webnovel

Labintatlong taon kitang minahal (19)

編輯: LiberReverieGroup

Pagkatapos niyang maligo, pinulupot niya ang twalya sakanyang bewang. Hindi nagtagal, lumapit ang kanyang assistant na dala ang mga damit niya. "Mr. Lu, ito na ang mga damit na inutos mong bilhin ko para sa dinner niyo mamayang gabi."

Binigyang diin ng assistant ang mga salitang "ngayong gabi" at "dinner". Noong mga oras na 'yun, makikita sa mga mata ni Lu Jinnian ang labis na pagkabahala. 

Pinaalala na ng assistant noon na malaki ang posibilidad na magalit si Qiao Anhao kapag nalaman nitong inagaw niya ang Xu Enterprise at noong mga oras na 'yun, sinigurado niya na siya na ang bahala….Pero sa mga nangyari ngayon, hindi niya na alam kung anong gagawin niya…

Bago niya kunin ang kanyang damit, kinuha niya muna ang kanyang phone na nakapatong sa upuan. Pagkatapos niyang hanapin ang number ni Qioa Anhao, gusto niya sanang tawagan ito pero bandang huli ay napagdesisyunan niyang itext nalang ito. [I'm sorry.]

I'm sorry kung nagalit ako. I'm sorry dahil ang bilis kong mawalan ng pasensya. 

Dahil lang sa isang simpleng text, biglang nabuhayan ang nanlulumong kalooban ni Lu Jinnian hanggang sa tuluyan na siyang mahimasmasan. Sa loob ng mjaraming taon, napanatili niyang kalmado ang kanyang sarili sa lahat ng pagkakataon pero kapag si Qiao Anhao na ang pinaguusapan, hindi niya mapigilang maging emosyunal at sensitibo.

Napahawak siya ng mahigpit sakanyang phone at matapos ang ilang sandali, muli nanaman siyang nagtext kay Qiao Anhao. [Qiao Qiao, pagusapan natin ito ng mahinahon mamaya sa dinner natin.]

Nakatitig lang si Lu Jinnian screen ng kanyang phone at nang masiguro niyang nagsend na ang text niya, muli niya itong inilapag sa lamesa at tumayo. Pero noong papasok na siya sa changing room, bigla niyang naalala na hindi niya pa pala nasasabi kay Qiao Anhao kung saan sila magkikita kaya muli niyang kinuha ang kanyang phone para itext ito ulit. [Sa Li Jing Xuan, hihintayin kita.]

Matapos niyang isend ang anim na salita, huminga siya ng malalim para palakasin ang kanyang loob bago siya pumasok sa changing room.

-

Habang nasa elevator, nakausap ni Qiao Anhao si Qiao Anxia at nalaman niya na na'bed-ridden si Han Ruchu sa sobrang gulat. 

Kahit na hindi kadugo ni Qiao Anhao ang mga Xu, hindi niya mababago na malapit talaga sa isa't-isa ang dalawang pamilya. Isa pa, simula pagkabata niya ay naging mabuti na ang trato sakanya ni Han Ruchu kaya ngayon na may sakit ito, sa tingin niya ay dapat lang na bisitahin niya ito. Pagkarating niya sa mansyon ng mga Xu, hindi siya mapakali at muli siyang binagabag ng kanyang konsensya na kagaya ng naramdaman niya noong nasa labas siya ng opisina ni Lu Jinnian.

Malinaw na si Lu Jinnian ang may kagagawan ng lahat, pero dahil sa kakaiba nilang relasyon, tinatarato niya na ang kanyang sarili bilang… Ngayon na gumawa ito ng napakalaking gulo, pakiramdam niya ay parte rin siya ng kasalanan nito. 

Matagal siyang nakatayo sa labas ng mansyon ng mga Xu at ilang beses siyang huminga ng malalim bago siya magkaroon ng lakas ng loob na pindutin ang doorbell. 

Isa sa mga katulong ng pamilya ang sumalubong sakanya. Halatang hinihintay siya dahil may nakahanda ng tsinelas para sakanya. Itinuro ng katulong ang taas at sinabi, "Nasa taas si Mrs. Han."

Tumungo si Qiao Anhao at umakyat sa taas na dala ang isang bag ng mga tonoc na binili niya para kay Han Ruchu.

Bahagyang nakabukas ang pintuan. Pagkapasok niya, nakita niya ang mayordoma ng pamilya na may dalang isang tray na puno ng tonic. Palagay niya may nauna ng bumisita sakanya. 

Kasalukuyang nakahiga sa kama ang namumutlang si Han Ruchu. Mukha talaga itong natrauma sa mga nangyari kaya kahit isang araw palang ang nakakalipas ay halata talang nagmukha itong tumanda. Nasa tabi naman nito ang anak nitong si Xu Jiamu na minamasahe ang ulo nito.