webnovel

Broken Trust | Completed

"I don't believe in promises but when you came into my life, I gambled. Eventually, natauhan akong mali pala na itinaya ko nang buong-buo ang tiwala ko sa iyo." -Jamilla Pagdating sa mga lalaki, may trust issues si Jamilla Mae Aravello dahil sa pag-iwan ng tatay niya sa kanilang pamilya noon. But when Oliver Ethan Lee came into her life, isinugal niya ang tiwala niya dahil sa pag-aakala niyang matinong lalaki si Oliver base sa isang sikat na istoryang binasa niya na isinulat nito, which entitled of I Catch Your Heart. Oliver is a famous mysterious author in the Philippines, at ang istoryang isinulat niya ay ang kinaadikan ni Jamilla. Isang istoryang totoong nangyari kay Oliver with his past girlfriend, named Angel. Naputol lang iyon dahil sa hindi inaasahan pangyayari na dahilan ng pagkamatay ng girlfriend niya. Masakit at nahirapan si Oliver para tanggapin iyon. However, when he met Jamilla. Ang kasiyahang hinahanap niya katulad noon sa past-girlfriend niya ay sa dalaga niya natagpuan. Pipilitin niyang magmahal muli at kalimutan si Angel. Bagong istorya ang isusulat niya kasama si Jamilla pero mabilis din natapos ito dahil sa maling nagawa niyang hindi niya ginustong mangyari. Dahil sa maling nagawa niya, puno ng pagsisisi ang dala-dala niya sa huli. - Follow me on Wattpad: Nick_Black02 Mas active po ako doon kaysa dito. Doon naka-published lahat ng stories ko po. :)))))

Nick_Black02 · 青春言情
分數不夠
71 Chs

Chapter 63

Chapter 63: Unsure Feelings

Seven years later...

Sa loob ng pitong taon, maraming nagbago. Tuluyan nang hindi nagparamdam sa akin si Oliver, miski updates sa mga social media accounts niya ay wala, tila nilayuan na niya talaga ako. No'ng una, nag-aalala ako but eventually, hinayaan ko na lang. Actually, these last 4 years ago I often don't think about him, maliban na lang tuwing gabi kapag bigla siyang sumasagi sa isip ko, nagtatanong sa sarili kung nasaan na ba siya at kung ayos lang ba siya. I've missed him so much. Until now, every morning that I wake up, I always hoping that he's finally back.

Graduated na ako ng college at nakabundar na rin ako ng cake shop sa Makati area. Suportado naman ako nina Mama at Papa. Actually, si Papa pa nga ang nag-pursue sa akin para maipagawa ito, because he knows that this is one of my dreams ever since then. I'm quite grateful by his help. Bumabawi siya sa pagkukulang niya, muli ko na siyang pinagkatiwalaan at hindi naman niya iyon hinayaang masira ulit.

Hindi naman ito gano'n kalakihan pero sapat na, meron kaming six tables with four seater, three tables with six seater and we also have one table in the center with eight seater. Then, may dalawang TV screen in both sides. Ako mismo ang nag-isip ng decorations dito, neutral color 'yong pader at may mga aesthetic picture ng mga cake ang nakasabit. Simple lang.

Pagkatapos kong grumaduate, ito na ang pinagkakaabalahan ko at kinukuhanan ng pera sa pang-araw-araw na gastusin, since malakas lagi ang kita kaya sapat na rin.

Kasalukuyan akong nasa counter at nakatambay saglit dahil katatapos ko lang mag-bake ng cupcakes habang hawak ang phone ko nang tawagin ako ng isa kong helper.

"OMG. Ma'am, Jam," kinikilig nitong tawag sa akin. Jam ang madalas ang tawag ng mga tauhan ko, short term ng Jamilla.

"Ano iyon?"

"Si sir, Prince po, oh. Ang fresh ng hitsura, may pa flowers pang dala." Sabay turo niya sa main door.

Napatingin ako sa pintuan nang makitang naglalakad papalapit na sa gawi ko si Prince habang may hawak itong bouquet of blue roses. Ayos na ayos ang hitsura at napakabangong tingnan. Within the 7 years, isa siya sa hindi ako iniwan, lagi siyang nadalaw sa shop at dinadalhan ako ng bulaklak. Tanda ko pa 'yong sinabi niya sa akin noon na papasayahin niya ako and yet he never failed. Everytime I need someone to talk to when I'm feeling tired, he's always there and comforting me. How grateful I am by having him?

"Hello. For you." Big smile niyang sambit. Inabot niya sa akin 'yong bulaklak at tinanggap ko naman ito.

"Thank you pero required ba talaga kapag pupunta ka rito ay may dala ka laging bulaklak? Baka sa susunod, magkaroon na ako ng flower shop niyan."

