webnovel

Broken - De'Marco Sisters Series Book 1

"She is a broken girl with a darkpast. will she find her happily ever after?"

Rawra1441 · 青春言情
分數不夠
7 Chs

Prologue

"HOW IS SHE?" tanong niya sa doctor habang nakapamulsa at nakatayo sa harapan ng two way mirror.

Sa likod ng two way mirror ay isang puting kwarto na mayroong hospital bed kung saan nakaupo at nakasandal sa head board ang isang payat na dalagita. Hindi mo mapag kakamalang katorse na ito, dahil payat ito at maliit kesa sa tunay na idad. Mukha lang itong dose anyos. Ilang araw na itong tulala sa kawalan. Hindi ito nag sasalita o nag rereact man lang kapag pinapalitan ito ng swero na tanging nag bibigay sustansya sa katawan nito, maliban sa mga bitamina na tinuturok dito. Parang dinudurog ang puso niya habang tinititigan ito. Gusto niyang yakapin ang anak na walong taong nawalay sakanya.

Itinakas ng dati niyang asawa ang noon ay anim na taon gulang niyang anak. Ang huling kita niya dito ay ng ika anim na taong kaarawan nito.

'Dadaaaa! its my borthday today! Wake up! wake up! You promise i can have krissy on my borthday!'

Yon ang huling pag lalambing nito sakanya. Pag katapos non ay itinakas na ito ng ina nito.

Hindi niya masisisi si Charito kung malaki ang galit nito sakanya dahil hindi siya naging tapat dito. Marami siyang nakarelasyon kahit pa kasal na sila kaya naman ng umalis ito noong walang isang taon si Hermina ay hindi niya ito pinigilan bagkus nag asawa syang muli. Pinagana ang salapi para mapa walang bisa ang kasal nila at mapakasalan ang babaeng totoong minahal niya, si Melody. Nagyon ay may tatlo na siyang anak dito. Tanggap din nito ang nakaraan niya pati na ang dalawa pa niyang anak sa labas. Hindi niya lang akalain na ang pag ganti nito sakanya sa pamamagitan ng pag kuha sa anak nila noong anim na taong gulang pala mang ay mauuwi sa isang trahedya.

Siguro kung mas napaaga ang pag kakatagpo dito ng mga binayaran niyang private investigator hindi mangyayari ito sa anak niya. Hindi ito puno ng pasa sa katawan at para naring patay. Nawalan na ng buhay ang mga mata nito. Parang sumuko na sa sarili niyang buhay kahit humihinga pa. Nawalan na ng pag asa ang maamo nitong mukha.

Naikuyom niya ang mga kamay. Kung buhay pa ang gumawa nito sa anak niya paniguradong pa ulit ulit niya itong papatayin gamit ang mga sariling kamay.

"Still in shocked and trauma. Nahihirapan kaming isa ilalim siya sa counseling dahil hindi naman siya nag rerespond and it's very understandable dahil sa pinag daanan niya" naiiling na sabi ng doctor.

Ilang ulit ng sinubukang kausapin ng psychiatrist ang anak niya pero hindi ito nag rerespond.

Napapikit siya. Hindi niya kayang isiping muli ang mga pinag daanan ng anak. Isa iyong bangungot sakanya. Ano pa kaya para sa taong dumanas non lalo na sa idad nito na napaka bata pa?

"I suggest isailalim na natin siya sa hypnosis. You better bring her outside the country mas maraming espesyalista sa mga ganyan kaso sa america"

Bumuntong hininga siya. Kahit anong posibilidad maliit man o malaki ay susubukan niya kasehodang maubos ang yaman niya gumaling lang ang anak.

"Arrange everything" utos niya sa secretary niya na bagamat ay bagito pa ay maasahan na katulad ng namayapa nitong ama na siyang orihinal na secretay niya.

"Yes Sir" yumuko ito at magalang na nag paalam sakanya.

Lumakad siya papunta sa pinto na konektado sa kwartong kinalalagyan ng anak.

Nilapitan niya ito. Naupo siya sa tabi nito. Pero ni hindi siya nito tinapunan ng tingin o gumalaw man lang kahit kaunti

"H-Hi.." Parang may bumikig sa bibig niya. Hinawakan niya ang kamay ng anak at dinala iyon sa pisngi niya. Dinama niya ang init non para ipaalala sakanya na buhay pa ang anak. Tumulo ang luha niya. Nasasaktan siya sa nakikitang pag durusa ng kawa-awa niyang anak. Hinalikan niya ang kamay nito at doon hinayaan ang sariling humagulgol.

"D-Da-da.."

Huminto ang luha niya. Natigilan siya. Napatingala siya sa anak. Ganon nalang ang gulat niya ng makitang nakatingin din ito sakanya. Sa unang pag kakataon. May umahong pag asa sa dibdib niya. Pero wala paring buhay ang mga mata nito na nakatingin sakanya. Pinag lalaruan lang ba siya ng pandinig niya? Na sa kagustuhan niyang muling mag salita ang anak ay na imagine niya na tinatawag siya nito?

"D-Da--"

Ganon nalang ang panlalaki ng mata niya ng bumuka ang bibig nito at muli ay tawagin siya

"Oh God my baby.. Oh god.." Mahigpit na niyakap niya ito.

"D-da-da.. D-dada.." Ulit nito

"Yes baby.. Nandito si Dada.. Hindi ka na mawawala kay Dada"