Walang eksena na gagawin si Qiao Anhao sa unang 2 araw ng filming. Ngunit, maaga siyang dumating para libutin ang lugar, para siya ay maging pamilyar dito.
Hindi dumating si Lu Jinnian sa unang araw ng filming dahil wala itong eksena gagawin. Pangalawang araw ito dumating, mga 10 am. Naupo muna ito para obserbahan ang filming bago naghanda para sa eksena.
Dahil sa pagdating ni Lu Jinnian lahat ng mga aktor may eksena o wala ay nagpunta. Gayumpaman, balot siya ng frosty aura at walang nagtakang lumapit sa kanya tila may 3 meter invisible barrier sa paligid niya.
Dumating ang tanghalian, lahat ay kumuha ng kanilang pagkain ganoon din si Lu Jinnian. Tinanggap niya ang pagkain ng walang reklamo at kumain ng tahimik.
Kahit kumakain si Lu Jinnian ay mukha itong isang aristocrato. Matapos kumain pumunta ito sa dressing room at naghanda para sa role niya para sa eksena kasama si Song Xiangsi.
Umaga palang ay nagsimula na ang filming ni Song Xiangsi kaya ng tanghali na ay handa na ito. Matapos maghanda ni Lu Jinnian, sandali inayusan siya ng makeup artist bago pumunta ang lighting at filming crew sa kanilang puwesto.
Halos parehas ang debu ni Song Xiangsi at Lu Jinnian sa industriya at umarte bilang couple sa maraming blockbusters. Binigyan sila ng "Best on-screen Couple" dahil sa ganda ng kanilang itsura.
Maraming beses na silang nagkatrabaho, alam na nila kung paano magtrabaho ang isa't-isa kahit hindi sila couple, nagagawa nilang perpektong makuha ang emosyon na dapat sa eksena. Pinuri sila ng direktor at sinigaw, "Maganda! Magaling! Ipagpatuloy niyo lang!"
Kalahati na ng eksena ng magsabi ng break ang direktor. Inayos ng makeup artist ang makeup nila.
Matapos ayusan, uminom ng tubig saglit si Lu Jinnian at binalik sa assistant niya. Bumalik ito sa filming location.
Nagpatuloy ang ekssna matapos ayusan ni Song Xiangsi.
Nagulat ang nanonood sa kanilang pag-arte nang nagpatuloy ang filming. Perpekto nilang nagawa ang eksena napaisip ang iba kung totoo ba ito.
Maayos natapos ang eksena at tahimik ang lahat. Lumipas ang 10 segundo saka sumigaw ang direktor, "Cut."
Natapos ang filming sa araw na iyon. Ang resort ng Jing Cheng ang nirentahan nila, buong resort para sa filming dahilan para manatili ang lahat sa resort hotel.