webnovel

Lihim na karamay (7)

編輯: LiberReverieGroup

Gulat na gulat si Qiao Anhao at biglang natigilan sa kanyang kinatatayuan.

Noong nakita ni Lu Jinnian ang nagbukas ng pintuan, biglang nanlaki ang kanyang mga mata ngunit nang mahimasmasan na siya, tinigan niya ng diretso si Qiao Anhao. Masyadong malagkit ang kanyang pagkakatitig kaya medyo nakakailang.

Kalahating buwan palang silang hindi nagkikita pero para kay Qiao Anhao ay parang isang siglo na ang nakalipas. Hindi maitatanggi na napaka gwapo pa rin nito pero kung ikukumpara noon, di hamak na mas naging mukha itong suplado ngayon. Halatang halata sa sa pagitan ng mga kilay nito ang pagkawala nitong awa at anumang emosyon.

"Bro, nandito ka na pala?"

Biglang nahimasmasan si Qiao Anhao nang marinig niya ang boses ni Xu Jiamu at napansin niya na nakatingin si Lu Jinnian sa kanyang dibdib. Nakasuot siya ng isang naka istrap na bistidang pantulog kaya kitang kita ang napaka ganda niyang collar bone.

Biglang uminit ang mukha ni Qiao Anhao. Yumuko siya at dali-daling binuksan ang pintuan, bago niya sabihin kay Xu Jiamu ng mahina, "Ikaw ng bahala sakanila, magpapalit lang ako sa taas."

Matapos niyang magsalita, nagmamadali siyang tumakbo paakyat.

Nakatayo lang si Lu Jinnian sa may pintuan at hindi siya gumalaw ng kahit kaunti hanggang sa tuluyan ng makaakyat si Qiao Anhao. Napatingin sya sa mga kahon ni Xu Jiamu at nakita niya na bukod sa mga gulay, prutas, at iba pang mga kasangkapan, may laman din itong ilang karton ng condom. Noong sandaling iyon, parang may biglang kumuryente sa kanyang buong katawan, at hindi niya ito maigalaw.

"Bro, bakit nakatayo ka lang jan? Tara at umupo ka!" Nang makita ni Xu Jiamu na nakatayo lang si Lu Jinnian sa may pintuan, hindi niya na napigilan ang kanyang sarili na tawagin ito.

Parang hindi narinig ni Lu Jinnian ang mga sinabi ni Xu Jiamu at nanatili siyang nakatitig sa mga makukulay na maliliit na karton.

Biglang kumunot ang mga kilay ni Xu Jiamu at muling tumawag, "Bro?"

Biglang nahimasmasan si Lu Jinnian at dahan-dahan niyang ikinuyom ang kanyang mga kamay pero pinilit niya pa ring magmukhang kalmado habang naglalakad papalit kay Xu Jiamu. Pagkadaan niya sa living room, marami siyang nakitang mga pamilyar na itsura kaya kahit wala siya sa kanyang sarili ay tinuguan niya pa rin ang bawat bumabati sakanya hanggang sa makahanap siya ng pwesto na mauupuan.

Masayag naguusap at nagtatawanan ang mga tao sa living room, samantalang si Lu Jinnian ay mag isang nakaupo sa isang gilid. Nakatulala lang siya sa direksyon ng bintana hanggang sa muling bumaba si Qiao Anhao na sa pagkakataong ito ay nakapagpalit na at tila hindi niya napigilan ang kanyang mga mata na pagmasdan ang buong katawan nito.

Hindi masyadong komportable si Qiao Anhao na makita si Lu Jinnian sa living room kaya matapos niyang makipagusap ng sandali kina Qiao Anxia at sa iba pang mga bisita, agad niyang pinuntahan si Xu Jiamu sa kusina para tignan kung may maari siyang maitutulong.

Dalawang beses siyang lumabas, may dala siyang takuri na may lamang tsaa noong una at isang plato ng prutas sa pangalawa.

Isa-isa niya ring nilagyan ng tsaa ang tasa ng bawat isa at nang sandaling inaabot niya na ang para kay Lu Jinnian, nagsalita ito sa kauna-unahang pagkakataon simula noong tumuntong ito sa bahay, "Salamat."

Yumuko si Qiao Anhao at hindi niya ito nagawang tignan. Iginalaw niya lang ng bahagya ang kanyang mga labi at naglakad pabalik sa kusina.

Kahit na itinuturing si Xu Jiamu bilang isang young master na may marangyang buhay, nagawa niya pa ring matutunan ang pagluluto ng iba't-ibang putahe noong nagaaral pa siya sa university.

Kahit na nasa kusina si Qiao Anhao, wala talaga siyang masyadong alam gawin kaya hindi siya masyadong makatulong pero ginawa niya pa rin ag lahat ng kanyang makakaya para magbalat ng bawang at maghugas ng mga pinggan habang si Xu Jiamu ay paulit-ulit na nagrereklamo sa pagharang niya sa dinadaanan nito.

Bandang huli, hindi na talaga natiis ni Xu Jiamu kaya agad niyang pinatay ang apoy at itinulak ang balikat ni Qiao Anhao papunta sa pintuan ng kusina pero nang itutulak niya na sana ito ng tuluyan para lumabas, sakto namang dumating si Lu Jinnian.