Kinaumagahan, ginising si Lu Jinnian ng isang tawag. Mataas na ang araw na
noong sandaling imulat niya ang kanyang mga mata.
Matagal na noong huling beses siyang nagising ng tanghali kaya medyo
kumunot ang kanyang noo noong nakita niyang mataas na ang araw.
Pagkakuha niya ng kanyang phone para silipin kung sino ang tumatawag, doon
niya lang din napansin na alas onse na pala ng umaga. Malinaw na
naalimpungatan siya kaya halos kalahating minuto pa ang lumipas na nakatitig
lang siya sa screen ng kanyang phone bago niya sagutin ang tawag.
Tawag mula sa America – magkakaroon sila ng isang emergency meeting na
kailangang kailangan ang presensya niya at hindi na siya pwedeng tumanggi
dahil may nagbook na ng ticket para sakanya.
Pagkaputol ng tawag, muli niyang sinilip ang oras. Mayroon nalang siyang
natitirang tatlong oras bago ang kanyang flight, pero imbes na magmadaling
bumangon ay muli siyang pumikit at niyakap si Qiao Anhao.
Buong magdamag na itong natutulog sakanyang braso, pero wala manlang
siyang naramdaman na kahit kapiranggot na pagkangalay, sa halip, sobrang
komportable at panatag niya lalo na noong maamoy niya ang katawan nito na
puno pa rin ng mga bakas ng pagmamahalang ginawa nila kagabi.
Hindi siya makapaniwala na pagkalipas ng limang buwan ay magkakaroon ng
araw na makakatulog siya ng mahimbing hanggang sa mag'tanghali. Para
sakanya, isang masamang panaginip nalang ang ilang buwan na nilagi niya sa
America, kung saan wala siyang ibang ginawa kundi ang manigarilyo lang
buong magdamag.
Walang nakakaalam kung anong klaseng pagtitiis ang ginawa niya sa bawat
segundong lumipas noong lumayo at nagtago siya.
Mahal na mahal niya si Qiao Anhao at kahit sobrang nasaktan na siya nito,
hindi niya talaga kayang sumuko.
Pero aminado siyang nakaramdam din siya ng matinding galit dahil sa mga
ginawa nito sakanya.
Sa totoo lang, sinubukan niyang kalimutan si Qiao Anhao pero sa tuwing
sasapit ang gabi, hindi niya mapigilan ang sarili niyang isipin ito buong
magdamag.
Para siyang pinaparusahan…
Kung pwede lang, wala talaga sana siyang balak na sabihin kahit kanino ang
tungkol sa mga madidilim niyang pinagdaanan.
Pero kung hindi dahil kay Lucy, malamang matagal na siyang namatay sa ibang
bansa.
Habang inaalala niya ang mga nangyari sa nakaraan, sinilip niya ang isang
bagay na mula noong sinuot niya ay hindi niya na muli pang tinanggal kahit
tuwing naliligo o nagswiswimming siya.
Paano niya ba makakalimutan ang mga nangyari noong gabing natanggap niya
ang text, na sobrang dumurog sakanyang pagkatao, habang matyaga siyang
naghihintay sa labas ng mansyon ng mga Qiao...Kabisdo niya pa rin ang baat
detalye pero hindi kagaya ng dati, hindi na siya nasasaktan sa tuwing naalala
ang mga ito, na para bang hindi ito nangyari sakanya.
Ibig sabihin... ganun talaga kalakas ang kapangyarihan ni Qiao Anhao
pagdating sakanya dahil kung kaya siya nitong itulak papuntang impyerno,
kayang kaya rin siya nitong buhayin muli.
Pero kahit gaano pa kadilim ang mga nangyari sa nakaraan, ang importante
naman ngayon ay mahal na rin siya nito, tama?
Ngayong nasuklian na ang labintatlong taon na wala siyang ibang ginawa kundi
magmahal at magsakripisyo, wala na siyang ibang mahihiling pa at sigurado
siyang magiging masaya na siya hanggang sa huli niyang hininga.
Sa wakas, pinagbigyan na rin siya ng langit.
Hindi mapigilan ni Lu Jinnian na mapangiti sa sobrang saya at kilig. Kung wala
lang sana siyang emergency meeting, wala siyang balak na iwanan si Qiao
Anhao... Pero bago siya maghanda, dahan-dahan niya munang hinaplos ang
magandang mukha na maihimbing na natutulog sakanyang tabi at maingat itong
hinalikan sa noo. Alam niyang sobrang napagod ito sa mga ginawa nila kagabi
kaya tahimik siyang naglakad papunta sa CR para hindi ito maistorbo sa
kagustan niyang makabawi ng lakas. Pagkatapos niyang magbihis, kumuha
muna siya ng sticky note para magiwan ng ilang paalala sa salamin ng kanilang
CR, bago siya mabilisang nagempake at lumabas ng bahay.
'start niya na ang sasakyan at handa na sana siyang umalis nang may bigla
siyang naalala. Dali-dali niyang kinuha ang kanyang phone at nag-dial ng isang
number galing sakanyang Contacts. "Lucy, it's me... No, she's good... but could
I trouble you to come over with your husband… Yea, I'll send you the directions
in a moment. I have an emergency matter to tend to in America now… Yea,
thank you…
Pagkaputol ng tawag, muli niyang sinulyapan ang mansyon na nasa kanyang
harapan bago siya tuluyan na magmaneho palabas.
Kahit na alam niyang nananiwala naman si Qiao Anhao sa paliwanag niya,
gusto niya pa ring papuntahin si Lucy para makapagpaliwanag din ito.
Dahil kahit na natuwa siya noong nakita niya itong nagseselos, ayaw niya
namang hayaang na manatiling may lamat ang tiwala nito sakanya.