"Siyempre, ganoon kita kamahal, e," banat niya sabay gulo ng buhok ko. Last year, nagsimula na siyang ligawan ako pero until now, hindi ko pa rin alam kung anong isasagot ko sa kanya. Pinag-iisipan ko pa nang mabuti at pinapakiramdaman ko pa nang maigi. The good thing about him, handa siyang maghintay para sa sagot ko, hindi siya nagsasawa at napapagod.

"Puro ka banat," sabi ko. "Gutom lang iyan. May chocolate rapsberry cupcake akong ginawa kanina. You want some?"

"Of course!"

Ibinaba ko muna sa vase 'yong bulaklak bago tumungo sa kusina. May three chef akong kasama sa paggagawa ng mga cakes, sina Chef RJ, Chef Elle and Chef Raffy. Hindi ko naman kasi kayang ako lang ang mag-isa sa gumagawa, kailangan ko ng katulong.

Pagkapasok ko, nakangiti silang lahat sa akin at tila nang-aasar iyon ngiting iyon. Hays.

-

"Okay lang ba? Masyado bang matamis?" tanong ko sa kanya, pagkatapos niyang kagatan 'yong cupcake. Siya lagi ang pinatitikim ko ng mga gawa ko everytime na may gusto akong idadagdag sa menu.

"Sobrang tamis."

Nanlumo ang mukha ko. "Talaga? Nasobrahan siguro sa asukal."

"Sobrang tamis ng pagmamahal ko sa iyo, ayun iyon," he chuckled. Sinamaan ko siya ng tingin.

"Hays, kanina ka pa. Banat ka na lang nang banat. Babanatin kita d'yan, eh."

"Aray, babanatin mo talaga ako? I will not refuse on that." He winked his left eye twice.

"Hays, ewan ko sa iyo."

"Biro lang," tumatawa nitong sambit at pagkatapos, kumagat muli ng isa pa sa cupcake.

"Ano na? How is it?"

"To be honest, nagtatalo 'yong tamis ng chocolate and rapsberry pero masarap naman. Over all, puwede na rin para sa mga chocoholic. Even though, hindi ko lang talaga gusto ang lasa ng rapsberry."

"Thank you!"

Nagkuwentuhan lang kami ng kung ano-ano. Kinuwento niya sa akin 'yong mga nangyari sa trabaho niya. Maya-maya habang nag-uusap kami ay hindi ko namalayan nandito na pala 'yong dalawa kong kaibigan.

"Hi, bes!"

"Oh? Anong ginagawa niyo rito?" Kunot-noo kong tanong, kadalasan kasi ay sinasabihan nila ako kung dadalawin ba nila ako o hindi. Actually, hindi na kami ganoon madalas nagkikita-kita dahil busy na sa kani-kanilang buhay.

Nakakatuwa lang isipin na kahit tumuntong kami ng senior high school at college, hindi pa rin nasisira ang pagkakaibigan naming tatlo, matibay pa rin ang samahan kahit may mga boyfriend na sila.

"Parang ayaw mo yata," sabat ni Claire.

"Hindi, ah. I just get shocked. Bigla-bigla kayong sumusulpot nang walang pasabi."

"Na-cra-crave lang kami sa cookies and cream cake mo. Available ba?" tanong ni Jess. Tumango ako sa kanya. "Yown. Saglit lang, order lang ako." Agad na itong naglakad patungo sa counter.

"Kumusta ka na, Prince?" tanong ni Claire.

"Okay naman."

"Sinagot ka na ba nito?" Straight forward na tanong ni Claire dito sabay turo sa akin. Medyo nakaramdam ako ng hiya kaya tumingin ako sa ibang direksyon, kunwari wala akong naririnig. Gosh, what are you doing, Claire? You ruin my reputation. Harap-harapan pa talaga.

"Not yet but willing pa rin naman ako maghintay and hoping that I will get the answer I want."

"Don't worry, kaunting tiyaga pa. Mapapasagot mo rin iyan."

"Sana."

"Nanadya ba kayong iparinig sa akin 'yan pinag-uusapan niyo?" inis kong tanong sa kanila.

"Sinabi ba namin na makinig ka?" sabat naman ni Claire.

"Ba't sinabi ko bang pag-usapan niyo ako?"

"Kararating ko lang, aawayin mo agad ako? Miss na kita, eh." Lumapit ito sa akin at niyakap ako.

Dumating na si Jess kasama 'yong order niya. Umalis na rin si Prince dahil may trabaho pa raw ito ngayong hapon. Pagkaalis ni Prince, as expected, sunod-sunod ang tanong na ibinato nilang dalawa sa akin.

"Ba't ba ayaw mo pa siyang sagutin?"

