Isa-isang binalikan ni Lu Jinnian ang mga sinabi niya hanggang sa masigurado niyang wala ng kulang pero noong ibababa niya na sana ang tawag, muli niya naamang inulit sakanyang assistant ang mga sinabi niya sa takot na baka may makaligtaan.
Pagkaulit ni Lu Jinnian na mag'book ng mga ticket na pang alas tres ng hapon, sumagot ang assistant, "Mr. Lu, nakuha ko. Mga ticket na pang alas tres. No smoking. Maghanda ng kumot at unan dahil natatakot ka para kay Miss Qiao na…"
Hindi na hinintay ni Lu Jinnian na matapos ng assistant ang sinasabi nito at walang alinlangan niyang binabaan ito.
-
Nalalapit na talaga ang pagtatapos ng pagfifilm ng 'Alluring Times' kaya araw-araw, may mga artistang pumupunta sa set para ifilm ang kanilang mga huling eksena at nagpapaalam dahil yun na rin ang huling nila.
Sa bawat lumilipas na araw, pakonti na ng pakonti ang mga pumupunta sa villa na dating magulo dahil sa napakaraming tao hanggang sa tuluyan na nga itong nabakante. Maging ang hotel restaurant na dating puno ay naging kalahati nalang ngayon.
Pinanindigan ni Qiao Anhao ang pagpapanggap na hindi niya alam na nabuntis at nakunan siya ng anak. Walang makikitang kahit anong kakaiba sakanya dahil nagagampanan niya pa rin ng maayos ang kanyang trabaho at sa tuwing naghihintay siya ng eksena, umuupo lang siya sa gilid para manuod sa nagshushoot. Marami ring pagkakataon na nakikipagusap at nakikipagtawanan siya sa ibang mga artista at staff members.
Maya't-maya niya ring tinitignan si Lu Jinnian at sa tuwing nagtatagpo sila ng direksyon ng kanilang mga mata, masaya niyang ngumingiti ito pero kapag naibaling na nila ang kanilang mga tingin sa iba, yumuyuko siya para itago ang sakit at lungkot na bumabalot sakanyang puso.
Walang makikitang kahit anong kakaiba sakanya tuwing umaga pero kapag sumapit a ang gabi, madalas siyang nahihirapang makatulog at sa oras na palarin siya, napakarami niyang napapanaginipan. Madalas niyang makita sakayang panaginip ang isang cute, maputi at matabang bata na nakatingin sakanya at tinatawag siyang mama. Pero, sa tuwing susubukan niyang hawakan ang bata, nawawala nalang ito bigla kaya agad siyang nagigising at hinihimas ang kanyang tiyan nang hindi namamalayan na tuloy-tuloy nananaman ang pag'agos ng kanyang luha.
-
Pagsapit ng Biyernes, napakalinis ng simoy ng hangin sa Beijing dahil maaliwas ang kalangitan at walang smog.
Bago mananghalian, umuwi muna si Qiao Anhao sa Mian Xiu Garden mula sa set. Kumain lang siya ng sandali, naligo at hinalughog ang kanyang aparador para maghanap ng damit na maisusuot hanggang sa mapili niya ang isang kulay puti na bistida na may lace sa ilalim. Mukha itong malinis at pandalaga.
Tuwing tagsibol, pinapakulot talaga ni Qiao Anhao ang kanyang buhok at kahit medyo mas humaba pa ang buhok ngayon, maganda pa rin naman ang pagkakakulot niya. Pero ito ang gusto niyang ayos para sa araw na 'to kaya nagpatulog siya kay Madam Chen na iunat ang kanyang buhok. At ang pinaka huli niyang ginawa ay humarap siya sa salamin para maglagay ng natural at hindi masyadong halatang makeup sa kanyang mukha.
Kakauwi lang ni Lu Jinnian mula sa Huan Ying Entertainment at naghintay nalang siya para kay Qiao Anhao sa living room. Uminom muna siya ng tubig pero noong sandaling lulunukin niya na ito, bigla siyang napahinto dahil nakita niya si Qiao Anhao na pababa ng hagdanan.
Para siyang biglang bumalik sa nakaraan, parehong-pareho ito sa nakita niyang Qiao Anhao noong kabataan nila na diretso ang buhok at nakasuot ng kulay puting bistida.
Lumapit ito sakanya at ngumiti, "Alis na ba tayo?"
Hindi maalis ni Lu Jinnian ang kayang tingin sa ngiti ni Qiao Anhao. Hindi niya maintindihan kung anong nararamdaman niya pero hindi niya mapigilang titigan ito dahil pare-pareho ang nakikita niya ngayon sa itsura nito noong high school.
Matapos ang ilang sandali, dahan-dahan niyang ikinurap ang kanyang mga mata na may mahahabang pilikmata. Iniangat niya ang kanyang ulo at nilunok ang tubig na nasa kanyang bibig. Hindi nagtagal, inilapag na rin ng mahahaba niyang mga daliri ang basong hawak niya at mahinahong sinabi, "Tara."