Biglang kinilabutan si Qiao Anhao at tinitigan lang ang nurse.
Huminga ng malalim ang nurse at nagpatuloy, "Si Mr. Lu ang nagdala sayo sa ospital. Nakita ng doktor na dalawang buwan ka ng buntis kaya pumirma si Mr. Lu para iabort ang bata."
Bumakas sa mga mata ni Qiao Anhao ang matinding galit. "Mukhang nasabi mo naman na ata ang lahat ng gusto mong sabihin, ano bang motibo mo? Kakagaling ko lang sa ospital at malinaw na wala akong D&C sa ospital niyo!"
"Wala akong kahit anong motibo, at hindi rin ako nagsisinungaling sayo. Hindi ko na kasi kayang tiisin. Ang tanging rason kung bakit wala kang makitang kahit anong ebidensya na nagkaroon ka ng abortion ay dahil kinausap ng assistant ni Mr. Lu ang mga matataas na tao sa ospital. Isa pa, noong gabi ng operasyon, binayaran rin ni Mr. Lu ng malaki ang doktor at mga nurse. Dalawampung milyon para sa doktor at sampung milyon para sa mga nurse," paliwanag ng nurse kay Qiao Anhao.
Kinuha rin ng ng babae ang phone nito at naglog in sa sa online banking para ipakita kay Qiao Anhao ang wire transfer history nito. "Ito ang unang nangyari ito sa akin. Noong una, gusto kong kunin nalang ang pera at manahimik, pero nito lang, madalas akong binabangungot. Sobrang nakokonsensya talaga ako dahil nandoon ako noong gabing iyon, at isa ako sa mga nagabort sa anak mo habang walang kang kamalay-malay sa tunay na nangyayari."
Tinitigan ni Qiao Anhao ang pangalan ng assistant ni Lu Jinnian na nasa phone screen na ipinapakita ng babae. Ang kaninang galit na nararamdaman niya ay napalitan ng labis na pagkagulat.
"Sinadya ko talagang hindi maglagay sa sulat na ipinadala ko sayo ng kahit anong impormasyong pumapatungkol saakin. Alam ko na pupunta ka sa ospital matapos mo itong mabasa kaya maaga akong pumunta sa ospital para hintayin ka sa pintuan.
"Kung hindi ka naniniwala sa akin, pwede kang pumunta sa ibang ospital para magpa'check up. Wala pang isang buwan noong inoperahan ka kaya hindi pa masyadong magaling ang matris mo. Kapag nagpaB-scan ka, malalaman mo ang katotohanan.
"Isa pa, ngayon ang araw na kinakailangan mong magpafollow up sa ospital namin, pero siguradong natatakot si Mr. Lu na malaman mo ang katotohanan. Malamang hindi ka niya dadalhin dito para sa follow up mo kaya mabuti pa humanap ka nalang ng ibang ospital para makapag pa'check up. Katawan mo pa rin naman yan. Pwede mong gamitin ang pagkakataong ito para patunayan kung totoo ba o hindi ang sinasabi ko.
"Nasabi ko na sayo ang lahat ng dapat kong sabihin, sa wakas mapapanatag na ang isipan ko. Sa huling pagkakataon, gusto ko lang humingi ng tawad sayo."
Walang kahit anong reaksyon na ipinakita si Qiao Anhao at diretso lang ang kanyang tingin sa bintana ng sasakyan niya. Nagbuntong hininga ang nurse bilang pahiwatig na gumaan na ang loob nito. Hindi nagtagal, binuksan na nito ang pintuan ng sasakyan niya at bumaba para umalis.
Pagkaliko ng nurse sa isang kanto, naglakad pa siya ng kaunti bago niya kunin ang kanyang phone. Itinapat niya ito sa kanyang tenga para hintaying magsalita ang nasa kabilang linya. Binuksan niya ang kanyang bibig at sinabi, "Mrs. Xu, nagawa ko na ang ipiauutos mo. Narinig mo naman ang lahat ng sinabi ko, ngayon ikaw naman ang tumupad sa pinangako mo."
Halos kalahating minuto lang ang lumipas nang marinig ang kalamadong boses ni Han Ruchu sa phone. "Isend mo sa akin ang account number mo. Isang daang milyon. Ipapadala ko sa account mo na wala ni isang kusing na kulang, pero alalahanin mo ang pinangako mo sa akin. Magquit ka kaagad sa sa ospital at umalis ka na ng Beijing."
Biglang naputol ang tawag, at ngumisi si Han Ruchu na halatang masaya dahil sa nagtagumpay niyang plano.
Ngayon na gising na ang kanyang anak, magwawakas na rin ang masasayang araw ni Lu Jinnian. Hanggat gusto ng kanyang anak si Qiao Anhao, walang magagawa si Lu Jinnian para kunin ito mula sa kamay ng kanyang anak!