"Oo nga, mapagkakatiwalaan naman iyon tao."

"Hays. Kasi may mga bagay na kailangan ko pang pag-aralan tungkol sa kaniya."

Claire chuckled. "Hindi mo manlang sinabi sa amin na exam pala si Prince para pag-aralan."

"That's not what I want to mean for. Nasaktan na kasi ako no'ng una and this time I want to be more careful by open my heart again for a man that I'll choose to be with someday. Ayaw ko nang mangyari 'yong nangyari noon. Sapat na 'yong isang sakit kaysa sa madagdagan."

"I wanna remind you. Magkaiba si Oliver over kay Prince. Within in seven years, hindi biro 'yong tiniis ni Prince. Siya ang naging sandalan mo sa lahat. Besides, Prince already proven to you that he's deserving for you. Ilan beses na ba niyang pinatunayan? Isa? Dalawa? Hindi na nga mabilang," sambit ni Jess.

"Answer this honestly, Jamilla," sambit ni Claire.

"Ano iyon?"

"May pag-asa ba talaga si Prince or you are still stuck with Oliver?"

I frozed. I took a deep breath bago sagutin 'yong tanong nila. May pag-asa nga ba si Prince sa akin? Tama si Jess. Ilan beses ko na nakikita 'yong effort niya at masaya naman ako para doon pero hindi ko pa rin magawang makumpirma kung ano 'yong tinitibok ng puso ko para sa kanya. May isang tao pa kasi akong hinihintay. Sa pitong taon na lumipas, hindi pa ako sigurado kung nasaid na 'yong pagmamahal ko para sa taong iyon, gusto ko muna makasigurado bago pumasok muli sa bagong version ng pag-ibig. Gusto ko muna siyang makita muli para sa ganoon malaman ko kung gano'n pa rin 'yong nararamdaman ko para sa kanya.

"I don't know. Natatakot lang ako na kapag naging kami, saka naman bumalik si Oliver. Natatakot akong baka masaktan ko si Prince."

"That's it. Sinasabi mong mahal mo pa si Oliver kaya hindi mo masagot ng 'oo' si Prince. Hindi ka pa nakaka-move on sa gag*ng iyon," komento ni Claire.

"Paano kapag may asawa't anak na 'yong tao? Aasa ka pa rin na magkabalikan kayo?" tanong ni Jess.

"No, kung anong naging relasyon nami ni Oliver noon, sapat na siguro iyon sa akin, hindi na ako naghahangad ng pangalawang pagkakataon na magkabalikan kami. People change and as my feelings for him has a chances to change, but now I have to figure out if that feelings still in here." Sabay turo ko sa dibdib ko. "Gusto ko muna siyang makita bago kami sumabak ni Prince."

"Iyan din 'yong sinabi ng iba kong kakilala. But look what happened, nagkabalikan pa rin," komento ni Claire.

"Huwag mo akong igaya doon, magkaiba naman kami no'n, 'no."

"Let see," sabi niya. "May official breakup ba kayo ni Oliver noon?" tanong ni Claire

"Wala, bigla na siyang lumayo, eh."

"Space muna?" dagdag pa niya.

"Ewan. Hindi ko alam. Kung cool off man iyon, seven years na cool off? Potek, ang tagal no'n. Grabe. Hindi na iyon ma-coconsider as cool off. Break up na iyon para sa akin." sagot ko. "Kayo? Kumusta na kayo kina Rico and Aivin?" pag-iiba ko ng usapan.

"Stay strong." Halata sa mata ni Claire ang saya.

"Hay naku, ganoon pa rin ang ugali, makulit pero sweet pa rin sa akin." Halata rin kay Jess ang kilig at saya. Pabebe pa siya kay Rico noon pero ngayon naman ay sila rin ang nagkatuluyan.

"I guess I shouldn't have asked it. Ang role ko lang yata sa barkadang ito ay tagasabi ng 'sana all'. Sana all tumatagal. Sana all minamahal. Sana all deretso na sa kasal. Naiinggit ako."

Natawa sila dahil sa ni-react ko. "Hoy! Walang pang kasalan na magaganap." hirit ni Claire.

"Sus, baby muna bago kasal?" sambit ni Jess.

"Much better." She chuckled.

"Gaga."

"Biro lang, siyempre."

Habang nagkukuwentuhan kami ay nakatanggap ako ng tawag galing kay Mama, napuno ako ng pagtataka kasi hindi naman siya tumatawag nang ganitong oras. Sinagot ko agad iyon.

"Hello?"

"A-anak?" Nanginginig niyang boses na sabi. Bumilis ang kabog ng dibdib ko dahil doon.

"Po?"

"A-ang Papa mo, w-wala na. Namatay na."