Walang sinabi si Qiao Anhao.
Tinanong din sa kanya ito ng tiya at tiyo niya at kahit maaga ng pumanaw ang magulang niya. Hindi nila kayang makita na mag-tiis siya sa hirap ng entertainment business. Kinumbinse niya ito na gagawin niya lang ito para sa ikasisiya niya. Kaya siya pinayagan nito.
Ginawa niya yun para kay Lu Jinnian at hindi bilang isang kasiyahan. Ngayon isa na siyang laruan sa paningin nito na pwedeng itapon anumang oras.
Nang makita niya si Song Xiangsi at siya na bilang Best Screen Couple. Gusto niya rin na magkaroon silang dalawa. Kahit na peke, dahil walang tiyansang maging totoo ito. Ito ay parang pagpapaganap na maging asawa bilang pabor kay Han Ruchu.
Ngayon naiintindihan niya kung gaano kababa ang tingin at pagkamuhi nito sa kanya.
Naisip niya ang 13 years na pagmamahal niya para sa kanya. Hindi niya alam kung gaano niya itong katagal mamahalin.
Matagal bago na sagot ang tanong ni Zhao Meng kay Qiao Anhao. Lumingon ito sa kanya, "Dahil maraming pera sa entertainment industry."
"Pft... Kailangan mo ng pera?"
"Wala naman nagrereklamo dahil sa maraming pera, tama?"
"Sige sige sige... Kung marami ka ng pera Qiao Qiao, bigyan mo ko ha!"
"Sige walang problema kada 100 bucks, 1 cent para sayo."
"Grabe capitalists ka masyado..."
"Hehe"
"Qiao Qiao, huwag kang mag-alala, kahit anong mangyari nandito ako para sayo"
Natahimik si Qiao Anhao at mahinang sinabi, " Maraming salamat, Zhao Meng."
-
Simula ng may nangyari sa kanila ni Lu Jinnian at sa shooting. Iniiwasan na niya si Lu Jinnian. Kung makikita sila, hindi na siya nagsasalita.
Matapos ang shooting, maliban sa hapunan, hindi na nagpunta si Qiao Anhao sa social events. Kung magpupunta siya sa cafeteria, titignan muna niya kung nandoon si Lu Jinnian. Babalik nalang siya kuwarto kung nandoon ito at babalik nalang kung wala na ito. Tira-tira pagkain nalang ang naiwan matapos.
Lumipas ang kalahating buwan. Nagpahinga ang crew ng tatlong araw dahil sa kaarawan ni Song Xiangsi at nagdesisyon ito na magkasiyahan.