most of the jobs for the people in their town. Even their school's largest shares are owned by their family. So right, who will not know her?
"I'm Gael... Gael Aragon. It's nice to meet you" inilahad nito ang kamay sa kanya.
Gustong sipain ni Louise ang sarili dahil tila siya tangang nakitingin lamang sa kamay nito.
Isang kurot sa tagiliran ang nagpabalik sa huwisyo niya "Girl, nakikipagkamay yung tao" disimuladong bulong ni Cindy, habang nakangiti.
"Nice to meet you Gael, ako nga pala si Cindy" iniabot ng kaibigan ang kamay
to save her from embarassment. "Pasensiya ka na, masama kasi pakiramdam nitong kaibigan ko eh" palusot nito.
"ayos ka lang ba?" tanong ni Gael sa kanya.
"ah..o - oo" alanganing tango niya "s..sorry, I'm Louise. Nice to meet you" sa wakas ay nasabi niya. Tinanggap niya ang kamay nitong kanina pa nakalahad sa kanya. Sa kanyang pagkabigla, he lowered his head to kiss her hand softly, not taking his gaze off her face. Nag-init ang pisngi ni Louise at biglang binawi ang kamay.
"late na kami sa klase. bye!" and like an idiot, she turned and ran away.
Sa halip na dumeretso sa kanilang klase ay nagtungo sya sa banyo and locked herself in one of the cubicles. Sumandal sya sa pintuan, breathless, dinama niya ng mga kamay ang puso what was that?