Nagrekomenda ang counter staff ng iba't-ibang klase ng gamot, may Chinese medicine at mayroon ding Western medicine. Binasa ni Lu Jinnian ang explanation manual ng bawat gamot pero mas nakumbinsi siya ng Chinese medicine dahil may kasangkapan itong pumuprotekta sa bituka.
Pagkabalik nila ng mountain villa, nasa kalagitnaan pa rin ng pagfifilm si Qiao Anhao kaya inutusan ni Lu Jinnian ang kanyang assistant na itigil ang sasakyan sa entrance ng hotel.
Matapos ang halos kalahating oras, may sasakyan na biglang dumating.
Nakadungaw lang si Lu Jinnian sa bintana ng kanyang sasakyan hanggang sa nakita niyang paparating ang sasakyan ni Qiao Anhao. Agad niyang binuksan ang pintuan at lumabas.
Sa tagal niyang kasama si Lu Jinnian, kabisado na ng assistant kung anong iniisip nito. Alam niyang naghihintay ito para kay Qiao Anhao kaya noong sandaling bumaba ito ng sasakyan ay hindi na siya nagalinlangan pa at nagmamadali siyang sumunod.
Sa kabilang gilid na pumarada si Zhao Meng dahil naunahan na sila sa mismong labas ng hotel entrance. Sabay silang bumaba ni Qiao Anhao at naglakad papasok ng hotel.
Pero bago pa man din sila makarating sa pimtuan ay bigla silang tinawag ng assistant ni Lu Jinnian, "Miss Qiao."
Huminto naman kaagad sina Qiao Anhao at Zhao Meng para lingunin ang tumawag sakanila. Nakita nila sina Lu Jinnian at ang assistant nito na nasa ilalim ng punong hindi naman ganun kalayo sa kinatatayuan nila. Hindi masyadong maaninang ang mga ito dahil medyo madilim ang ilaw.
Tumingin si Zhao Meng kay Qiao Anhao. "Hinahanap ka ni Mr. Lu."
Itinikom ni Qiao Anhao ang kanyang mga labi at nanatili sa lang siya sa kanyang kinatatayuan na para bang hindi niya narinig si Zhao Meng.
Tumingin muna ang assistant kay Lu Jinnian bago niya muling tinawag si Qiao Anhao. "Miss Qiao, dito!"
Nagtanong si Zhao Meng, "Qiao Qiao, bakit ka nakatulala?"
Yumuko lang si Qiao Anhao at wala siyang balak na puntahan ang mga ito.
Medyo nagumpisa ng magaalala ang assistant kaya naisip niyang muling tawagin si Qiao Anhao. Pero bago pan din siya makapagsalita, ay naunahan na siya ng katabi niyang si Lu Jinnian na maglakad papunta kay Qiao Anhao.
Dahil sa takot, nanlaki ang mga mata ng assistant at maging ang kanyang katawan ay bigla ring nanigas. Pero hindi nagtagal ay nahimasmasan din siya kaagad kaya dali-dali siyang sumunod kay Lu Jinnian.
Halos limampung metro nalang ang layo ni Lu Jinnian kay Qiao Anhao noong bigla siyang huminto. Sa ilalim ng hindi masyadong maliwanag na ilaw ng poste, yumuko si Lu Jinnian para tignan si Qiao Anhao.
Umihip ang malamig na simoy ng hangin kaya lumipad ang mahabang buhok ni Qiao Anhao.
Matagal na nakatingin si Lu Jinnian kay Qiao Anhao hanggang sa unti-unting nabalot ang kanyang mga mata ng disappointment nang mapansin niya na mukhang wala naman itong balak na na magsalita kaya ibinigay niya nalang dito ang isang plastic na may lamang gamot. "Para sayo."
Transparent ang plastic bag kaya kitang kita ni Qiao Anhao ang laman nito na isang kahon ng gamot para sa sakit ng tyan .
Medyo nanginig ang kanyag mga daliri at unti-unting nabalot ng kalungkutan ang puso niya.
Dati, sobra sobra ang pasasalamat niya kay Lu Jinnian kapag binibigyan siya nito ng gamot tuwing masama ang pakiramdam niya, pero matapos ang nangyari kagabi…Laging ganyan si Lu Jinnian, parang hindi talaga nito sineseryoso ang nararamdaman niya, kaya nahihirapan siyang intindihin kung ano ba talagang pakay nito sakanya.
Lagi niyang iniisip noon na baka mayroon pa silang pag-asa sa tuwing nagkakaroon ng magandang pagbabago sa kanilang relasyon. Pero pagkatapos ng nangyari kagabi, kung saan trinato siya nito ng sobrang bayolente habang nasa loob sila ng sasakyan, parang bigla nalang siyang nagising sa realidad.
Kung nanatili nalang sana itong cold sakanya, malamang malungkot pa rin siya hanggang ngayon, pero hindi disappointed.
Ang pag-asang nabuo ay kayang kayang sirain ng disappointment.
Natatakot siya na pagkatapos siyang tratuhin ni Lu Jinnian ng mabuti ay muli nanaman siyang sasaktan nito.
Dahan-dahang gumalaw ang mga daliri ni Qiao Anhao at napakapit siya ng mahigpit sa kanyang pala, wala pa rin siyang balak na kunin ang gamot.