webnovel

Lihim na karamay (17)

編輯: LiberReverieGroup

Biglang nabalot ng katahimikan ang buong kwarto at ang lalaking nakaupo sa tabi ni Xu Jiamu ay dali-daling nagpaliwanag, "Young master Xu, nagkakamali ka. Si Miss Song ay business partner namin at hindi siya isa sa mga babae."

Nagmamadali ring nagpaliwanag ang manager, "Tama po, Young master Xu. Guest po namin si Miss Song."

Sa kabila ng lahat ng pagpapaliwanag ng mga taong nakapaligid kay Xu Jiamu, hindi pa rin siya nagpatinag at buo pa rin ang kanyang desisyon sa pagpili kay Song Xiangsi. Hindi nagtagal, bigla niyang kinausap ng malakas ang manager na halatang sinasadya niyang iparinig kay Song Xiangsi. "Name a price. Magkano ba ang kailangan para mayaya ko siyang kumain ng gabihan?"

Kung kanina ay naguguluhan pa si Song Xiangsi, pwes ngayon ay malinaw na sakanya ang gustong mangyari ni Xu Jiamu pero hindi nagbago ang kanyang reaksyon at nanaitili lang siyang kalmado habang nakatingin kay Xu Jiamu.

"Ermmm, isa yang…" Ayaw insultuhin ng manager sina Xu Jiamu at Song Xiangsi kaya hindi na ito nagpatuloy. Tinignan nito ang dalawang partido na may namomroblemang ngiti at sinabi, "Young master Xu, tignan niyo po ang mga magagandang babaeng dinala ko para sainyo. Mga bago po ang mga ito. Sino ang nagugustuhan mo sakanila? Pwede mo rin silang yayaing mag'gabihan."

"Limang libo para makasama ang babaeng ito maggabihan. Ano? Hindi pa rin ba sapat ang presyong ibinigay ko para sa babaeng ito? Hindi pinansin ni Xu Jiamu ang paliwang ng manager at muling tinignan si Song Xiangsi. Hindi nagtagal, muli nanaman siyang nagtanong, "Eh limang milyon?"

Sinadya ni Xu Jiamu na pagdiinan ang salitang "Limang Milyon." Bakas sa mga mata ni Song Xiangsi na tila gusto niya ng bumigay.

Ngumiti si Xu Jiamu at muling tinignan ang manager para kausapin ng malakas bilang pagpaparinig kay Song Xiangsi. "Hindi ka pa rin ba papayag sa limang milyon? Eh kung limampung milyon? Limang daang milyon…" 

Magalang na nagpaliwanag ang manager, "Mr. Xu, hindi po ako ang makakapagdesisyon para diyan."

Pagkatapos magsalita ng manager, muli nitong tinignan si Song Xiangs na nakatayo lang sa isang gilid.

Mukhang walang balak si Xu Jiamu na bigyan ng pagkakataon si Song Xiangsi na makasagot dahil muli nanaman siyang nagsalita, "Maliban nalang kung hindi pera ang gusto mo, may iba ka bang gusto? Kung hindi mukha…"

Pero bago pa man din matapos si Xu Jiamu sa sinasabi nito, biglang ngumiti si Song Xiangsi at sinabi, "Gabihan lang naman diba? Sasama ako."

Sa entertainment circle, kahit kailan ay wala pang hinayaang lalaki si Song Xiangsi na mayaya siyang kumain gaano man kalaki ang presyong itinatapat sakanya. Ngayong gabi, malinaw na napilitan lang siyang dumalo dahil kailangan niyang kausapin ang kaniyang mga business partners, kaya nang sandaling pumayag siya, gulat na gulat ang lahat ng tao nasa loob ng kwarto.

Hindi sanay si Song Xiangsi na dumedepende sa iba at ginagawa niya ang halos lahat ng bagay ng magisa kaya wala siyang balak na magpaliwang sa kabila ng pagtataka ng lahat. Hindi nagtagal. kalmado siyang naglakad palabas ng kwarto para hintayin si Xu Jiamu.

Agad ding tumayo si Xu Jiamu at sinabi sa manager, "Icharge mo na sa pangalan ko ang bill." Wala na siyang balak na magsayang pa ng oras kaya nagpaalam na siya sa lahat at naglakad papalabas nang hindi man lang sumisilip kay Song Xiangsi na kasalukuyang naghihintay sakanya.

Wala ni isa sakanila ang gustong magsalita habang naglalakad papunta sa parking. Binuksan ni Xu Jiamu ang pintuan ng driver's seat, at sinilip lang si Song Xiagsi ng sandali bago siya pumasok sa loob. Hinintay niya lang itong makasakay at walang alinlangan niyang inapakan ang accelerator at pinaharurot ang kanyang sasakyan.

Sobrang tahimik sa loob ng sasakyan. Mula kanina, hindi pa tinitignan ng diretso ni Xu Jiamu si Song Xiangsi. Noong malapit na sila sa kalye ng Gui, biglang nasalita si Song Xiangsi para magtanong, "Young master Xu, saan po tayo mag'gagabihan?"

Hindi sumagot si Xu Jiamu, bagkus, lalo pang nanlisik ang kayang mga mata at mas binilisan pa ang kanyang pagmamaneho.

Bandang huli, lumiko si Xu Jiamu sa isang mamahaling apartment sa siyudad kaya bigla nalang namutla si Song Xiangsi.