webnovel

Labintatlong taon kitang minahal (38)

編輯: LiberReverieGroup

Noong nawala na ang boses ni Zhao Meng, biglang nabalot ng katahimikan ang buong paligid.

Habang tahimik na nakaupo sa sofa, maya't mayang sinisilip ni Qiao Anhao ang screen ng kanyang Ipad. Isa sa mga nabasa niya mula sa mga netizens ay kung gaano kasuplado at kailag si Lu Jinnian sa mga tao. Sa totoo lang, wala naman talaga masyadong masasabing negatibo rito dahil ang puntirya ng karamihan ay ang mga scandal ng nanay nito. 

Maraming litrato mula sa mga lumang dyaryo ang nagsilabasan kung saan umiinom ito sa isang nigh club kasama ang maraming lalaki. Mayroon din itong… ilang porno. Sa mga oras na ito, hindi na mabilang ang mga taong nagsheshare ng mga ito. Lalo pang uminit ang balita noong nagumpisa ng gumawa ang mga tao ng meme ng ilan sa mga exaggerated expressions nito.

May iba pang nacocomment na hindi niya na halos masikmurang basahin. Kahit matatag ang fanbase ni Lu Jinnian na laging positibo kagaya ng no matter what male idols do, they'll always be our male idols" at "we support you", di hamak na mas mahina pa rin ito kumpara sa mga gustong manira. 

Alam niya na anak sa labas ng mga Xu si Lu Jinnian, pero wala siyang ideya sa mailim na nakaraan ng nanay nito.

Naalala ni Qiao Anhao noong araw na bumisita siya kay Han Ruchu. Hindi niya makakalimutan ang masasakit na sinabi nito patungkol sa nanay ni Lu Jinnian. Ano kayang nararamdaman ni Lu Jinnian ngayon na naparaming tao ang nangungutsa dito?

Habang iniisp ni Qiao Anhao ang mga bagay, parang gusto niya nalang na magtago sa isang lugar na walang sinuman ang nakakaalam at akuin nalang lahat ng sakit na nararamdaman ni Lu Jinnian. Sobra sobra ang sakit na nararamdaman niya na para bang paulit ulit siyang sinasaksak ng kutsilyo. Hindi niya mapigilan ang kanyang sarili kaya muli niyang kinuha ang telepono para muling tawagan si Lu Jinnian, pero hanggang ngayon ay hindi niya pa rin ito makontak. 

Naalala niya na sinave niya nga pala ang mga contacts niya sa isang software kaya dali dali niya itong dinownload sakanyang iPad para makuha niya ang number ng assistant ni Lu Jinnian. Sinubukan niya itong tawagan, pero sa kasamaang palad, nakapatay ang phone nito. Minsan na rin siyang tumira sa Mian Xiu Garden kaya mayroon siyang number nito, pero noong subukan niya itong tawagan, wala ring sumagot sakanya. 

May gusto pa sanang tawagan si Qiao Anhao pero noong silipin niya ang oras sa kanyang iPad, napansion niya na pasado alas tres na ng umaga. Sa ganito kalalim na gabi, siguradong tulog na kahit sino pa ang tawagan niya.

Padabog niyang inilapag ang telepono, at dahil kagagaling niya lang sa ospital, hindi pa ganun kayos ang pakiramdam niya, pero hindi rin naman siya inaantok. Maya't-maya niyang nirerefresh ang kanyang weibo at habang tumatatagal siyang nakatingin rito, ay lalo lang siyang nasasaktan. Para sakanya, mas masakit pa ito kaysa sa naramdaman niya noong naharass siya.

Bandang huli, hindi niya na talaga kinaya ang sakit kaya inihagis niya sa isang gilid ang kanyang iPad. Sobrang gulo ng kanyang isipan kaya paulit ulit niyansinipa ang hangin hanggang sa malaglag na sa kama ang kanyang iPad. Niyakap niya ang unan na na sa tabi niya, at hindi nagtagal ay umupo siya sa kama habang nakatulala.

Naiiyak siya sa hindi niya malaman na dahilan, kaya tumingala siya at huminga ng malalim. Habang kinalakma niya ang kanyang sarili, bigla niyang naalala ang porcelain doll na ibinigay sakanya ni Lu Jinnian noong huli niyang birthday.

Agad niyang ibinato ang unan at dali daling bumangon sa kama pata maglakad sa shelf kung nasaan ang doll. Nakakagt labi pa siya habang pinipilit itong abutin. Lalo pa siyang nasaktan nang makita niya ang magandang ngiti ng maliit na kulay puting doll. Hindi niya maintindihan kung bakit hinang hina ang kanyang katawan, pero hindi niya talaga ito maabot. Ginawa niya ang lahat para makuha ito hanggang sa aksidenteng dumulas ang porcelain doll sakanyang mga kamay.