webnovel

Tignan mong maigi kung sino ako (2)

編輯: LiberReverieGroup

Nagulat si Lu Jinnian sa mga sinabi ni Qiao Anhao. Natigilan siya sa kanyang pagsasalita at biglang natulala. Itinaas niya ang kanyang ulo para tignan si Qiao Anhao pero matapos ang dalawang segundo ay muli siyang yumuko at tinakpan ang bibig nito.

Masyadong mabilis at walang pasabi ang mga naging kilos ni Lu Jinnian kaya matapos mahimasmasan ni Qiao Anhao ay parang hindi siya makahinga.

Masyadong marahas at mapusok ang halik ni Lu Jinnian na para bang nagbubuhos siya ng matinding galit. May mga pagkakataon na pag hindi na niya makontrol ang kanyang lakas ay hindi maiwasang nasasaktan niya ang mga labi ni Qiao Anhao.

Idinikit ni Lu Jinnian ang kanyang katawan kay Qiao Anhao para hindi ito makagalaw. Marahas niyang pinasok ito at wala man lang siyang balak na magdahan-dahan kahit pa alam niyang nasasaktan na ito. Wala siyang pakielam sa nararamdaman nito at lalo pa niyang nirahasan at binilisan. Bandang huli, noong hindi na talaga kaya ni Qiao Anhao ang sakit, nagmamakaawa nitong sinabi, "Masakit!"

Pagkarinig ni Lu Jinnian ng pagmamakaawa ni Qiao Anhao, huminto siya pero hindi nagtagal ay muli nanaman niyang itinuloy at sa pagkakataon na ito ay mas intense pa ang ginawa niya. Tumulo ang luha sa mga mata ni Qiao Anhao dahil lalo pang lumala ang sakit na naramdaman nito. Pagyuko ni Lu Jinnian, mula sa ilaw na nanggaling sa buwan, nakita niya ang mga luhang tumutulo sa mukha Qiao Anhao at imbes na huminto ay muli niya itong hinalikan.

Matagal na noong huling beses na nakaramdam si Qiao Anhao ng ganoong klase ng paghihirap, pakiramdam niya ay biglang huminto ang oras na para bang sobrang tagal niyang nagdudusa.

Bumaluktot si Qiao Anhao sa sobrang sakit at ikinagulat ito ni Lu Jinnian. Hinawakan nito ang kanyang baba at tinignan siya sa mga mata. Pulang pula ang mga mata nito, halatang puno-puno ng sakit na para bang nawawala na ito sa sarili. Nanginginig ang mga labi ni Lu Jinnian at sinabi, "Tignan mong maigi kung sino ako!"

Hindi nagtagal ay muli itong nagtanong, "Malinaw nab a sayo?" Galit na galit ang boses ni Lu Jinnian habang nagtatanong kay Qiao Anhao.

Natakot si Qiao Anhao sa tono ng pananalita ni Lu Jinnian.

Ngumisi lang si Lu Jinnian matapos niyang makitang nanginginig sa takot si Qiao Anhao. Binitawan niya ang baba nito at umatras ng bahagya. Hindi niya inalis ang kanyang tingin kay Qiao Anhao at muling nagsalita ng mahina, "Kalimutan mo na, siguro sobrang taas lang ng tingin ko sa sarili ko. Paano mo nga ba ako makikita?"

Galit at walang awa ang tono ng boses nito, pero hindi maikakaila na ramdam din ang matinding lungkot. Nantiling tahimik si Qiao Anhao dahil sobrang naguguluhan at wala siyang ibang magawa kundi pinakiramdaman lang kung ano na mga sunod na mangyayari. 

Binalot ng katahimikan ang buong sasakyan, tanging ang agos lang ng ilog sa labas ang maririnig.

Ilang sadlit lang, bumalik na ang tipikal na ilag at walang emosyong Lu Jinnian. Hindi na siya umimik at kumuha nalang ng tissue para linisan ang kanyang sarili. Inayos niya ang damit niya at bumalik siya sa dati niyang pwesto. Titignan niya sana si Qiao Anhao pero hindi niya na ito itinuloy, bagkus kinuha niya nalang ang kanyang phone at binuksan ang pintuan ng sasakyan niya.