Sa Four Seasons Hotel din, parehong kwarto.
Ang pinagkaiba lang ay napalitan na pagkakaayos ng mga gamit.
Walang pinagkaiba ang araw na 'to sa araw na 'yun… Siya ang nasa harapan, at
para itong kawawa, na nakasunod lang sakanya hanggang sa makapasok sila sa
private room…
Parehong pareho rin ang eksenang nanunuod siya ng TV at nakatayo lang ito sa may
pintuan.
Aminado naman siya na marami na siyang nakadate bago si Song Xinagsi, pero
noong gabing yun, yun ang unang beses na kumuha siya ng kwarto para makasama
ang isang babae. Kaya sa kabila ng kalmado niyang tindig, alam ng Diyos na mas
kabado siya noong gabing yun kumpara kay Song Xiangsi.
Tandang-tanda niya na alas otso rin ng gabi ang usapan nila noon, pero alas dose na
ng madaling araw noong nakatulog sila.
Noong araw na 'yun, hindi rin ito makatingin sakanya ng diretso kaya nakayuko lang
ito habang nakatayo sa may pintuan, tumutungo sa bawat sinasabi niya, kagaya ng
nangyayari ngayon.
Siya ang unang nagshower, at pagkalabas niya ng CR, dumiretso siya sa kama at
inutusan itong magshower na rin. Naalala niya pa kung gaano kakabado ang itsura
nito habang naglalakad papunta sa CR…. Ganun na ganun din paglabas nito…Paano
niya maklakalimutan na halos hindi na ito makalakad papalapit sakanya? Kaya sa inis
niya, bigla niya itong hinila at inihiga sa kama… At siguro dahil unang beses nito,
napapakit nalang ito at naramdaman niya na literal na nanginginig ang buong
katawan nito sa sobrang takot.
Noong gabing 'yun, walang nangyari sakanila…. Niyakap niya lang ito hanggang sa
makatulog sila at magising kinaumagahan. Pagkamulat ng kanyang mata, tumambad
sakanya ang napaka inosente nitong mukha, na mahimbing na natutulog sa braso
niya, at hindi niya rin alam kung bakit… Pero noong araw na yun, hindi niya napigilan
ang sarili niyang halikan ang mga labi nito.
Kaya bigla itong nagising at sa sobrang takot ay tinulak siya. Pero sa laki ng katawan
niya, hindi umubra ang lakas nito kaya bandang huli, hindi na ito nakapalag.
Hinding hindi niya makakalimutan ang araw na 'yun… Hinubaran niya ito at
nagpadala lang sa emosyon nang walang kahit anong technique na ginagamit.
Kagaya ni Song Xiangsi, yun din ang first time niya, kaya aminado siyang palpak ang
first sex nila… At bilang lalaki, sobrang nakakahiya yun para sakanya, pero hindi niya
akalain na sa loob ng nakakapagod na apat na oras ay magkakaroon siya ng isang
babaeng tatayo sa tabi niya sa hirap at ginhawa…
Habang inaalala ang nakaraan, napalunok nalang si Xu Jiamu. Siguro dahil sa
panghihiyang? Sa totoo lang, hindi niya rin talaga alam…. Pagkalipas ng ilang
sandali, na hindi niya na matantsa kung gaano na katagal, muli siyang nagsalita,
"Kumain ka na ba ng dinner?"
Medyo matagal rin bago sumagot si Song Xiangsi. "Oo, kumain na ako."
Sa pagkakataong ito, hindi na sumagot si Xu Jiamu at nakatulala nalang sa TV.
Kasama niya ba ang asawa niya magdinner? Eh siya nga hindi pa naglulunch eh…
Muling nabalot ng katahimikan ang buong kwarto, at hindi nagtagal, biglang pinatay
ni Xu Jiamu ang TV. Muli, tinignan niya lang si Song Xiangsi, na nakatayo pa rin sa
may pintuan, at walang imik na naglakad papunta sa kwarto.
Wala pang isang minuto nang marinig ni Song Xiangsi ang tunog ng shower galing sa
loob ng CR.
Sobrang mabilisan lang ang ligo ni Xu Jiamu at lumabas din ito kagaad ng nakabalot
ng ng bath robe. Sa ikatlong beses, tinignan lang siya nito at tinuro ang kwarto.
Bagamat walang kahit anong salita, sapat na ang walong taon nilang pagsasama
para maintindihan niya kung anong gusto nitong mangyari, kaya napahinga nalang
siya ng malalaim at dumiretso sa CR.
Sa labas, hinintay muna ni Xu Jiamu na marinig niyang magbukas ang shower bago
siya naglakad papunta sa sala. Kagaya ng nakasanayan, nagsindi siya ng isang stick,
at saktong sakto, nang maubos niya ito huminto na rin ang tunog ng shower, kaya
kalmado niyang inilapag ang natirang upos sa ash tray at naglakad pabalik sa kwarto.