webnovel

Mahal kita, Mahal kita (14)

編輯: LiberReverieGroup

Noong narealize ni Lu Jinnian na mukhang walang balak magreact si Qiao Anhao, muli siyang nagsalita sa pangatlong beses. "Hindi mo ba titignan ang regalo mo?"

Biglang nahimasmasan si Qiao Anhao matapos niyang marinig ang tanong ni Lu Jinnian. Kinuha niya ang paper bag at agad niya itong pinunit para makita ang laman. Isang magandang box ang nakita niya sa loob. Tumingin siya kay Lu Jinnian at nahihiyang nagtanong, "Ano 'to?"

"May naalala akong nagsabi sa akin na ang mga regalo raw ay dapat binubuksan nang hindi alam ang laman."

Noong birthday ni Lu Jinnian, ganito rin ang sinabi ni Qiao Anhao matapos niyang ibigay ang kanyang regalo para rito.

Ginaya lang ni Lu Jinnian ang sinabi ni Qiao Anhao…Ngumuso si Qiao Anhao habang ang kanyang maninipis na mga daliri naman ay binuksan ang pambalot ng magandang box. 

Nakita ni Lu Jinnian ang pagkasabik sa itsura ni Qiao Anhao. Napuno siya ng lambing at sa pagkakataong iyon, hindi na niya napigilan pang abutin at himasin ang buhok nito.

Maingat na binuksan ni Qiao Anhao ang regalo, at bandang huli, isang pulang box ang lumabas.

Biglang kinabahan si Lu Jinnian dahil naalala niya ang regalong pinaghandaan niya na itinapon lang sa basurahan matagal na panahon na ang nakakalipas.

Unti-unti iyang ikinuyom ang kanyang mga kamay.

Pagkabukas ni Qiao Anhao ng box, isang magandang porcelain doll ang nakita niyang nakahiga sa loob.

Nito lang, sinadya ng designer ng Huan Ying Entertainment na gawing cartoon ang portrait ni Qiao Anaho at ang porcelain doll ay ang cartoon version niya.

Hindi inexpect ni Qiao Anhao na gagawin ni Lu Jinnian na isang magandang porcelain doll ang kanyang cartoon version; sobrang ganda talaga nito. Napuno ang kanyang mga mata ng labis na kaligayahan. Tumingin siya kay Lu Jinnian at masayang sinabi, "Thank you."

Unti-unting kumalma si Lu Jinnian matapos niyang makita ang kaligayahan sa itsura ni Qiao Anhao pero gusto niya pa ring makasiguro kaya tinanong niya ito, "Do you like it?"

"I like it!" Walang pagdadalawang isip na sagot ni Qiao Anhao. Kahit ano namang galing kay Lu Jinnian, siguradong magugustuhan niya.

Tuluyan ng kumalma si Lu Jinnian noong nakita niya sa mga mata ni Qiao Anhao na totoo ang sinasabi nito.

Sa limang taon na magkahiwalay sila, lagi siyang nagseset ng alam para paalalahanan ang kanyang sarili tuwing birthday nito.

Sa tuwing sumasapit ang birthday ni Qiao Anhao, laging naghahanda si Lu Jinnian ng regalo para rito. Habang mas yumayaman siya, mas nagiging maganda rin ang kanyang mga regalo, pero kahit kailan hindi niya naibigay ang mga ito. Kung sakali man kasing ibigay niya ang mga ito, kakailanganin niya pa rin ng ibang tao para lang ma'ideliver kay Qiao Anhao. Isa pa, natatakot din talaga siya na baka bandang huli itapon nanaman nito ang kanyang mga regalo sa basurahan, kagaya noong nangyari limang taon na ang nakakalipas matapos niyang padalhan ito. 

Ngayong gabi, muli siyang pinaalalahanan ng kanyang phone kaya napagdesisyunan niyang bigyan ito ng regalo bilang kapalit sa ibinigay nitong regalo sakanya.

Kahit na hindi niya alam kung nagaalala ba talaga ito sakanya.

Sarado na ang mga malls dahil malalim na ang gabi kaya mahirap ng magisip ng magandang regalo. Dahil dito, sobrang namroblema siya hanggang sa naalala niya ang narinig niyang gumagawa ng mga porcelain dolls sa Nan Luo Gu Gang. Ang mga manika na ginagawa dito ay kakaiba at sobrang ganda, kaya agad niyang sinabihan ang kanyang assistant na dumiretso sila doon.

Hindi pinasunod ni Lu Jinnian ang kanyang assistant dahil ang manika na gusto niyang ibigay kay Qiao Anhao ay kakaiba kumpara sa mga pangkaraniwang dolls.

Ang porcelain doll ay may lalagyanan sa loob. May inihulog siyang isang sulat na naglalaman ng lahat ng gusto niyang sabihin kay Qiao Anhao; lahat ng pagkukulang niya at kung bakit hindi niya nasabi ang mga ito.

Si Qiao Anhao ang pinakamamahal niya ngunit hindi niya maaring ibigin, at ito lang ang natataninging paraan para masabi niya ang kanyang tunay na nararamdaman.