Noong nakita ng assistant na nakatulala pa rin si Lu Jinnian kay Qiao Anhao
habang naghihiyawan na ang lahat, hindi niya na napigilan ang sarili niya na
sikuhin ito, "Mr. Lu, ano? Bakit hindi ka pumapalakpak kay Miss Qiao? Hindi
ka ba nagalingan sakanya?"
'Baliw…' Tinignan ni Lu Jinnian ang kanyang assistant na para bang diring-diri
siya rito, at muli muling tumingin kay Qiao Anhao, pero sa pagkakataong ito,
kasabay ng lahat, ay pumalakpak na din siya.
'Hehe… kung hindi ko pa pinaalala sayo, papalakpak ka ba?' Muling humarap
ang assistant sa stage at kinaway ang hawak niyang glow sticks. "Qiao Anhao,
ako ang number one fan mo!!!"
Habang nagkakagulo ang lahat, umakyat ang host sa entablado at naglakad
papunta sa tabi ni Qiao Anhao. "Grabe naman yun! Sino kaya rito ang hindi
natouch sa kwento ni Miss Qiao? Ngayon, tanungin naman natin ang mga
hurado kung ilan ang nakuha niyang score."
Sinenyasan ng host ang mga hurado.
Mula kaliwa, isa-isang nagsalita ang mga hurado.
"Sobrang natouch ako sa kwento mo, dalang-dala kaming lahat kung paano
mo bitawan ang bawat salita. Kung performance mo lang ang pagbabasehan,
sobrang galing kaya binibigyan kita ng one hundred."
"Para sa kwento mo, one hundred."
"Pagkatapos kong marinig ang kwento mo, parang yan na ata ang pinaka
nakakakilig na love story na narinig ko. Sana maging masaya kayo. One
hundred."
At ang huling magsasalita ay walang iba kundi ang special guest na si Song
Xiangsi. Masaya siyang tumingin sa kaibigan at walang kinikilingang sinabi,
"Para sakin, ikaw ang pinaka umangat sa lahat at pinaka deserving na
pumunta sa Hollywood."
"Grabe! ONE HUNDRED?! Mukhang nakuha ang puso ng mga hurado
ngayong gabi, Miss Qiao Anhao. Ngayon naman tignan natin ang mga score
na galing sa ating mga audience." Biglang nanahimik habang nagbibigay ng
score ang mga manunuod.
Sa ngayon, si Qiao Anhao ay pang'apat."
"Pangatlo"
"Oh, teka, pangalawa."
"Pero pataas pa rin ng pataas ang mga boto."
"Ifinalize na po natin ang mga ating mga boto dahil magcocountdown na tayo."
"Ten, nine, eight, seven, six, five, four, three, two, one!"
Pagkasigaw ng host ng 'one', saktong nalampasan ni Qiao Anhao ang score
ng nasa first place at hindi siya makapaniwala sa sobrang taas ng nakuha
nitong overall score.
"Congratulations, Miss Qiao Anhao! Ikaw ang nakakuha ng female lead role
sa ating Hollywood casting competition. At susunod naman ay ang live signing
ceremony. Sabay-sabay nating iwelcome ang direktor ng pelikula, na galing
pang America, at ang ating master of ceremonies."
Habang tumutugtog ang backgroung music, masayang tumingin ang assistant
kay Lu Jinnian at sinabi, "Mr. Lu, Congratulations. Si Miss Qiao Ang nanalo."
"Salamat."Pagkatapos ng ginawa ni Qiao Anhao, sobrang sayta ni Lu Jinnian
kaya sa kauna-unahang pagkakataon, sumagot siya sa kanyang assistant na
walang ibang ginawa kundi magpapansin sakanya buong gabi.
"Mr. Lu, nanalo si Miss Qiao, di mo ba kami ililibre?"
'Bakit ikaw ba ang nanalo? Kung ililibre ako si Qiao Anhao lang yun…' at
walang pagdadalawang isip na sumagot si Lu Jinnian. "Wala akong plano."
"Edi kay Miss Qiao nalang ako magpapalibre. Siguro naman akong papayag
siya." Biglang tumalikod ang assistant at sinabi sa kanyang loob-loob,
'Damot!'
Tinignan lang ni Lu Jinnian ang kanyang assistant at hindi nagtagal, may bigla
siyang naalala, "Shen Mingzhe, kung tama ang naalala ko, nabanggit ni Qiao
Qiao na nagsend ako ng email sa isa kong kaibigan. Ikaw ba yung tinutukoy
niya? Diba sinabi ko naman sayo na wag mong sasabihin sakanya?"
'Nako! Sobrang nadala ako sa kwento ni Miss Qiao at sa pagpapalibre…
nakalimutan kong pinagtaksilan ko nga pala si Mr. Lu!'