"Isa pa, kahit naman totoong hindi tayo magkakilala, tutulungan pa rin naman
kita kapag tumakbo ka sa akin kasi hindi naman ako masamang tao."
Pagkatapos magsalita ni Xu Jiamu, sinubukan niyang maghintay kung may
gusto pang sabihin si Song Xiangsi pero nang maramdaman niya na mukhang
wala itong planong sumagot, hindi na siya nagpumilit pa, lumabas nalang siya
at isinarado ang pintuan.
Habang naglalakad, dali-dali siyang nagsuot ng T-shirt, at wala pang limang
segundo, walang pagdadalawang isip niyang kinuha ang susi ng kanyang
sasakyan at tuluyan ng umalis ng private room.
Kagaya ng pangako, binayaran niya muna ang bill pagkarating niya sa front
desk bago siya lumabas ng Four Seasons Hotel.
Taliwas sa usapan nilang dalawang oras, wala pang alas nuebe noong
nag'walk out siya… saktong sakto sa rush hour….
Dumiretso siya sakanyang sasakyan, pero imbes na sumakay, huminto siya sa
tapat ng driver's seat at habang nakapamulsa, dahan-dahan siyang tumingala,
na para bang tinititigan niya ang bintana ng private room kung nasaan si Song
Xiangsi.
Mahigit labinlimang minuto siyang nanatili sa ganong posisyon, bago siya
yumuko para buksan ang pintuan ng kanyang sasakyan at humarurot ng alis.
Kahit pala sa pagibig, totoo pa rin pala ang kabasihang, 'opportunity knocks
only once'…. Na kapag hindi mo iningatan ang pagkakataong alagaan ang
taong mahal mo, malabo ng pagbigyan ka pa ulit ng tadhana…
Parang sila… ni Song Xiangsi…
Mula noong iniwan siya nito ng biglaan, walang segundong lumipas sa
nagdaang tatlong taon na hindi niya ito naisip…. Araw-araw, nagdadasal siya
na magpakita na ito sakanya para magkaayos na sila at magkapagumpisa na
ulit ng bagong simula… Pero ngayong tinupad na ang kahilingan niya na muli
silang magkita, para siyang binuhusan ng malamig na tubig at nagising sa
katotohanan na kahit anong gawin niya ay hindi na pwedeng matupad ang iba
niya pang mga kahilingan dahil hindi talaga sila nakatadhana para sa isa't-
isa…
Sobrang nakakalungkot lang na pagkatapos niyang lumaban ng ilang taon,
hindi pa rin pala ito sapat para paboran siya ng langit…
Pero hindi dito natatapos ang buhay… Naniniwala siya na isang araw
magigising nalang siyang okay na siya at naka'moved on na…
-
Mula noong gabing 'yun, hindi na ulit kinontak ni Xu Jiamu si Song Xiangsi.
At maging ang commercial endorsement project na pinakiusap niya sa Board of
Directors ay ibinalik niya na rin kay Chief Luo.
Sa madaling salita, nagpatuloy siya sa buhay niya… Araw-araw siyang
pumapasok sa trabaho, nakikipag meeting sa mga kumpanya na may potensyal
na maging kasosyo ng Xu Enterprise, nagoovertime, kumakain ng mag-isa,
natutulog ng mag-isa, at minsan nagpupuyat din ng magisa… Parehong pareho
pa rin sa mga dati niyang ginagawa, pero para sa mata ng mga taong
nakapaligid sakanya… Malayo na siya sa dating Xu Jiamu… Malayong malayo
ang personalidad nila ni Lu Jinnian… Kumpara sa kuya niya, di hamak na mas
approachable siya… ganun pa rin naman siya hanggang ngayon, pero ang
kapansin pansin lang na pagbabago niya ay parang isang araw ay bigla nalang
siyang naging isang robot na trabaho lang ng trabaho, na hindi nakikitang
tumatawa, nagagalit, o nalulungkot…
Dahil isa siya sa mga major shareholder ng kumpanya ni Chief Luo, normal
lang na may mga pagkakataong nagtatanong ito sakanya, pero noong araw na
ibinalita nito sakanya na pumirma na si Song Xiangsi, hindi siya nagpakita ng
anumang reaksyon at parang normal na dokumento lang, pinirmahan niya ito
ng walang pagdadalawang isip.
Pagkatapos ng pirmahan, nagset sila ng conference para sa lahat ng kasama
sa endorsement project.
Siyempre bilang main lead, nandoon din si Song Xiangsi. Para talaga silang
pinaglalaruan ng tadhana dahil sa lahat ba naman ng pwede nitong
mapwestuhan ay sa tapat pa talaga niya. Halos isang metro lang ang layo nila
kaya kung gugustuhin nilang tignan ang isa't-isa, abot kamay lang, pero sa
kabila nito, hindi tumingin kahit isang beses. Madalang lang din siyang
magsalita at nang matapos na ang meeting, nagyaya si Chief Luo ng dinner
para sa buong grupo, pero tumanggi siya at nagmamadaling kinuha ang mga
dokumentong dala niya, at umalis kasama ang kanyang secretary.
Kagaya ng sinabi niyang rason, totoong nakipagkita siya sa isang kliente.
Medyo mahirap itong kausap, pero sa kabila ng mga pinagdadaanan niya,
naging pasensyoso pa rin si Xu Jiamu at pinagtyagaan itong kausapin sa loob
ng dalawang oras. Bandang huli, hindi pa rin sila nagkaayos, pero imbes na
magalit, hinayan niya lang ito at higit sa lahat, hinatid niya pa ito hanggang sa
elevator.
Pagkabalik niya sa opisina, hindi pa man din siya nakakpagpahinga ay
natanggap niya naman ang tawag ni Lu Jinnian na pinapaalalahanan siya. "Sa
China World Hotel gaganapon ang party mama…."
Pero hindi pa man din ito ito tapos magsalita ay sumagot na siya, "Pupunta
ako."
"Anong nakain mo at bigla mong naisip pumunta?" Gulat na gulat na tanong ni
Lu Jinnian.
Naglakad si Xu Jiamu papunta sa bintana at habang nakadungaw sa
kalangitan, muli siyang nagsalita ng mabagal, "Gusto ko ng ikasal."