webnovel

Paalam aking kabataan, Paalam aking mahal (1)

編輯: LiberReverieGroup

Pinilit ngumiti ni Qiao Anhao habang tumutungo sa mga bilin sakanya ng doktor. Nang masabi na doktor ang lahat ng dapat nitong sabihin, tumayo siya kaagad, kinuha ang resulta ng kanyang check up at nagpaalam.

Pagkalabas niya sa opisina ng doktor, may nakasalubong siyang isang babae na mukhang kausap ang asawa sa phone. Ibinabalita ng babae na dalawang buwan na itong buntis at base sa nakikita niya, halatang alagang-alaga ito dahil maririnig sa boses nito ang pagka'spoiled.

Sinilip ni Qiao Anhao ang tyan ng babae at nakita niya na hindi pa ito halata. Hindi niya napigilan ang kanyang sarili na himasin ang sarili niyang tiyan dahil naalala niya na dalawang buwan din siyang buntis noong nakunan siya at halos magkapareha lang sila ng tiyan ng babae na wala pang makikitang kahit anong senyales.

Teka lang…Kung wala siyang idea na buntis siya, paano naman malalaman ni Lu Jinnian ang tungkol dun?

Noong gabing iyon, naalala niya na natutulog lang siya sa Mian Xiu Garden at pag'gising niya kinabukasan ay nasa Mian Xiu Garden pa rin siya. Sampung oras lang ang pagitan at wala siyang kaalam-alam na nawalan na pala siya ng anak noong mga sandaling iyon…

Ang abortion papers na may pirma ni Lu Jinnian, ang bank transfer logs na ipinakita ng nurse, ang follow-up report na nasa wallet ni Lu Jinnian, at ngayon, ang resulta ng B-scan na nasa kanyang mga kamay… kung nagkataon lang ang una, malamang nagkataon lang din ang pangalawa, pano naman ang pangatlo at ang pangapat? Nagkataon lang ba ang lahat?

Malinaw na alam ni Lu Jinnian na buntis siya, pero lumalabas na nagpaabort siya. Noong sumunod na araw, sinabi sakanya ni Madam Chen na biglang dumating ang period niya…Siguradong plinano ito ni Lu Jinnian! Alam ng lahat ang katotohanan, bukod sakanya – ang ina!

Muli nanamang naiyak si Qiao Anhao kaya nagmadali siyang maglakad palabas ng hospital at dumiretso sa isang eskinita na wala masyadong nagpupuntang tao at doon na siya tuluyang sumabog na parang isang lobo. Sumalampak siya sa sahig at dahil hindi niya na talaga kayang pigilan ang kanyang sarili, umiyak nalang siya ng umiyak.

Simula kahapon ng umaga, noong nakita niya ang prima ni Lu Jinnian sa abortion papers hanggang ngayon na pumunta na siya sa ibang ospital para kumpirmahin kung nakunan nga ba talaga siya…Sa loob ng bente kwatro oras na nakalipas, sinusubukan niyang pigilan ang kanyang emosyon pero ngayon, hindi niya na talaga kinaya at kinailangan niya na itong ilabas.

Punong puno siya ng hinanakit. Nagagalit siya kay Lu Jinnian dahil napaka walang puso nito at nagagalit din siya sa kanyang sarili dahil hindi niya kaagad nalaman na buntis pala siya…Pero kung nalaman niya kaya agad, gugustuhin pa kayang ipalaglag ni Lu Jinnian ang bata?

Kakatawag lang din ni Aunt Xu at sinabi na… tinawagan daw ito ni Lu Jinnian para tanungin kung kailan ang pinakamabilis na pwedeng makalabas si Xu Jiamu…pinakamabilis…

Paano niya nga ba makakalimutan? Kasunduan lang ang namamagitan sakanilang dalawa ni Lu Jinnian at hindi naman talaga sila tunay na magasawa…Noong una, pareho silang nagkasundo na hindi nila iistorbohin ang isa't-isa, pero dahil naka'buo sila ng isang buhay sakanyang sinapupunan, siguradong iisipin ng lahat na kay Xu Jiamu ang bata na maaring maging dahilan ng malaking problema.

Normal lang na inisip ni Lu Jinnian na dapat mawala ang bata…Masyado lang siguro siyang nadala at nakalimutan niya na peke lang ang lahat. Dahil nagising na ngayon si Xu Jiamu, oras na rin para maghiwalay sila. Siguro ayaw na talaga nitong magkaroon ng anumang koneksyon sakanya kaya bakit nito hahayaang maisilang niya ang anak nito?

Hindi na namalayan ni Qiao Anhao kung gaano na siya katagal na umiiyak, pero wala ng tumutulong luha mula sakanyang mga mata. Pinilit niyang kumalma at dahan-dahang tumayo mula sakanyang pagkakasalampak sa sahig. Pinagmasdan niya ang paligid at doon niya lang napagtanto na sa morge pala siya nagpunta. Kaya naman pala wala talagang dumadaan na tao.